Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Paradero, Leslie B.

BSEd-Filipino IIC

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

a. Natutukoy at naipapaliwanag ang Alamat at Bahagi ng Alamat,

b. Nakapagbahagi ng mensahe o aral ng nabasang alamat “Alamat ng Saging”.

c. Nakagagawa ng sariling Alamat.

II. Paksang Aralin

Paksa : Alamat at Bahagi ng Alamat

III. Sanggunian: Module sa Filipino VI

Kagamitan: Larawan, Cartolina, kopya ng kuwento

IV. Araling Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PAGHAHANDA

a. Panalangin

b.Pagtsetsek ng liban at hind liban sa klase.

c.Pagbati

Magsitayo ang lahat, manalangin muna tayo. (Tatawag ng Studyante 1: Sa ngalan ng Ama ng Anak ng
isang estudyante para magpasiuna sa panalangin)
Espirito ....... AMEN

Magandang umaga klas!

Magandang umaga rin po Ma'am.


Bago umupo, paki-ayos ng inyong upuan at panatilihin na kayo
ay nasa linya.

Mag-aaral: (Gagawin ang sinabi ng guro)


Mag tse-tsek muna ako ng inyong atendans. May lumiban ba
sa klase?
Wala po Ma'am.

d. Pagbabalik aral

Studyante 2: Ma'am noong nakaraang araw, ang tinalakay po


Klas, noong nakaraang araw ano nga ang ating tinalakay ? natin ay tungkol sa Karunungang Bayan.

Tumpak (pangalan ng estudyante) Studyante 3: ang karunungan bayan ay isang sangay ng


panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga
Ano nga ulit ang karunungang bayan klas? kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

Mag-aaral: (pumalakpak)

Magaling, bigyan natin siya ng limang palakpak.

At ang karunungang bayan ay binubuo ng salawikain,


sawikain, palaisipan, bugtong, kasabihan, at kawikaan.

Dahil nauunawaan niyo na ang ating tinalakay,ngayon ay


dumako na tayo sa ating susunod na paksa.

B.PAGGANYAK

Mayroon akong ipapakitang larawan at nais kong magbigay


kayo ng ideya sa Larawan.

Sino ang may ideya?

Unang larawan: PAMILYA


Studyante 4: Ang nasa larawan po ay isang pamilya nakung saan
sila ay nagtutulungan at sa ganyang paraan po ay nagiging
bonding na nila ito.
Magaling (pangalan ng estudyante).

Mag-aaral 5: Isang guro po na nagtuturo upang may matutunan


Pangalawang Larawan: Guro na nagtuturo ang kanyang mga studyante.

Magaling (pangalan ng estudyante).


C. PAGLALAHAD NG ARALIN

Sa ngayon ang paksang ating tatalakayin ay tungkol sa Alamat


at Bahagi ng Alamat.

Ano ang alamat?


Mag-aaral 6: Alamat- ang alamat o folklore sa wikang Ingles ay
Pakibasa ng nasa PPT (magtatawag ng estudyante) isang kuwentong maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katotohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar,
pangyayari, o katawagan. Karaniwang nakapaloob sa isang
alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga ninuno.

Salamat.

(Ipapaliwanag ng guro ang mga sumusunod)

BAHAGI NG ALAMAT

1.Simula

a.Tauhan

b.Tagpuan

2.Gitna

c.Suliranin

d.Kasiglahan

e.Tunggalian

f.Kasukdulan

3.Wakas

g.Kakalasan

h.Katapusan

(Pagkatapos nito magtatawag ang guro ng mga mag-aaral)


Mag-aaral 7: Sa simula po Ma’am ay pinapakitapo dito kung
(Tatawag ng pangalan) ano nga ulit ang simula?
saan magaganap ang kwento at kung sino-sino ang mga tauhan
sa kwento.
Mahusay! Mag-aaral 8: Sa gitna naman po Ma’am ay mga problemang
kinahahantungan ng mga tauhan, kasiyahan at mga tunggalian
Sunod, ikaw naman (tatawag ng pangalan) ano naman ang ng mga tauhan sa kwento.
nasa gitna?

Magaling!
Mag-aaral 9: Sa wakas naman po Ma’am ay dito malalamn kung
Panghuli, (tatawag ng pangalan) ano naman ang nasa wakas? ano ang katapusan ng kwento , kung ano ang kahihinatnan ng
kwento.

Very Good! Salamat sa inyong mga sagot.

D. PAGLALAPAT

Dahil alam niyo na ang bahagi ng alamat ay may


pangkalahatang gawain tayong gagawin sa araw na ito na (Bubuo ng grupo)
ibabahagi ninyo sa klase. Ipapangkat ko kayo sa 3 grupo.

(bibigyan ang bawat grupo ng kopya ng kuwento.)

“ALAMAT NG SAGING”

Unang grupo ay maglalahad ng Simula at aral na natutunan sa


kuwento.

Pangalawang grupo ay Gitna at aral na natutunan sa kuwento.

Ikatlong grupo Wakas at aral na natutunan sa kuwento.

Bibigyan ko kayo ng 15 minuto para tapusin ito.

Nakuha ba? Wala ng tanong klas?

Mabuti, sige magsimula na kayo. Opo Ma'am!

Pagkatapos ng mga mag-aaral ay ibinahagi na nila ito sa klase.

Magaling at nagawa niyo ang inyung gawain. Good job!

E.PAGLALAHAT

Ngayon naman ay tatanungin ko ang ilan. Hindi na maaring


sumagot ang nakasagot na kanina.

Itanong:
Ano ang inyong natutunan sa tinalakay natin ngayong araw?

Sige ipaliwanag. Mag-aaral 10: (nagtaas ng kamay) Ma'am!.

Magaling! Sunod -Ang aral po na aking natutunan aykahit na ang alamat ay gawa-
gawa lamang sa mga pinagmulan sa ating kapaligiran ay marami
Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang mga alamat? Bakit? pa rin tayong matututunan na kung saan ay maaaring ma-aaply
natin ito sa ating sarili.
Gusto kong ikaw ang sumagot nito (babanggit ng pangalan).

Mag-aaral 11: (tatayo) Napakahalaga po ng alamat. Lalo na po


Mahusay! Tunay ngang nakikinig kayo sa akin.
sa ating panitikan na kung saan ang gamit ang alamat ay
nailalarawan din nito ang tradisyon o kultura ng mga Pilipino.

V. Ebalwasyon

Sa isang buong papel ay gagawa kayo ng sariling alamat. At lagyan niyo kung ano ang aral ng kuwento.

Rubriks sa Pagmamarka

1.Pagkakasulat- 25%

2.Pagkakabuo- 25%

3.Nilalaman- 50%

VI. Takdang Aralin

1.Kahulugan ng Tula

2.Elemento ng Tula3.Uri ng Tula

You might also like