Professional Documents
Culture Documents
Q4 Arts 5 Week2
Q4 Arts 5 Week2
Q4 Arts 5 Week2
W2 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Paraan sa Paggawa ng 3-Dimensyonal Craft (Paper Beads at papier
mache)
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper beads at papier
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
mache jar
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng
mobile, papier mache at paper beads.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I.Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Sa panahon ng pandemya maraming mga tao ang nawalan ng hanapbuhay o pagkakakitaan dahil hindi sila
makalabas, nagsarado ang mga pagawaan, at iba pang mga dahilan bungsod ng COVID-19. Subalit hindi tayo
dapat tumigil o mawalan ng pag-asa sapagkat maraming paraan para tayo ay may pagkakitaan, maging malikhain
tayo at madiskarte sa buhay.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay matutunan ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng paper beads
at papier mache bilang isang gawaing mapagkakakitaan.
Panuto: Awitin ang awiting “Manggagwa” ni Gary Granada, maaring ayain ang iyong magulang o tagapagturo na
sabayan ka sap ag-awit. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ito sa kwaderno.
Manggagawa
Gary Granada
www.youtube.com/watch?v=ypSIQ6zDiEA
Kung ang ulo niya'y masagi sa balikat mo kaibigan Natutunan niyang hamakin ang sakit at sakuna
Ikaw na sana ang marunong umunawa, Tatlumpu't pitong taon na siyang nasanay
Ibig lamang maidlip ang lamog na katawan Sa matang namumutla ay inyong mapupuna,
Ng isang pangkaraniwang manggagawa. Siya'y mamamatay sa kaka-hanapbuhay.
Sa maraming pabrika ang pahinanteng tulad niya Sa mga nagpapaluwal ang sahod niyang butal-butal
Ay palipat-lipat na namamasukan, Nasanla nang matagal sa kagipitan
Sa lamig ng magdamag, pagod niya'y sinasagad At kahit siya magpapagal, pilit mang isusugal,
Sa munting paghahangad na mabuhay. Ang hapo at nangangatal niya nang laman.
Kulang ang maghapon upang makaipon Samantalang may isang panginoong may kapital
At makakaahon ang isang dukha, Ang nagdiwang at nagdaos ng hapunan,
Kulang din ang pawis kahit labis-labis At kabilang sa hapag ng panauhing pandangal
Kung ang nagnanais ay maralita. Ang tanyag at ang banal sa ating lipunan.
Mga Katanungan
1. Sino ang tinutukoy sa awitin?
2. Sa panahon ngayon ano ang magagwa mo upang pahalagahan ang ating mga manggagawang Pilipino?
3. Ayon sa awitin, ano ang kulang upang siya ay makaipon?
4. Ayon sa awitin, ano ang tawag sa isang taong may kapital?
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awiting ito?
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 10 minuto) Halina’t Matuto
Paper Beads
http://www.growingtreetoys.com/product/roll
Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na maaaring pagkakitaan kung gagamitan
ang kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito ay nagmula pa sa bansang Inglatera na kung saan ang mga
kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng maliliit na papel upang makulayan at matuhog para gawing palamuti sa
katawan gayundin upang maging palamuti sa bahay tulad kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel upang makalikha ng
beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan base sa nais.
Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa katawan at bahay ang
nagawang tinuhog na beads. Narito ang mga sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng 3 dimensyonal craft na
paper beads.
Papier Maché
http://blog.nus.edu.sg/ariurban/files/2014/03/Making-papier-mache-2cjqf4j.jpg
Ang Papier maché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga
papel o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit. Ang bayan ng Paete ay kilala sa taka
o papier maché na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan dito pangalawa sa pag-uukit.
May dalawang paraan ang pagtataka o papier maché. Una, ang paggamit ng dinurog na papel matapos
ibabad sa tubig. Ito ay hahaluan ng glue at siyang gagawing taka. Ikalawang paraan ay ang paggamit ng pinilas
na mga papel at ididikit sa isang molde. At matapos mabuo ang dibuho mula sa molde ay tatanggalin mula sa molde
at ididikit upang makabuo ng isang proyektong may katulad na hugis sa moldeng ginamit. Narito ang mga hakbang
sa paggawa ng Papier maché.
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang bead kung ang pahayag o
pangungusap ay tungkol sa paggagawa ng paper beads. Isulat naman ang salitang maché kung ito ay nag-
papahayag ng paggawa ng papier maché. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng paper beads sa pamamagitan ng pagguhit ng bilog sa patlang
at ilgay naman ang ekis X kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
_______ 1. Ang paper beads ay gawa mula sa binilot o inirolyo na maliliit na papel na kinulayan at dinisenyuhan.
_______ 2. Isa sa pamamaraan nito ay ang pagtutuhog ng mga nirolyong papel matapos itong makulayan at
madisenyuhan.
________3. Isang teknik sa paggawa ng paper beads ay ang pagsukat ng bibiluting papel upang makagawa ng pare-
parehong laki at hugis ng paper beads.
________ 4. Ang karayom at sinulid ang karaniwang gingamit sa pagtutuhog ng paper beads.
________ 5. Sa paggawa ng paper beads hindi na isinasaalang-alang ang sukat at espasyo para makagawa ng pare-
parehong hugis ng nito
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Pagsunod sunudin ang mga hakbang sa pagtataka o papier maché sa pamamagitan ng paglalagay ng
bilang 1-10 sa patlang bago ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kwaderno.