Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grade 1-Q1-ESP-LAS 2

EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 1

Name: ____________________________________Date: ____________________


Grade: ____________________________________Section: __________________

Quarter: 1 Week: 2 LAS No. 2


MELC(s:
1. Naisasakilos ng inyong kakayahan sa:
1.1 pag-awit 1.2 pagsayaw 1.3 pakikipagtalastasan 1.4 pagguhit
(EsP1PKP- Ib-c – 2)
___________________________________________________________________

Iba’t Ibang Kilos, Ipamamalas Sa Inyo!


Isinulat ni: Janice N. Libre

Ang pag-awit ng bata ay napakaganda


Timbre ng kanyang boses ay nakakahalina
Sa tono ng kanta ay nakakasunod siya
Kaya ang mga tao sa kanya ay natutuwa.
Sa pagsayaw ni Islaw, lahat ay napapasigaw
Katawan niya’y umiindayog sa saliw ng tugtog
Pilantik ng kamay at padyak ng kanyang mga paa
Sa musika tuwina ay nakasasabay siya
Si Carlo nama’t Lito, magkaibigang totoo.
Sa pakikipagtalastasan, pareho silang panalo
Nagbibigayan sila ng kanilang kuro-kuro
At pagkakaintindihan ay kanilang natamo.
Gamit ni Ana ay lapis, sa pagguhit ng mga hugis
Tinitiyak niya palaging kanyang gawain ay malinis
Angkin niyang talento’y kanyang pinagyayaman
Dahil ito’y biyayang bigay ng Amang makapangyarihan.

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

___1. Napagtanto ni Rosenda na magaling siyang sumayaw dahil ______.


a. natutuwa siya kapag nakakakita ng mga makukulay na babasahin.
b. gustong-gusto niyang sumali sa paligsahan ng sayaw sa paaralan.
c. madalas niyang sinasabayan ang himig ng mga awitin.
___2. Magaling umawit si Karen . Alam niyang siya ay may kakayahan na isakilos
ang __________?
a. pag-awit b. pagguhit c. pakikipagtalastasan
___3. Si Nita ay kinakikitaan ng galing sa pakikipagtalastasan dahil ___________.
a. marunong siyang makipag-usap
b. magaling siyang gumuhit
c. mahusay siyang bumasa
___4. Naiguguhit ni Alven ang magagandang tanawin na kanyang nakikita. Siya
ay_________.
a. magaling tumula
b. magaling bumasa
c. mahusay na mangguguhit
___5. Agad na nakuha ni Hannah ang mga hakbang ng sayaw na pinapanood niya
sa telebisyon. Siya ay___________.
a. isang mahusay na tagaguhit
b. Isang magaling na mang-aawit
c. isang mahusay na mananayaw

Prepared by:

You might also like