Professional Documents
Culture Documents
Modyul 2 Kasaysayan NG Wika
Modyul 2 Kasaysayan NG Wika
WIKANG PAMBANSA 1
ARALIN 3 (LINGGO 3)
YUNIT II
KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
2
PANAHON NG KASTILA
▪ Ipinag-utos ng hari Espanya na turuan ang mga katutubo
ng wikang kastila. Ngunit hindi nila nasunod ang utos ng
hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa
tatlong dahilan:
1. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga
katutubo.
2. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo
laban sa kanila.
3. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng
Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang
ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
• Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming
makabayan ng mga Pilipino .
• Dito naitatag ang “Kartilya ng Katipunan” na
nakasulat sa wikang Tagalog.
• Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang
pampanitikan na siyang nagpapagising sa damdaming
makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
• Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na
ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang
opisyal ng Pilipinas.
PANAHON NG AMERIKANO
❖ May pagbabagong nagaganap pagdating ng mga
Amerikano sa bansa.
❖ Kabaliktaran ang nangyari sa panahon ng
Amerikano. Pilit nilang pinakalimutan sa mga
katutubo ang wikang bernakyular at sapilitang
ipagamit ang wikang Ingles.
❖ Malugod naman itong tinanggap ng ating mga
ninuno sa kadahilanang : (1.)Uhaw ang ating mga
katutubo sa edukasyong liberal. (2.) Mabuti ang
pakikitungo ng mga Amerikano sa mga katutubo.
❖ Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan
sa Maynila na kung saan ang mga sundalong
Amerikano ang kanilang unang naging guro.
❖ Monroe Educational Commission (1925) –
Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang
Pilipino kung Ingles ang gamiting wikang panturo
sa paaralan batay sa ginawang sarbey.
❖ Panukalang Batas Blg. 577 (1932) – gamitin
bilang wikang panturo sa mga paaralang primary
ang mga katutubong wika mula taong panuruan
1932-1933.
PANAHONG PAGSASARILI
❖ Saligang Batas ng 1935, Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3 –ay
nagsasabing ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
❖ Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936). Itinatag ng
katanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa na binigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga pag-aaral sa lahat ng mga
sinasalitang wika sa kapuluan.
❖ Nobyembre 9, 1937 – Isinumite ng mga miyembro ng SWP kay
Pangulong Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog ang
gagamiting batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa.
❖ Disyembre 30, 1937 – Nagkabisa ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na wikang Tagalog ang gawing
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay
ipinahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng
brodkast sa radio mula sa Malacanang.
❖ Disyembre 13, 1939- Nailimbag ang kauna-unahang
Balarilang Pilipino na siyang bunga ng walang pagod na
pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K.
Santos na kinikilalang “ Ama ng Balarilang Pilipino.”
❖ Abril 1, 1940, kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – dito
ipinalimbag ang Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng
Balarilang ng Wikang Pambansa upang magamit ng
paaralan sa buong kapuluan.
❖ Hunyo 19, 1940 – dito sinimulang
ituro ang pambansang wikang
nakabatay sa Tagalog sa mga
paralang pribado at pampubliko.
PANAHON NG HAPON
Seksyon 6
Mga Kagawaran ng Gobyerno ng
Pilipinas
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Department of Science and Technology (DOST)
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Enerhiya
Department of Energy (DOE)
Kagawaran ng Kalusugan
Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Katarungan
Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Pananalapi
Department of Finance (DOF)
17
Kagawaran ng Transportasyon
Department of Transportation (DOTr)
Kagawaran ng Teknolohiyang
Pang-Impormasyon at Komunikasyon
Department of Information and Communications Technology (DICT)
Kagawaran ng Turismo
Department of Tourism (DOT)
18
❖ Resolusyon Blg. 70 (1970) – ay
nagsasabing ang wikang pambansa ay
naging wikang panturo sa antas
elementarya.
❖ Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29,
1971. Humiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng lingo ng
Wikang pambansa tuwing Agosto 13-19.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
❖ Resolusyon Blg. 73 (1973) – iniluwal ang patakarang
bilingguwal. Ito ay ang paggamit ng wikang Ingles at
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na
aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum
mula unang baiting ng mababang paaralan hanggang
Kolehiyo sa lahat ng paaralan.
❖ Noong 1974-75 – ay sinimulang ipatupad ang
patakarang Edukasyong Bilingguwal.
❖ Ipinalabas ang mga aklat ng “ Mga Katawagang sa
Edukasyong Bilingguwal “ noong 1975 upang mabilis
na maipalaganap ang bilingguwalismo.
❖ Memorandum Serkular 77 (1977) – pagsasanay ng mga
pinuno at kawani ng mga pamahalaang local sa
paggamit ng wikang Pilipino sa mga
transaksyon,komunikasyon at korespondensya.
❖ Lumabas ang kautusang Pangministri Blg. 22 (1978) na
nag uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit na Pilipino sa
lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong
pang-edukasyon.
❖ Kautusang pangministri Blg. 40 (1979) – ang mga
estudyante sa medisina, dentisa , abogasya at paaralang
gradwado ay magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino
pati na rin ang mga estudyanteng dayuhan.
❖ Memorandum Sirkular Blg. 80-86 ( Nobyembre
1980 ) – nag-aatas sa lahat ng mga gobernador at
mayor ng Pilipinas sa isa-Pilipino ang mga
Sagisag-opisyal.
❖ Kautusang Pangministri Blg. 102 – nagtatakda ng
mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro sa
Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas
tersyarya.
❖ Constitutional Commission ( Setyembre 10, 1983 )
– nagpatibay na ang Pilipino ay gagawin bilang
Wikang Pambansa.
PANAHON NG KASALUKUYAN