Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan : Estrada, Jhalyssa S.

Petsa : 10/30/22
Seksiyon : 11 – Owen

PAA8-PT2: Panimula ng Pananaliksik

Paksa : E-commerce sa Panahon ng Pandemya: Pagsaliksik sa Impluwensiya ng Pagsabak sa


Online Selling ng Mga Pilipino.
Nilimitang Paksa : Impluwensiya ng Pagsabak sa Online Selling ng Mga Pilipino sa Panahon ng
Pandemya.
Tesis na Pahayag : Ang online selling bilang isang makabagong pamamaraan ng pagbebenta ng
produkto sa internet, patok at lumalagong negosyo ngayong panahon ng pandemya.

Sinubukan ng pandugong Covid-19 ang bawat isa, mula sa gobyerno hanggang sa mga
negosyo, hanggang sa kanilang limitasyon, at oo, kasama dito ang e-Commerce. Ang e-
Commerce ay kapansin-pansing mas mabilis at mas mura kaysa sa mga tradisyunal na
transaksyong pang-ekonomiya, dahil pinapababa nito ang alitan sa pamamagitan ng pagbawas sa
halaga ng pagpapalitan ng impormasyon. Ayon sa Lungsod at County ng San Francisco (2022),
ang online selling bilang isang makabagong pamamaraan ng pagbebenta ng produkto sa internet,
patok at lumalagong negosyo ngayong panahon ng pandemya. Ang e-commerse o ang
pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1960s kasabay ng pagdating ng Internet
kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay natawag ang pansin (Guevarra, 2018).
Ang pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa maraming
negosyante, nagkakaroon din ang mga tao ng pagpipilian na hindi lumalabas ng bahay upang
mabili nila ang kanilang mga mga pangangailangan. Ang mga online na transaksyon ay
magiging bagong pamantayan na ngayon para sa pakikipag-ugnayan sa mga kliyente, mamimili,
at mga supplier (De Vera, 2020). Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng
karagdagang kaalaman sa mga mamayanang Pilipino na nagbukas o magbubukas pa lang ng
sariling negosyo gamit ang internet. Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil naibahagi ang mga
impluwensiya ng pagsabak sa online selling ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong talakayin ang mga sumusunod na suliranin; Bakit
maraming mamayanang Pilipino ang tumatangkilik sa pagbubukas ng negosyo sa panahon ng
pandemya?; Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang negosyanteng magtatayo ng isang
Online Business? Sa kasalakuyang dulot sa banta ng Covid 19, Ang E-commerce ay may hindi
mapag-aalinlanganan na potensyal na paglago sa industriya ng Pilipinas. Gayunpaman, ang
bagong normal ay hinamon ang liksi, pangako, at tibay ng mga negosyo. Ang e-Commerce ay
napangitaan na bilang isang pangunahing pang-ekonomiyang nag-aambag lalo na sa ating
kasalukuyang panahon. Ayon sa International Trade Administration (2022), noong 2021, umabot
sa $17 bilyon ang benta ng eCommerce market ng Pilipinas, na higit sa lahat ay naiambag ng 73
milyong online na aktibong user. Ito ay tinatayang aabot sa $24 bilyon, na may 17% na paglago
hanggang 2025. Ang pandemya ng COVID-19 ay tumaas ang pangangailangan sa eCommerce,
kung saan ang mga Pilipino ay nagtatrabaho at nag-aaral mula sa bahay (Miva, 2022). Ang
pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga negosyanteng Pilipino na kasalukuyang
nagnenegosyo o magnenegosyo pa lamang at naninirahan sa loob ng Pilipinas.

Sanggunian
Guevarra, L. M. (2020, Setyembre 6). History, Development, and Future of eCommerce.
Spiralytics. Kinuha mula sa https://www.spiralytics.com/blog/past-present-future-
ecommerce/
International Trade Administration. (2022, Hulyo 25). Philippines - Country Commercial Guide.
Kinuha mula sa https://www.trade.gov/country-commercial-guides/philippines-
ecommerce
MIVA. (2020, Nobyembre 23). The History Of Ecommerce: How Did It All Begin? Kinuha mula
sa https://blog.miva.com/the-history-of-ecommerce-how-did-it-all-begin
SF.GOV. (2022, Abril 25). Patakbuhin ang iyong negosyo nang ligtas. Kinuha mula sa
https://sf.gov/fil/operate-your-business-during-coronavirus-pandemic
De Vera, B. O. (2020, Hulyo 11). Gov’t eyes support for e-commerce boom. Philippine Daily
Inquirer. Kinuha mula sa https://business.inquirer.net/302382/govt-eyes-support-for-e-
commerce-boom

You might also like