Repleksyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MUTUC, MARIEL M.

12 GAS HUMSS 3

GOYO: ANG BATANG HENERAL

Sino ba ang Heneral na tinutukoy ng pelikulang ito? May naitulong ba


talaga siya sa pakikipaglaban sa mga dayuhan? Nagampanan ba niya ang
kanyang tungkulin na protektahan ang ating bansa? Ano-ano nga ba ang
kaganapan na ibinahagi ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral?”

Magsisinungaling lamang ako kung sasabihin kong kilalang-kilala ko si


Henaral Gregorio Del Pilar. Oo, maaari noong elementarya ako ay
ipinakilala siya saamin, yung mga historya na naganap noon. Ang
pagkakakilanlan ko kay Heneral Gregorio Del Pilar ay isang bayani na
pinaglaban ang Pilipinas sa mga gustong sumakop nito, isang magiting na
Heneral na ginampanan ng maayos ang kanyang posisyon. Ngunit binasag
ng pelikulang ito ang paghanga ko kay Heneral Luna, Ang mga teksto noong
elementarya ay sinasabing siya ang pinakabatang heneral na nagpakita ng
kabayanihan sa Pasong Tirad. Naisip ko, kung sa edad niyang iyon ay
nagging heneral na siya ay ibig sabihin magaling siya sa pakikidigma.
Ngunit sa pelikulang ito ay mali ako. Naging heneral si Goyo dahil sa
kaniyang mga koneksiyon, lalo na kay Aguinaldo. Makikita mo sa
pelikulang ito ang ugali ng mga Pilipino, ang pakikisama. Minsan maayos,
minsan naman bastos o hindi mabuti. Ang pagkakaalam ko ay napatay si
Heneral Luna dahil hindi siya nakisama sa kagustuhan ng Gabinete at iba
pa kaya’t siya ay ipinapatay kahit na kilala siya bilang isa sa mga magaling
na Heneral noon, at si Goyo naman ay parang asong sunud-sunuran kay
Aguinaldo, kaya siya ay inilagay sa pwesto kahit na mas may iba pang
nararapat kumpara sa kaniyang kakayahan.

Ipinakita sa pelikulang ito na ang mga Bayani na tinitingala’t pinupuri


natin ay mga katulad lang rin natin na simpleng tao lamang. May mga
ambisyon, pangarap, iniirog at iba pa. Namulat ang aking kaisipan na hindi
lang sila ang dapat bigyan ng pagtingala at papuri, kundi ang mga sundalo.
Dahil sila ang gumagalaw at gumagawa ng paraan. Sinusunod lang nila ang
mga Pinuno o nakatataas sakanila ngunit sa pamamagitan ng pagsunod nila
ay katumbas na nito ay ang pagsasaalang-alang ng kanilang mga buhay.
Pero kahit anong laban na ginawa ng mga Pilipino noon ay nagawa pa rin
nasakop ng mga Amerikano ang ating bansa dahil sa maling pamamalakad
ng mga ito. Hindi nagtagumpay ang pakikipaglaban sa mga mananakop
dahil mismong ang mga Pilipino ang nag-aaway. Kadahilanang baluktot ang
mga pamamalakad nila noon sa ating bansa.

Maging mulat sana tayo sa maling taktika ng mga nakaluklok sa


kanilang pwesto, huwag nating hayaan na maging aso tayo na sunud-
sunuran lamang sakanilang mga gusting gawin sa bansa natin. Matuto
tayong huwag iasa sa isang tao ang pag-unlad ng Pilipinas, maging aral sana
ang pelikulang ito saatin.

You might also like