Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

3

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 5:
Pangangalaga sa Sarili

41
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Pangangalaga sa Sarili

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : SHERRYL LYNNE L. BELTRAN, Lamba ES, Legazpi City

Editor : MA. JOY A. PINAT, Principal, Buraguis ES, Legazpi City

Tagasuri : PRESYL A. BELLO, ESP – EsP, SDO Legazpi City

Tagaguhit :

Tagalapat :

42
Panimula

Isa sa mga dapat binibigyang halaga ang pagkakaroon ng


mabuting kalusugan. Ito ay magiging posible kung magagawa mo
ang mga tamang gawi ng pag-iingat dito. Kung mapananatiling
maayos ang kalusugan, nakatitiyak ka na ang iyong katawan ay
ligtas at malayo sa pagkakasakit.

Layunin

Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga


ng sariling kalusugan at kaligtasan.

Paunang Pagtataya

ALAMIN NATIN: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek


kung ito ay paraan na pangangalaga sa kalusugan.

______1. paliligo araw-araw


______2. pagsesepilyo ng ngipin pagkatapos kumain
______3. natutulog ng 8-10 oras
______4. pag-iiwas sa maaalat na pagkain tulad ng sitsirya at pag-
inom ng softdrinks
______5. nagpuputol ng kuko upang walang duming sumiksik dito

43
Paglinang ng Kaalaman

ISAGAWA NATIN: Suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang


sumusunod na katanungan.

https://www.freepik.com/premium-vector/cute-boys-healthy-unhealthy-set_6328600.htm

Pamprosesong Katanungan
1. Ano ang ginagawa ng unang bata sa larawan/ ikalawang
bata?
______________________________________________________________
2. Dapat bang tularan ang kilos ng unang bata? Ikalawang bata?
Bakit?
______________________________________________________________
3. Ano- ano ang iyong mga ginagawang pangangalaga sa
kalusugang pisikal?
______________________________________________________________
4. Kung ito ay palagi mong gagawin, magkakaroon ka kaya ng
maayos na kalusugan? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________

44
Pagpapalalim

Ang pangagalaga ng ating kalusugan ay nararapat na


gawin. Isa itong paraan upang maipakita ang ating pagmamahal
sa sarili. May mga gawi o kilos sa tamang pangangalaga ng ating
kalusugang pisikal katulad na lamang ng paliligo araw-araw,
pagsesepilyo ng ngipin at pagtulog ng sapat na oras. Mayroong
kabutihang dulot sa iyong katawan kung ito ay palagiang
gagawin.

Pagsasapuso

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang mga tanong.

https://us.123rf.com/450wm/aleutie/aleutie1505/aleutie150500015/40046591-stock-vector-overweight-teenager-lying-on-a-dirty-torn-couch-with-a-laptop-
sitting-on-his-stomach-junk-food-lying.jpg?ver=6

45
1. Masasabi mo bang napangangalagaan ng batang nasa
larawan ang kanyang pisikal na kalusugan? Bakit?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang batang nasa larawan, ano - ano ang gagawin
mo upang mapangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul

Gawin ang Self-health checklist. Lagyan ng tsek ang ikalawang


kolum kung ito ay ginagawa at ekis kung hindi.

Self-Health Checklist X o √

1. Naliligo ako araw-araw kahit malamig ang tubig.

2. Umiinom ako ng walong basong tubig o higit pa


araw-araw .

3. Iniiwasan ko ang maglaro ng gadget tulad ng


cellphone upang hindi masira ang aking mga mata.

4. Ginagawa ko kaagad ang aking mga asignatura


para maaga akong makatulog.

5. May sarili akong sepilyo.

46
Pagsasabuhay

ISABUHAY NATIN: Basahin at unawain ang isinasaad sa pahayag.


Sagutin ang katanungan.

Ano sa tingin mo ang kabutihang dulot sa iyong pag-aaral kung


gagawin mo ang mga gawi o kilos ng pag –aalaga ng sariling
pisikal na kalusugan? Magbigay ng halimabwa.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagtataya

SUBUKIN NATIN: Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pahayag


ay nagsasaad ng tamang pangangalaga ng kalusugan, ekis
naman kung hindi.

___1. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

___2. Makigamit ng sepilyo ng iba kung nawawala ang sariling


sepilyo.

47
___3. Uminom ng walong basong tubig at iwasan ang pag-inom ng
softdrinks.

___4. Magkaroon ng disiplina sa sarili kung gagamit ng gadgets.


Maglaan lamang ng tamang oras para dito.

___5. Huwag ng maligo kung malamig ang tubig.

Isulat ang salitang Tama kung ito ay humihikayat sa kapwa na


gawin ang dapat para sa sariling kalusugan at kaligtasan, Mali
naman kung hindi.

__________ 1. Kumain ng sapat at sa tamang oras.


__________ 2. Yayain ang kaibigan na kumain ng mga junk at
street foods.
__________ 3. Mag-ehersisiyo araw-araw.
__________ 4. Sumali sa mga palatuntunang tungkol sa kalusugan.
__________ 5. Sumali sa mga grupo na ang adbokasiya ay may
kinalaman sa kalusugan at kaligtasan.

Kasunduan

Magsulat ng nakaugaliang gawi sa pangangalaga ng sariling


kalusugan na hindi nabanggit sa modyul na ito.

48
Susi sa Pagwawasto
Alamin Natin

1. √ 2. √ 3. √ 4. √ 5. √

Isagawa Natin

1. Unang larawan- Kumakain ng masustansyang pagkain


ikalawang larawan - Kumakain ng di- masustansyang
pagkain

2. Dapat tularan ang gawi ng nasa unang larawan dahil


nakabubuti sa kalusugan ang kanyang kinakain. Hindi dapat
tularan ang nasa ikalawang larawan dahil ito’y maaaring
magdulot ng sakit at maaaring makasama sa kalusugan.

3. (maaaring magkakaiba ang tugon ng mga bata depende sa


kanilang personal na karanasan)

4. (maaaring magkakaiba ang tugon ng mga bata depende sa


kanilang sariling pananaw)

Isapuso Natin

Gawain 1

1. (maaaring magkakaiba ang tugon ng mga bata

2. depende sa kanilang sariling pananaw)

49
Gawain 2

(maaaring magkaiba-iba ang sagot depende sa kanilang


karanasan)

Isabuhay Natin:

(maaaring magkaiba-iba ang sagot depende sa kanilang ideya


o opinyon)

Subukin Natin:

A. B.

1. √ 1. Tama

2. X 2. Mali

3. √ 3. Tama

4.√ 4. Tama

5. X 5. Tama

50
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 3, Kagamitan ng Mag-
aaral, pp. 34-38

• Daily Lesson Plans in Edukasyon sa Pagpapakatao 3,


Unang Kwarter, pp. 135-147, 166-171 179-202

• Healthy and unhealthy boy clipart. Retrieved on May 20,


2020 from https://www.freepik.com/premium-vector/cute-boys-
healthy-unhealthy-set_6328600.htm

• Unhealthy habit clipart. Retrieved on May 20, 2020 from


https://us.123rf.com/450wm/aleutie/aleutie1505/aleutie150500015/4
0046591-stock-vector-overweight-teenager-lying-on-a-dirty-torn-
couch-with-a-laptop-sitting-on-his-stomach-junk-food-
lying.jpg?ver=6

Cover Page Background

• Healthy habits image. Retrieved on June 4, 2020 from


https://www.freepik.com/premium-vector/little-kid-making-
daily-routine-activities_6555702.htm

• Background icon. Retrieved on June 4, 2020 from


https://www.pngfuel.com/free-png/nmwpe

51

You might also like