Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Letran de Davao of Maco, Inc.

8806, Poblacion, Maco Davao de Oro, Philippines


letranmaco65@gmail.com

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 7
SY 2022-2023

Pangalan: __________________________________________________________________________ Iskor: ________________________


Grado at Seksyon: _________________________________________________________________ Petsa: _________________________
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Ilagay ang tamang sagot katabi ng
bawat aytem (20 puntos).
1. Ang Ilog Huang Ho ang isa sa may malaking naitulong sa mga mamamayan ng Silangang Asya. Base sa
iyong pinag-aralan, ano ang mangyayari kapag umaapaw ang ilog Huang Ho?
a. bumabaha sa kanilang lugar c. nagiging mataba ang lupang taniman
b. naging maganda ang ilog d. natatakot ang mga tao
2. Dito unang umusbong ang unang sibilisasyon kung saan matatagpuan ang kilalang mga anyong tubig na Ilog
Tigris at Euphrates. Alin sa mga sumusunod na bansa matatagpuan ang binansagang Mesopotamia Noon?
a. Iran c. Lebanon
b. Iraq d. Israel
3. Dahil sa lawak ng lupang sakop at iba pang pisikal na katangian sa kapaligiran ng Asya, nararanasan dito
ang iba’t ibang klima. Kung kaya’t maituturing na klimang ______ ang rehiyon ng Timog Silangang Asya
na isa sa rehiyon sa Asya.
a. tropikal c. nagyeyelo
b. polar climate d. desert tropical
4. Ang Hilagang Asya ay nakakaranas ng nagyeyelong klima. Ano kaya ang mangyayari sa mga puno at
halaman sa rehiyong ito?
a. hindi masisira ang mga puno at halaman c. namumunga ang mga puno at halaman
b. hindi tutubo ang mga puno at halaman d. natabunan ang mga puno at halaman
5. Ang Timog-Silangang Asya ay itinuturing na sagana sa mga likas na yaman. Bakit ang rehiyon na ito ang
kinikilalang mayaman sa likas na yaman?
a. dahil maganda ang kanilang rehiyon c. dahil sagana ito sa mga produkto
b. dahil mayaman ito sa mga salapi d. dahil sa tropikal na klima nito
6. Sa Silangang Asya matatagpuan ang mga yamang tubig tulad ng ilog Huang Ho at ilog Yangtze na
pinakamahabang ilog sa Asya. Ano ang pangunahin naitulong nito sa mga mamamayan ng Silangang Asya?
a. nagsilbing daanan ng kalakalan c. nagsilbing susi ng pag-unlad
b. nagsilbing lunduyan ng sibilisasyon d. pinagbuklod nito ang mga mamamayan
7. Ang Ilog Huang Ho ang isa sa may malaking naitulong sa mga mamamayan ng Silangang Asya. Base sa
iyong pinag-aralan, ano ang mangyayari kapag umaapaw ang ilog Huang Ho?
a. bumabaha sa kanilang lugar c. nagiging mataba ang lupang taniman
b. naging maganda ang ilog d. natatakot ang mga tao
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi implikasyon ng pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng iba’t ibang grupong
Etnolinggwistiko sa Asya?
a. mayaman ang kultura ng mga bansa sa Asya
b. may sariling pagkakakilanlan ang bawat pangkat
c. napanatili ang pagiging bukod tangi ng mga lahi, wika at kultura
d. namayani ang impluwensiya ng bawat isang pangkat sa isa’t isa
9. Ang paglawak ng industriya ay simbolo ng isang maunlad na bansa. Ano ang negatibong epekto ng
modernisasyon sa ating kapaligiran?
a. ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa, tubig at hangin
b. ang pagkaubos ng suplay ng mga pangunahing mineral
c. ang pagdagsa ng mga tao sa sentro ng industrayalisasyon
d. ang paglikas ng mga taong naapektuhan ng pagbabago
10. Ang India ay isa sa mga bansang malaki ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Bilang
isang tagapayo ng punong ministro, ano ang iyong maimumungkahi upang masolusyunan ang nasabing
suliranin?
a. maaring lakihan ang buwis na ipapataw sa mga mayayaman
b. gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mahihirap na tao
c. gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mayayaman
d. bigyan ng sapat na kalinga ang mga mahihirap

11. Ang Asya ay napalilibutan ng iba’t ibang anyong-tubig tulad ng mga ilog at karagatan. Bilang isang NGO
volunteer,paano ka makatutulong sa pangangalaga nito?
a. magpaskil ng slogan na “Huwag manirahan dito”
b. maglunsad ng Fun Run para makalikom ng pondo
c. huwag hayaang manirahan ang mga tao sa mga pampang
d. magmungkahi ng pagpapatayo ng mga tulay na magdurugtong sa mga anyong tubig
12. Ang kanlurang Asya ay binubuo ng mga lupaing mayaman sa langis. Bilang isang negosyante sa Saudi
Arabia, nais mong mahikayat ang mga namumuhunan mula sa ibang bansa na makipagkalakalan sa iyong
Kompanya. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong rito?
a. mas mababang presyo ng pangunahing produkto ng bansa
b. mababang buwis sa mga produktong pangalakal.
c. malayang kalakalan
d. istriktong taripa at kota
13. Ang Asya ay napapalibutan ng iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga ilog at karagatan. Ano ang implikasyon
nito sa kultura ng mga sinaunang Asyano?
a. ang mga Asyano ay tumira sa siyudad
b. hindi mainam tigilan o tirahan ang mga ito dahil delikado sa mga kalamidad
c. nakaimbento ng sasakyang panlupa ang mga sinaunang tao
d. heograpiyang Pang- komunidad
14. Ang bansang sagana sa likas na yaman ay isang napakagandang oportunidad lalong lalo na sa mamamayan
kaya isa ito sa mga maipagmamalaki at isa sa pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Base sa mga sumusunod
na pangungusap, paano mo mailalarawan ang kahalagahan ng likas na yaman sa isang bansa?
a. ito ay kayamanan ng isang bansa
b. ito ay ginagawang palamuti sa bahay ang mga anito
c. pinanggagalingan ng sigalot ng mga bansa
d. suliranin ang bunga nito sa mga tao
15. Ang pag-usad at pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga likas na yaman na maaring magamit ng
mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng likas na yaman?
a. yamang- lupa c. yamang- mineral
b. yamang- tubig d. yamang- kasuotan
16. Nasa Kanlurang Asya ang pinakamalaking deposito ng fossil fuel. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa
Kanlurang Asya mula dito. Alin sa sumusunod ang pinakatanyag na produkto ng Kanlurang Asya?
a. ginto c. pagkaing-dagat
b. petrolyo d. produkto galing sa kagubatan
17. Binubuo ng pitong kontinente ang daigdig. Alin sa mga sumusunod ang kilala na mayaman sa likas na yaman
at tinaguriang pinakamalaking dibisyon sa globo?
a. Africa c. Europa
B. Asya D. Antarctica
18. Masama ang udlot ng deforestation dito sapagkat nababawasan ang likas na yaman ng kagubatan. Alin sa sa
mga sumusunod ang tawag dito?
a. erosyon c. natural Ecosystem
b. global Warming d. urbanisasyon
19. Ang Indonesia, Malaysia at Brunei ay may malaking deposito ng langis at natural gas. Alin sa mga
sumusunod na bansa ang may pinakamahabang linya ng tubo ng gas sa buong mundo?
a. Malaysia c. Brunei
b. Indonesia d. Singapore
20. Nakatutulong ng malaki sa agrikultura sa mga mamamayan ng Kanlurang Asya. Pinakamalaki sa mundo
ang produksiyon ng _______ ng hazelnut, cherry, apricot, quince at pomegranate.
a. India c. Jordan
b. Turkey d. Israel

II. Panuto: Tukuyin ang hindi kabilang sa pangkat. Piliin ang letra ng tamang sagot. (10 puntos)

21. a. bakal c. tanso


b. tungsten d. pino
22. a. kagubatan ng mga pino c. klimang tropikal
b. kabubatang tropikal d. damuhan
23. a. pagkakalbo ng gubat c. paggamit ng kemikal na pataba
b. urbanisasyon d. erosyon ng lupa
24. a. patatas c. trigo
b. barley d. palay
25. a. tubig na inumin c. enerhiya
b. isda d. halamang-dagat
26. a. matatayog na puno c. lumot
b. giant panda d. damo
27. a. paggawa ng yaring produkto c. pagsasaka
b. pagkalbo sa gubat d. pangingisda
28. a. muling pagpapagubat c. paghuli sa illegal na pagtotroso
b. pagtalaga ng gubat na di dapat galawin d. pagkakaingin
29. a. molave c. mahogany
b. tanso d. narra
30. a. prutas c. gulay
b. palay d. isda

III. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan at isulat ang MALI
kung ito ay walang katotohanan. (15 puntos)
31. Ang Timog Asya ay tinawag ding Indian subcontinent dahil para itong isang maliit na kontinente.
32. Ang timog-kanlurang bahagi ng India ay mainit at tuyo.
33. Ang kontinente ay isang napakalaking lupaing ang kabuuan ay halos napapaligiran ng mga katawang tubig.
34. Ang kontinente ng Antartica ay hindi maaaring tirahan ng mga tao dahil sa pisikal na lokasyon nito.
35. Sa Pilipinas matatagpuan ang malalawak na plantasyon ng punong goma.
36. Ang palay ay karaniwang itinatanim sa mataas na lugar na may tubig sa buong taon.
37. Ang alluvial ang tawag sa matabang lupa na inanod na nagmula sa mga kabundukan.
38. Ang Mesopotamia ay isa sa mga pinakaunang sibilisasyon sa daigdig.
39. Sa Lebanon at Turkey, nagtatanim ang mga tao ng trigo, barley, olives, ubas, tabako at saging.
40. Noong unang panahon, nagsimula sa isang kontinente ang daigdig na tinawag na Pangga.
41. Maliit lamang ang kinikita ng mga bansa sa Kanlurang Asya mula sa industriya ng langis.
42. Binubuo lamang ng limang kontinente ang daigdig.
43. Ang Disyerto ng Gobi ang pinakamalaking disyerto sa Asya.
44. Ayon sa Asia National Geographic, “Ang Europe ang isa sa pinakamahalagang rehiyon sa daigdig.
45. Ang Japan ang may pinakamalaking sukat ng lupa sa rehiyon ng Silangang Asya.
IV. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra na kumakatawan sa mga kapital ng mga
bansang nakatala sa Hanay A. (15 puntos)

HANAY A HANAY B
46. Philippines A. Riyadh
47. South Korea B. Bangkok
48. Saudi Arabia C. Tokyo
49. Thailand D. Islamabad
50. China E. Seoul
51. Japan F. Beijing
52. India G. Manila
53. Pakistan H. Jakarta
54. Sri Lanka I. New Delhi
55. Indonesia J. Colombo
56. Kazakhstan K. Taipei
57. Bhutan L. Singapore
58. North Korea M. Thimpu
59. Singapore N. Astana
60. Taiwan O. Pyongyang

You might also like