AP 8 Quarter 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 62

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY

DO NOT REPRODUCE

Educating minds, Shaping the future

MODYUL SA PAG-AARAL NG
ARALING PANLIPUNAN
Batay sa 2020 Most Essential Learning Competencies (MELC)
para sa New Normal

Baitang 8 | Unang Markahan

Heograpiya at ang Pagsisimula


ng Kasaysayan sa Daigdig

Baitang 8 Unang Markahan i


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

ii MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talaan ng Nilalaman

Unang Markahan

Heograpiya at ang Pagsisimula


ng Kasaysayan sa Daigdig

Aralin 1 – Ang Daigdig at ang Katangiang Pisikal Nito ............................................1


Aralin 2 – Heograpiyang Pantao................................................................................9
Aralin 3 – Ang Daigdig sa Panahong Prehistoriko ...................................................17
Aralin 4 – Sinaunang Kabihasnan sa Ehipto............................................................23
Aralin 5 – Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia..................................................30
Aralin 6 – Sinaunang Kabihasnan sa India...............................................................38
Aralin 7 – Sinaunang Kabihasnan sa China.............................................................44

Lagumang Pagsusulit..............................................................................................50

Glosaryo..................................................................................................................54

Photo Credits..........................................................................................................55

Baitang 8 Unang Markahan iii


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pangkalahatang Pamantayan: Naipamamalas ang mga kasanayan sa pagsisiyasat,


pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip,
mabisang komunikasyon, at pag-unawa sa kasaysayan, politika, ekonomiya, kultura, at
lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Most Essential Learning K to 12 CG


Markahan Duration
Competencies Code
Una Nasusuri ang katangiang pisikal AP8HSK-Id-4
ng daigdig
Napahahalagahan ang AP8HSK-Ie-5
natatanging kultura ng mga
rehiyon, bansa, at mamamayan
sa daigdig (lahi, pangkat-
etnolinggwistiko, at relihiyon sa
daigdig)
Nasusuri ang yugto ng pag- AP8HSK-If-6
unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko
Naiuugnay ang heograpiya sa AP8HSK-Ig-6
pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig
*Nasusuri ang mga sinaunang
kabihasnan ng Egypt,
Mesopotamia, India, at China
batay sa politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala, at
lipunan
Napahahalagahan ang mga AP8HSK-Ij-10
kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig

Unang Markahan
Heograpiya at ang Pagsisimula ng Kasaysayan sa Daigdig
Panimula
Ano ang kahalagahan ng mga kalupaan at katubigan sa pag-unlad ng pamumuhay
ng mga tao? Paano nakiayon ang mga sinaunang tao sa idinidikta ng kanilang kapaligiran
upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay? Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba
ay may nalalamang kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na kanilang
ipinamana sa kasalukuyang panahon?

iv MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.


Bibigyang-pansin dito ang kalagayang pisikal ng daigdig at ang mga saklaw nito.
Ang mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman na tunay na may malaking
impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao. Nakasalalay rin ang
pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay na pakikiayon sa idinikta
ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang tapang at talino ang naging instrumento upang
mapagtagumpayan nila ang hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-raan upang higit na
mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunlad na
pamayanang tinawag na kabihasnan.

Nilalaman para sa Unang Markahan


Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga pamagat na tatalakayin at mga
layunin na makakamit ng bawat mag-aaral sa modyul na ito.
Aralin Pamagat Layunin
1 Ang Daigdig at ang Katangiang Masusuri ang katangiang pisikal ng
Pisikal Nito daigdig
2 Heograpiyang Pantao Mapahahalagahan ang natatanging
kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-
etnolinggwistiko, at relihiyon sa daigdig)
3 Ang Daigdig sa Panahong Masusuri ang yugto ng pag-unlad ng
Prehistoriko kultura sa panahong prehistoriko
4 Sinaunang Kabihasnan sa • Maiuugnay ang heograpiya sa pagbuo
Ehipto at pag-unlad ng mga sinaunang
5 Sinaunang Kabihasnan sa kabihasnan sa daigdig
Mesopotamia • *Masusuri ang mga sinaunang
kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia,
India, at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala, at lipunan
6 Sinaunang Kabihasnan sa India
Mapahahalagahan ang mga kontribusyon
7 Sinaunang Kabihasnan sa
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
China

Baitang 8 Unang Markahan v


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

vi MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 1
Ang Daigdig at ang Katangiang Pisikal Nito
Simulan Mo!
Pag-isipan Mo!
Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang anyong lupa at tubig. Tukuyin
ang mga anyong lupa at anyong tubig na makikita rito. Gamitin ang sumusunod na
talahanayan.

Anyong Lupa Anyong Tubig

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Baitang 8 Unang Markahan 1


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
AP8HSK-Id-4: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Alamin mo!
Ang daigdig ay bilugan ang hugis katulad ng iba pang planeta sa Sistemang
Solar. Ito ay mayroong sukat na humigit-kumulang sa 12,700 kilometro paikot. Ang
daigdig ay umiikot sa araw at mayroong isang buwan na umiikot din dito. Dahil sa
pag-ikot ng daigdig, nagkakaroon ng liwanang at dilim. Ang planetang ito pa lamang
ang mayroong kakayahang sumuporta ng buhay kaya naman nagtataglay ito ng mga
halaman, hayop, at tao. Ang ugnayan ng mga halaman, hayop, at tao sa kanilang mga
kapaligiran sa daigdig ang nagpapanatili ng buhay sa mundo.

Estruktura ng Daigdig
Ang daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas
at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang
kapal nito mula 30-65 kilometro pailalim mula
sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito
ay may kapal lamang na lima hanggang pitong
kilometro.

Ang mantle ay isang patong ng mga batong


napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
mga bahagi nito.

Ang core ay ang kaloob-loobang bahagi ng


daigdig na binubuo ng mga metal katulad ng iron
at nickel.

Ang daigdig ay may plate o mga


malalaking masa ng solidong bato na
hindi nananatili sa posisyon. Sa halip, Estruktura ng Daigdig
ang mga ito ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa mantle.

Ang daigdig ay may apat na hatingglobo


(hemisphere): ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at
ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere
na hinahati ng prime meridian.

Napakabagal ang paggalaw ng mga plate sa daigdig. Sa katunayan, umaabot


lamang sa limang sentimetro (dalawang pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang
paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga
paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan katulad ng
Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong
taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.

2 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Hydrosphere
Ang bahagi ng mundo na binubuo ng katubigan ay tinatawag na hydrosphere.
Humigit-kumulang sa pitumpung bahagdan ng mundo ay binubuo ng katubigan.
Kabilang dito ang mga karagatan, mga dagat at ilog, at iba pang katubigan sa ilalim at
sa iba pang bahagi ng daigdig. Ang tubig na ito ay ang nagbibigay-buhay sa maraming
nilalang na namumuhay sa daigdig.

Lithosphere
Ang kalupaan ng mundo ay tinatawag na lithosphere. Binubuo ito ng mga lupa
at bato na bumabalot sa daigdig. Ang mga lupa at batong ito ay ang panlabas na balot
ng mundo. Ito ay madalas na gumagalaw at nararamdaman sa pamamagitan ng mga
lindol at pagsabog ng mga bulkan. Ang bahaging ito ang madalas na kakikitaan ng mga
may buhay, katulad ng mga halaman, hayop, at tao. Ang bahaging ito rin ang tuwirang
naaapektuhan ng mga pagbabago sa hangin.

Biosphere
Ang biosphere ay ang bahagi ng mundo kung saan naninirahan ang mga halaman,
hayop, at tao. Dito rin madalas nakukuha ng mga ito ang kanilang mga likas na yaman
at iba pang kapakinabangan. Nag-iiba-iba ang mga tahanang ito ayon sa kinalalagyan
nito sa daigdig. May mga tahanan ng hayop at halaman malapit sa tubig o hindi naman
kaya ay malayo rito. Malaki rin ang epekto sa tirahan kung ito ay nasa mga matataas o
mabababang bahagi ng daigdig.

Atmosphere
Ang atmosphere o atmospera ay ang hanging bumabalot sa mundo. Dahil sa
hangin sa atmospera, ang mga tao, hayop at halaman ay nakahihinga. Ang interaksiyon
naman ng kalupaan, ng katubigan, at ng hangin ang nagdudulot ng mga klima at
pabago-bagong panahon. Sa atmospera nagmumula ang mga klima at panahong ito,
maging ang mga ipo-ipo at bagyong sumasalanta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Heograpiya
Ang heograpiya ay galing sa dalawang salitang Griyego na geo at graphia na ang
ibig sabihin ay “paglalarawan ng mundo.”

Heolohiya
Ang heolohiya ay pag-aaral din ng daigdig, ngunit mas sinusuri nito kung ano
ang bumubuo sa loob at labas ng daigdig, ang mga bato at mineral na mayroon dito,
maging ang mga pagbabagong nagaganap dito.

Baitang 8 Unang Markahan 3


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Anyong Lupa ng Daigdig


Ang mga sumusunod ay ang mga angyong lupa ng daigdig.
1. Kapatagan – Ito ay ang anyong lupa na kung saan ang malaking bahagi ng
kalupaan ay pantay at walang mga matataas na bahagi. Hindi ito kakikitaan
ng pababa o pataas na bahagi, sapagkat ang kalakhan nito ay patag lamang.
2. Talampas – Ito ay patag na lupain sa ibabaw ng bundok. Kapag ang
kapatagan ay nasa isang mataas na bahagi ng kalupaan, ito ay itinuturing na
isang talampas.
Halimbawa: Deccan Plateau at Anatolian Plateau
3. Lambak – Ito ay isang patag na lupain sa pagitan ng dalawang mataas na
lupain. Kapag ang kapatagan ay napalilibutan ng mga bundok at iba pang
matataas na anyong lupa, ito ay tinatawag na lambak.
Halimbawa: Indus Valley, Tigris-Euphrates Valley, at Grand Canyon
4. Burol – Ito ay isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa sa
bundok.
Halimbawa: Chocolate Hills, Vatican Hill, at Kremlin Hill
5. Bundok – Ito ay ang anyong lupa na mas mataas kaysa sa ibang bahagi ng
kalupaan.
Halimbawa: Mt. Everest, Mt. Godwin Austen, at Mt. Kanchenjunga
6. Bulkan – Ito ay kahalintulad ng bundok sapagkat pataas din ang anyo nito.
Kakikitaan din ito ng mga matatarik na bahagi. Ang kaibahan lamang ay ang
bulkan ay naglalabas ng mga tunaw na bato sa panahong ito ay pumuputok.
Halimbawa: Krakatau at Semeru sa Indonesia at Bulkang Mayon sa Pilipinas
7. Disyerto – Ito ay ang tawag sa lugar na kung saan higit na mas mataas
ang temperatura kaysa sa ibang lugar. Ang bunga nito ay ang pagkakaroon
ng maraming tuyong buhangin. Ang tanging bahagi nito na basa at may
kalamigan ay ang oasis, na kung saan mayroong tubig at tumutubong mga
halaman.
Halimbawa: Sahara Desert, Gobi Desert, at Arabian Desert
8. Tangway – Ito ay ang anyong lupa na pahaba na tila nakausli kumpara sa
mga kalapit nitong lupain. Dahil ito ay nakausli, malaking bahagi nito ay
napaliligiran ng tubig.
Halimbawa: Iberian at Scandinavian Peninsula
9. Pulo – Ito ay ang anyong lupa na napalilibutan ng tubig.
Halimbawa: Greenland, New Guinea, at Borneo
10. Kapuluan – Ito ay binubuo ng maraming pulo na magkakalapit at
napalilibutan ng mga ilang bahagi ng tubig.
Halimbawa: Indonesia, Pilipinas, at Japan
4 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE
Anyong Tubig sa Daigdig
Ang mga sumusunod ay ang mga anyong tubig sa daigdig.
1. Kipot – Ito ay ang anyong tubig na nag-uugnay sa dalawang dagat o
karagatan.
Halimbawa: Strait of Malacca at Strait of Tartar
2. Karagatan – Ito ay ang tubig-alat na bumubuo ng 97 porsiyento ng lahat ng
katubigan sa daigdig.
Halimbawa: Pacific Ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean, at Arctic Ocean
3. Dagat – Ito ay ang anyong tubig na mas maliit kaysa sa karagatan at mas
malapit sa kalupaan.
Halimbawa: Caspian Sea, Dead Sea, at Sea of Galilee
4. Look – Ito ay ang anyong tubig na nasa kurbadang bahagi ng baybayin ng
isang lupain.
Halimbawa: Manila Bay, Subic Bay, at Ormoc Bay
5. Lawa – Ito ay ang anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Matabang ang
tubig dito. Maaaring ang isang lawa ay maliit o hindi naman kaya ay malaki.
Halimbawa: Lawa ng Taal, Lawa ng Laguna, at Lawang Agko
6. Batis – Ito ay ang anyong tubig na ang tubig ay nanggagaling sa bukal mula
sa ilalim ng lupa.
Halimbawa: Daranak Falls, Maria Cristina Falls, at Pagsanjan Falls
7. Ilog – Ito ay isang makipot at mahabang anyong tubig. Ang tubig na umaagos
sa isang ilog ay maaaring galing sa mga matataas na bahagi ng lupain katulad
ng mga bundok at kabundukan.
Halimbawa: Pasig River, Cagayan River, at Bicol River

Klima at Yamang Likas ng Daigdig


Ang malimit na ugnayan ng kalupaan, karagatan, at hangin sa paligid sa maraming
paraan ay nagbubunga ng pangmatagalan at pangmabilisang lagay ng panahon. Ang
klima ay tumutukoy sa pangmatagalang lagay ng atmospera, samantalang ang panahon
naman ay ang pang-araw-araw na lagay nito. Ang klima ay ang kabuuang lagay ng
temperatura, lakas ng hangin, at pag-ulan sa isang lugar. Ito ay bunga ng sistemang
umiiral sa pagitan ng kalupaan, ng karagatan, at ng hangin sa isang lupain.

A. Yamang Lupa
Ang mga pangunahing makukuha rito ay mga pagkain at mga produktong
mula sa mga halaman at hayop na sa lupa lamang matatagpuan. Mga pangunahing
pagkain katulad ng bigas, patatas, trigo, sago, prutas, at gulay ang ilan lamang sa
mga produkto na maaaring makuha sa lupa. Sa iba’t ibang panig ng daigdig ay
makakukuha ng iba’t ibang uri ng pangunahing produkto. Mayroong mga prutas
at gulay na sa mga maiinit lamang na klima tumutubo.
Baitang 8 Unang Markahan 5
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

B. Yamang Tubig
Ito ay makukuha sa mga ilog, lawa, dagat, at iba pang uri ng katubigan.
Dito nakukuha ang isa sa mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay.
Hindi lamang ginagamit ang mga anyong tubig na ito para sa pagkuha ng
pangangailangang pagkain, bagkus ginagamit din ang mga ito sa transportasyon.

C. Yamang Mineral
Ito ay ang mga kapakinabangang nakukuha sa mga bato at iba pang elemento
sa ilalim ng lupa. Ang ilan sa mga elementong ito katulad ng bakal, tanso, at
nikel ay mahalaga upang ang mga pamayanan sa kasalukuyan ay makabuo ng mga
bahay at iba pang estruktura. Ang ginto rin ay mahalaga sapagkat binigyan ito ng
lipunan ng gampanin bilang midyum ng pagpapalitan. Isa ring yamang mineral
na mayroong pakinabang sa mga tao ay ang langis. Ito ay kemikal na maaaring
mula sa mga namatay na halaman at hayop. Maraming gamit ang langis mula sa
medisina, pagpapaapoy, hanggang sa pinanggagalingan ng enerhiya.
1. Renewable – Ito ay ang yamang likas na maaaring mapalitan katulad ng
halaman at hayop kasama rin ang enerhiyang mula sa araw, hangin, at
geothermal.
2. Nonrenewable – Ito ay ang yamang likas na mahirap o hindi na maaaring
palitan katulad ng fossil fuels.

Gawain 1
Tukuyin kung ang mga sumusunod na yamang likas ay renewable o nonrenewable.
Lagyan ng tsek ang kahon.

Yamang Likas Renewable Nonrenewable

1. langis

2. isda

3. geothermal energy

4. diamond

5. tubig

6 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 2
Iguhit sa loob ng Kahon A ang anyong lupa o anyong tubig na nais bisitahin.
Pagkatapos, ilahad sa loob ng Kahon B ang iyong mga gagawain kapag nabisita ang
napiling anyong lupa o anyong tubig.
A B

Gawain 3
Kung ikaw ay isang heograpo, ano ang nais mong pag-aralan patungkol sa daigdig?
Lagyan ng tsek ang loob ng mga kahon at ipaliwanag ang iyong saloobin patungkol sa
mga sumusunod na katanungan.

Estruktura ng mundo Anyong lupa

Anyong tubig Klima at yamang likas

1. Bakit ang mga ito ang nais mong pag-aralan?




2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang disiplina ang heograpiya?




3. Ano ang iyong natutunan sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig?




Baitang 8 Unang Markahan 7


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Isakatuparan Mo!
Bumuo ng pangkat na may tatlong miyembro. Mag-isip at sumulat ng isang
alamat tungkol sa isang anyong lupa, anyong tubig, o likas na yaman ng daigdig.
Pagkatapos, ibahagi ito sa klase. Isaalang-alang na kailangang mabigyang-pansin sa
inyong alamat ang konsepto tungkol sa pisikal na katangian ng daigdig.
Gabay na tanong:
1. Bakit ang alamat na ito ang inyong napili? Napuntahan o nakita na ba ninyo ito
sa personal?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi ng inyong alamat o kuwento? Paano ito
nagsimula at nagwakas?
3. Ano-ano ang mga aral na mapupulot sa inyong kuwento? Ano ang kaugnayan ng
katangiang pisikal ng daigdig sa inyong alamat?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.

Kailangan ng
Pamantayan Mahusay Katamtaman
Pagsasanay
Nilalaman
Naipakikita ang 10 7 5
paksang nais talakayin
sa alamat.
Presentasyon at
Gramatika
Nakagagamit ng
tamang ekspresyon sa 10 7 5
paglalahad. Nagagamit
ang wikang Filipino sa
pagsulat.
Pagiging Malikhain
Kitang-kita ang
kahusayan sa paggamit
ng iba’t ibang teknik 10 7 5
o estratehiya upang
maging malaman,
masaya, kaakit-akitang
alamat na nabuo.
Kabuuang Puntos

8 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 2
Heograpiyang Pantao
Simulan Mo!
Isa-isahin ang mga kontinente at karagatan sa mundo. Lagyan ng label ang mapa
sa ibaba.

1. Asya 7. Timog Amerika


2. Africa 8. Karagatang Artiko
3. Antarctica 9. Karagatang Atlantiko
4. Australia o Oceania 10. Karagatang Indiyano
5. Europa 11. Karagatang Pasipiko
6. Hilagang Amerika 12. Katimugang Karagatan

Baitang 8 Unang Markahan 9


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Kultura at mga Rehiyon sa Daigdig
AP8HSK-Ie-5: Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa
daigdig (lahi, pangkat-etnolinggwistiko, at relihiyon sa daigdig)
Alamin mo!
Ang heograpiyang pantao (human geography) ang ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika
Ito ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay
na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang
mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga
pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Relihiyon
Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng
mga tao tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula
ito sa salitang religare na nangangahulugang, “buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema
ng isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw
na pamumuhay. Kahit ang mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala
na nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga
relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina.
Mga Pangunahing
Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki
Relihiyon sa Daigdig
ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa
buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng
isang lipunan. Naging malaking salik ito sa
pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at
pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din
ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura.
Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling
malaking bahagi ng buhay ng tao ang
Kristiyanismo Budismo relihiyon. Makikita sa pie graph sa kaliwa ang
Islam Non-Religious mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
Hinduismo Iba pa bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

10 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Lahi/Pangkat-etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi
na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal
o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang
klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito
ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos
na nangangahulugang, “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay
pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman
sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Alamin mo!
Ang daigdig ay binubuo ng pitong lupalop o kontinente. Ang lupalop ay
isang malaking bahagi ng kalupaan. Ang kasalukuyang mga lupalop ay bunga ng
pagkakawatak-watak ng mga bahagi ng sinaunang malaking lupalop ng Pangaea.
Ang mga lupalop sa ngayon ay napagigitnaan ng mga bahagi ng karagatan.
Ang pinakamalaking lupalop ay ang Asya. Sinusundan ito sa laki ng Africa,
Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antarctica, at Europa. Ang Australia naman ang
pinakamaliit na lupalop sa daigdig. Madalas na ikinakabit sa Australia ang mga pulo
sa paligid nito na tinatawag na Oceania. Sa pitong lupalop ng daigdig, tanging ang
Antarctica lamang ang hindi pinamamahayan ng mga tao sapagkat sadyang malamig
at mahirap ang pang-araw-araw na pamumuhay rito.

Asya
Ang Asya ay ang pinakamalaking
kontinente sa daigdig. Ito ay mayroong sukat
na 44,579,000 kilometrong kwadrado.
Ang mga hangganan nito sa kanluran
ay ang Kanal ng Suez, ang Ilog at
Bulubundukin ng Ural, ang Dagat Itim at
Caspian, at ang Bulubundukin ng Caucasus.
Sa hilaga nito ay makikita ang Karagatang
Artiko. Ang hangganan ng Asya sa silangan
ay ang Karagatang Pasipiko. Ang Karagatang
Indiyano naman ang hangganan nito sa
timog.
Halos lahat ng uri ng anyong lupa at anyong tubig, maging mga klima, ay
matatagpuan at mararanasan sa Asya. Naririto sa lupalop na ito ang mga pinakamalalamig
at pinakamaiinit na bahagi ng daigdig. Ang Bundok Everest na bahagi ng Bulubundukin
ng Himalayas, na siyang pinakamataas na bahagi sa mundo ay matatagpuan dito.

Baitang 8 Unang Markahan 11


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Africa
Ang Africa ay mayroong sukat na
30,244,050 kilometrong kwadrado. Ito
ang lupalop na ikalawang pinakamalawak
sa daigdig. Ang hangganan ng lupalop ng
Africa sa hilaga ay ang Dagat Mediterano.
Ang hangganan naman nito sa silangan ay
ang Kanal ng Suez at ang Dagat Pula. Ang
Karagatang Indiyano ang nasa timog-silangan
nito at ang Karagatang Antartiko ang nasa
timog. Ang hangganan ng Africa sa kanluran
ay ang Karagatang Atlantiko.
Ang lupalop na ito ay pinaniniwalaang pinagmulan ng lahi ng mga tao batay sa
mga nakalap na datos. Katulad ng Asya, ang Africa rin ay tahanan ng maraming uri ng
halaman at hayop sapagkat malaking bahagi nito ay mga savannah at kagubatan.

Hilagang Amerika
Ang Hilagang Amerika ay ang ikatlong
pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito
ay may sukat na 24,500,000 kilometrong
kwadrado. Ang kabuuan ng lupalop na ito ay
nasa hilagang hatingglobo. Sa silangan nito,
makikita ang Karagatang Atlantiko. Sa hilaga
naman, makikita ang Karagatang Artiko. Ang
hangganan ng lupalop ng Hilagang Amerika
sa kanluran ay ang Karagatang Pasipiko. Ang
hangganan naman nito sa timog ay ang Timog
Amerika.
Ang lupalop na ito ay mayroong apat na malalaking bahagi: ang malaking
kapatagan, ang bulubunduking bahagi sa kanluran, ang malaking basin, at ang talampas
ng Canada.

Timog Amerika
Ang Timog Amerika na ito ay mayroong sukat na
17,840,000 kilometrong kwadrado. Kung ang kabuuan
ng Hilagang Amerika ay nasa hilagang hatingglobo, ang
kalakhang bahagi naman ng Timog Amerika ay nasa
timog hatingglobo.
Ang hangganan ng Timog Amerika sa hilaga ay ang
Hilagang Amerika. Ang hangganan nito sa kanluran ay
ang Karagatang Pasipiko. Ang hangganan naman nito sa

12 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

silangan ay ang Karagatang Atlantiko. Nasa ibabang bahagi ng Timog Amerika ang
Antartiko. Ang kanlurang bahagi ng lupalop na ito ay binubuo ng bulubundukin ng
Andes, samantalang ang silangan naman nito ay mayroong malawak na kagubatan, ang
Kagubatan ng Amazon at iba pang mabababang lupain.

Antarctica
Ang Antarctica ay ang kontinente na nasa South Pole. Ang lupalop na ito ang
pinakatuyo, pinakamalamig, at pinakamahanging lupalop sa buong mundo dahil sa
kasukdulan ng klima rito. Ito ay mayroong sukat na 13,200,000 kilometrong kwadrado.
Walang pamayanan ng tao ang nakatira rito, maliban sa mga siyentipikong nag-aaral
sa kapaligiran nito. Sa katunayan pa nga, noong ika-19 na siglo lamang natuklasan ng
mga tao ang bahaging ito ng daigdig.
Napalilibutan ang Antarctica ng mga Karagatan ng Pasipiko, Atlantiko, at
Indiyano. Ang kapal ng yelo rito ay umaabot sa 1.6 kilometro ang taas. Ang mga hayop
na matatagpuan dito ay ang mga seal, penguin, balyena, at malalaking pusit.

Europa
Ang Europa ay mayroong sukat na
10,180,000 kilometrong kwadrado. Ang mga
hangganan nito sa silangan ay ang Kanal ng
Suez, ang Ilog at Bulubundukin ng Ural, ang
Dagat Itim at Caspian, at ang Bulubundukin
ng Caucasus. Sa timog nito, matatagpuan ang
Dagat Mediterano. Ang hangganan naman
nito sa hilaga ay ang Karagatang Artiko at sa
kanluran ay ang Karagatang Atlantiko. Ito ay
6.8 na bahagdan ng kabuuang sukat ng lupain
ng mundo.
Ang lupalop na ito ay nasa hilagang hatingglobo. Kung sa Asya sumibol ang
mga sinaunang kabihasnan sa mundo, sa Europa naman sumibol ang kabihasnang
kanluranin. Dahil dito ay tinatawag din ang Europa sa kasaysayan bilang Lumang
Mundo.

Baitang 8 Unang Markahan 13


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Australia at Oceania

Ang Australia at ang mga kapuluan sa Oceania ay ang pinakamaliit na lupalop


sa buong daigdig. Matatagpuan ang mga ito sa timog hatingglobo. Ang New Zealand
ay ipinanunukalang kabilang sa isang kaibang lupalop, ngunit sa mahabang panahon,
isinama na sa lupalop na ito.
Ang lupalop ng Australia at Oceania ay mayroong kabuuang sukat na 8.56
milyong kilometrong kwadrado lamang. Ang malaking bahagi ng lupalop na ito ay
nakararanas ng mainit na klima. Ang mga kapuluan ay mayroong tropikal na klima.
Gawain 4
Ilarawan ang katangian ng bawat kontinente batay sa iyong sariling salita.
Hilagang Amerika

Timog
Asya
Amerika

KONTINENTE
Australia at
Europa
Oceania

Africa Antarctica

14 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 5
Isulat sa patlang ang inilalarawan sa bawat pangungusap.
1. Ito ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
2. Matatagpuan sa kontinenteng ito ang pinakamalaking
disyerto.
3. Ito ay ang pinakamaliit na kontinente sa buong
daigdig.
4. Ito ay ang ikatlong pinakamalaking kontinente.
5. Ito ay ang tinaguriang Lumang Mundo sa kasaysayan.
6. Ito ay ang tinaguriang “Island Continent.”
7. Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang
pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos.
8. Ito ay ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-
etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
9. Ang lupalop na ito ay ang pinakatuyo, pinakamalamig,
at pinakamahanging lupalop sa buong mundo dahil sa
kasukdulan ng klima rito.
10. Ito ay ang kontinente na maituturing na subcontinent
ng Asya.

Isakatuparan Mo!
Modelo ng Kultura
Bumuo ng apat na pangkat. Talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang
mapipili. Sundin ang mga sumusunod na panuto sa ibaba para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo
at bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng inyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong
kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa klase katulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng isa hanggang dalawang miyembro sa pangkat na magpapaliwanag
sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Baitang 8 Unang Markahan 15


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa
kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili
ng inyong pangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa
batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.
Rubrik sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura
Pamantayan Iskala Iskor
Wasto ang impormasyong nakasulat at mga 10
Nilalaman ng bagay o simbolong nakaguhit sa damit;
Kasuotan nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto
ng aralin

Malikhain ang gawang damit; angkop 10


ang kulay; malinaw ang mensahe batay
Disenyo ng Kasuotan sa disenyo at laki ng mga nakasulat at
nakaguhit sa damit

Mahusay ang pagsasagawa ng 10


pagmomodelo sa klase; akma ang kilos sa
Pagmomodelo pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng
modelo

Kabuuang Puntos 30

16 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 3
Ang Daigdig sa Panahong Prehistoriko
Simulan Mo!
Ladder Web
Pagsunud-sunurin ang mga pagbabago sa ebolusyong kultural ng sinaunang tao.
Piliin ang iyong sagot sa ibaba.

Pag-aalaga ng hayop Paggamit ng apoy Paggawa ng palayok

Pagtatanim Pakikipagkalakalan

Kilala mo ba talaga ang iyong sarili? Alam


mo ba kung saan ka nagmula at paano
ka umunlad mula noong ikaw ay bata pa
hanggang sa kasalukuyan? Ano-ano ang mga
nagbago sa iyo sa pagdaloy ng proseso ng pag-
unlad na ito?

Baitang 8 Unang Markahan 17


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
AP8HSK-If-6: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko
Alamin mo!
Sa simula, naging mabagal ang pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
Bagamat sinikap ng mga siyentipiko na alamin ang nakaraan sa sinaunang panahon,
marami pa rin ang nanatiling katanungan. Ang tiyak na nababatid patungkol sa mga
sinaunang tao ay mayroon din silang mga kakayahan. Ang mga katangiang ito ay
nakatulong upang makaisip ang tao ng mga ideya at magsagawa ng pagbabago na
nagbigay-raan sa pagsibol ng mga sibilisasyon.
Unti-unting umunlad ang kultura ng mga sinaunang tao sa paglipas ng panahon.
Ito ay nagsimula nang sila ay gumawa at gumamit ng mga kagamitan may dalawang
milyong taon na ang nakalilipas.

KULTURA
Ito ay ang paraan ng pamumuhay ng tao na kinabibilangan ng sining, paniniwala,
imbensiyon, tradisyon, wika, at iba pa.

Panahon ng Bato
Ito ay ang panahon na ang mga unang tao ay gumawa ng mga kagamitan na
yari sa bato. Ito ay hinati sa tatlong yugto – ang Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko.
Hinango ang mga katagang ito sa salitang Griyego na lithus na nangangahulugang,
“bato.” Ang layunin lamang sa paggamit ng bato ay upang maisakatuparan ang
pagpatay, pagdurog, o pagputol para sa pagkain.

Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato


Nagmula ang salitang paleolitiko sa palaios at lithos na ang ibig sabihin ay “sinauna”
at “bato.” Tinatayang ang panahong ito ay nagsimula may 1.5 milyong taon hanggang
12,000 taon na ang nakalilipas. Nagsimula ang panahong ito nang matuklasan ng mga
unang tao ang paggawa ng mga kagamitan mula sa bato. Malaking bahagi ng panahon
na ito ay kabilang sa tinatawag na Panahon ng Yelo o Ice Age.

Yugto ng Pag-unlad
Ang mga unang tao ay pagala-gala sa paghahanap ng pagkain.
• Natutunan nila ang pangangaso at pangingisda.
• Nakagawa sila ng mga kagamitan mula sa bato, buto ng hayop, at kahoy.
• Natuklasan nila ang paggamit ng apoy.
• Nagsimula nilang malinang ang konsepto ng sining.

18 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Mesolitiko o Panahon ng Gitnang Bato


Nagmula ang salitang mesolitiko sa meso at lithos na ang ibig sabihin ay “gitna”
at “bato.” Ang panahong ito ay tinatayang nagsimula nang magwakas ang Ice Age may
10,000 taon na ang nakalilipas.
Yugto ng Pag-unlad
• Nakagawa ang mga tao ng mga microlith o mga maliit at hugis geometric na bato
na idinikit sa kahoy, buto, o sungay ng hayop upang maging sandata o kagamitan.
• Nakagawa sila ng mga palakol at iba pang kasangkapan na gawa sa kahoy.
• Nagsimula sa panahong ito ang pag-aalaga ng mga hayop.
• Makikita rito ang pag-unlad ng mga kagamitang bato na mga mas maliliit at mas
matutulis na ang anyo.

Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato


Nagmula ang salitang neolitiko sa neos at lithos na ang ibig sabihin ay “bago” at
“bato.” Ayon sa mga historyador, nagsimula ang panahong ito sa pagitan ng nakalipas
na 10,000 taon at 8,000 taon. Sa panahong ito nagkaroon ng pag-unlad sa pamumuhay
ang mga sinaunang tao.
Yugto ng Pag-unlad
• Natutunan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim ng mga halamang pagkain.
Sa paglipas ng panahon, umunlad ang paraan ng pagtatanim dahil sa mga
naimbentong kagamitan katulad ng araro noong 6000 B.C.E.
• Nagkaroon sila ng permanenteng tirahan at nakapagbigay ng sapat na suplay ng
pagkain sa lumalaking populasyon.
• Natutunan nila ang pagpapalayok upang magkaroon ng sisidlan para sa mga
butil.
• Nagkaroon sila ng iba’t ibang pangkat ng tao sa lipunan.

Oras 11:46
Kung ang kasaysayan ay pagkakasyahin
sa 12 oras, ang panahon simula nang
maibento ang pagsusulat ay nagsimula may
14 na minuto pa lamang ang nakalilipas.
Ang 11 oras at 46 na minuto ang
kumakatawan sa Panahong Prehistoriko.

Baitang 8 Unang Markahan 19


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Panahon ng Metal
Ang metal ay hindi basta-basta natatagpuan sa kapaligiran. Ang mga metal ay
nakahalo sa mga malalaking bato o hindi naman kaya ay makukuha sa ilalim ng lupa.
Mas mahirap ang pagkuha ng materyales na ito sapagkat ang metal ay minimina.
Mahabang proseso ang dinaraanan upang makamit ang metal na mainam na ipanggawa
sa mga kasangkapan. Mataas na uri ng pag-iisip at kasanayan ang kailangan upang
makagawa ng mga kagamitang gawa sa mga metal.
Ang Panahong Metal ay panahon din ng pag-usbong at paglago ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Ito ay nahahati pa sa mga maliliit na yugto katulad ng panahon
ng tanso, bronze, at bakal. Ang bawat yugto rin na ito ay naghuhudyat ng pag-unlad sa
paggawa ng mga kasangkapan at paggamit ng mga bagay na gawa sa iba’t ibang metal.
Yugto ng Pag-unlad
• Copper o tanso
• Pinaghalo ang tanso at tin na nagbigay-raan sa pagtuklas ng bronze
• Pagkakatuklas ng bakal na mainam sa paggawa ng mga kasangkapan at sandata
Gawain 7
Lagyan ng tsek ang hanay kung saang prehistorikong panahon naganap ang mga
pangyayari na tinutukoy sa bawat bilang.

Pangyayari Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko

1. Pagala-gala ang mga tao

2. Pagtuklas sa paggamit ng apoy

3. Pagkakaroon ng permanenteng
tirahan

4. Paggawa ng mga palayok

5. Pagkakaroon ng sistema ng sining

6. Pagkakaroon ng iba’t ibang


pangkat ng tao sa lipunan

7. Paggamit ng palakol

8. Pag-aalaga ng mga hayop

9. Paggawa ng mga batong microlith

10. Pagsisimula ng pagsasaka

20 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 8
Pagkatapos tukuyin ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto
ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong
ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan
sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng
kasaysayan. Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa
iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng tsart sa ibaba. Isulat ang
kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng bawat pangyayaring nasa kaliwang kahon.

Paggamit ng apoy

Pag-aalaga ng mga
hayop

Pagsasaka

Paggamit ng mga
kasangkapang
metal

Baitang 8 Unang Markahan 21


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 9
Isulat ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa bawat yugto ng
pag-unlad ng sinaunag tao. Pagkatapos, ilahad ang natutunan mo mula sa pag-aaral ng
mga pangyayari sa Panahong Prehistoriko bilang konklusyon.

Paleolitiko

Panahong
Mesolitiko Neolitiko
Prehistoriko

Konklusyon

Isakatuparan Mo!
Gumuhit ng larawan patungkol sa isang mahalagang pagbabago o kaganapan sa
Panahong Prehistoriko. Ipaliwanag ang iyong iginuhit sa klase.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Iskala Iskor
Kaugnayan sa paksa 1–10
Kaakit-akit/Malikhain 1–10
Kawastuhan 1–5
Husay sa -pagpapaliwanag 1–5
Kabuuang Puntos 30

22 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 4
Sinaunang Kabihasnan sa Ehipto
Simulan Mo!
Word Splash
Bilugan ang mga salita sa loob ng kahon sa kanan na pamilyar sa iyo. Pagkatapos,
ipaliwanag ang kaalaman na iyong alam tungkol sa mga ito.
Pharaoh Nefertiti
Nile River Sphinx
Hatshepsut Rameses II
Memphis Akhenaton
Cairo Piramide

Paliwanag:

Baitang 8 Unang Markahan 23


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
AP8HSK-Ig-6: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
*Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
AP8HSK-Ij-10: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
Alamin mo!
Ang Sinaunang Ehipto ay itinuturing na lupain ng mga misteryo. Walang
kabihasnan ang higit na nakaakit sa imahinasyon ng mga iskolar at ordinaryong
tao. Ang misteryo ay nakatuon sa pinagmulan, relihiyon, at mga arkitektura nito na
kinabibilangan ng mga templo, piramide, at ang napakalaking sphinx.
Ang sinaunang Egypt ang isa sa mga unang kabihasnan sa kasaysayan. Ito ay
matatagpuan sa Hilagang-silangang Africa at sumibol malapit sa Ilog Nile may 5,000
taon na ang nakalilipas. Ang kabihasnang Egyptian ay nagtagal ng 3,000 taon mula
3100 hanggang 332 B.C.E.

SINAUNANG EHIPTO
Mula sa gitnang silangan ng Africa hanggang Dagat Mediterraneo dumadaloy
ang Ilog Nile pahilaga. Sa haba na 4100 milya, ito ang pinakamahabang ilog sa buong
mundo.
“Handog ng Ilog Nile” ang sinaunang Ehipto ayon sa Griyegong Historyador na si
Herodotus. Tuwing buwan ng Hulyo, ang ulan at natunaw na yelo sa mga kabundukan
ng Gitnang-silangang Africa ang nagiging dahilan upang umapaw ang tubig ng Nile sa
mga pampang nito. Kapag bumaba na ang tubig sa buwan ng Oktubre, mag-iiwan ang
tubig-baha ng matabang lupain.

24 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Kaharian ng Sinaunang Ehipto

Mayroong dalawang kaharian sa Ehipto: ang Lower Egypt


at Upper Egypt. Ang Lower Egypt ay nasa 750 milya bago
magwakas ang ilog sa hilaga patungo sa Dagat Mediterraneo.
Ang Upper Egypt naman ay nagsisimula pagkaraan ng first
cataract hanggang sa lugar kung saan naghihiwalay ang ilog sa
iba’t ibang sanga.

Lumang Kaharian Gitnang Kaharian Bagong Kaharian


– Noong 3100 B.C.E, – Ito ay tinaguriang – Ito ay tinaguriang
ipinag-isa ni Haring “Panahon ng Pagpapatayo “Panahon ng Pagyabong
Menes ang Lower Egypt at ng mga Proyekto” katulad ng Sining, Paglakas ng
Upper Egypt at lumikha ng irigasyon at kanal. Hukbong Sandatahan,
ng isang kaharian. Ang hinukay na kanal Kasaganaan, at
– Itinatag niya ang Memphis mula sa Nile patungo sa Katanyagan para sa
(kabisera) malapit kung Dagat Pula ang nagpabuti Ehipto.”
saan nagtatagpo ang sa transportasyon at – Pagkaraan paalisin ang
Lower at Upper Egypt. kalakalan. mga Hyksos, itinatag
– Ang lumang kaharian ay – Nakagawa ng mga ni Ahmose ang ika-18
tinaguriang “Panahon malalaking dike upang dinastiya at naging unang
ng Pagpapatayo ng mga maipon ang iba pang pharaoh ng bagong
Piramide.” Sinisimbolo tubig-baha ng Nile at kaharian.
ng mga piramide ang maging patubig sa mga – Si Thutmosis I ang isa sa
katatagan ng sibilisasyon pananim. mga unang pharaoh na
ng mga sinaunang – Hindi nagtagal ang sumakop sa Palestine at
Egyptian. gitnang kaharian. Noong mga lupain sa kanluran
– Naipagawa rin sa 1640 B.C.E, sinalakay ng Euphrates noong 1500
panahong ito ang sphinx, ito ng mga Hyksos, isang B.C.E.
isang napakalaking pangkat ng mga Asyanong – Si Hatshepsut ang unang
estatwa na may ulo ng tao lagalag na tumawid sa babaeng naging pinuno sa
at katawan ng leon. Isthmus ng Suez papasaok kasaysayan.
– Unti-unting humina ang sa Ehipto sakay ng mga – Si Thutmose III ang
kapangyarihan ng mga karuwahe. pumalit kay Hatshepsut
pharaoh noong 2180 – Si Kamose ang na nagsagawa ng
B.C.E. Hudyat ito ng pinakamahusay na matagumpay na
pagwawakas ng lumang nakapagpaalis laban sa pagsalakay sa Palestine at
kaharian. mga Hyksos. Syria.
– Si Amenhotep IV
(Akhenaton) ang
nagpatupad ng
Monoteismo sa Ehipto.
– Si Rameses II ang
nagpagawa ng templo sa
Abu Simbel.

Baitang 8 Unang Markahan 25


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Ambag ng Sinaunang Ehipto


Ang mga sumusunod ay ang mga ambag ng sinaunang Ehipto.
1. Hieroglyphics – Ito ay ang tawag sa paraan ng kanilang pagsulat kung saan
ang kanilang palatitikan ay binubuo ng mga larawang guhit. Ang hieroglyphics
ang isa sa mga pinakamatatandang paraan ng pagsulat sa buong daigdig.
2. Politeismo – Ito ay ang uri ng relihiyong nabuo sa kabihasnan ng mga taga-
Ehipto. Binubuo ang kanilang pananampalataya ng mga paniniwala sa mga
diyos at diyosang mayroong tuwirang relasyon sa paraon at sa buong lupain.
3. Mummification o pag-eembalsamo – Ito ay ang sistematikong paraan ng
mga Egyptian sa pagreserba ng katawan ng tao. Ang mga ilan ay dumaraan sa
proseso ng paglilibing sa mga piramide at pagpi-preserba sa katawan ng mga
yumao matapos mamatay. Subalit hindi lahat ay naililibing sa mga estruktura
at napananatili ang katawan, sapagkat ito ay para lamang sa mga miyembro
ng mga pinakamatataas na antas ng lipunan.
4. Geometry – Gumamit sila nito sa pagsa-sarbey ng mga hangganan ng lupain
pagkaraan ng tubig-baha. Ang kaalaman sa Matematika ang nakatulong sa
mga inhenyero at arkitekto sa pagsasagawa ng tiyak na sukat ng mga piramide.
5. Kalendaryo – Nakagawa ang mga sinaunang Egyptian ng kalendaryo upang
makatulong sa pagtatanim. Binilang nila kung kalian muling nagpapakita
ang maliwanag na bituin at ito ay umabot ng 365 na araw. Hinati nila sa 12
buwan at sa bawat buwan ay may 30 na araw.
6. Medisina – Tanyag din ang mga medisina. Ang mga doktor ng sinaunang
Ehipto ay gumagamit ng praktikal na kaalaman. Tinitingnan nila ang pulso
ng pasyente sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Naging dalubhasa ang mga
Egyptians sa pagpapagaling ng mga karamdaman at pagbibigay ng lunas sa
mga ito. Nagsagawa rin sila ng surgery.
7. Papyrus – Gumamit sila nito bilang papel upang magpreserba ng kanilang
kasaysayan.
8. Piramide – Ang mga piramide ay ginawa para maging libingan ng mga
pharaoh. Ang pinakatanyag ay ang tatlong piramide sa Giza—ang Khufu,
Khafre (anak ni Khufu), at Menkaure (apo ni Khufu). Ang Piramide ni
Khufu (Cheops) o Great Pyramid, ay ang pinakamatanda, pinakamalaki, at
pinakamataas na piramide sa Ehipto.

26 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 10
Pumili ng alinman sa mga ambag ng sinaunang kabihasnan ng mga Egyptian na
iyong higit na nagustuhan o hinangaan. Ipaliwanag ang iyong pananaw ukol dito.

Ambag: Paliwanag:

Paglalarawan sa ambag:

Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na


ito.

Iskala Pamantayan
10 Mahusay, malinaw, maayos, at sapat ang
paglalahad ng datos
8 Malinaw, wasto, at maayos ang
paglalahad ng datos
7 May sapat na paliwanag, malinaw ang
paglalahad, subalit may pagkakamali
ang datos
4 Sapat ang paliwanag subalit hindi
malinaw ang paglalahad at may
kamalian ang datos
3 Hindi sapat, hindi malinaw, at may
pagkakamali sa paglalahad

Baitang 8 Unang Markahan 27


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 11
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng piramide. Ang iyong sagot sa bilang isa ay isusulat sa pinakaibabang bahagi ng
piramide.
1. Ito ay ang ilog na nagbigay-buhay sa kabihasnang Egyptian.
2. Ito ay ang kabisera ng kaharian ni Menes.
3. Ito ay tinawag ding Panahon ng mga Piramide.
4. Ito ay ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian.
5. Ito ay ang taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt.
6. Ito ay ang tawag sa preserbadong katawan ng mga Egyptian na inilalagay sa
mga libingan.
7. Siya ang kauna-unahang babaeng naging pinuno sa kasaysayan ng Ehipto.
8. Ito ay ang tawag sa sulatan o papel na ginamit ng mga Egyptian.
9. Ito ay ang tawag sa sulatan o papel na ginamit ng mga Egyptian.
10. Ito ay ang uri ng relihiyong nabuo sa kabihasnan ng mga taga-Ehipto.

28 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 12
Itala ang mga mahahalagang nagawa ng mga sumusunod na pharaoh.
Pharaoh Nagawa

Menes

Thutmosis I

Hatshepsut

Rameses

Isakatuparan Mo!
Collage Making
Gumawa ng collage ng mga kontribusyon o iba pang bagay na may kaugnayan sa
sibilisasyong Egyptian. Ipaliwanag ito sa klase.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Iskala Iskor
Kaangkupan 1–5
Detalye 1–10
Kawastuhan 1–10
Malikhain 1–5
Kabuuang Puntos 30

Baitang 8 Unang Markahan 29


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 5
Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia
Simulan Mo!
Pagsuri sa Larawan
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod
na katanungan tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan.

1. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng tatlong bagay na makikita


sa larawan, alin sa mga ito ang pipiliin mo at ituturing na mahalaga sa iyong
pamumuhay?



2. Bakit mo pinili ang mga ito?



30 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskuyon sa ibaba.
AP8HSK-Ig-6: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
*Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
AP8HSK-Ij-10: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

Alamin Mo!
Ang bawat pangkat ng tao ay mayroong sariling kultura o paraan ng pamumuhay
kabilang ang wika, tradisyon, kaugalian, at iba pa. Gayunpaman, hindi lahat ng pangkat
ay may nalinang na paraan ng pamumuhay na tinawag na sibilisasyon o kabihasnan.
Ang sibilisasyon ay komplikadong anyo ng isang kultura. Ang mga historyador ay
nagbigay ng pamantayan o batayan ng sibilisasyon katulad ng pagkakaroon ng mga
lungsod, mga manggagawang may espesyalisasyon, mga institusyon, nalinang na
sistema ng pagsulat, at maunlad na teknolohiya.

MESOPOTAMIA
Sumibol ang unang sibilisasyon sa isang bahagi ng Timog-kanlurang Asya sa
rehiyong tinawag na Fertile Crescent. Ito ay hugis arko na nasa pagitan ng Dagat
Mediterraneo at Golpo ng Persia. Ang Ilog Tigris at Euphrates ay kasalukuyang
matatagpuan sa mga bansa ng Iraq at Iran sa Gitnang Asya. Ang kambal na ilog na
ito ang pangunahing pinanggagalingan ng mga kapakinabangan ng mga pamayanang
naninirahan malapit dito. Bukod pa rito, ang malimit na pag-apaw ng ilog at pagbaha
sa pangpang nito ay nagbunga ng matabang lupa na mainam pagtamnan. Sa pagitan ng
mga ilog matatagpuan ang kapatagan na tinawag na Mesopotamia na mula sa wikang
Griyego na nangangahulugang, “lupain sa pagitan ng mga ilog.”

Baitang 8 Unang Markahan 31


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Kabihasnan sa Mesopotamia
Ang mga sumusunod ay ang mga kabihasnan sa Mesopotamia.
1. Sumerian
Sumeria ang tawag sa mga pinakaunang pamayanang umusbong sa
Mesopotamia. Binubuo ito ng 12 lungsod-estado. Ang bawat isa rito ay
may sariling pamahalaan na pinamumunuan ng hari na siya ring pinuno
ng kanilang mga ritwal at gawaing espiritwal. Siya at ang kaniyang pamilya
ay naninirahan sa Ziggurat, ang pinakamalaking templo ng lungsod. Ang
hari ang namamahala sa mga kapakinabangan ng lungsod-estado, maging sa
pakikipag-ugnayan sa kanilang maraming diyos at diyosa.
Isa sa mga pinakakilalang hari mula sa Sumer ay si Haring Gilgamesh
ng lungsod-estado ng Uruk. Dahil sa husay at lakas ni Haring Gilgamesh,
siya ay naging laman ng mga epiko ng mga taga-Sumer. Sa pag-unlad ng
pamayanan sa Mesopotamia, marami sa kanilang mga suliranin ang nalutas.
Lahat ng ito ay upang masigurong matagumpay na mapanatili ang mabuting
ani ng mga pananim at ng mga alagang hayop.
Mga Ambag:
• Sundial – Ito ay ang nagsilbing orasan sa isang araw.
• Sexagesimal – Ito ay ang sistema ng pagbibilang na nakabatay sa
60 kung saan nagmula ang kasalukuyang paraan ng pagsukat ng oras
(60 segundo ay katumbas ng isang minuto) 360 na bilog.
• Cuneiform – Ito ay isang sistema ng pagsulat na kanilang ginawa sa
pamamagitan ng pag-ukit sa luwad na lulutuin pagkatapos. Ang mga
taong mayroong kaalaman sa pagsusulat at pagtatala ay itinuturing na
mga mahahalagang bahagi ng lipunan.
• Epic of Gilgamesh – Ito ay isang mahabang epiko at itinuturing na
unang akdang pampanitikang naisulat sa mundo.
• Politeismo – Ito ay ang paniniwala sa maraming Diyos.
2. Akkadian
Ang Akkad ay isang lungsod estado sa hilaga ng Sumer na naging
makapangyarihan. Ang lungsod-estado ay pinamumunuan ni Sargon, ang
pinuno na lumikha sa kauna-unahang imperyo sa daigdig noong 2334.
Imperyo – Ito ay ang mga pinagsama-samang pangkat ng tao, bansa, o
mga dating malalayang estado na pinamahalaan ng isang pinuno.
Ito ay hindi lubusang nagtagal sapagkat pagkamatay ni Haring Sargon
ay bumagsak ang imperyong ito. Ang papabagsak na Imperyo ng Akkadia ay
sinakop naman ng mga Amorite na mula sa Syria noong 2000 BKP. Tinawag
nila ang kanilang sarili bilang mga taga-Babylonia.
Ambag:
Ito ay ang lumikha sa kauna-unahang imperyo sa daigdig.
32 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Babylonian
Noong 2000 B.C.E, ang mga mandirigmang lagalag na tinawag na
Amorite ay sumalakay sa Mesopotamia. Itinatag nila ang Babylon (bahagi
ng Iraq sa kasalukuyan) bilang kabisera. Tumagal ng 300 taon ang kanilang
kabisera.
Nakilala ang mga taga-Babylonia nang maging pinuno nito si Haring
Hammurabi noong 1790 B.C.E, sapagkat naisakatuparan niya ang
pagsasaayos ng pamamahala sa buong lupain sa pamamagitan ng pagtatala ng
lahat ng kanilang batas at ang pagkakaroon ng maayos na pangongolekta ng
buwis. Sa layuning maging mas maayos ang pamamahala, itinipon ni Haring
Hammurabi ng Babylonia ang mga batas sa kaniyang buong nasasakupan
noong 1800 B.C.E. Humigit-kumulang 300 batas ang kaniyang itinala sa
ilang mga mataas na piraso ng bato.
Ambag:
Kodigo ng mga batas ni Hammurabi – Ito ay nakasulat sa wikang
nauunawaan ng lahat ng mga mamamayan. Ang mga batas mula sa kodigo
ni Hammurabi ay mga “malulupit na batas” lalo na sa pagpaparusa sa mga
may-sala. Ang pagnanakaw, halimbawa, ay may kaparusahang pagputol ng
mga daliri o ng kamay. Ang pagpatay naman ay mayroong kaparusahang
kamatayan ng may-sala o ng kapamilya nito.
4. Hittite
Ang mga Hitite ay binuo ng maraming tribo na gumamit ng higit sa
anim na uri ng wika. Ang isa sa mga wika ay ang Hatti na unang ginamit
na mga orihinal na naninirahan sa Anatolia na tinawag din na Asia Minor.
Ang Hattusas ay ang kabisera ng mga Hittite.
Ang imperyo ng mga Hittite ay nagwakas noong 1190 B.C.E. May mga
tribo na sumalakay mula sa hilaga at sinunog ang kabisera ng mga Hitite.
Ambag:
Gumamit sila ng mga karuwahe na nagbigay-kalamangan sa pakikidigma.
5. Assyrian
Sinundan ito ng mga taga-Assyria noong 1200 B.C.E. Ang mga taga-
Assyria ay gumamit ng mga makabagong paraan at taktikang pakikidigma
katulad ng mga matitibay na sandatang bakal at ang paggamit ng mga
chariot o kalesa na mayroong kabayong humihila nito. Nang nasakop nila
ang Mesopotamia, ginawa nilang punong-lungsod o kabisera ang Nineveh.
Si Ashubanipal ay ang pinakamahusay na pinuno ng mga Assyrian.
Noong 600 B.C.E, muling lumakas ang mga taga-Babylonia at nabawi
mula sa mga taga-Assyria ang Mesopotamia. Ibinalik nila sa Babylonia ang
sentro ng kapangyarihan at tinawag nila ang kanilang bagong imperyo bilang
Chaldea.
Baitang 8 Unang Markahan 33
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Mga Ambag:
• sandatang bakal
• chariot o kalesa na mayroong kabayong humihila nito
• pinakamalaking aklatan sa sinaunang panahon na matatagpuan sa
Nineveh

Ang mga Assyrian ay eksperto sa pananalakay at


pakikidigma. Gumamit sila ng BATTERING
RAM na nakabubutas sa mga haligi ng pader,
mga hagdan, at tore upang makaakyat sa mga
matatas na pader.

6. Chaldean
Pagkaraan magapi ang mga Assyrian, ginawa ng mga Chaldean na
kabisera ang Babylon. Noong 626 B.C.E, idineklara ni Nabopolassar, ang
hari ng mga Chaldean ang paglaya ng Babylon at tuluyang winakasan ang
pamumuno ng mga Assyrian.
Si Nebuchadnezzar ang nagpaalis sa mga Egyptian na nasa Syria pabalik
sa Egypt. Siya ang pinakatanyag na hari ng mga Chaldean.
7. Persian
Noong 540 B.C.E, nasakop naman ang Chaldea at ang iba pang
katabing kaharian sa Kanlurang Asya ng mga taga-Persia, na mula sa Gitnang
Asya, sa pamumuno ni Haring Cyrus.
Mas pinalawak pa ni Cambyses ang imperyo noong sinakop niya ang
Ehipto taong 525 B.C.E. Sa pamumuno naman ni Darius, na kilala rin bilang
dakila, ay nasakop ng imperyo ang ilang bahagi ng Europa at nakipagdigma sa
mga lungsod-estado ng Gresya. Sa panahon ni Darius ay naabot ng imperyo
ang pinakamalawak nitong teritoryo at naging pinakamalawak na imperyo sa
daigdig. Nagmumula ang sakop nito sa India sa silangan, hanggang sa Ehipto
at Dagat Aegean sa kanluran.
Ipinagawa rin ni Darius ang bagong kabisera ng Persepolis kung saan
makikita rito ang yaman ng Imperyong Persiano.

34 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Nagawang mapanatili ng mga Persiano ang lawak ng kanilang imperyo


dahil sa mga magaganda nilang patakaran. Una na rito ay ang hindi nila
pakikialam sa kultura at paniniwala ng kanilang mga nasasakupan. Naging
mabuti rin sila sa ibang lipunan na kanilang nasakop.
Mga Ambag:
• Hinati ni Darius ang imperyo sa mga Satrapy o lalawigan na
pinamumunuan ng Satrap o gobernador.
• Nagpalawak ng imperyo sa silangan at kanluran at hinati ito sa
20 lalawigan.

Gawain 13
Sino sa mga pinuno sa mga sibilisasyon sa Fertile Crescent ang higit mong
hinangaan? Isulat ang mga detalye patungkol sa taong ito sa ibaba.

Pangalan: Dahilan sa pagpili:

Nagawa:

Baitang 8 Unang Markahan 35


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 14
Tukuyin ang pinakamahalagang ambag ng mga sibilisasyon sa Fertile Crescent.
Ilahad ang dahilan ng iyong mga napiling ambag.
Pangkat Ambag Dahilan
1. Sumerian

2. Akkadian

3. Assyrian

4. Hitite

5. Persian

36 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 15
Basahin ang bawat pahayag sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan.
1. Naimbento ng mga Sumerian ang Cuneiform bilang paraan ng kanilang
pag-sulat. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Cuneiform sa mabilis na
pag-unlad ng kanilang kabihasnan?





2. Nakamit ng Imperyong Babylonia ang tugatog ng kapangyarihan nito sa
panahon ni Hammurabi. Anong katangian ang taglay ni Hammurabi bilang
hari ng Babylonia? Ipaliwanag.




Isakatuparan Mo!
Video Presentation
Bumuo ng anim na pangkat sa klase. Gumawa ng video presentation na may
kinalaman sa mapipiling pangkat sa Fertile Crescent. Maaaring kumuha sa internet ng
mga gagamitin sa presentasyon.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.

Pamantayan Iskala Iskor


Kaangkupan 1–5
Detalye 1–10
Presentasyon 1–10
Malikhain 1–5
Kabuuang Puntos 30

Baitang 8 Unang Markahan 37


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 6
Sinaunang Kabihasnan sa India
Simulan Mo!
Word Splash
Bilugan ang mga salita sa loob ng kahon sa kanan na pamilyar sa iyo. Pagkatapos,
ipaliwanag ang kaalaman na iyong alam tungkol sa mga ito.
Aryan Dravidian
Vedas Ganges
Mohenjo-daro Maurya
Harappa Sistemang Caste

Paliwanag:

38 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
AP8HSK-Ig-6: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
*Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
AP8HSK-Ij-10: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

Alamin mo!
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-daro sa lambak ng Indus ang
pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong
1920. Gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer
noong 3000 B.C.E.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India,
at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay
nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan,
tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa
rehiyon ng Ilog ng Indus sa Pakistan.
Ang mga taong nakatira sa mga lungsod na ito ay tinawag na mga Dravidians.
Katamtaman ang tangkad ng mga Dravidians at mayroong kayumangging balat.
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Dravidians. Nagtanim sila ng trigo at
barley bilang pagkain at bulak naman para sa kanilang kasuotan. Nag-alaga rin sila ng
mga hayop katulad ng kambing, tupa, at baka. Sinasabing sa lambak ng Indus unang
nag-alaga ang tao ng mga manok noong 5000 B.C.E.
Matatagpuan sa gitna ng mga lungsod na ito ang citadel o muog, imbakan
ng pagkain at templo. Ipinakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan,
pananampalataya, at kabuhayan.
Ang Harappa at Mohenjo-daro ang unang mga lungsod na mayroong
maayos na sistema ng imburnal. Maayos din ang pagkakaplano ng mga lungsod na
mayroong mga malalawak at pantay na kalsada. Matatagpuan sa mga gilid ng kalsada
ang mga tindahan na nagbebenta ng mga alahas, banga, palayok, damit, at mga pagkain.
Pantay-pantay rin ang pagkakaayos sa mga bahay ng mga mamamayan na nagpapakita
ng pagiging organisado ng lipunan ng kabihasnang Indus.
Noong 1700 B.C.E ay unti-unting nawala ang mga lungsod sa lambak ng Indus.
Maaaring ang dahilan nito ay ang pagbabago ng klima o kaya naman ay ang matinding
pagbaha ng Ilog ng Indus. Maaari din na ang pagbagsak ng mga lungsod na ito ay dahil
sa pagsalakay ng mga mananakop. Isa sa mga nandayuhan sa lambak ng Indus ay ang
mga Aryan.

Baitang 8 Unang Markahan 39


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Natuklasan ang dalawang


lungsod na ito sa lambak Indus
at tinatayang umusbong noong
2700 B.C.E. Sinasabing ang
mga Dravidians ang bumuo ng
kabihasnang Indus. Planado
at mga malalapad ang kalsada
nito. Ang mga gusali ay hugis
parisukat at ang mga kabahayan
ay may mga malalawak na
espasyo. Ang pagkakaroon
ng mga palikuran ng mga
Harappa kabahayan ay itinuturing na Mohenjo-daro
kauna-unahang paggamit
sa kasaysayan ng sistemang
alkantarilya o sewerage system.

Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran ng


Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber Pass.
Sila ay mas mga matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong
nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang
kabihasnang Indus.
Ang mga sumusunod ay ang iba pang paglalarawan sa mga Aryan.
• Sila ay nanggaling sa hilaga at gitnang bahagi ng Asya. Nangangahulugan
ang salitang “Aryan” na noble people. Sila ay mga matatangkad at may
mapuputing balat. Mahilig silang makidigma at kalaunan ay sinakop nila
ang mga Dravidian.
• Ang kanilang wika ay Sanskrit na itinuturing nilang banal na wika. Dinala
ng mga Aryan sa lambak ng Indus ang kanilang paniniwala na pinagmulan
ng Hinduismo.
• Ang mga turo ng Hinduismo ay nakasaad sa mga tinatawag na “Veda” na
nangangahulugang “karunungan.”
• Ipinatupad din nila ang sistemang caste sa India, kung saan bawat tao ay
nabibilang sa isang pangkat ayon sa kaniyang kapanganakan.
Ang mga sumusunod ay ang limang pangkat sa lipunan sa sistemang caste.
a. Brahman – Ito ay ang pangkat ng mga pari.
b. Kshatriya – Ito ay ang pangkat na kinabibilangan ng mga pinuno at
mandirigma.
c. Vaishya – Ito ay ang pangkat ng mga malalayang mamamayan.
d. Sudra – Ito ay ang pangkat ng mga magsasakang walang sariling lupa.
e. Untouchable (outcaste) – Ito ay ang mga taong may mga maruruming
trabaho katulad ng paglilinis at pagtatapon ng mga basura at paghuhukay sa
mga libingan.
40 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN
THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Mga Ambag ng Kabihasnang Indus


• May sewerage system ang Mohenjo-daro. Bukod dito, ang mga pamayanan sa Indus
ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag
na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa mga
matatandang lungsod ng Mohenjo-daro at Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
• May dalawang epikong pamana ang India sa larangan ng panitikan. Ang isa ay ang
Mahabharata. Ito ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang
pamilya na magkakamag-anak – ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan
at kasamaan. Ang isa pa ay ang Ramayana. Ito naman ay isang salaysay tungkol
sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang
asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.
• Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina
ng sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’ sapagkat binigyang-tuon
nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.
• Ito ay pinagmulan ng mga relihiyon ng Hinduismo, Budismo, Hainismo, at
Sikhismo.
• Ang halaga ng PI na 3.1416 ay mula sa kabihasnang ito.

Gawain 17
Itala sa kaliwang hanay ng tsart ang ilan sa mga ambag ng kabihasnang Indus at
ng Panahong Vedic. Sa kanang hanay naman, itala ang mga kapakinabangan ng bawat
isa sa kasalukuyan.
Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon

Baitang 8 Unang Markahan 41


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 18
Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek kung pinaniniwalaan mong
tama ang pahayag. Kung hindi, lagyan ito ng ekis. Magbigay ng maikling paliwanag
tungkol sa iyong sagot.
/ Paliwanag

1. Nararapat lamang na hatiin ng mga Aryano


ang lipunang Hindu sa sistemang caste.

2. Dumaraan ang lahat ng tao sa reincarnation.

3. Isa sa mga mahuhusay na ambag ng mga


taga-Mohenjo-daro ay ang pagkakaroon
ng palikuran na may mainam na suplay ng
tubig.

42 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 19
Lagyan ng label ang piramide kung saan kabilang ang mga pangkat sa lipunan
ng mga Hindu ayon sa sistemang caste. Ayusin ang mga pangkat batay sa kanilang
katayuan sa lipunan. Isulat ang paglalarawan sa bawat pangkat.

Paglalarawan

Paglalarawan

Paglalarawan

Paglalarawan

Paglalarawan

Isakatuparan Mo!
Poster Making
Pumili ng isang ambag mula sa sinaunang kabihasnan ng India o Panahong
Verdic. Gawan ito ng malikhaing poster. Pagkatapos, paliwanag sa klase kung bakit ito
ang iyong napiling ambag.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Iskala Iskor
Detalye 1–10
Presentasyon 1–10
Malikhain 1–10
Kabuuang Puntos 30

Baitang 8 Unang Markahan 43


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Aralin 7
Sinaunang Kabihasnan sa China
Simulan Mo!
Crossword Puzzle
Hanapin ang mga salita na may kaugnayan sa paksa ng aralin na ito. Bilugan ang
iyong mga sagot.

C H N A P K A C N A

I H U A N G H O E D

V Q W E T R Y N K H

I O H G N A U F K S

L L A W H Y G U E I

S A S D S T F C N F

E M L L I K J I M A

R G R E A T W A L L

V N A Z G A K N A I

I B E X D I G I E V

C V C T A O I S M O

E C I V R S E M I C

A B C D Z H F O C O

44 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Talakayin Mo!
Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba.
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
AP8HSK-Ig-6: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
*Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
AP8HSK-Ij-10: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
Alamin mo!
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang
pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang
suportado ng estado, partikular ang Confucianismo at Taoismo, ay lalo pang nagpatatag
sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng
pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura
at mga mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
Heograpiya ng Ilog Huang Ho
Katulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa
tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho, na kilala rin bilang Dilaw na Ilog at
Yangtze na siya namang pinakamahaba sa China. Ang ilog na ito ay nagmumula sa
kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3,000 milya. Dumadaloy ito
patungong Dagat Dilaw.
Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa
pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar
na ito. Dahil dito, tinatawag din na “Dalamhati ng China” o “Chinese Sorrow” ang
Ilog Huang Ho.
Dinastiya
Pinamunuan ang sinaunang kabihasnan ng China ng mga tinatawag na dinastiya.
Ito ay tumutukoy sa pamilyang makapangyarihan kung saan nagmumula ang
emperador na namumuno sa buong China.. Ang kanilang karapatang mamuno ay
nagmumula sa tinatawag na mandate of heaven o mandato ng langit. Ibig sabihin, ang
mga dinastiya ng China ay namuno nang may basbas ng mga diyos. Gayunpaman,
maaaring mawala ang mandato ng langit sa isang dinastiya lalo na kung ito ay maging
pabaya sa kanilang tungkulin. Makikita ang pagkawala ng mandato sa pamamagitan
ng mga digmaan at mga natural na kalamidad katulad ng pagbaha, lindol, tagtuyot,
at marami pang iba. Tinatawag naman na dynastic cycle ang pag-angat at pagbagsak ng
mga dinastiya sa China. Naging mahalaga rin sa mga Tsino ang pagbibigay galang sa
kanilang mga ninuno. Pinatatayuan nila ng mga magagarang libingan ang kanilang
mga namayapa at humihingi sa mga ito ng gabay at karunungan.

Baitang 8 Unang Markahan 45


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Ang mga sumusunod ay ang mga dinastiya sa China.


1. Dinastiyang Sia
• Ayon sa alamat, si Emperador Yu mula sa Dinastiyang Sia, ang unang
emperador ng China noong 2200 B.C.E. Nagawa niyang mapigilan ang
pagbaha ng Ilog Huang Ho sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga
dike at irigasyon. Sa ilalim ng Dinastiyang Sia ay naipatayo ang mga
unang lungsod sa China at nagsimula ang paggamit ng metal.
• Ang lungsod ng Erlitou ang hinirang na kabisera ng dinastiya dahil sa
pagkakaroon nito ng mala-palasyong estruktura.
• Mayroong sistemang panulat ang Dinastiyang Sia kung saan nagmula
ang sistemang panulat ng China. Inaalam din ng mga pantas ng dinastiya
ang hinaharap sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga senyales sa likod ng
bao ng pagong. Tinawag itong turtle shell oracle. Kakaunti lamang ang
kaalaman sa Dinastiyang Sia at karamihan ay nagmula sa mga alamat at
salinwika.
• Nawala ang mandato ng langit sa Dinastiyang Sia noong naging malupit
ang huling pinuno mula rito.
2. Dinastiyang Shang
• Pinalitan ang Dinastiyang Sia ng Dinastiyang Shang noong 1766 B.C.E.
Mas maraming mga nahukay na mga labi at artifacts ang mga arkeologo
na patungkol sa Dinastiyang Shang.
• Natutunan ng mga Tsino sa ilalim ng Shang ang paggawa ng mga
kagamitang gawa sa tanso. Ilan sa mga kagamitang tanso na ito ay ang
sandatang pandigma na ginamit ng mga Shang sa pagsakop sa iba pang
lugar sa China. Maliban dito, ginamit din ang mga kagamitang tanso sa
pagsasaka at sa iba pang kabuhayan. Nagdulot ng kasaganahan ang mga
bagong imbensiyong ito sa China.
• Nagpatayo ang Dinastiyang Shang ng dalawang kabisera. Una na rito ay
ang Aon na mayroong mga matataas at matitibay na pader. Ang isa pa
ay ang lungsod ng Yin kung saan mayroon itong marangyang palasyo,
aklatan, mga tindahan, at kabahayan. Nahukay rin ang mga mararangyang
libingan ng mga emperador ng Shang. Naglalaman ang mga libingang
ito ng mga mamahaling bagay at pagkain na dadalhin ng namatay sa
kabilang buhay. Sa kasamaang palad, marami sa mga mamahaling bagay
ay matagal nang nanakaw. Maliban sa mga bagay at pagkain na nasa loob
ng libingan ay matatagpuan din ang mga buto ng hayop katulad ng aso at
kabayo, gayundin ng mga tao. Nangangahulugan lamang ito na isinama
sila sa paglibing upang pagsilbihan ang emperador sa kabilang buhay. Sa
isang libingan ng emperador ay matatagpuan din ang mga kalansay ng
halos 300 katao.

46 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

3. Dinastiyang Chou
• Sa panahon ng mga Chou naging mas malinaw ang sistema ng
pamamahala sa China kung saan tinawag na son of heaven o anak ng
langit ang emperador. Naging mabuting emperador ang mga Chou na
ipinasulat ang unang batas ng China.
• Napalitan din ng bakal ang tanso bilang pangunahing metal na ginagamit
sa China. Naging mas malawak din ang teritoryo ng Chou at naging
mayaman ang emperador dahil sa buwis at tributo na ipinadadala sa
kaniya.
• Ang lungsod ng Louyang ang naging kabisera ng Dinastiyang Chou.
• Sa panahon ng Dinastiyang Chou rin nabuhay ang pinakadakila sa
mga guro at pantas ng China. Isa na rito si Kung Fuzi o mas kilala
bilang Confucius. Ipinangaral niya ang Golden Rule o Ang Maayos na
Pakikipagkapuwa. Tinawag na Confucianismo ang mga turo at pilosopiya
ni Confucius.
• Nagmula naman kay Lao Tzu ang aral at pilosopiya ng Taoismo. Mahalaga
sa mga Taoist ang tao o the way. Ayon sa mga Taoist, ang mundo ay
nahahati sa dalawang enerhiya, ang yin at yang. Namuno sa China ang
Dinastiyang Chou hanggang sa taong 221 B.C.E.
4. Dinastiyang Qin
• Itinatag ni Qin Shi Huang ang dinastiyang ito kung saan nagmula ang
pangalan ng China. Sa pamumuno ni Qin Shi Huang ay mas lalong
lumakas ang kapangyarihan ng emperador dahil binigyan niya ng
karapatan ang mga simpleng mamamayan na magtanim. Pinalawak din
niya ang nasasakupan ng China. Upang hindi makapasok sa China ang
mga nomadikong mananakop na nagpabagsak sa Dinastiyang Chou,
ipinatayo niya ang Great Wall of China.
• Milyon-milyong Tsino ang sapilitang pinagtrabaho sa napakahabang
pader na ito at marami sa kanila ang namatay. Nais din ni Qin Shi Huang
na sa kaniyang pamumuno magsimula ang kasaysayan ng China kaya
ipinag-utos niyang sunugin ang mga aklat na patungkol sa mga nakaraang
taon at dinastiya. Ipinapatay rin niya ang mga pantas na sumalungat sa
kaniyang pamumuno.
• Noong namatay si Qin Shi Huang, inilibing siya sa isang napakalaking
libingan na binabantayan ng labinlimang libong mandirigma na gawa sa
terracotta na kasinlaki ng tunay na tao. Ang rangya ng kaniyang libingan
ay nagpapakita lamang sa kapangyarihan na mayroon siya. Gayunpaman,
sa pagkamatay niya ay bumagsak din ang kaniyang dinastiya dahil sa
pagrerebelde ng mga tao.

Baitang 8 Unang Markahan 47


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

5. Dinastiyang Han
• Nagtagal ang Han sa pamumuno sa China sa loob ng 400 taon. Upang
mas pagandahin ang pamamahala sa malawak na imperyo, sinimulan ng
Dinastiyang Han ang civil service o serbisyong sibil. Sa prosesong ito,
kahit sino ay maaaring maglingkod sa pamahalaan ng emperador hindi
lamang ang mga maharlika. Gayunpaman, kailangan muna nilang mag-
aral at pumasa sa mga pagsusulit bago maging bahagi ng pamahalaan.
Dahil dito ay nagkaroon ang China ng mga magagaling na opisyal ng
pamahalaan. Ang serbisyong sibil ay ginamit din ngayon sa iba’t ibang
parte ng daigdig katulad ng Pilipinas sa pagpili ng mga maglilingkod sa
pamahalaan nito. Ibinalik din ng Han ang mga turo ng sinaunang pantas
na binura noong Dinastiyang Qin.

Gawain 19
Ipaliwanag ang mabuti at hindi mabuting epektong hatid ng Huang Ho sa
pamumuhay ng mga Tsino.
Huang Ho
Mabuting Hatid sa Pamumuhay ng Hindi Mabuting Hatid sa
mga Tsino Pamumuhay ng mga Tsino

48 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Gawain 20
Sa iyong palagay, alin sa mga dinastiya ang may pinakamalaking naiambag sa
kultura at kasaysayan ng mga Tsino? Pumili ng isa at ipaliwanag ang iyong sagot.

Isakatuparan Mo!
Visual Timeline
Gumawa ng timeline ng mga pangyayari sa sinaunang China gamit ang Powerpoint
presentation. Lagyan ng larawan ang bawat petsa na may kaugnayan sa mahalagang
pangyayari. Iulat ito sa klase.
Ang pamantayan sa ibaba ay ang gagamitin sa pagbibigay ng marka sa gawain na
ito.
Pamantayan Iskala Iskor
Kaugnayan sa paksa 1–10
Presentasyon 1–10
Husay sa pagpapaliwanag 1–10
Kabuuang Puntos 30

Baitang 8 Unang Markahan 49


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Lagumang Pagsusulit
I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_______ 1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng mundo
at interaksiyon ng mga taong naninirahan dito sa kanilang
kapaligiran.
a. lokasyon c. heograpiya
b. altitude d. hangin
_______ 2. Ito ay ang pinakamalaking isla sa buong mundo.
a. Greenland c. Australia
b. New Guinea d. China
_______ 3. Ito ay ang distansiya sa pagitan ng dalawang parallel o paikot na
pahalang sa mundo.
a. latitud c. ekwador
b. idl d. longhitud
_______ 4. Ito ay ang mga malalawak na masa ng lupa na napaliligiran ng
tubig.
a. kontinente c. bansa
b. lawa d. look
_______ 5. Ito ay ang pinakahuling kontinente na natuklasan sa bahagi ng
south pole.
a. Europe c. Asya
b. Antarctica d. Australia
_______ 6. Ito ay ang takdang meridian kung saan nagbabago ang petsa at
oras sa magkabilang panig ng daigdig.
a. plate tectonics c. latitud
b. international date line d. longhitud
_______ 7. Ito ay ang pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa daigdig.
a. Europe c. North America
b. Africa d. South America
_______ 8. Ito ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon
sa loob ng mahabang panahon.
a. panahon c. klima
b. tundra d. pressure

50 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

_______ 9. Ito ay ang Ikatlong pinakamalaking kontinente.


a. Australia c. North America
b. Asya d. Africa
_______ 10. Ito ay ang pinakamaliit na kontinente at ikaanim na
pinakamalaking bansa.
a. Antarctica c. Indonesia
b. Australia d. China
_______ 11. Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o sandata na gawa ng mga
sinaunang tao.
a. paleolitiko c. artifact
b. fossil d. neolitiko
_______ 12. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago sa mundo, kontinente,
rehiyon, at sa mga lokal na pamayanan.
a. global warming c. climate change
b. klima d. panahon
_______ 13. Ito ay tumutukoy sa panahon sa kasaysayan kung saan ang bato
ang karaniwang gamit at kasangkapan ng mga sinaunang tao.
a. paleolitiko c. neolitiko
b. mesolitiko d. panahong metal
_______ 14. Ito ay ang panahon na nagsimulang gumamit ang tao ng mga
kagamitang yari sa metal.
a. mesolitiko c. panahong metal
b. paleolitiko d. neolitiko
_______ 15. Ito ay ang itinuturing na subcontinent ng Asya.
a. Europe c. Africa
b. India d. Indonesia

Baitang 8 Unang Markahan 51


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

II. Pagtapat-tapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik sa patlang.
Hanay A Hanay B
______ 1. Siya ang hari ng unang dinastiya ng a. Hatshepsut
Egypt b. Nile
______ 2. Ito ay ang itinuturing na huling c. Hieroglyphics
magiting na pinuno ng bagong
kaharian ng Egypt. d. Amenhotep IV

______ 3. Ito ay ang kauna-unahang babaeng e. Haring Menes


pinuno sa kasaysayan ng Egypt. f. Thutmose I
______ 4. Siya ang nagpalaganap ng Monoteismo g. Rameses II
sa bagong kaharian. h. Hyksos
______ 5. Ito ay ang pinakauna at i. Amenemhet I
pinakamalaking piramide sa Egypt.
j. Pyramide sa
______ 6. Sila ay pangkat na kilalang shepherd Giza
kings na nagmula sa Syria.
k. Pyramide ng
______ 7. Ito ay ang tawag sa sistema ng pagsulat Khafre
ng mga taga-Egypt.
______ 8. Ito ay ang pinuno na tinaguriang,
Alexander the Great ng Egypt.
______ 9. Siya ang unang paraon ng bagong
kaharian na nagmula sa ika-16 na
dinastiya.
______ 10. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa
mundo.

III. Isulat ang titik kung anong panahon o yugto nagawa ng tao ang mga sumusunod
na pangyayari.

a. paleolitiko b. mesolitiko c. neolitiko d. metal

________ 1. pag-aalaga ng hayop


________ 2. nagkaroon ng sistemang barter
________ 3. microliths
________ 4. paggamit ng apoy
________ 5. permanenteng tirahan

52 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

________ 6. pangangaso at pangangalap


________ 7. paggamit ng balsa
________ 8. pagpapanday
________ 9. paggamit ng alahas
________ 10. sistemang agrikultural

IV. Tukuyin ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa daigdig.
_______________ 1. Ito ay mga bahagi ng kalupaan na malapit sa dagat.
_______________ 2. Ito ay isang makipot at mahabang anyong tubig.
_______________ 3. Ito ay anyong tubig na nag-uugnay sa dalawang dagat o
karagatan.
_______________ 4. Ito ay tubig na nanggagaling sa bukal mula sa ilalim ng
lupa.
_______________ 5. Ito ay isang anyong lupa na pahaba na tila nakausli
kumpara sa mga kalapit nitong lupain.
_______________ 6. Ito ay ang tawag sa lugar kung saan higit na mas mataas
ang temperatura kaysa sa ibang lugar.
_______________ 7. Ito ay anyong lupa na napalilibutan ng tubig.
_______________ 8. Ito ay isang anyong lupa kung saan ang malaking
bahagi ng kalupaan ay pantay at walang mga matataas
na bahagi.
_______________ 9. Ito ay binubuo ng maraming isla na magkakalapit at
napalilibutan ng mga ilang bahagi ng tubig.
_______________ 10. Ito ay anyong lupa kung saan ang malaking bahagi ng
kalupaan ay pantay at walang mga matataas na bahagi.

Baitang 8 Unang Markahan 53


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Glosaryo
caste – Ito ay ang pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic.
core – Ito ay ang pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer
core; halos 1,380 milya ang kapal ng outer core.
crust – Ito ay ang pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng
planeta.
dinastiya – Ito ay ang pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o
angkan.
heograpiya – Ito ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng
tao.
heograpiyang pantao – Ito ay ang sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng
wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
klima – Ito ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malalaking
rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
kontinente – Ito ay ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
mantle – Ito ay binubuo ng mga makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1,800
milya.
Satrap – Ito ay ang gobernador o pinuno ng Satrapy.
Satrapy – Ito ay ang lalawigan ng Imperyong Persian.
Vedas – Ito ay ang sagradong aklat para sa mga Hindu.

54 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

Photo Credits
https://www.jpl.nasa.gov/images/earth/20110309/earth20110309-full.jpg
By Map:USGSDescription:Scott Nash - This file was derived from: Tectonic plates.png,
Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=535201
By Zappys Technology: Hemisphere. https://www.flickr.com/photos/102642344@
N02/10020294063. https://creativecommons.org/licenses/by/2.0/
By Petr Dlouhý - This file was derived from: World Map Blank.svg, Public Domain,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=985652
By Cacahuate, adapted by Peter Fitzgerald, Globe-trotter, Joelf, Texugo, Piet-c and
Bennylin. - Own work based on the blank world map, CC BY-SA 4.0, https://
commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=22746260
By MAPSWIRE: Physical Map of Antarctica, This work is licensed under a Creative
Commons Attribution 4.0 International License, Attribution 4.0 International
(CC BY 4.0), https://mapswire.com/antarctica/physical-maps/
By derivative work: WorldPeaceGypsy (talk)African_continent-nb.svg: Eric Gaba
(translated by Jon Harald Søby) - African_continent-nb.svg, CC BY-SA 3.0,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=4221394
By MAPSWIRE: Physical Map of North America, This work is licensed under a Creative
Commons Attribution 4.0 International License, Attribution 4.0 International
(CC BY 4.0), https://mapswire.com/north-america/physical-maps/
By Cacahuate, amendments by Joelf and Globe-trotter, CC BY-SA 3.0, https://
commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=22696351
By . - Own work, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.
php?curid=67903122
By MAPSWIRE: Physical Map of Australia and Oceania, This work is licensed under
a Creative Commons Attribution 4.0 International License, Attribution 4.0
International (CC BY 4.0), https://mapswire.com/australia/physical-maps/
By Egypt (Siwa & Taba): Nile River - Aswan, Egypt, Attribution 2.0 Generic (CC BY
2.0), https://www.flickr.com/photos/132084522@N05/16727337568
By no idea - see source - An illustration from the Encyclopaedia Biblica, a 1903
publication which is now in the public domain, Public Domain, https://commons.
wikimedia.org/w/index.php?curid=8186930
By Joseph Bonomi - Scanned from Nineveh and Its Palaces, by Joseph Bonomi, figure 108,
Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=3199968

Baitang 8 Unang Markahan 55


THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY
DO NOT REPRODUCE

By Michael McCarty: Aztec Calendar at the Anthropology Museum in Mexico


City, Attribution 2.0 Generic (CC BY 2.0), https://www.flickr.com/photos/
k6mmc/2176537668
By Maler der Grabkammer des Menna - The Yorck Project (2002) 10.000 Meisterwerke
der Malerei (DVD-ROM), distributed by DIRECTMEDIA Publishing GmbH.
ISBN: 3936122202., Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.
php?curid=154324
By Unknown author - http://www.schoyencollection.com/religions_files/ms3029.jpg,
Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=660521
By Goran tek-en, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.
php?curid=30851043
By Hassan Nasir - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/
index.php?curid=35282417
By Saqib Qayyum - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/
index.php?curid=31519718

56 MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

You might also like