AP4-Quarter 1-Module 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

4 DEPARTMENT OF EDUCATION

Araling Panlipunan
Kwarter 1- Modyul 5
Heograpiyang Pisikal at
Heograpiyang Pantao ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang

Kwarter 1 – Modyul 5: Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao ng Pilipinas

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Salvacion C. Sta. Cruz


Editor: Nilo Mayor, Vivian Pangan, Imelda Capa, Ma. Deanna Salalima
Tagasuri: Ma. Lailani R. Lorico
Tagalapat: Antonio L. Morada
I. Panimula

Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin. Ang Aralin 1 ay


pinamagatang “Äng Heograpiyang Pisikal ng Pilipinas” at ang Aralin
2 ay pinamagatang “Ang Heograpiyang Pantao ng Pilipinas.” Layunin
nitong tulungan ka sa iyong pag-aaral. Matututunan at mauunawaan mo
dito ang tungkol sa heograpiyang pisikal ng Pilipinas (klima, panahon at
anyong lupa at tubig) at tungkol sa heograpiyang pantao ng Pilipinas
(populasyon, industriya at agrikultura).

II. Mga Layunin

Nailalarawan ang Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas:

(a) Heograpiyang Pisikal (Klima, Panahon, Anyong Lupa at


Anyong Tubig)

(b) Heograpiyang Pantao (Populasyon, Agrikultura,


Industriya)

III. Talahulugan

Bago mo umpisahan ang Modyul 5 Aralin 1, alamin mo muna ang


kahulugan ng mga sumusunod na salita na magagamit mo upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Heograpiyang Pisikal ay isang sangay ng heograpiya na


naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa
at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa
mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran.

Klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang


lugar.

1
Panahon ay tumutukoy naman sa kalagayan ng kapaligiran,
halimbawa, taglamig at tag-init.

Klimang Tropikal ay mayroong napakainit na klima lalo na sa


tanghali dahil sa direktang sinag ng araw na natatanggap ng mga rehiyon
sa mababang latitud na siyang malapit sa ekwador.

Mapang Pisikal ay uri ng mapa na naglalarawan sa anyong lupa


at tubig.

IV. Panimulang Pagsubok

Piliin ang titik ng mga salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa inyong papel o kwaderno.

1. Nasasabi mong ganito ang klima kung ikaw ay pinagpapawisan at


naiinitan.

a. maulan b. mainit c. malamig d. bagyo

2. Ganito ang klima sa lugar kapag kailangan mong magsuot ng


makakapal na damit.

a. maulan b. mainit c. malamig d. bagyo

3. Nararanasan ang panahong ito tuwing bakasyon at walang pasok sa


paaralan. Marami ang nagpupunta sa beach sa panahong ito.

a. tag-init b. tag-ulan c. taglamig d. taglagas

4. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas na matatagpuan sa hilagang


bahagi ng Luzon.

a. Ilog Pasig b. Ilog Cagayan

2
c. Ilog Pampanga d.Ilog Agusan

5. Pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng


Davao at Timog Cotabato.

a. Bundok Sierra Madre b. Bundok Makiling

c. Bundok Banahaw D. Bundok Apo

V. Mga Gawain sa Pagkatuto

HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINAS

Pagmasdan ang mapang pisikal ng Pilipinas. Makikita mo dito na


ang Pilipinas ay binubuo ng mga anyong lupa at anyong tubig.

https://www.slideshare.net/bestinenarsus1/impluwensya-ng-klima-at-lokasyon-
sa-pamumuhay

Kung titingnan mo ang Pilipinas sa globo o mapa, makikitang ito ay


may 700 milya sa timog-silangan ng Asya at nasa may dakong hilaga ng

3
ekwador. Nakatayo ito sa pagitan ng Karagatang Pasipiko sa Silangan,
Karagatang Timog-Tsina sa Kanluran at sa Dagat ng Celebes sa Timog.
Dahil sa malalaking karagatang ito, nagpapatunay lamang na ang
Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng humigit-kumulang 7,641 na
mga pulo. Ang kabuuang haba ng baybayin ng Pilipinas ay 17,460
kilometro. Ito ay may magagandang daungan ng mga sasakyang-dagat
tulad ng Manila Bay o Look ng Maynila.

ANYONG LUPA

Baku-bako ang katangiang pisikal ng Pilipinas o topograpiya ng


Pilipinas. Makikita dito ang matataas na bundok at napakaraming lambak
at talampas. Ang apat na pangunahing kapatagan at lambak ng bansa ay
ang Gitnang Kapatagan at Lambak Cagayan sa Luzon at ang mga
Lambak ng Agusan at Cotabato sa Mindanao.

Ang mga kapatagan sa Luzon ay kabaliktaran ng matataas na


bundok ng gitna at silangang Cordillera at ng mga kabundukan ng
Zambales. May mga hanay ng bundok sa Pilipinas na magkakaagapay –
ang Bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera sa Luzon. Ang Sierra
Madre ay nagmumula sa Cape Engaño na matatagpuan sa hilagang-
silangan ng Cagayan at umaabot sa silangang bahagi ng Laguna de Bay.
Ang Cordillera naman ay matatagpuan sa kanluran ng Luzon. May mga
bundok din sa Visayas tulad ng Manunggal, Kanlaon at Silay.

Sa Mindanao, ang Bulkang Makaturing at Bulkang Ragang ang


naghihiwalay sa mga lalawigan ng Lanao at Cotabato. Ang Bundok Apo
ay ang pinakamataas na bundok sa bansa na matatagpuan sa pagitan ng
Davao at Timog Cotabato.

Sa 200 bulkan sa Pilipinas, 22 lamang dito ang aktibo. Ilan sa mga


bulkang aktibo ay ang Bulkang Mayon, Taal, Kanlaon, Bulusan, Hibok-
4
Hibok at Pinatubo. Ang Bulkang Taal ang pinakamaliit na bulkan sa buong
daigdig.

ANYONG TUBIG

Ang Pilipinas ay may 132 anyong tubig. Ang Ilog Cagayan na


matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon ay ang pinakamahabang ilog
sa bansa. Ang Ilog Pampanga naman ay nagsisilbing patubigan ng mga
sakahan sa Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan at dumadaloy palabas sa
Look ng Maynila.

Walang malalaking ilog sa Visayas ngunit mahahaba naman ang


mga baybayin dito. Ang mga pangunahing ilog sa Mindanao ay ang Ilog
Agusan at Ilog Cotabato na dumadaloy sa Golpo ng Moro. Marami ring
talon sa kapuluan. Ito ay maaaring pagkunan ng kuryente tulad ng Talon
ng Maria Cristina sa Lanao del Norte.

May humigit–kumulang sa 59 na lawa sa Pilipinas. Ang anim na


pinakamalalaking lawa sa bansa ay ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao
sa Lanao del Sur, Lawa ng Taal sa Batangas, Lawa ng Mainit sa Surigao
del Norte, Lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro at Lawang Buluan sa
Sultan Kudarat.

KLIMA AT PANAHON

Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa unang


larawan? Sa pangalawang larawan? Nararanasan mo rin ba ito? Bakit?

5
Ang Pilipinas ay may klimang tropikal dahil matatagpuan ito sa
mababang latitud. Nakakaranas dito ng dalawang panahon sa buong taon
– ang tag-init at tag-ulan. Gayunpaman, hindi masasabi na magkakatulad
ang klimang nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang pagkakaiba
ng klima ay sanhi ng iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar,
galaw ng hangin at dami ng ulan.

Ang digri ng init o lamig ng isang pook ay ang kanyang temperatura.


Batay sa masusing pag-aaral ng mga siyentipiko sa panahon, ang
pinakamalamig na buwan ay ang Enero sa dahilang taglamig sa hilagang
hating-globo. Ang pinakamainit naman ay ang Mayo dahil sa patindig
(perpendicular) ang sikat ng araw. Nagkakaroon din ng pagbabago ng
temperatura dahil sa may matataas at mababang pook sa Pilipinas. Ito
ang dahilan kung bakit mas malamig sa Baguio at Tagaytay kaysa sa
Maynila.

VI. Mga Pagsasanay

Ngayong alam mo na ang tungkol sa heograpiyag pisikal ng


Pilipinas, gawin mo ang mga sumusunod na pagsasanay.

6
Pagsasanay 1
Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M
kung mali. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
1. Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit sa
ekwador at nasa mababang latitud.

2. Nakararanas ang Pilipinas ng dalawang panahon – ang tag-init at


tag-ulan.

3. Ang mga baybayin sa Pilipinas ay hindi magandang daungan ng


mga sasakyang pandagat.

4. Makikita sa Pilipinas ang matataas na bundok at napakaraming


lambak at talampas..

5. Magkakatulad ang klimang nararanasan sa iba’t ibang panig ng


Pilipinas.

Pagsasanay 2

Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra


ng sagot sa kuwaderno.
A B
1. Pinakamataas na bundok sa Pilipinas A. Bulkang Taal

2. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas B.tag-init at tag-ulan

3. Pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas C. Bundok Apo

4. Panahon na nararanasan sa Pilipinas D. Talong ng Maria

Cristina

5. Talon na matatagpuan sa Lanao Del Norte E. Ilog Cagayan

na maaaring pagkunan ng kuryente

7
B. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Bakit may mahahabang baybayin ang Pilipinas sa kabila ng


pagiging maliit na bansa nito? May kapakinabangan ba sa baybayin ng
ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng lugar na
matitirahan, saan mo gustong tumira? Bakit?

Binabati kita! Malayo na ang iyong narating. Narito ang mga


kaisipang iyong dapat tandaan.

TANDAAN MO

• Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng


humigit-kumulang 7,641 na mga pulo.
• Makikita sa Pilipinas ang matataas na mga bundok at
napakaraming lambak at talampas.
• Sa 200 bulkan sa Pilipinas, 22 lamang dito ang aktibo.
• Ang Bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa
Pilipinas.
• Ang Ilog Cagayan ang pinakamahabang ilog sa
Pilipinas.
• Ang Pilipinas ay may klimang tropikal dahil
matatagpuan ito malapit sa ekwador at nasa
mababang latitud.
• Nakakaranas ng dalawang panahon sa Pilipinas – tag-
init at tag-ulan
• Ang pagkakaiba ng klima ay sanhi ng iba’t ibang salik
tulad ng temperatura at taas ng lugar, galaw ng hangin
at dami ng ulan.
• Kapag mataas ang lugar, bumababa ang temperatura
(malamig). Kapag mababa ang lugar, tumataas naman
ang temperatura (mainit).

8
VII. Pangwakas na Pagsubok

Isulat sa sagutang papel ang titik na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ano ang klima ng mga bansang nasa mababang latitud tulad ng


Pilipinas?

A. klimang polar B. klimang tropikal

C. mainit na mainit na klima D. malamig

2. Ano ang panahong nararanasan sa Pilipinas sa buong taon?

A. Tagtuyo B. Tag-init at Tag-ulan

C. Taglamig at Taglagas D.Tagsibol

3. Alin ang tamang paglalarawan sa Pilipinas?

A. Ang Pilipinas ay isang kapuluan.

B. Ang Pilipinas ay higit na malaki sa China.

C. Ang Pilipinas ay napakalawak na kapatagan.

D. Ang Pilipinas ay nakararanas ng apat na uri ng panahon.

4. Ano ang pinakamagandang daungan ng mga sasakyang pandagat sa


Pilipinas?

A. Manila Bay B. Lawa ng Lanao

C. Laguna de Bay D. Lawa ng Taal

5. Ano ang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas?

A. Bulkan Pinatubo B. Bulkang Taal

C. Bulkan Bulusan D. Bulkan Mayon

9
VIII. Karagdagang Gawain

Sumipi sa pahayagan o manood sa telebisyon ng mga balita


tungkol sa kalagayan ng panahon sa araw-araw. Gawin ito sa loob ng
isang lingo. Isulat o idikit ang mga ito sa isang folder.

Binabati kita! Matagumpay


mong natapos ang Modyul 5
Aralin1! Maaari mo na
ngayong simulan ang susunod
na aralin.

10
ARALIN 2: ANG HEOGRAPIYANG PANTAO NG PILIPINAS

I. Panimula

Ang aralin na ito na pinamagatang “Äng Heograpiyang Pantao ng


Pilipinas” ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa iyong
pag-aaral. Matututunan at mauunawaan mo dito ang tungkol sa
populasyon, agrikultura at industriya ng ating bansa.

II. Mga Layunin

Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:

(a) Heograpiyang Pantao (Populasyon, Agrikultura,


Industriya)

III. Talahulugan

Bago mo umpisahan ang aralin na ito, alamin mo muna ang


kahulugan ng mga sumusunod na salita na magagamit mo upang
lubos na maunawaan ang aralin.

Populasyon ayon sa sosyolohiya ay katipunan ng mga tao.


Tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar
o rehiyon.

Sosyolohiya ay ang sangay ng pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng


tao sa mga pangkat, institusyon o samahan na kanyang kinabibilangan.

Demographic Map o ang mapa ng Populasyon ay isang uri ng


mapa na nagpapakita ng populasyon ng isang lugar o bansa gamit ang
mga simbolo nito.

11
Industriya ay ang produksyon ng isang kalakal na pangkabuhayan
o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Maraming uri ng iba’t
ibang mga industriya katulad ng pagmimina, pagsasaka at pagtotroso.

Pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga


yamang mineral mula sa lupa.

IV. Panimulang Pagsubok

Bilang paghahanda sa bagong aralin, sagutin mo muna ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng inyong sagot sa papel o
kwaderno.

1. Ano ang tawag sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang


lugar?

a. topograpiya b. populasyon c. industriya d. a at b

2. Anong rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamamalaking


populasyon?

a. Rehiyon IV-A b. Bicol c. NCR d. Rehiyon III

3. Anong rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamaliit na populasyon?

a. Rehiyon IV-A b. CAR c. NCR d. Rehiyon III

4. Ano ang pangunahing produkto sa Bicol?

a. saging b. palay c. abaka d. asin

5. Anong industriya ang nangunguna sa Pilipinas?

a. pagsasaka b. pangingisda c. pagmimina d. a at b

12
V. Mga Gawain sa Pagkatuto

Isa sa mahalagang yaman ng ating bansa ay ang yamang tao na


siyang lakas ng bawat rehiyon sa Pilipinas.

Gaano ba kalaki ang populasyon ng bawat rehiyon? Pag-aralan


natin ito.

Para maunawaang mabuti ang aralin, alamin mo muna kung ano


ang populasyon.

POPULASYON

Ayon sa sosyolohiya ang populasyon ay katipunan ng mga tao.


Tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar
o rehiyon. Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang
bilang ng populasyon. Tingnan ang sumusunod na tsart.

Rehiyon PopulasyoN (2010,


milyon)
LUZON
I – Rehiyon ng Ilocos 4.74
II – Lambak ng Cagayan 3.23
III – Gitnang Luzon 10.14
IV-A – CALABARZON 12.61
IV-B – MIMAROPA 2.73
V – Rehiyon ng Bicol 5.41
Cordillera Administrative Region (CAR) 1.52
National Capital Region (NCR) 11.86
VISAYAS
VI – Kanlurang Visayas 7.09
VII – Gitnang Visayas 6.78
VIII – Silangang Visayas 4.09

13
MINDANAO
IX – Tangway ng Zamboanga 3.40
X – Hilagang Mindanao 4.28
IX – Rehiyon ng Davao 4.45
XII – SOCCSKSARGEN 4.10
XIII – Caraga 2.42
Autonomous Region in Muslim 3.25
Mindanao

Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV–A na may sukat


lamang na 16,386 kilometro kuwadrado (Ang isang kilometro kuwadrado
ay katumbas ng isang kuwadrado na may habang isang kilometro bawat
gilid.) ang may pinakamalaking bilang ng naninirahan. Pumapangalawa
ang National Capital Region na may sukat na 638.55 kilometro
kuwadrado, samantalang ang Cordillera Administrative Region na may
sukat na 18,294 kilometro kuwadrado ang may pinakamaliit na bilang ng
naninirahan. Pumapangalawa sa may pinakamaliit na bilang ang Caraga
na may sukat na 21,471 kilometro kuwadrado. Sa madaling salita, hindi
batayan ang laki ng sukat o lawak ng isang lugar ng laki ng populasyon.

Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa paglaki ng populasyon


ng isang lugar ay ang oportunidad sa hanapbuhay at edukasyon katulad
ng NCR. Matatagpuan sa NCR ang sentro ng komersiyo ng bansa.
Marami rin ang naniniwala na ang magandang edukasyon ay nasa
kalakhang Maynila, dahil marami ang maaaring pagkunan ng mga
impormasyon na magagamit sa mga pagsasaliksik. Kung titingnan sa
mapa at sa tsart, mapapansin na ang CALABARZON at Gitnang Luzon
ay ang mga rehiyon na pinakamalapit sa NCR kaya ang mga ito rin ang

14
may malalaking populasyon maliban sa mga pagkakakitaan at
hanapbuhay na mayroon sa mga lugar na ito.

AGRIKULTURA AT INDUSTRIYA

Napakayamang bansa ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang


mga likas na yaman. Bawat lalawigan o rehiyon ay may kani-kaniyang
likas na yamang ikinakaiba sa ibang lalawigan.

Halimbawa: Ang Baguio ay saganang-sagana sa mga biyaya ng


yamang-lupa, tulad ng mga sariwang gulay at prutas ngunit kapos naman
sa mga yamang tubig, tulad ng mga isda.

Ang mga kayamanang ito ay nagagamit para sa kasaganaan ng mga


mamamayan at nakakatulong para sa kaunlaran ng bansa.

Ilan sa mga likas na yaman ng bansa ay ang mga palayan,


pangisdaan at kagubataan.

Palayan

Pagsasaka ang pangunahing industriya sa Pilipinas sapagkat ang


lupa rito ay angkop sa pagsasaka. Pansiyam ang Pilipinas sa
labingdawalang bansang umaani ng palay sa buong mundo. Ang Gitnang
Luzon na tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Pilipinas ay nangunguna sa
produksyon ng palay. Mataba ang lupa sa malalawak na kapatagan nito,
sagana sa ulan at maunlad ang paraan ng patubig, kayat umaani ang mga
magsasaka kahit tatlong ulit ng palay sa isang taon.

15
Pangisdaan

Ang sumunod sa industriya ng pagsasaka ay ang pangingisda. May


2,000 uri ng isda na nahuhuli sa iba't ibang panig ng bansa. Ginagawa
ang pangingisda sa tatlong pangunahing lugar.

a) pangingisada sa lawa at ilog (inland fishing)

b) pangingisda sa baybay-dagat (coastal fishing)

c) pangingisda sa laot (deep fishing)

Ang mga baybaying dagat ng Cavite, Pampanga at Bataan ay


kinahuhulihan ng iba't ibang uri ng isda. Ang mga malalaki at mauunlad
namang palaisdaan ay matatagpuan sa Malabon, Metro Manila,
Lingayen, Pangasinan, Hagonoy, Bulacan at Estancia, Iloilo. Ang
Pagbilao, Quezon naman ang pangunahing tagapagtustos ng mga isdang
pang-akwaryum na ipinagbibili hindi lamang sa ibang lugar sa Pilipinas
kundi maging sa Estados Unidos at Europa.

Bukod sa mga isdang nahuhuli sa dagat ay may iba pang


produksyon, tulad ng mga halamang dagat, pagkaing kabibe tulad ng
talaba at tahong at mga korales. Ang ibang uri ng kabibe ay ginagawang
palamuti sa mga tahanan at ang iba naman ay inaayos na mabuti upang
gawing singsing, hikaw, pulseras, pitaka at iba pang gamit.

Kagubatan

Ang Pilipinas ay may 16.6 milyong ektarya ng kagubatan.


Natatakpan ng kagubatan ang 55 bahagdan ng lupain ng bansa.

Ang Pilipinas ay pangatlo sa Asya sa pagkakaroon ng malaking


kagubatan. Nangunguna ang Hapon at pumapangalawa ang Indonesya.
16
Ang mga kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't ibang
uri ng kahoy na ginagawang troso, tabla, at plywood. Malaki ang kinikita
ng Pilipinas sa pagluluwas ng troso. Ang iba pang mga produkto ng gubat
ay ang ratan, uling, nipa, balat ng kahoy na pangulti (tambark), dampol
(tam dye), buri, buho, kawayan at dagta o resina.

Ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mababangis na hayop,


tulad ng tamaraw, usa at baboy-damo. Dito rin nanggagaling ang iba pang
hayop, tulad ng agila, mga kalapati, unggoy, at maraming uri ng ibon.

Ang Mindanao ay may pinakamalaking sukat ng kagubatan at may


pinakamaraming bilang ng mga puno. Sumunod sa Mindanao ang Luzon
at sumunod naman ang Bisaya at Palawan sa Luzon.

Ang Agusan at Negros Occidental ay nakilala sa kanilang produktong


kahoy. Ang iba pang mga kilalang lalawigan sa pagtrotroso ay ang
Zambalez, Davao, Bataan, Agusan, Surigao, Cagayan at Quezon.

Ang iba pang kayamanan ng mga rehiyon ay ang mga sumusunod:

a. Minahan - ginto (Benguet, Paracale, Camarines Norte, Masbate,


Bulacan at Surigao); tanso (Cebu, Negros Occidental, Marinduque,
Benguet, Samar at Davao del Norte); bakal (Surigao, Davao at
Samar); chrome (Zambales)
b. Niyugan - Quezon, Laguna, Camarines Sur, Leyte, Samar, Davao
at Cotabato.
c. Asukalan - Negros Occidental, Negros Oriental, Pampanga,
Batangas, Laguna, Tarlac at Iloilo
d. Abakahan - Bikol at Davao
e. Pastulan - Batangas, Bukidnon, Masbate at Mindoro
f. Asinan - Las Pinas, Rizal at iba pang bayan sa Cavite.

17
VI. Mga Pagsasanay

Ngayong alam mo na ang tungkol sa heograpiyang pantao sa


Pilipinas, gawin mo ang mga sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 1

Pagsunod-sunurin ang mga rehiyon ayon sa bilang o dami ng


populasyon na nakalagay sa tsart (Populasyon 2010). Lagyan ng bilang
1 ang pinakamaliit at 5 ang pinakamalaki. Isulat ang sagot sa inyong
papel.

______ Silangang Visayas

______ Rehiyon ng Ilocos

______ Tangway ng Zamboanga

______ Rehiyon ng Bikol

______ Rehiyon ng Davao

Pagsasanay 2

Gamit ang demographic map o mapa ng populasyon ng Pilipinas,


tukuyin ang mga rehiyon na inilalarawan ng bawat aytem.

1. Ang ___________ ay ang may pinakamalaking populasyon sa Luzon.

2. Ang rehiyon ng __________ ang may pinakamaliit na bilang ng


populasyon sa Luzon.

3. Ang may pinakamaliit na bilang ng populasyon sa Mindanao ay ang


___________ .

4. Sa Visayas ang Rehiyon VII ang may __________ na bilang ng


populasyon.

18
5. Sa buong bansa ang Rehiyon IV-A ang may pinakamalaking bilang ng
populasyon habang pangalawa lamang ang _______.

Pagsasanay 3

A. Piliin kung ano ang produktong nanggagaling sa lugar na


binabanggit sa bawat bilang. Bilugan ang inyong sagot.

1. Gitnang Luzon (mais, bigas, kahoy)

2. Bikol (kopra, abaka, tabako)

3. Benguet (kahoy, asukal, ginto)

4. Negros (asukal, bigas, mais)

5. Quezon (kopra, abaka, tabako)

6. Cavite (mais, abaka, asin)

19
7. Pangasinan (asukal, ginto, isda)

8. Tarlac (manok, baka, asukal)

9. Zambales (chrome, tanso, ginto)

10. Samar (ginto, bakal, mais)

Basahin ang mga kaisipang dapat mong tandaan sa araling ito.

TANDAAN MO
• Ang populasyon ay katipunan ng mga tao o tumutukoy sa dami
ng tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar.
• Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang bilang
o dami ng naninirahan.
• Batay sa sensus ng 2010, ang CALABARZON ang may
pinakamalaking bilang ng naninirahan at ang CAR ang may
pinakamaliit na populasyon.
• Ang NCR na isa sa may pinakamaliit na sukat ay
pumapangalawa sa may pinakamalaking populasyon.
• Pagkakataon sa hanapbuhay at edukasyon ang mga
pangunahing salik na nakaaapekto sa paglaki ng populasyon.
• Iba’t ibang uri ng industriya at produkto ang makikita sa mga
rehiyon ng Luzon, Visayas at Mindanao.
• Ang Gitnang Luzon na tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Pilipinas
ay nangunguna sa produksyon ng palay sa Pilipinas.
• Pagsasaka ang isa sa pangunahng industriya sa Pilipinas.

20
VII. Pangwakas na Pagsubok

Suriin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Aling rehiyon ang may pinakamaraming naninirahan?

A. CALABARZON B. Gitnang Luzon

C. Kanlurang Visayas D. NCR

2. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?

A. ARMM B. CAR C. Caraga D. MIMAROPA

3. Alin sa sumusunod na mga pangunahing pangkat ng pulo ang


may pinakamalaking populasyon?

A. Luzon B. Mindanao C. Palawan D. Visayas

4. Anong produkto ang matatagpuan sa probinsya ng Quezon?

A. mais B. kape C.niyog D. asukal

5. Ano ang pangunahing industriya sa Pilipinas?

A. pagsasaka B. pangingisda

C. pagmimina D. pagtotroso

21
VIII. Karagdagang Gawain

Magtala ng tiglilimang rehiyon ayon sa hinihingi. Tukuyin ang


pangunahing pangkat ng pulo na kinabibilangan nito.

Unang Limang Pangkat ng Unang Pangkat ng


Rehiyon na may Pulo na Limang Pulo na
Pinakamalaking Kabilang ito Rehiyon na Kabilang
Populasyon may ito.
Pinakamaliit
na
Populasyon

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang


modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan
ang susunod na modyul.

22
Key to Correction (Modyul 5 Aralin 1)

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1

1. b 1. T

2. c 2. T

3. a 3. M

4. b 4. T

5. d 5. M

Pagsasanay 2

1. C

2. E

3. A

4. B

5. D

Pangwakas na Pagsubok

1. B

2. B

3. A

4. A

5. D

23
KEY TO CORRECTION (Modyul 5 Aralin 2)

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1

1. b 2 Silangang Visayas

2. a 4 Rehiyon ng Ilocos

3. b 1 Tangway ng Zamboanga

4. c 5 Rehiyon ng Bicol

5. a 3 Rehiyon ng Davao

Pagsasanay 2 Pagsasanay 3

1. Rehiyon IV-A 1. bigas

2. CAR 2. abaka

3. CARAGA 3. ginto

4. pinakamalaki 4. asukal

5. NCR 5. kopra

Pangwakas na Pagsubok 6. asin

1. A 7. isda

2. B 8. asukal

3. A 9. chrome

4. C 10. bakal

5. A

24
LIST OF REFERENCES: (Modyul 5 Aralin 1)

MISOSA 4 Modyul 9 Ang Klima ng Pilipinas


https://drive.google.com/file/d/0B-QPmpUdAEjiRTA5OHdtVWlvZ0k/view

Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 pahina 40-47

Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 21-37

LIST OF REFERENCES: (Modyul 5 Aralin 2)

Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 89 - 94

Makabayan: Kapaligirang Pilipino 4 pahina 65-140

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagalog/heograpiya.htm

https://psa.gov.ph/content/philippine-population-density-based-2015-
census-population

25

You might also like