Sam - AP Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sultanato

- tawag sa organisasyong ipinakilala ng mga Muslim sa ating mga ninuno.

- binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon

Sayyid Abu Bakr

- nagtatag ng unang sultanato sa Sulu noong 1450.

Pat-a-pangampong ka Ranao

- sinaunang organisasyong sultanato sa Lanao na hanggang ngayon ay aktibo pa

Apat na Sultanato ng Lanao

1. Sultanato ng Unayan

2. Sultanato ng Masiu

3. Sultanato ng Bayabao

4. Sultanato ng Baloi

Sultan

- tawag sa pinuno ng sultanato

- pinakamayaman at pinakamakapangyarihan ds buong sultanato ang nahihirang na sultan

Ruma Bichara

- mga tagapayo ng sultan na tumutulong sa kaniyang pamamahala

- binubuo ng mga maimpluwensiyang datu sa sultanato

Iba pang tumutulong sa Sultan:

1. Raja muda - tagapagmana ng sultan

2. Dayang - asawa ng datu

3. Wazir - punong ministro

4. Datu maharaha layda - ministro ng adwana

5. Datu ladja laut - ministro ng dagat

6. Kali - hukom na itinuturing na pinakabihasa sa Koran at Shariah o batas ng mga muslim

MGA URI NG LIPUNAN

1. Datu o Maginoo - pinakamataas na antas ng katayuan sa lipunan

Lakan - Angkan ng mayayaman, makapangyarihan, at iginagalang ang mga pinuno sa buong barangay

Dayang - Tawag sa mga babae sa angkan ng mayayaman


 Tinatawag na panginoon ang isang kasapi ng kanilang angkan kung siya ay nagmamay-ari ng maraming bahay,
bangka, at alipin. Poon ang tawag sa kanilang pinakapinuno.

2. Maharlika - ikalawa o panggitnang antas ng katayuan sa lipunan at kinabibilangan ng mga kasapi ng nakatataas na uri
na bumubuo sa barangay

 Timawa o timagua ang tawag sa kanila sa ibang bahagi ng bansa

Mga katangian ng maharlika:

 ipinanganak na malaya
 kabilang sa mga tagapagtanggol ng datu o sultan at mga mangangalakal
 May tungkuling samahan ang datu sa pakikidigma, paglalakbay, paggawa ng bahay, pagsasaka, pagsasagawa ng
mga bangka, at sa mga gawaing pampamayanan
 Hindi nagbabayad ng buwis
 may karapatang mamili ng sariling hanapbuhay
 nakapg-aari ng lupa
 may karapatang mamili ng datu na kaniyang sasamahan o paglilingkuran

Ang pinalayang alipin ay kabilang din sa mga maharlika.

3. Alipin - pinakamababang pangkat sa lipunan

Oripon ang tawag sa kanila sa Bisaya.

Nagiging alipin ang isang mamamayan kapag:

1. ipinanganak sa mga magulang na alipin

2. nabihag sa digmaan

3. ipinambayad sa utang

4. nabili at naparusahan sa nagawang kasalanan

DALAWANG URI NG ALIPIN

1. Aliping namamahay - nakatataas kaysa sa aliping saguiguilid

 May karapatang pumili ng kaniyang mapapangasawa


 hindi maaaring ipagbili
 maaari ring manirahan sa sariling bahay
 maaaring magkaroon ng ari-aran, maliban sa lupang kinatitirikan ng kaniyang bahay
 binabayaran sa kaniyang paglilingkod

2. Aliping Saguiguilid - ang pinakamababang antas

 hindi malaya
 walang sariling tahanan
 walang pag-aari
 maaaring ipagbili ng kaniyang amo
 nakatira sa tahanan ng kaniyang amo
 naglilingkod nang walang bayad
 hindi maaaring mag-asawa nang walang pahintulot ng kaniyang amo

Maaaring maging malaya ang isang alipin kung siya ay:

 palayain ng kaniyang amo


 makapagbayad ng karampatang halaga sa kaniyang panginoon upang makamit ang kalayaan
 makapagpakita ng kabayanihan sa digmaan

KAGAMITAN AT KABUHAYAN NG SINAUNANG PILIPINO

Panahon ng Lumang Bato

- ang kanilang kapiligiran ay mas malamig kaysa sa kasalukuyang klima dahil may makapal na kagubatan na pinaninirihan
ng mga rhinocerus, stegodon, primitive bovine, baboy, usa, buwaya at pagong.

- namuhay sila sa pamamagitan ng pangangalap ng makakain sa paligid at pangangaso

- ang kanilang kagamitan ay magagaspang at panlahatan

Panahon ng Bagong Bato

- Ang kanilang kagamitan ay makikinis na bato

- Sa panahon ring ito natutong magtayo ng tirahan at magtanim ang ating mga ninuno

Panahon ng Pagpapalayok

- Panahon kung kailan nagsimula gumamit ng mga pinatigas na putik ang mga ninuno

- Dito rin nagsimula ang pagpapahalaga sa paggamit ng apoy

Panahon ng Metal

- kobre o tumbaga ang kauna-unahang metal na gamit ng ating mga ninuno

- Sinundan ito ng tanso at iba pang metal

PANGUNAHING KABUHAYAN NOON

1. Pagsasaka - pangunahing kabuhayan ng ating mga ninuno

- Gumawa sila ng mga patubig sa kapatagan upang masiguro na ang kanilang pananim ay mabuhay.

Banaue Rice Terraces - patunay na mahusay ang ating mga ninuno sa pagsasaka

2. Pagmimina - nagmina sila ng ginto, pilak, tanso, at bakal

3. Pangingisda - naging malaki ang kanilang pakinabang dito dahil saganang-sagana sa iba't ibang isda at halaman ang
ating mga dagat at ilog

4. Iba pang Hanapbuhay - isa pa sa kanilang ikinabubuhay noon ay ang paggawa ng sasakyang pandagat.

Telang Banton - ang kauna-unahang telang ikat na may hiblang paayon sa Timog-Silangang Asya.

KULTURA

Kultura - tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao

- Maari itong maging kulturang materyal at di-materyal


 Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa isang kataas-taasng nilikha na kinikilala nilang Bathalang Maykapal

Mga pinaniniwalaang diyos:

1. Idianale - diyos ng pagsasaka

2. Magwayen - diyos ng kabilang buhay

3. Sidapa - diyos ng kamatayan

4. Mandarangan - diyos ng digmaan

4. Agni - diyos ng apoy

 Gumagawa sila ng mga bagay o ukit sa anyo ng tao na kumakatawan dito na kung tawagin ay anito tulad ng
nakalarawang anitong Bulul ng mga Ifugao sa itaas.

Animism - pinaniniwalaan nila na ang mga bagay sa kalikasan ay may kaluluwa o espiritu.

 Ang takip ng manunggul jar ay dalawang pigura ng diwata na nakasakay sa bangka na naghahatid sa kaluluwa ng
namatay sa kabilang buhay sa kalaliman ng dagat.

You might also like