Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sagutan ang mga tanong na nasa ilalim.

1. Ano ang wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan


ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika
sa diagrid, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano
ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay
tinatawag na lingguwistika.

2. Kahalagahan ng wika?

Malaki rin ang papel ng wika sa pagtatala ng mahahalagang ganap sa kasaysayan na


dapat nating balikan bilang pundasyon ng ating kasalukuyan. Sa pamamagitan ng mga
isinulat na tala ng mga mahahalagang personalidad sa kasaysayan, ay nalalaman natin
ang mga nangyari sa mga panahong hindi pa tayo buhay at wala pang malay sa mga
nanganap .

3. Sampung konsepto ng wika?

Wikang Pambansa -  Ang wikang pambansa ay isang wikang may ugnayang de facto at
de jure. Ang de facto na pagkilala ay walang nakasulat na legal na batayan ngunit
nakabatay sa mga katotohanan sa anyo ng mga umiiral na kundisyon. Sa kabilang
banda, ang de jure ay may nakasulat na legal na batayan sa anyo ng mga dokumento
mula sa ibang mga bansa kasama ang lahat ng mga kahihinatnan.

Ang wikang pambansa ay maaaring kumatawan sa pambansang pagkakakilanlan ng


isang bansa o estado. Ang wikang pambansa ay maaaring isang pagtatalaga na
ibinibigay sa isa o higit pang mga wika na ginagamit bilang unang wika sa teritoryo ng
isang bansa.
Wikang Panturo - Ang wikang panturo ay ginagamit sa pormal na edukasyon.Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at sa pagaaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat  at kagamitan sa pagturo sa silid aralan

Wikang pambansa/Panturo – Tinuturo sa paaralan kung pano gunamit ng ating sariling


wika.

Wikang Opisyal - Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng


bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang
teritoryo.
Bilingguwalismo - Ang bilingguwalismo ay ipinahihiwatig sa pamamagitan ng paggamit
ng hindi kukulang sa dalawang wika ng tao. 

Multiligguwalismo – Tumutukoy sa lakayahan ng isang taong makapagsalita ng iba’t-


ibang wika.

Multilingguwalismo Layunin - Layunin ng multilinggwalismo na magkaroon ng mga


wikang gagamitin sa isang partikular na lugar.

Homogenous - Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan


ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon

Heterogenous - Dahil iba - iba ang pinagsimulaan ng mga tao sa mundo kaya iba din
ang wika na natutunan ng mga tao sa kanilang mga ninuno.

Barayti ng Wika - Ang Barayti ng Wika ay isang maliit na pangkat ng formal o


makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-
sitwasyunal. Mauuri ang barayti ng wika sa dalawa ayon sa katangian nito ang
Permanente at Pansamantala.

You might also like