Le Mapeh 5 Q2 W3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Unson E/S Baitang  

5
LESSON EXEMPLAR Guro RANELYN A. TUDTUD Asignatura  MAPEH
WEEK 3 Petsa Markahan Ikalawa
Oras Bilang ng Araw araw
Learning Area MAPEH 5
Learning Delivery Modality Progressive Face to Face Learning

MUSIC – Makilala ang mga music intervals, gayon din naman makilala mo
I. LAYUNIN ito sa pamamagitan ng pakikinig at makagawa ng melodic intervals.

ARTS - Makilala ang mga likha ng ilang tanyag na mga pintor, matukoy ang
mga istilo ng pagpipinta ng mga pintor at makapagpinta ng sariling likhang-
sining.

HEALTH – Mailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty at


masusuri ang mga ito ayon sa pagkakaroon ng medikal at siyentipikong
batayan.

P.E.- Maipapaliwanag ang uri at pinanggalingan ng mga invasion game,


mailalarawan ang mga kasanayang kailangan sa paglalaro, at maisasagawa
mo ang mga panuntunang pangkaligtasan upang makapaglaro nang ligtas at
malayo sa sakuna.
A. Pamantayan Pangnilalaman MUSIC – Makilala ang mga music intervals, gayon din naman makilala mo
ito sa pamamagitan ng pakikinig at makagawa ng melodic intervals.

ARTS- Makilala ang mga likha ng ilang tanyag na mga pintor, matukoy ang
mga istilo ng pagpipinta ng mga pintor at makapagpinta ng sariling likhang-
sining.

HEALTH - Mailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty at


masusuri ang mga ito ayon sa pagkakaroon ng medikal at siyentipikong
batayan

P.E.- Mailalarawan ang mga kasanayang kailangan sa paglalaro


B. Pamantayang Pagganap MUSIC - Makagawa ng melodic intervals..

ARTS – Makapagpinta ng sariling likhang-sining.

HEALTH – Mailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty at


masusuri ang mga ito ayon sa pagkakaroon ng medikal at siyentipikong
batayan

P.E.- Maisasagawa mo ang mga panuntunang pangkaligtasan upang


makapaglaro nang ligtas
C. Pinakamahalagang Kasanayan MUSIC - Makilala ang mga music intervals, gayon din naman makilala mo
sa Pagkatuto ito sa pamamagitan ng pakikinig at makagawa ng melodic intervals.
(MELC)
ARTS - Makilala ang mga likha ng ilang tanyag na mga pintor, matukoy ang
mga istilo ng pagpipinta ng mga pintor at makapagpinta ng sariling likhang-

1
sining.

HEALTH - Mailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty at


masusuri ang mga ito ayon sa pagkakaroon ng medikal at siyentipikong
batayan

P.E.- Maipapaliwanag ang uri at pinanggalingan ng mga invasion game,


mailalarawan ang mga kasanayang kailangan sa paglalaro, at maisasagawa
mo ang mga panuntunang pangkaligtasan upang makapaglaro nang ligtas at
malayo sa sakuna.

D. Pagpapaganang Kasanayan
II.NILALAMAN MUSIC – Melodic Intervals

ARTS - Ganda ng mga Tanawin

HEALTH - Mga Isyung Pangkalusugan Kaugnay ng Pagbibinata at


Pagdadalaga

P.E. Mga Gawaing Magpapaunlad ng Kakayahang Pangkatawan


III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Learners packet o LEAP
b. Mga Pahina sa Kagamitang MAPEH 5
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para Activity Sheet, Lesson video
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula MUSIC
Ang isang himig o melodiya ay binubuo ng mga nota. Maaaring ang mga nota
ay papataas, pababa o pantay lang. Kung minsan ito ay pahakbang ang
pagtaas at pagbaba. May pagkakataon naman na palaktaw ang pagtaas at
pagbaba. Dito natin makikita ang interval. Ang interval ay ang pagitan ng
dalawang tono.

ARTS
Isa sa mga tanyag na pintor ng bansa si Fernando Amorsolo. Bawat
pintor ay may kani-kaniyang istilo ng pagpipinta. Kapansin-pansin na
katangi-tangi ang kanilang mga istilo, ito ang nagiging tatak nila o

2
pagkakakilanlan sa kanilang obra. Ipinahahayag nila ang kanilang
damdamin sa kanilang pagpipinta.

Color Wheel
Mga kahulugan ng bawat kulay:
 Asul - kalungkutan, dalamhati, kabanalan, langit, tubig,
kaalaman.
 Pula - katapangan, dugo, apoy, init, masaya, galit., kasalanan
 Dilaw - inggit, masaya, apoy, init
 Orange - karunungan
 Berde - tao, kalikasan.kaginhawahan
 Violet - kalungkutan, dalamhati, kapayapaan, kabiguan
 Brown - bahay, kahoy, mga gawang mekanikal
 Puti - kalinisan, dalisay, simple, relihiyoso, kabutihan Itim -
misteryoso, hiwaga, kasamaan, makasalanan
HEALTH
Sa panahon ng pagdadalaga ay makararanas ang mga kababaihan
ng di-nais-nais na pakiramdam tulad ng pananakit ng likod, ulo, kapaguran at
paninigas ng tiyan. Ang sanhi ng mga ito ay ang pagbabagong
nagaganapsa loob ng katawan. Ang dibdib ay nagiging malaki at masakit
kung mahawakan o masagi. Ang iba ay nagiging balisa, malungkutin at
mukhang pagod. Ang iba naman ay nagkakaroon ng tigyawat. Kung
nararanasan mo ito, hindi ka dapat mabahala dahil likas na ganito ang
mangyayari sa yugtong ito ng iyong buhay.

P.E.
Isa sa mga naidudulot ng paglahok sa mga pisikal na gawain tulad ng invasion
game ay ang pagpapabuti nito ng physical fitness o kakayahang
pangkatawan. Mahalagang matutuhan ang mga ito upang makasali sa
ganitong uri ng pisikal na gawain dahil bukod sa pagiging kagiliw giliw, ang
mga ito ay epektibo ring ehersisyo.
Magkaiba ang target game sa invasion game. Ang layunin ng isang invasion
game ay ang malusob ang teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtayâ
ng isang bagay. Kailangan ng bilis at liksi sa paglalaro nito. Mahalaga ang mga
kasanayang ito dahil ginagawa rin ito sa mga isport tulad ng basketball at
softball. Upang makapuntos, kailangang maging mas mabilis sa iyong
kalaban. Ang mga health-related component gaya ng cardiovascular
endurance at flexibility, at mga skill-related component gaya ng liksi, bilis, at
lakas ay nagagamit tuwing maglalaro ng invasion games.
B. Pagpapaunlad MUSIC

3
ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pagmasdan ang larawan. Tukuyin ang
bahaging unahin ( foreground ) gitnang bahagi ( middle ground ) o likurang
bahagi ( background ) sa landscape painting.

HEALTH
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang
mga sumusunod ay isyu o usapin sa panahon ng pagdadalaga at pabibinata
at ekis () naman kung hindi. Gawin ito sa kuwaderno.
______1. isyung pang-nutrisyon
______2. pagbabago-bago ng kasalukuyang emosyon
______3. pangangalaga sa ngipin at ibang bahagi ng bibig
______4. pagkakaroon ng tagihawat
______5. mga usapin sa pagreregla ng babae
______6. maaga at di inaasahang pagbubuntis
______7. sexual harassment (abusong sekswal)
______8. di kanais-nais na amoy

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin
kung alin sa mga ito ang invasion game.

C. Pagpapalihan MUSIC

4
ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magtala sa iyong kwaderno ng mga
magagandang landscape/tanawin sa iyong paaralan at pamayanan sa
tulong ng iyong mga kasama sa bahay.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

HEALTH
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa graphic organizer kung paano
maiiwasan ang mga suliraning pangkalusugan sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga.

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Kumpletuhin ang mapa ng konsepto sa ibaba.
Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga larong maituturing na invasion
games.

D. Paglalapat MUSIC

5
ARTS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Punan ang mga patlang upang makabuo
ng makabuluhang pahayag tungkol sa aralin.
Bawat bata ay may angking talino at __________________ upang ang
___________________ng iba’t ibang _____________________ay maging
kakaiba
tulad ng ginawa ng mga Pilipinong Pintor. Nagiging kahali-halina ito sa
pamamagitan ng paggamit ng balanseng ________________.

HEALTH
Ano ang dapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Kopyahin at
sagutan sa kuwaderno. Lagyan ng kahon ang iyong sagot.

1. madalas sumakit ang mga ngipin


A. magsepilyo pagkatapos kumain B. magmumog ng tubig

2. may ‘di kanais-nais na amoy ang katawan


A. magpalit ng damit B. maligo araw-araw

3. madalas na malungkutin
A. manood ng mga nakakaiyak B. libangin ang sarili na palabas

4. antukin
A. magkaroon ng sapat na tulog B. magpuyat

5. nanghihina o nagiging lambutin


A. kumain ng masusustansyang pagkain B. magpalipas ng gutom

P.E.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang
pahayag at ekis (X) naman kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. pakikipagtulungan sa mga kakampi
_____2. maayos na komunikasyon sa bawat isa
_____3. maging mapanlamang sa katunggaling pangkat
_____4. pagtupad ng bawat isa sa nakaatas na gawain at tungkulin
_____5. pagiging argesibo at mapanakit sa pakikipaglaro
_____6. pagiging magiliw na kakampi at kalaro
_____7. pagiging tapat sa pangkat at sa layunin nito
_____8. pagiging mainitin ang ulo kapag natatalo sa laro
V.Pagninilay MUSIC/ ARTS/HEALTH/P.E.
Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon

6
gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _________________________________.
Nabatid ko na _________________________________________.
Naisasagawa ko na ____________________________________.

Prepared by:

RANELYN A. TUDTUD
Teacher
Checked by:

MAURO P. ABELLA, JR.


Principal III

You might also like