Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Aralin 4.

Panahon ng Hapon

Kaligirang Kasaysayan ng panahon

Kung ang panahon ng mga Amerikano ay Panahong Ginto ng Nobelang Tagalog,

ang panahon ng mga Hapones ay naging Gintong Panahon naman ng maikling Katha at

dulang tagalog sapagkat nabigyan ang maikling katha ng pagkakataon sa Liwayway.

Maikli man ang panahong sinaklaw ng panahong ito, nagkaroon ng kabutihan ang

pagbabawal na gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan.

Nabuksan ang pagkakataon na madagdagan ang mga manunulat sa wikang

tagalog sapagkat ang mga manunulat na dating nagsisisulat sa wikang Ingles ay

napilitang magsulat ng mga akda sa wikang Tagalog kaya sumigla ang wikang Pambansa

na itaguyod ng Pangulong Manuel L. Quezon.

Ang mga maikling katha sa panahong ito ay nagtataglay ng damdaming

makabayan. Nabigyang-diin ang katutubong kulay sa mga maikling kwento at ang mga

ito ay pumaksa sa uri ng pamumuhay noon na medyo may kahirapan.

53

Isang magandang pangyayari sa panahon ng mga hapones ang ginawang

panunuri sa maikling kwentong naisulat. Nanguna ang “Lupang Tinubuan” ni Narciso G.

Reyes, pangalawa ang “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at pangatlo ang

Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni N.V.M. Gonzales.

Sa panahong ito naisaaklat ang pinakamahusay na kathang Pilipino ng 1943 na

binigyan ng pamagat na “25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng 1943”. Sa panulaan,

dalawang uri ng tula ang kinakitaan ng pagbabago sa anyo at paksa. Hindi na paksa ng

pag-ibig at kaapihan ang pinaksa ng mga tula kundi mga obserbasyon sa mga

karaniwang nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga tulang itnutukoy ay

Haiku at Tanaga.
Ang haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahti sa

talong taludtod. Dahil sa paglabas ng haiku na dala ng mga Hapones, nabuhay ang isang

matandang tula na halos katulad din ng haiku, ang Tanaga. Ito ay binubuo naman ng apat

na taludtod. Ang bawat taludtod ay may pitong pantig, at ito ay nagtataglay ng tugma at

sukat.Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito

sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados

Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na

Pilipino, isang biyaya sa larangan gg panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol

nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong

Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan

gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa

Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang

nililikha.Ipinagbabawal ang paglathala at pagbibili ng mga pahayagang Tribune at

magasing Free Press.

Sa kabilang dako, ang amikling kuwento at dulang tagalog ay gumawa ng

matitingkad na alaala sa mga mamayang maghahanap ng mapagbubuntungan ng

kanilang mga daingat himutok. Kinilala ang panahong ito ng ibang manunulat bilang “

gintong panahon ng maikling kuwento at dulang tagalog. Nagkaroon ng mga grupo ng

kritiko na tumutok sa mga paksain ng mga manunulat kaya nabuo ang taguring “batikang

manunulat”. Ang rekognisyong iginawad ng mga manunulat na ito ay nanatilihanggang

pagkatapos ng liberasyon. Nalathala ang Dalawampu’t limang (25) Pinakamabuting

maikling Kathang Pilipino” noong 1944’. Higit pa riyan sumigla ang tatsulokng

kritikong manunulat na walang iba kundi si Lope K. Santos, Julian Cruz balmaceda at

Inigo Ed Regalado.

Kung may kabutij=hang naidulot ang panahong ito sa iba pang genre ng
panitikan, iyo ay sa panulaan— ang haiku at tanaga.

Haiku

Ang Haiku ay maikling tilang labimpituhing pantig (17) lamang at binubuo ng

tatlong taludtud. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin.

Ang kagandahan ng uri ng tulang ito ay nakasalalay sa mga ipinahiwatig na imahen nito

at sa malalim na kahulugang taglay ng talinghaga.

Halimbawa:

A. Bayan kong mahal

Buhay ay ibibigay

Iyan ay tunay

Wala ng iba

Ikaw lamang at ako

Pang habang buhay

54

B. Sa dulo nito

Ikaw lamang at ako

Hindi bibigo

Sa aking buhay

Sayo lamang hihintay

Wala ng iba.

TANAGA

Ang tanaga ay maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod nito ay may

pitong(7) pantig. Nagtataglay ito ng mga matatalinghagang kahulugan.

Halimbawa: MGA TANAGA

Rogelio Mangahas
A. Karanasan B. Luha sa mga Labi

Ang klase pang marooning, bakit ako may luha

Matututo ang guro, sa aking mga labi?

Kung wala lamang balong, may lihim ang makata

Mag-iisip ang puso. At musa yaong susi

Ang Dula

Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao ay humanap ng

kahit na kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa

giyera at ang mga artista ng puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang

malalak’t maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas ng dula.

Nagtatag ng Dramatic Philippines ni Francisco Sycip at kabilang ditto sian Narciso

Pimentel, Francisco Rodrigo, Albert Canio, at iba pa.

Isa sa mga sinulat ni Francisco Soc Rodrigona maituturing na higit na kinagigiliwan

ng panahong iyon ay ang dramang Sa Pula, Sa Puti. Ito ay tungkol sa iang karaniwang

mag-asawa . Ang lalaki’y isang sabungero. Dumating sap unto na halaos manok na

lamang ang inasikaso kaya’t gumawa ng paraan ang asawang si Ceiling upang maputol

ang bisyong ito.

Sa papanhong ito ay usung-uso pa rin ang mga bodabil dahil halos walang mga

pelikulang ipinalalabas. Ito’y nagbigay daan sa Barangay Theater Guild na pinamunuan

ni Lamberto V. Avellana, sa mga nagtatanghal ng stage shows. Ang mga dulang ito ay

sinsundan ng mga awitan at sayawan nga iskit na nakatatawa. Sa huling nabanggit

sumikat ng husto sina Tugo at Pugo. Sa panahong ito, sumikat nang lubusan si Kathy

dela Cruz, ang sophie Tucker of the Philippines. Kilalang-kilala rin si Atang dela Rama

dahil sa kanyang mga kundiman.

ANG LITERATURA NG HUKBALAHAP


Ang HUKBALAHAP ay sumilang bunga ng iba’t ibang kadahilanan ( Cesario Y.

Torres, 1982:42) na binanggit ni Dizon, et al 2010.

1. Bunga ng 400 taonng pananakop ng mga dayuahn sa Pilipinas.

2. Nag-ugat ito nang malalim na kahirapang bunga ng sistemang enkomyenda ng

mga kastila na sa kalauna’y naging Sistema ng panghuhuthot.

3. Sa panahon ng mga Amerikano, hindi rin nabigyang-lunas ang problema sa

kabukiran sa dahilang ang ginawang reporma ay panakip-butas lamang.

Hindi na rin matiis ng mga mambubukid ang ginagawang pagmamalabis at

kalupitan ng mga enkomendero sa kanila kaya nagkaisa silang maghimagsik. Sa

gitna ng matinding paghimagsik, sumilang ang literature ng HUKBALAHAP.

55

Binubuo ito ng literaturang ang Awit ng Paghihimagsik, Ang Dula ng Pakikibaka

at ang pahayagang Lihim.

Ang mga dula ay ang sumusunod:

1. Ang Malayang Pilipinas-ang kauna-unahang dulang ipinalabas na umabot ng

40 minuto na pagtatanghal. Ayon kay Cesario Torres(1982:42) ang dula ay

tungkol sa tatalong magkakapatid. Ang isa’y sundalong labi ng Bataan, ang

ikalawa ay PC ng Hapon, at ang pangatlo ay isang magbubukid na kabilang

naman sa HUKBALAHAP. Inakit ng HUK ang dalawa niyang kapatid na

umanib sa kanyang gerilya laban sa kaaway ng bayan. Pinapaksa nito ang

pakikiisa sa pakikibaka, sa halip na maging palahintay o kaya’y

makipagtulungan sa kaaway.

2. E Magbabo Eng Diwacan ( Hindi Mangunguibabaw ang Kasamaan) ni

Antonio G. Canlas Arenas. Ito ay sinulat sa wikang Kapangpangan. Ang tema

ng dula ay sa kalupitan ng mga Hapon ang dahilan ng pakikiisa ng


sambayanan sa HUKBALAHAP at ang pangingibabaw ng kabutihan sa

kasamaan.

3. Bulaklak ng City Jail- tungkol naman sa isang dalagang sumapi sa mga Huk

ang dulang ito. May kaalinsabay na mga talumpati, awit at tula ang dulang ito.

Umabot ng dlawa hanggang tatlong oras ang pagtatanghal.

Ang Pahayagang Lihim- ang kiluasan ay may dalawang pahayagan.

1. Ang pahayagan para sa mga pinuno at kawal ng HUKBALAHAP

2. Ang pahayagan ay para sa mga mamamayan o para sa masa na pinamagatang

Katubusan ng Bayan.

Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon

a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez

b. Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo

c. Bulaga - ni Clodualdo del Mundo

d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM

Gonzales

Nobela

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones masasabing lalong hindi namulaklak

ang pagsulatnng nobela. dahilan ito sa kahirapan ng buhay at halos walang magamit na

papel ang mga manlilimbag

Mga Kilalang manunulat ng panahon

1. Liwayway Arceo- Mga akda: UHaw ang Tigang na Lupa, Canal dela Reina at

Ang Mag-anak na Cruz

2. Julian Cruz Balmaceda- Mga akda: Sino Ba Kayo, Dahil sa Anak, Ang Palabas ni

Suwan.

3. Francisco Soc Rodrigo- kilala sa akdang “Sa Pula Sa Puti”


4. Narciso Reyes: akda: Lupang Tinubuan

5. Nestor Vicente Madali (N.V.M) Gonzalez- Akda: Lunsod, Nayon at Dagatdagatan

You might also like