Talumpati Tungkol Sa Depresyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Talumpati tungkol sa Depresyon“

Lahat tayo ay may kanya-kanyang buhay. Kanya-kanyang pag-iisip at kanya kanyang pagsubok.
Sa bawat pagsubok na ating madadaanan,lahat ay nagdudulot ng sakit at pighatu dahilan kung
bakit karamihan sa atin ay napunta sa mundo ng depresyon. Isang mundo na kung saan ikaw
lamang ang ato, mundong pinaramdam sayo kung gaano ka kawalang kwenra,mundong
mapapatanong ka kung bakit mo naranasan niyan? Bakit nagkaganiyan ang iyong buhay? At sa
dinami-dami ng tao sa mundo bakit ikaw pa?
Subalit,ano nga ba ang depresyon? Ang depresyon o “major depressive order“ ay isang “mood
disorder“ kung saan ang isang tao ay nakaranas ng patuloy na kalungkutan at pagkawala ng
interes sa maraming bagay. Kadalasan ang taong nakararanas ng matinding depresyon ay
mayroong pakiramdam na ayaw na mabuhay at hindi na makakilos ng normal para sa kanilang
“activities“ araw-araw.
Kadalasan sa nakaranas ng depresyon ay mga kabataan. Ang karaniwang dahilan nito ay pag-
aaral, kahirapan at problema sa pamilya.
Sa ating pag-aaral di talaga mawawawala ang sunod-sunod na gawain sa paaralan kaya minsa
ika'y mabalisa o malilito kung ano ang uunahon mo. Kaya mapatanong ka na lang sa iyong sarili
kung “kaya ko pa ba ito?“ o mapapasabi ka nalang na “ayoko na.“
Bilang estudyante din, tayo ay nangarap na magkaroon ng mataas na marka. Ngunit,hindi sa
lahat ng pagkakataon,pabor ang panahon sa atin. Masakit man isipin,pero may mga estudyante
talaga na na kinitil ang kanilang buhay dahil sa mababang marka or grado na kanilang
natanggap.
Kapag may ganiyang trahedya madali lang sabihin sa mga tao o natin ang katagang “dahil lang
sa grades magpapakamatay?“ Pero di natin alam ang epekto nito sa kanila. Ang sakit o
“dissapointment“ na nararamdaman nila lalo na pag sila ay “grade conscious“ o yung pamilya
nila o mga taong nakapaligid sa kanila ay may mataas na “expectations“ sa kanya na kapag ikaw
ay makakuha ng mababang marka para sayo “napakabobo mo na o kundi wala kang kwentang
estudyante.“ dagdagan pa kung anh taong yan ay may problema din sa kaniyang tahanan edi
labis na kalungkutan ang kaniyang mararamdaman kaya wag agad husgahan ang taong nasa
ganyang sitwasyon because each of us have different emotions and struggle of our
life.Depression is depression. Pagdradrama o overacting para sa iba, pero ito ay seryosong
karamdaman ng kalooban na kailangang bigyang pansin ang mga taong nakaranas nito.
Damayan sila,iparamdaman sa kanila na hindi sila nag-iisa. Tandaan, “Mental Pain Is Harder to
Bear Than Physical Pain.“

You might also like