Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin #6 H, A.
Banghay Aralin #6 H, A.
I. Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagliliwanag kung ano ang kahulugan ng diptonggo.
b. Nakikibahagi sa loob ng klase ng iba’t-iba pang halimbawa ng mga salitang
diptonggo,
c. Nakabubuo ng mga pangungusap ng mga salitang may taglay na diptonggo.
II. Paksa
Biyaya ng Langit, 31-42 Mga Salitang Diptonggo
a. Sanggunian: PINTIG ng LAHING PILIPINO 3, 31-42, C. D. Javier PhD., at J.
C. Jose, SIBS PUBLISHING HOUSE, INC., 927 Quezon Ave., Quezon City,
2015
b. Kagamitan: powerpoint, manila paper, at marker
III. Pamaraan
a. Pagbabalik aral
“Ano nga ba ulit ang ating napag- “Tungkol po sa klaster, Bb”
aralan kahapon?”
“Tama ka Ivy”
b. Pagganyak
“Ngayon naman tunghayan natin “Opo, Bb.”
kung ano ang susunod nating aralin
ngayon hapon, handa na bang
makinig ang lahat?”
(Sa tulong ng power point ipapakita
ng iba’t-ibang larawan)
“Maaaring niyo bang ilarawaan kung ano “Ako po Bb., nakikita ko po ang
ang nakikita niyo sa pisara, itaas lamang ang mga batang masayng naglalaro”
inyong mga kamay at wag maingay?”
b.Paglalahad
“Ngayon tunghayan natin ang babasahing “Opo, Bb.”
tula ni Cathrina, at makinig kayong mabuti, ”
Biyaya ng Langit
Sa mumunting buko na namumukadkad,
Sa luntiang damuhang may sariwang
langhap,
Sa awit ng iban na lilipad lipad,
Sa lahat ng bagay na ganda’y kalangkap,
Sa masayang talon at bughaw na langit,
Sa punong may lilim at bungang naglawit,
Sa hanging mabini na amoy pinipig,
Sa asul na budok at masayang bukid,
Sa pag aaruga ni Ama’t Ina,
Sa mga kapatid na puno ng sigla,
Sa pagmamahalan sa tahanang aba,
Sa pagkakabuklod ng aming pamilya,
Sa magdamag pa ring taglay ay pag-asa,
Sa suyo at aliw ng mga kasama,
Sa lahat ng ito, salamat po, Ama!
“Napansin niyo ba kung saan nagtatapos “Opo, Bb., nabasa ko po ang aw,
ang mga salitang may salungguhit sa inyong ay, at iw.”
nabasa?”
“Alam niyo ba kung ano ang tawag sa “Hindi po namin alam, Bb.”
tunog ng pinagsamang mga patinig at katinig
na ito?”
c. Paghahalaw
“Ngayon naman dahil napag alaman na “Opo, Bb.”
ninyo kung ano ang diptonggo, maaari niyo
bang hanapin sa nakadikit na manila paper sa
pisara at bilugan gamit ang marker ang mga
salitang may diptonggo?”
d. Paglalahat
“Maaari ba nating balikan kung ano ang “Ako po Bb. Ang paksang ating
paksa natin ngayon?” tinalakay ngayon ay tungkol sa
diptonggo”
“Tama, Merry Joy, diptonggo ang paksang
tinatalakay natin.”
“Maaari bang ibahagi sa klase kung ano “Bb. Ang diptonggo po ay ang...
ang diptonggo” pinagsamang tunog ng patinig at
katinig.”
e. Paggamit
“Ipapangkat ko kayo sa lima, at tingnan ang
nasa pisara kung nakinig talaga kayo ng
mabuti. Kung sino sa mga kaklase niyo kayo
mas komportable maaari kayong bumuo ng
grupo.”
“Magsimula na.”
Gawain A.
Lagyan ng tsek (/) ang salitang may
diptonggo sa bawat hanay.
1. Baboy daga pusa kambing
2. Iyak sigaw takot saya
3. Himig sariwa takot hilaw
4. Kalabasa okra sitaw luya
5. Ulan simoy hangin bituin
6. Daloy takbo agos lakad
7. Kasama inis galit hiwalay
8. Langhap ilong amoy mabaho
9. Puso buhay busilak dibdib
10. Langaw lamok ipis butiki
IV. Ebalwasyon
“Kumuha ng isang buong papel at sagutan “Opo, Bb.”
kung ano ang nasa pisara”
Gawain B.
Panuto: Magbigay ng mga salitang
nagtataglay ng ibinigay na mga diptonggo.
Gamitin ang mga salita sa pangungusap.
Ay
1._________ _____________________
2. ________ _____________________
Oy
1. ______ _____________________
2. ______ _____________________
Aw
1. ______ _____________________
2. ______ _____________________
Iw
1. ______ _____________________
2. ______ _____________________
V. Takdang Aralin
“Sa susunod na pagkikita, maaari ba
kayong mag saliksik tungkol sa susunod “Opo, Bb.”
nating aralin?”
“Isulat niyo sa kwaderno, Pagbuo ng
Salita na may isa o dalawang patinig.” “Tapos na po, Bb.”