Pagsulat NG Maikling Kuwento

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Unibersidad Ng Santo Tomas

Kolehiyo ng Edukasyon
Unang Termino | T.P. 2022 - 2023
Preliminaryong Yugto

SEFI 71014 : MAIKLING KUWENTO AT NOBELA

QUEVEDO, Hannah N. Assoc. Prof. Amur Mayor-Asuncion, EdD.


3FM Ika-25 ng Setyembre, 2022

“KARMA”

Si Prudence ay isang simpleng mag-aaral lamang. Hindi mayaman ngunit hindi rin mahirap. Sa gobyerno
rin nagtatrabaho ang kaniyang magulang na nagsusumikap maipagpatuloy lamang niya ang pag-aaral
sa isang pribadong paaralan sa Pasig. Buong buhay ni Prudence, mas maraming pagkakataon na hindi
niya nakukuha ang kaniyang mga gusto kaya naman madalas din ay naiinggit siya sa mga kaibigan at
kaklase na ibang iba ang pamumuhay kumpara sa kaniya. Sino nga ba naman siya para magkaroon ng
mga gamit na singmahal ng matrikula ng kanilang paaralan ‘di ba.

Na sa ika-10 baitang na si Prudence at tila dito ay hindi na niya nakayanan ang inggit na nadarama.

“Pa baka naman oh. Kahit cellphone lang sa pasko. Maganda naman ang mga grado ko at hindi naman
ako sakit ng ulo sa inyo ni mama…” pagmamakaawa ni Prudence sa kaniyang ama.

“Ay nako duda ako dun sa hindi sakit ng ulo ha.” tugon naman ng kaniyang ama. “Pa naman. Sige na oh.
Please?” patuloy na pagmamakaawa ni Prudence. Hindi na tumugon pa ang kaniyang ama at tumuloy
na ito sa pagluluto ng kanilang hapunan.

Kinabukasan, pag-uwi ng kaniyang ama mula sa trabaho ay ngiting-ngiti ito na may bitbit na isang maliit
na paper bag.

“Prudence, nak, halika muna dito. May pasalubong ako!” Dali-dali namang bumaba si Prudence mula sa
itaas dahil siya ay nagsasampay.

“Surprise!”, sambit ng kaniyang ama. “Sang-ayon naman ako na mataas ang grado mo kaya ito. Binilhan
na kita ng Samsung. Alam kong yan ang lagi mong tinitignan.”

Tuwang tuwa naman si Prudence na binuksan ang regalo. “Nako pa salamat talaga! Da best ka talaga!”
sambit nito sa kaniyang ama. “Pero duda pa rin ako sa hindi ka sakit ng ulo. Hmmm…” pagbibiro naman
ng ama nito. Patuloy lamang na nagkuwentuhan ang mag-ama at muntik pang malimutan ang mga
damit na hindi pa tapos isampay.

Tuwang-tuwa si Prudence na ikinuwento sa kaniyang mga kaklase ang ginawang surpresa ng ama.
Maging ang kaniyang mga kaibigan ay natuwa rin para sa kaniya dahil maging sila ay alam na gustong
gusto talaga nitong magka-cellphone.
Unibersidad Ng Santo Tomas
Kolehiyo ng Edukasyon
Unang Termino | T.P. 2022 - 2023
Preliminaryong Yugto

SEFI 71014 : MAIKLING KUWENTO AT NOBELA

QUEVEDO, Hannah N. Assoc. Prof. Amur Mayor-Asuncion, EdD.


3FM Ika-25 ng Setyembre, 2022

Habang pauwi mula paaralan, tatawid na sana si Prudence sa overpass pagkababa niya ng jeep ngunit
siksikan ang mga tao rito. Rush hour na rin kasi. Ihaharap sana niya ang knaiyang bag dahil marami ngang
tao ngunit hindi niya magawa dahil mabubunggo niya ang sanggol na karga ng kaniyang katabi. Kaya
naman tumuloy na lamang siya sa paglalakad.

Ngunit habang naglalakad ay may naramdaman siyang nakatusok sa kaniyang tagiliran. Nagulat na
lamang siya ng may bumulong na “‘Wag kang magulo kung ayaw mong tumusok sa’yo ‘to.”

Mangiyak-ngiyak na si Prudence ngunit wala siyang magawa dahil ayaw naman niyang masaksak at hindi
rin niya alam kung ano ang mangyayari kapag sumigaw siya. Ngunit sa isip niya, pinaghirapan ng ama
niya iyon at hindi siya papayag na basta-basta na lang iyon manakaw.

Kaya sumigaw siya ng malakas. “MAGNANAKAW!”

Dali-daling tumakbo palayo ang nang-holdap sa kaniya at agad din naman siyang tumakbo papalayo.
Kaya hindi nagtagumpay ang holdaper sa kaniyang balak.

Hindi niya napansin ay nakarating na siya sa kanila. Nang makita ang kaniyang ama ay agad itong
tumakbo sa kaniya at luhaang ikinuwento ang nangyari habang yakap-yakap ito. Pinakalma siya ng
nag-aalalang ama at tinuruan pa ito kung paanong mapoprotektahan ang sarili sa mga ganoong
sitwasyon. Ngunit pinagsabihan din siya na kung na sa ganoong sitwasyon ay masmahalagang ligtas siya
kaysa sa mga gamit na dala niya.

Natapos ang araw sa paghahapunan ng mag-ama habang pilit na pinapatawa si Prudence ng kaniyang
ama upang mawala ang takot nito.

You might also like