F4 Q1 M5.2 Sanggunian ROV

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

4

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 5.2:
Pangkalahatang Sanggunian
Filipino – Baitang 4
Kwarter 1 – Modyul 5.2 : Pangkalahatang Sanggunian

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Catherine Q. Robles


Editor: Anna Liza F. Abuloc
Tagasuri: Nora J. Laguda
Anna Liza F. Abuloc
Tagaguhit: Emma N. Malapo;
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Pangkalahatang Sanggunian,
ating Basahin
Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Sa gawaing ito, makikilala mo ang pangkalahatang
sanggunian ayon sa pangangailangan tulad ng – diksiyunaryo -
almanac – atlas.

Halika! umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, inaasahan na


nagagamit mo ang
pangkalahatang sanggunian ayon
sa pangangailangan tulad ng - Layunin
diksiyonaryo - almanac – atlas.

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling
ito.
Talasalitaan: Basahin natin.

Diksyunaryo- kahulugan, baybay,


pagpapantig at pinagmulan ng mga salita.
Malalaman din kung sa aling bahagi ng
pananalita kabilang ang salita.

Almanac- pinakamahalagang
impormasyon tungkol sa pulitika, kawilihan,
isports, relihiyon at iba pang nangyari sa
loob ng isang taon.

Atlas- mga mapa at impormasyon


tungkol sa isang lugar, gaya ng lawa,
layo, populasyon, anyong lupa at
anyong-tubig

Sanggunian- bahagi ng isang libro


kung saan nakalagay ang mga
impormasyong nalakap o
natagpuan mo dito.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok:

Subuking gawin ito.


Isulat sa patlang ang sangguniang maaaring gamitin para
malaman ang sumusunod na impormasyon. Piliin ang iyong sagot
sa aklat na nasa itaas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________1. kahulugan ng salitang Pabula
_________2.Mga bansang matatagpuan sa Asya
_________3.Mga Palabas na sumikat sa taong 2019
_________4.Tamang pagpapantig sa salitang”Panitikan”
_________5. Impormasyon tungkol sa populasyon ng Pilipinas.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 14 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
O, diba kayang-kaya mong hanapin ang mga
Pangkalahatang Sanggunian ayon sa
impormasyon na ibinigay..

Halika, may inihanda pa akong liham para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Basahin at unawaing mabuti ang liham na nasa ibaba

Liham Pahintulot
Melanie O. Laniog

Zone 2, Calcedonia Street


San Nicolas, Lungsod Iriga
Pebrero 5, 2019
Ginoo/Ginang,
Isang pinagpalang araw po. Kami po ay mga mag-
aaral sa Paaralang Elementarya ng San Nicolas. Nais po naming
humingi ng pahintulot na kung maaaring magsagawa kami ng
isang pananaliksik tungkol sa iba’t ibang sanggunian sa
pananaliksik gaya ng Diksyunaryo, Almanac, at Atlas. Ito po ay
kabilang sa aming proyekto sa Filipino 4.
Nawa’y pagbigyan n’yo po sana ang aming
kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Felicity O. Laniog
Iñigo M. Odiaman
Menchie V. Burgos

Prototype and Contextualized Daily Lesson Plans in Grade 4-Filipino p. 9

4
Sagutin mo.

Anong uri ng liham ang binasa mo?

Ito ay isang uri ng Liham Pahintulot.


Ang Liham Pahintulot ay isang uri ng liham na isinusulat natin
upang humingi ng pagpayag o permiso.

Saang lugar nakatira anag sumulat ng liham?

Ang sumulat ng liham ay nakatira sa Zone 2, Calcedonia Street


San Nicolas, Lungsod Iriga

Kailan isinulat ang liham?


Ang liham ay sinulat
noong Pebrero 5, 2019.

Saan nag-aaral ang sumulat ng


liliham?

Ang sumulat ng liham ay nag-aaral sa Paaralang Elementarya ng


San Nicolas.

Ano ang dahilan kung bakit sinulat ang liham?

5
Dahil magsasagawa sila ng isang pananaliksik tungkol sa iba’t
ibang sanggunian sa pananaliksik.

Sino-sino ang mga sumulat ng liham?

Ang mga sumulat ng liham ay sina Felicity O. Lanio, Iñigo M.


Odiaman, at Menchie V. Burgos

Ipagpatuloy mo.

Ano ang tatlong


Sanggunian ang mababasa
sa liham?

Ang tatlong Sangguniang mababasa sa liham ay


ang Diksyunaryo, Almanac at Atlas.

6
Tama! Ang tatlong Sanggunian na ating mababasa sa liham ay
ang Diksyunaryo, Almanac at Atlas.

Narito ang mga sangguniang mababasa sa liham.


Ating alamin kung ano-ano ang mga impormasyong mababasa
at matatagpuan sa bawat sanggunian!

MGA SANGGUNIANG MABABASA SA LIHAM

• Diksyunaryo- kahulugan, baybay, pagpapantig at pinagmulan


ng mga salita. Malalaman din kung sa aling bahagi ng
pananalita kabilang ang salita.
• Almanac- pinakamahalagang impormasyon tungkol sa pulitika,
kawilihan, isports, relihiyon at iba pang nangyari sa loob ng isang
taon.
• Atlas- mga mapa at impormasyon tungkol sa isang lugar, gaya
ng lawa, layo, populasyon, anyong lupa at anyong-tubig
Prototype and Contexualized Daily Lesson Plans

in Grade 4-Filipino p. 85

______________________________________________
Yehey! Nakilala mo na ang pangkalahatang sanggunian
ayon sa pangangailangan tulad ng - diksiyonaryo -
almanac – atlas

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

7
Simulan mo na ang iba’t ibang
gawain.

Basahing mabuti ang mga


pangungusap sa ibaba.
Pagsasanay
___________________________________

Panuto: Alin sa mga sanggunian nasa


loob ng kahon ang iyong gagamitin sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Diksyunaryo Almanac Atlas

__________1. Impormasyon tungkol sa politika.


__________ 2. Populasyon ng Pilipinas.
___________3.Anong bahagi ng pananalita ang”maganda”.
___________4.Tamang baybay ng salitang”Heograpiya”.
___________5.Pambansang Kamao ng Pilipinas.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 14.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

8
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa
ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay

Panuto: Ano ang gagamitin mong sanggunian sa bawat


bilang. Isulat ang sagot sa papel.

Makukuhang impormasyon Sanggunian


1.Ibig sabihin ng salitang inhinyero
2.Prediksiyon sa taong 2020
3. Lagay ng panahon
4.Direksyon papuntang Europa
5.Mga anyong-tubig sa pilipinas

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

9
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto:
Pagsasanay
Kung pupunta ka sa silid-
aklatan, anong sanggunian
ang hihiramin mo sa bawat
impormasyon hinihingi?

______1.kahulugan ng alamat
______2.detalyadong impormasyon tungkol sa pinakamataas na
bundok sa Pilipinas
______3.Paghahanap sa bansang Pilipinas
______4.Pag alam sa kahulugan,kasaysayan at istilo ng pagpipinta
______5.Mga bansa sa kontinenteng Asya at mga lugar nito.
Iba’t-ibang uri ng mga sanggunian Slideshare.net

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 14.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

10
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa
mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan
Panapos na Pagsubok mong sagutin.

Panuto:
Mayroon kang takdang-aralin sa paaralan. Alin sa mga
sanggunian ang gagamitin mo? Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Bahagi ng aralin ninyo ang mga kontinente. Kailangan mong
malaman kung alin sa mga ito ang pinakamalawak at kung alin-
aling bansa ang nasasakop nito. Anong sanggunian ang
gagamitin mo?
a. Diksunaryo b. Atlas c. Almanac
(Pinagyamang Pluma 4, Dayag p. 159)

2. Kailangan mong malaman kung ilan na ang bilang ng taong


naninirahan sa Pilipinas. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
a. Diksunaryo b. Atlas c. Almanac
3. kailangan mong malaman ang tamang pagbaybay sa salitang
antropolohiya. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
a. Diksunaryo b. Atlas c. Almanac
4. Gusto mong malaman kung anong bahagi ng pananalita ang
salitang “maganda”. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
a. Diksunaryo b. Atlas c. Almanac
5. Takdang-aralin mo kung kailan ang susunod na meteor shower.
Anong sanggunian ang gagamitin mo?
a. Diksunaryo b. Atlas c. Almanac

11
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 14.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto:
Sa isang malinis na papel, ilista ang iba pang sangguniang
pwedeng mapagkunan ng iba’t-ibang impormasyon. Maglista ng
lima ( 5 ) at isulat kung anong mga impormasyon ang
matatagpuan dito.
1. 4.
2. 5.
3.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!


12
Sanggunian:
1.https://gallery.yopriceville.com/Free-Clipart-Pictures/School-
Clipart/Open_Book_Brown_PNG_Clip_Art_Image#.XeORbOgzbIU

2. Prototype and Contexualized Daily Lesson Plans in Grade 4-Filipino p. 9

3. Prototype and Contexualized Daily Lesson Plans in Grade 4-Filipino p. 85

4. Iba’t-ibang uri ng mga sanggunian Slideshare.net

5. (Pinagyamang Pluma 4, Dayag p. 159)

13
14
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 3
1. Diksyunaryo 1.Diksyunaryo
2. Atlas 2. Atlas
3. Almanac 3. Atlas
4. Diksyunaryo 4. Almanac
5. Atlas 5. Almanac
Pagsasanay 1
1. Almanac Panapos na
2. Atlas Pagsubok
3. Diksyunaryo
1.B
4. Diksyunaryo
5. Almanac 2.B
3.A
Pagsasanay 2 4.A
1. Diksyunaryo 5.C
2. Almanac
3. Atlas
4. Atlas
5. Almanac
3. sa Pagwawasto
Susi
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like