Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA

SA PILIPINAS
MGA URI NG PRAYLE:

HESWITA AUGUSTINIAN
DOMINIKANO
PRANSISKANO
PANAHON NG KASTILA
(1600-1900)
• Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay
ginawa ng mga misyonerong kastila na karamihan ay mga
paring Heswita at Dominikano sa layuning mas mapabilis
ang pagpapalaganap ng kristiyanismo sa buong daigdig.

• Ayon sa kanila, mahirap turuan ang mga Indio ng


wikang Espanyol kung kaya't ang mga paring Heswita at
Dominikano na lamang ang nag-aral ng ating wika.
• Pebrero 13, 1565, dumating sa Cebu ang anim na
paring Augustinian kasama si Adelentadong Miguel Lopez
de Legazpi.

• Hindi pa sopistikado ang naging pag-aaral ng mga


prayle sapagkat hindi pa gaanong nalilinang ang
linggwistika sa panahong ito at hindi rin nagkaroon ng
pormal na pagsasanay sa larangan ng agham-wika.

• Ang mga pag-aaral na ito ay itinuturing na napakahalaga


bilang panimulang pag-aaral sa katutubong wika.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
NAPADALI ANG PAG-AARAL SA
WIKANG KATUTUBO
Noong taong 1594, nagkaroon ng pagkakahati-hati
ang mga kapuluan sa apat na Orden:

i. Ang Kabisayaan ay napunta sa mga Augustinian at


Heswita

ii.Ang Ilocos at Pampanga ay napunta sa Augustinian

iii.Intsik, Panggasinan, at Cagayan naman ang ibinigay sa


mga Dominikano; at

iv.Ang Kabikulan ay napunta sa mga Pransiskano.


• Nagkaroon ng sigla ang pag-aaral sa mga katutubong wika
at kalauna'y humantong ito sa pagpapalimbag ng mga Aklat
Gramatika at Diksyunaryo.

• Ayon kay Phelan, mahigit 24 na aklat ang nailimbag sa


wikang tagalog at lima naman ang sa wikang Bisaya.
MGA PAG-AARAL SA
WIKANG TAGALOG
Nauukol sa Gramatika:

1. Arte y vocabulario de la Lengua Tagala' (1581) ni Pari


Juan de Quiñones
2. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala' (1610) ni Pari
Francisco Balancas de San Jose
3. Arte de Lengua Tagala' (1703) ni Pari Gaspar de San
Agustin
4. Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Pari Juan Corica
5. Ensayo de Gramatica Hispano- Tagala' (1878) ni Pari
Toribio Minguella
6. Mga akda ni Pari San Juan Plasencia na isang gramatika
sa tagalog, isang diksyunaryo sa tagalog, at isang katesismo sa
tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong taong
1852.
Nauukol sa talasalitaan:

1. Vale-Mecum o Manual de la Concervacion Familiar-


Espanyol Tagalog, Siglo de un Curioso Vocabulario de
Modismos Manileños ni T.M Abella
2. Vocabulario de la Lengua Tagala' (1613) ni Pari San
Buenaventura
3. Vocabulario de la Lengua Tagala' (1754) nina Pari Juan
de Noceda at Pari Pedro de San Lucar
4. Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala' ni Rosalio
Serrano
5. Diccionario de Terminos Communes Tagalo-
Castellano (1669) ni Pari Juan Coria
6. Diccionario Hispano-Tagalog (1889) ni Pedro Serrano
Laktaw
Iba pang Pag-aaral:

1. Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala'


(1605) ni Pari Balancas de San Jose
2. Compendio del Arte de la Lengua Tagala' (1745) ni
Gaspar de San Agustin
3. Arte de la Lengua Tagala' y Manual Tagalog (1745) ni
Sebastian de Tatones
4. Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala' (1889)
ni Dr. Jose Rizal
PANAHON NG KALAYAAN
Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Sa
panahong ito ay masasabing dumami na nang dumami ang pagsusuri
sa mga wika sa Pilipinas (cf. Constantino 1972). Ayon kay Constantino,
ang pag-unlad ng aghamwika sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang
pangyayari:

1. Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‘Summer Institute of


Linguistics’ noong 1953.
2. Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan
sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na lumikha ng malaganap na
pagnanais upang suriin ang mga wika sa kapuluan.
3. Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Pilipino,
lalo na pagkaraan ng 1960.
1. Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados Unidos at
ng Canada. Mababanggit dito ang ilang kilalang mga
linggwista sa kasalukuyan, tulad nina Constantino at
Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ng PNC, Gonzales ng De
la Salle, Llamzon at Pascasio ng Ateneo, Natividad ng DEC,
atbp.;
2. Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-PNC Consortium for
a Ph.D. in linguistics, halimbawa ay mayroon ng walong
nakatapos- Ma. Lourdes Bautista, Elvira Vergara, Gloria Chan-
Yap, Rosa Soberano, Sis. Ma. Isabelita Riego de Dios, Casilda
Luzares, Teresita Rafael at Emma S. Castillo.
ANG PAG—AARAL SA MGA WIKA SA PILIPINAS
AY MASASABING ISINASAGAWA NG IBA’T-
IBANG PANGKAT
1. Summer Institute ofNG MGA LINGGWISTA.
Linguistic
• Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkat ang Bibliya
at iba pang babasahing panrelihiyon.
2. Departamento ng Wikang Oryental at Lingwistika sa
Unibersidad ng Pilipinas.
• Itinatag ang nasabing departamento noong 1923
upang magsagawa ng pahambing na pagsusuri sa iba’t-ibang
wika sa kapuluan. Mababanggit dito ang isinasagawang
proyekto ng nasabing pangkat sa huling limang taon- ang
pagtitipon ng mga datos na leksikal at gramatikal mula sa lahat
ng wika at wikain sa kapuluan upang gamitin sa pahambing na
pagsusuri sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis ng nasabing
mga wika.
3. Language Study Center’ ng Dalubhasang Normal ng Pilipinas

• Sa ‘Language Study Center’ ng PNC ay nagsasagawa ng mga


pagsusuring-wika sa linggwistikang pamamaraan upang iangkop sa
pagtuturo ng wika. Ang aklatan ng LSC ay masasabing isa sa
pinakamayaman sa mga aklat panlinggwistika sa buong kapuluan.
MASASABI RIN NA ANG MGA
ISINASAGAWANG PAG-AARAL SA WIKA
AY MAUURI SA TATLO:
• Pag-aaral na nauukol sa pagkaklasipika ng mga wika sa
Pilipinas, at
• Mga pagsusuring historikal, at
• Mga pagsusuring palarawan.
ILAN SA MGA NAGSAGAWA NG
PANANALIKSIK NA HISTORIKAL.
• Dyen –mula sa Unibersidad ng Yale na itinuturing na
pinakakilala sa mga mananaliksik.
• Fr. Llamzon (1966)- sumulat ng isang artikulo na
tumatalakay sa kanyang isinagawang muling pagsusuri sa ə
ng Proto-Austronesian (PA).
TATLONG MODELO ANG NANGIBABAW SA
PAGLALARAWAN NG MGA WIKA SA
PILIPINAS PAGKATAPOS NG DIGMAAN.
1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog
at Ilocano.
2. Tagmemic Model na nilinang ni Kenneth L. Pike na syang
karaniwang ginagamit ng mga linggwista ng SIL
3. Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang
higit na pinaniniwalaan ng mga linggwista ng UCLA at sa UP
(cf. Constantino 1972).
ANO ANG PAGKAKAIBA-IBA
NG TATLONG MODELO SA
ISA’T-ISA?
• Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba ang tatlong
modelong nabanggit, lalo na ang dalawang una,tungkol sa
kung papaano sinusuri ang mga datos.
• Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-aayos o
paglalahad at sa pagbibigay-ngalan sa resulta ng pagsusuri.
• Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng mga
linggwista, gaya rin ng nangyari noong panahon ng
Kastila.Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang
naisasagawang pag-aaral sa ibang pangunahing wika.
• Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.

• Si Constantino ay may sinulat noong 1965 tungkol sa mga padron ng


pangungusap sa 26 na wika sa Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin.

• lInilahad sa nasabing artikulo ang ‘immediate constituent (IC) analysis’ na


sinundan ng ‘transformational-generative analysis’ ng mga pangungusap sa
wika.

• Pinangkat ni Constantino ang mga pangungusap na predikatibo (predicative


sentences) ayon sa mga balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:1.)
Definite; 2.) Indefinite; 3.) Situational

• Bawat isa sa mga IC ng pangungusap na tiyak ay pinangungunahan ng


‘particle’ o ‘marker’.
• Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mga pangungusap na
tiyak at di-tiyak at ang pangalawang IC ng mga pangungusap na
sitwasyonal bilang simuno ng mga pangungusap, at ang
pangalawang mga IC ng mga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap
at ang unang IC ng pangungusap na sitwasyonal bilang mga
panaguri.
• Masasabing ang pagsusuri ni Constantino sa mga simuno at
panaguri ng mga wika sa Pilipinas ay may malaking pagkakaiba sa
tradisyunal na pagsusuring sinunod nina Blake, Bloomfield, Lopez at
iba pang linggwista.
• Sa Tradisyunal na pagsusuri, ang unang IC ng alinmang
pangungusap na ‘predicative’ sa normal na ayos ang syang
panaguri at ang pangalawang IC ang simuno maging anuman ang
uri ng pangungusap.
PAGSUSURI SA PONOLOHIYA NG TAGALOG
SIMULA NANG MATAPOS ANG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

(1). Ang sinulat ni Remedios Cayari noong 1596. Hindi kinilala ni


Cayari na magkaibang ponema ang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/
sa Tagalog kahit na may mga salitang hiram o katutubo sa Tagalog na
magagamit upang ikontrast ang mga ito. Ang Matandang Tagalog
ay walang mga tunog na /e/ at /o/. Ang mga ito’y hiram lang natin sa
Kastila.
(2) At (3). Ang dalawa pang pag-aaral sa ponolohiya ay ang kina
Robert Stockwell (1957) at Teodoro Liam-zon (1966).Sa dalawang
pag-aaral nito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga
ponemang /e/ at /i/, gayundin ng /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang
mga klaster at mga padron ng intonasyon ng Tagalog.

(4). Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sa palatunugan ng


Pilipino ay ang kay Andrew Gonzalez (Acoustic Correlates of Accent,
Rhythm and Intonation in Tagalog) na nalathala sa PHONETICA.
SA UP AY MABABANGGIT ANG APAT NA TESIS NA
TUMATALAKAY SA IBA’T-IBANG ASPETO NG
GRAMATIKA NG TAGALOG
• Kay Silverio ( 1962) na sumusuri sa mga pandiwa at pangungusap
na ‘passive’ sa Tagalog;

• Kay Gonzales (1962) na tumatalakay sa mga pandiwa at


pangungusap na ‘active’;

• Kay Cayari (1963) na nagkaklasipika ng mga pandiwang


pamanahon (time adverbs) ng Tagalog ayon sa distribusyon;

• Kay Paz (1967) na nagsusuri sa morpolohiya at sintaksis ng mga


pangalan at pang-uri sa Tagalog.
MGA NAKAPAGTAPOS SA CONSORTIUM FOR
A PH. D. IN LINGGWISTIKA AT ANG
KANILANG MGA PAKSA
• Bautista, Ma. Lourdes S. “The Filipino Bilingual’s Competence: A
Model Based on an Analysis of Tagalog-English Code Switching

• Chan-Yap, Gloria. “Hokien Chinese Loanwords in Tagalog.” 1975.

• Soberano, Rosa P. “The Dialect of Marinduque Tagalog.” 1976.

• Vergara, Elvira C. “Subcategorization and Selectional Restrictions


of English Words”. 1975.
• Rafael, Teresita C. “Negativization in the Bisayan Languages: A Case
Study of the Evolution of a Subsystem”. 1976.

• Castillo, Emma S. “A Test of Communication Competence in Pilipino


for Prospective Elementary School Teachers”. 1978.

• Castillo, Emma S. “A Test of Communication Competence in Pilipino


for Prospective Elementary School Teachers”. 1978.

• Luzares, Casilda. “The Morphology of Selected Cebuano Verbs: A


Case Analysis .” 1975 .

You might also like