Ang Aking Personal Na Karanasan Sa Bagyong Yolanda 2013

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Personal na Karanasan sa Bagyong Yolanda 2013

Tunay ngang ang kalamidad ay nakapipinsala sa maraming tao,Ang Bagyong Yolanda na ata ang
kalamidad na hindi ko makakalimutan sa aking buhay,Malaki ang napinsala nito sa aming Brgy.San
Vicente,nagsimula ang lahat noong nag-anunsyo ang aming barangay bandang alas-dos ng hapon na
maghanda at baka umapaw ang dike,at bumaha.Yung din oras na iyon kami ay agad na naghanda ng
aking pamilya itinaas namin ang aming mga importanteng gamit lalo na ang mga dokumento at first aid
kit,mga pagkain inumin ect,pagkatapos ng paghahanda ay nanalangin muna kami sa panginoong diyos
na kami ay gabayan sa lahat ng oras.Bandang alas-singko ng gabi ay nagulat ang lahat ng ng i-anunsyo ng
mga tayong naglilibot na tuluyan ng tumataas ang tubig sa daan,hanggang sa umabot na iyon hanggang
tuhod,Dali Dali kaming nagpunta sa bahay Ng aking tita na may itaas ang bahay doon kami nanirahan
habang patuloy natumataas ang tubig,sumilip ako sa bintana habang nasa itaas at tinitignan ang mga
nagsisilikas at kumasakay ng Bangka at mga taong nasa bubong,pumasok talaga sa aking isipan na ang
hirap palang dumanas ng kalamidad,maraming tao ang nasugatan,namamatay,at na trauma sa
pangyayari lalo na ang mga bata,matanda at may mga kapansanan na hindi alam ang kanilang
gagawin.Buti nalang ay kumpleto ang aming pamilya at ligtas,ang aking nanay na nasa ibang bansa ay
abot kamay ang dasal para sa aming kaligtasan,Malaki ang epekto nito sa amin dahil nasira ang mga
pananim namin sa bakuran,maraming nawalang gamit,pagkain,kakulangan sa damit,at nagkaroon ng
sugat ang aking kapatid sa paa sanhi ng alipunga.

Nobyember 10,unti-unting humuhupa ang tubig,Kami ay nagpasya ng umuwi ng aking pamilya


sa aming bahay upang tignan ang itsura nito nakita namin ang mga sira-sirang gamit,halos ang mga
litrato naming magkakapatid ay nabura halos dina makita,pumasok kami ng aking mga kapatid sa
kwarto at nanalangin (INC) na tulungan sana kami ng panginoon na makabangon sa madilim na sinapit
ng aming barangay at aming bahay,at nagpatuloy na kami sa paglilinis,nagtanim ng mga panibagong
halaman,pagsisimula ng masayang pamilya at pananalig sa diyos sa lahat ng oras ay
nagmamahalan,dahil likas naman sa ating mga walang pilipino ang pagiging matatag sa lahat ng hamon
at pagsubok sa buhay.

Sa pagtutulungan ng bawat isa ay tunay ngang malalampasan ang kahit anong kalamidad,Sa
gang akin,upang maiwasan ito ay kailangan pang-paigtingin ang pagtatanim ng maraming puno at itigil
ang pagtotroso,dahil ang pagpuputol ang pagtotroso ang dahilan ng pagbaha dahil walang sisipsip ng
tubig,hanggang ngayon aking sinasanay ang aking sarili na magtapon ng basura sa tamang lalagyan,at
nakikiisa ako sa paglilinis ng kapaligiran sa aming harapan Ng bahay.Dapat maging alerto at handa sa
lahat ng oras,maging mapanalanginin sa diyos. Iyan ang aking mga natutunan,naranasan,at ginawang
paghahanda sa oras ng kalamidad.

Submitted by:Deang,Mark T. Grade & Section:11- Chrysanthemum GAS 1

Submitted to:Mrs.Belinda Cabrera Subject: D.R.R.qq

You might also like