Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Aralin 5

Pagsulat ng
Rebyu ng
Literatura

Kyle Aris Dayvid D. Roño, MAFil


Rebyu ng Literatura

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ayon kay Mongan-Rallis (2014), ang rebyu ng
literatura ay hindi anotasyon ng sanggunian na
kung saan ay ibinubuod ang bawat artikulo na
binasa. Bagamat ang buod ng iyong binasa ay
nakapaloob sa rebyu ng literatura, dapat itong
tingnan ng malalim higit sa simpleng pagbubuod
ng mga propesyunal na literatura. Ito ay
nakatuon sa mga espisipikong paksa ng interes
kasama ang kritikal na pag-aanalisa sa ugnayan
ng bawat iskolarling sulatin sa kasalukuyang pag-
aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sangkap ng Rebyu ng
Literatura

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Layunin ng rebyu;
2. Pahapyaw na pagtasa sa paksa ng pag-aaral;
3. Maliwanag na kategorisasyon ng mga
sanggunian na kasama sa pag-aaral;
4. Tiyak na posisyon, mga oposisyon, at ibang
literatura na nagbigay ng taliwas mga
argumento;
5. Pagtalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
literatura sa iba pang mga literatura.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ilang Kumbensyon sa
Pagsulat ng Rebyu

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pagbubuod
• Ito ay paglalahad ng mga pangunahing ideya
sa mga binasang literatura gamit ang sariling
salita. Ito ay ang pinaikling bersyon ng orihinal
na teksto. Nakatutulong ito ng malaki sa
mananaliksik sapagkat idinidikta nito kung ano
ang mahalaga at higit na mahalagang ideya
buhat sa orihinal na teksto.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pagpaparirala
• Ito ay mabisang metodo upang maiwasan ang
pangongopya o plagiarism habang
isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral. Ang
sariling salita o lenggwahe ng nagsasagawa ng
pag-aaral ay iniuugnay o inilalagay sa orihinal
na bersyon. Ang pagpaparirala ay ang
kumpletong pagpapalit ng salita at hindi ang
simpleng pag-aayos ng mga salita batay sa
orihinal. Magagawa ang pagpaparirala kung
ganap na naintindihan ng nagsasagawa ng
rebyu ang orihinal na teksto.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Direktang Sipi
• Ito ang pinakamadaling kumbensyon sa
pagsulat ng rebyu sapagkat eksaktong
kinokopya ng nagsasagawa ng rebyu ang
mahahalagang detalye na nasa orihinal na
teksto.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Personal na Komento
• Ito ay mahalaga ring kumbensyon sa pagsulat
ng rebyu sapagkat dito nabibigyan ng
pagkakataon ang nagsasagawa ng rebyu na
pagtatahiin ang kaugnayan ng bawat literatura
na kasama sa pag-aaral.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ebalwasyon sa
Sanggunian

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Kasanayan sa pinagkakadalubhasaan ng
may-akda sa larangan ng pag-aaral;
2. Argumento ng mga may-akda sa
sinusuportahan ng naoobserbahang
ebidensya;
3. Pagkiling ng may-akda batay sa mga
kasalungat na pananaw at mga pag-aaral;
4. Kakanyahan ng sanggunian na mag-ambag
sa higit na pag-unawa sa paksa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like