Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

4

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 14.2:
Ako, Ikaw, at Tayo
Filipino – Baitang 4
Kwarter 1 – Modyul 14.2: Ako, Ikaw, at Tayo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: VILMA C. CLORES


Editor: Anna Liza F. Abuloc
Tagasuri: Anna Liza F. Abuloc
Tagaguhit: Emma N. Malapo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
(Ako, Ikaw, at Tayo)

Panimula:

Magandang araw! Kumusta ka?


Mabuti naman at maayos ang iyong
kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.
Sa gawaing ito, matututuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang
uri ng panghalip panao sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan na magagamit mo sa pang araw-araw na
pakikipag -usap

O, ano kayang-kaya ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang nagagamit ang
iba’t ibang uri ng panghalip Layunin:
(panao) sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan

1
Ano ba ang alam mo na sa
ating aralin, subukin mo nga?

PanimulangPagsubok:
Basahin natin.
Punan ang patlang ng angkop na panghalip panao. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Maryjoy ang ______ pangalan.


2. Kamag-aral ko sina Evelyn at Rina. _____ ay matatalino.
3. Norma at Gloria, ______ ba ay magkamag-aral din?
4. “Opo, _____ po ay magkamag-aral,” ang sagot ni Norma.
5. Lito nabasa _____ na ba ang bagong pahayagan?

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

2
O, diba kayang-kaya mong hanapin
ang mga salitang naglalarawan.

Masasabi mo ba kung ano ang tawag sa


mga salitang ito?
Masasabi mo rin ba kung ano ang
basehan ng pagkakahanay sa mga ito?
Halika, kilalanin mo pa ang mga panghalip
panao at ang mga panahunan nito.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin ang balita tungkol kay Juan sa ibaba. Bigyan pansin ang
mga salitang nakasulat ng madiin.

Ako si Juan Masipag. Hindi po ako tamad tulad ng


inaakala ninyo. Hindi nga lang ako nakikitang
nagtatrabaho dahil maagang-maaga akong nasa
bukid para malamig pa at maginhawa sa amin ng
kalabaw ko. Kaya tuwing nakikita nila ako ay
nakahiga na ako sa ilalim ng punong bayabas
dahil tapos ko na ang gawain at nagpapahinga na.
Sila ay naging mapanghusga. Subalit hindi na iyon
mahalaga. Ikaw na nakakapanood iyon ang
mahalaga. Ikaw na nakabasa nito, ang mahalaga
ay maging masipag ka rin at iwasang
mapanghusga nang walang ebidensya.

3
Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa para sa Elementarya 4, pahina 86

Suriin ang mga salita sa talahanayan mula sa sinabi ni Juan.

A B C
Ako Ikaw Sila
Ko Mo nila
amin ninyo

Panghalip – ang tawag sa bahagi ng pananalitang humahalili sa


pangngalan.
• Panghalip Panao – ay tawag sa mga panghalip na inihahalili sa
ngalan ng tao.
Panauhan at Kailanan ng Panghalip Panao
Unang panauhan- panghalip panaong tumutukoy sa taong
nagsasalita na may kailanang isahan, dalawahan, o maramihan.

Kailanan
Isahan Ako, ko, akin,
Dalawahan Kata, kita
Maramihan Tayo, kami, amin, atin, natin
Ikalawang Panauhan – panghalip panaong tumutukoy sa taong
kinakausap na may kailanang isahan o maramihan.

Kailanan
Isahan Ikaw, ka, mo, iyo
maramihan Kayo, inyo, ninyo
Ikatlong Panauhan – panghalip panaong tumutukoy sa taong
pinag-uusapan na may kailanang isahan o maramihan.

Kailanan
Isahan Siya, niya, kanya
Maramihan Sila, nila, kanila

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

4
Piliin at isulat sa sagutang papel ang lahat ng panghalip panao sa
bawat pangungusap.
1. Alam na nila ang sikreto natin.
2. Makinig ka nang mabuti sa guro mo.
3. Ano ang sinabi niya tungkol sa proyekto natin?
4. Sila ba ang tuturuan naming ng sayaw?
5. Basahin mo ang aklat na ibinigay ko.

Ipagpatuloy mo.

Ang panghalip panao ay


ipinapalit o ipinanghahalili sa
ngalan ng tao.

Ano ang kahalagahan ng paggamit ng


panghalip panao sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan?

Yehey! Natututuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang uri ng

panghalip panao sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling


karanasan

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

5
Simulan mo na ang iba’t ibang
gawain.

Pagsasanay
Basahing mabuti ang mga
pangungusap sa ibaba.

Panuto:
Piliin at isulat sa sagutang papel ang lahat ng panghalip panao sa
bawat pangungusap.
1. Sila ang kasabay ninyo sa sa lakbay-aral.
2. Kayo ay kabilang sa pangkat namin.
3. Nagulat kami nang sumigaw sila.
4. Ikaw ang pinakamatalinong estudyante nila.
5. Sigurado ka ba na siya ang nakita mo?

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 12.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

6
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay,heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay

Hanggang saan na ba ang iyong kahusayan sa paggamit ng


panghalip panao.

Panuto:
Tukuyin kung ang nakasalungguhit na panghalip panao ay nasa
panauhang una, ikalawa, o ikatlo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ako ay humahanga kay Juan Masipag.
2. Siya ay hinusgahan subalit nananatili pa ring mabuti.
3. Hindi tayo dapat nanghuhusga nang walang basehan.
4. Nagkulang sila sa mabuting pakikipagkapwa.
5. Ikaw man ay hindi rin dapat nanghuhusga.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

27
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na Pagsasanay
pagsasanay.

Panuto:
Basahin ang kuwento. Punan ng iba’t ibang uri ng panghalip
panao.
Naranasan (1) ____ na bang lumangoy sa dagat? (2)____ ay may
nakatutuwa ngunit nakakatakot na karanasan sa dagat.
Namasyal (3) ____ roon sa dinarayong Boracay Beach. Nakita (4)
___ ang malinaw at kulay berdeng tubig sa dalampasigan.
(5)____ at ang (6) _____ mga kapatid ay masayang
nagtatampisaw sa Pampang nang isang malaking alon ng
dumating at pagbalik sa dagat, (7)_____ ay natangay sa
kailaliman. Gayon na lamang ang takot (8)______. Mabuti na
lamang at isa sa aking mga pinsan ang nakakita sa akin at
pahilang dinala patungo sa pampang. Siya ang kasama kong di
ko malilimutan. Dahil sa (9)________ nagkaroon (10) _____ ng
panibagong buhay.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 12.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

38
Ang bahaging ito ng modyul ay
susukat sa mga natutuhan mo sa
loob ng aralin.
Huwag kang matakot
Panapos na Pagsubok dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panuto: Buohin ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno


ng wastong panghalip panao sa bawat patlang. Isulat ito sa
sagutang papel.
Bing : Magandang umaga sa ( 1) _____ Denice.
Denice : Magandang umaga rin sa (2) _____ Bing.
Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia?
Denice : Hindi pa. (3) _____, nakapunta ka na ba?
Bing: Oo, nakapunta na (4) _____. Kasama ko ang aking mga
magulang, sina Kuya Henry at Nene.
(5 )____ pa nga ang nagyaya sa akin pagpunta roon.
Denice: Kasama rin ba ang lolo at lola mo?
Bing : Hindi ( 6) ____ nakasama dahil nagbakasyon sila sa Quezon.
Denice : Naku sayang naman. Kailan ulit ( 7) ____ pupunta roon?
Bing : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag pupunta ulit
(8)____
Denice : Sana makasama ako pagpunta ( 9) _____.
Bing : O, sige. Sasabihin ko kina mama at papa. Natitiyak kong
papayag at matutuwa (10) _____.

49
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 12.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain at


pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay.


Kaya parang gusto ko pa ng karagdagang
Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang
Gawain

Panuto:
Para hindi mo makalimutan, magsanay pa sa paggamit ng
panghalip panao.
Tukuyin ang panghalip panao sa mga salawikain. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Sila ay naniniwala sa sabi-sabi,
Kaya wala siyang bait sa sarili.
2. Kumatok ka at ikaw ay bubuksan,
Humingi ka at ikaw ay pagbibigyan
3. Hindi kami humahatol sa pabalat ng aklat.

510
4. Kung kayo ay may kaya nang gawin ngayon,
Huwag nang ipagpaliban pa ng panahon.
5. Tayo ay walang mapapala kung pulos salita at kulang sa
gawa.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

Sanggunian :
Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa para sa Elementarya 4, pahina 86

6
11
12
7
Pagsasanay 2
Panapos na Pagsubok 1. Una
1. Iyo
2. Iyo 2. Ikatlo
3. Ikaw 3. Una
4. Ako
5. Sila 4. Ikatlo
6. Siya 5. ikalawa
7. Kayo
8. namin
9. mo Pagsasanay 1
10.sila
1. sila/ninyo
2. kayo/naming
3. kami/sila
Pagsasanay 3 4. ikaw/nila
5. siya/mo
1. Mo
2. Ako
3. Kami Panimulang Pagsubok
4. Ko
5. Ako 1. aking
6. Akin 2. kayo
7. Ako 3. sila
8. Ko 4. kami
9. Kanya 5. mo
10.Ako
Susi sa Pagwawasto
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like