Week 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Lungsod ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO SA


(Pangalawang Markahan)

PANGALAN:MAYCHELLE MAE SARGENTO PETSA:

ASIGNATURA: PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA ORAS:


PANANALIKSIK

I- LAYUNIN
A. Pamantayang B. Pamantayan sa C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (isulat
Pangnilalaman Pagganap and code ng bawat kasanayan)

Nasusuri ang ibat Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng


ibang uri ng Nakasusulat ng isang sariling halimbawang teksto
binasang teksto panimulang pananaliksik sa F11WG-IIIc-90
mga penomenang kultural 1. natutukoy ang gampanin ng
ayon sa kaugnay cohesive devices sa pagsulat:
at panlipunan sa bansa
nito sa sarili,
pamilya, 2. nagagamit sa pagbuo ng
sariling teksto: at
komunidad,
bansa at daigdig. 3. nakasusulat ng tektong
deskriptibo gamit ang mga
. cohesive devices.

II- NILALAMAN
III- KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro :
2. Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral : _____
3. Pahina sa Teksbuk:
4. Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource: PAGBASA MODULE
B. Iba pang Laptop,Chalk,Pisara
Kagamitang
Panturo
IV- PAMAMARAAN
A. Balik-aral Panalangin
o Pagbati
Pamantayan sa Silid-Aralan
Pagsisim Pagbalik-aral
ula ng
Bagong
Aralin

B. Paghahab
i sa
Layunin
ng Aralin
C. Pag-
uugnay ng
mga Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang
Halimbawa sa mga katanungang nasa ibaba ng konteksto.
Bagong Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng
Aralin Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si
Diego ay nakita na ako sa labas ni Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang
Luneta ay lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot namin
ang Intramuros gamit ang kabayo.Pero ang kabayo ay napagod kaya pinainom
muna ang kabayo.Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort Santiago. Ang Fort
Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.

Analisis:

1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.

2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?

3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano


mo ito isusulat ng malinaw at maayos ang kaisipan?

Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa


D. Pagtalakay pagsulat ng mga pangugusap na bumubuo sa mga
sa Bagong talata kaya kailangan ng mga salitang mag-uugnay
sa mga ito. Dito makikita ang halaga ng cohesive
Konsepto at devices. Upang higit na maging malinaw sa iyo ang
Paglahad ng gamit ng cohesive devices sa anumang gawaing
Bagong pagsulat, basahin mo na ang konseptong ito!
Kasanayan Gamit ng Cohesive Devices
Bilang 1
Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na
nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng
mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga
cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung
ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng
mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa
kaniyang isinulat.
1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga
salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora
at katapora.

Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa


hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa
pangungusap o talata
Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na
ginagamit sa unahan bilang pananda sa
pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng
pangungusap o talata.
Halimbawa:

Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko alam kung anong nagawa
kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in
Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang


ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:

Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako ng bago.

Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.

3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng


pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.

Halimbawa:

Nagpunta si Nadine sa mall at namili si Nadine sa mall.

Nagpunta si Nadine sa mall at namili.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at”


sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na
nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-uugnay.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.

1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang


beses.

a. Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:

Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga

batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.

b.Pag-iisa-isa

Halimbawa:

Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.

c.Pagbibigay Kahulugan

Halimbawa:

Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.


Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Halimbawa:

nanay-tatay guro-mag-aaral doktor-pasyente hilaga-timog

puti-itim maliit-malaki mayaman-mahirap

Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto.


E. Pagtalakay Isulat sa patlang kung Anapora o Katapora ang
sa Bagong tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat nang
Konsepto at madiin (bold). Isulat ang sagot sa hiwalay na
Paglahad ng sagutang papel.
Bagong 1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang
Kasanayan sigaw ng maliksing si Doris habang
Bilang 2 pangko ang matandang lupaypay at
tila wala ng buhay.
Isinakay siya sa huling bahagi ng kotse
at saka mabilis nitong pinaandar ang
sasakyan patungo sa pinakamalapit na
ospital. Subalit hindi na umabot nang
buhay si Lolo Jose sa pagamutan.
2. Bayani ang mga taong handang tumulong
sa nangangailangan kahit walang
hinihintay na kapalit o magbuwis ng buhay
para sa bayan kung kinakailangan. Sila ay
mga karaniwang taong nakagagawa ng
hindi pangkaraniwang kabutihan para sa
iba.
3. Matamis na maasim ito. Ang may
katigasan at kulay lilang balat ay
nagtataglay ng mapuputing hilis na
paborito ng marami hindi lang dahil sa
lasa nito kundi maging sa taglay na
sustansiya. Hindi pangkaraniwang
prutas ang mangosteen.
4. Grab taxi na nga ba ang solusyong
dala ng makabagong teknolohiya para
mapadali ang paghahanap ng
masasakyan? Ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.
5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga
lang ba itong alaala sa ating
F. Paglinang sa malalaking lungsod?
Kabihasaan Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o
(tungo sa leksikal ang ginamit na cohesive devices sa mga
Formative sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang
Assessment) nakasulat nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang
sagot.

1. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie


naman ay tatlo.
2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang
kita ng kapalit.
3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda.
Ang mga mag-aaral na ito ay natuto
sa binasa.

4. Nagkasama sa paglalakbay ang


magkaibigan. Lalo nilang nakilala ang isa’t
isa sa biyaheng ito.
G. Paglapat ng 5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at
Aralin sa Pang- pagsasalita ang dahilan kung bakit
araw-araw ng nahihikayat makinig ang mga tao sa
kaniya.
Buhay
Obserbahan kung paano ginamit ang mga
panghalip sa mga hinalaw na talata mula sa
isang tekstong pinamagatang
“Propesyonalismo” ni Joselito
D. Delos Reyes.

Suriin ang mga ito sa ibabang talahanayan:

Tukuyin at isulat dito


kung anong panghalip
Bahagi ng Teksto ang ginamit sa talatang
nasa kabilang hanay at
isaad
kung Anapora o
Katapora ang panghalip.
Halimbawa: siya-
katapora
1. Sa ating bansa, may dalawang
popular na paraan para matawag na
propesyonal. Una, magtapos ng
kursong kapag natapos, kukuha ka
ng pagsusulit na ibinibigay ng
Professional Regulation Commission
(PRC). Dapat kang pumasa sa
pagsusulit na ito na tumatagal ng isa
hanggang apat na araw.
2. Hindi dahil sa winawalang bahala
ko ang propesyonal o
lisensiyado. Napakahalaga nito.
3. Sa mga pagawaan at estruktura,
propesyonal dapat. Lisensiyadong
inhinyero dapat. Dahil dumaan sila
sa proseso ng pag-aaral,
pagtatapos, at pagpasa sa pagsusulit
para matawag na propesyonal na
inhinyero.
4. Kaya lamang, may nakababahalang
balita nitong mga nagdaang araw.
Itong usapin hinggil sa kinatawan ng
party list na pangkabataan.
5. Shortcut, palakasan, pagbaluktot sa
batas, pagkalunod sa kapangyarihan
para lang makalusot sa Kongreso.
Matapos ito, tatawaging
H. Paglalahat ng representative siya ng mga
Aralin propesyonal.
Ipagpalagay na hindi gumamit ng mga panghalip na ito ang
may-akda, madali pa rin kaya nating maunawaan ang teksto?
Paano nakatulong ang mga panghalip na ito para mabuo ang talata?

Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit


ang mga cohesive devices sa pamamagitan ng isang
Travel Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay
ang rubrik sa ibaba sa iyong susulating tekstong
deskriptibo. Gawin at isulat sa isang oslo paper o
short bond paper.

Batayan sa pagsulat ng teksto:


1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan
sa rehiyon. Halimbawa: Mga lugar sa CALABARZON na
iyong napuntahan
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng paglalarawan.

Pamanta 4 3 2 1
yan
Husay ng Napakahusay Nakagamit ng May Kulang na
pagsulat at mga kakulangan kulang
at lubhang salitang ang pagkaka- at hindi
paglalarawan nakaaakit gamit angkop ang
ang mahuhusay at ng mahu- mga salitang
pagkakagamit husay na
ng mga salita nakaaakit sa mga salita sa ginamit sa
sa
pagsulat ng pagsulat ng pagsulat kaya paglalarawan
paglalarawan. paglalarawan. naman hindi kaya’t hindi ito
gaanong nakaaakit sa
nakaaakit
ang sinomang
paglalarawan.
makababasa.

Paggamit ng Nakagamit Nakagamit ng Kakaunting Walang


nang mga datos nasaliksik
angkop na angkop na datos na mula na nasaliksik na datos ang
datos mga sa lang
tungkol sa datos na pananaliksik. ang nagamit naisama at
lugar lalong at pawang
nakapagbigay karamihan sa opinyon lang
rikit ng
sa nakalahad ay manunulat
paglalarawan. ang
opinyon lang nailahad.
ng
manunulat.

Paggamit ng Nakagagamit Nakagamit ng Nakagamit ng Hindi gumamit


ng ilang ng
angkop na angkop na cohesive cohesive cohesive
devices o devices o devices o
cohesive cohesive kohesyong kohesyong kohesyong
devices o devices o
kohesyong kohesyong gramatikal sa gramatikal gramatikal
subalit kaya’t
gramatikal gramatikal na pagbuo ng hindi ito sapat walang
para kaayusan
lalong paglalarawan. sa maayos na ang daloy ng
nagbigay
nang maayos daloy ng paglalarawan.
na
daloy ng paglalarawan.
paglalarawan.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device


I. Pagtataya ng (Panghalip) sa
Aralin bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora
o katapora. Dalawa (2) ang sagot sa bawat bilang.
1. Nasa bagong milenyo na tayo,
kasabay ang mabilis na pagbabago sa
larangan ng paggawa ng pelikula.
2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng
impormasyon, kaalinsabay ang
paggamit ng bagong teknolohiya sa
paggawa ng pelikula.
3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo
sila sa isang rally.
4. At kahit mabigo ka, huwag kang
mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan
ng worth mo bilang tao.
5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug
your parents.

Napagod silang lahat para mapa-graduate kayo.

J. Karagdagang
Gawain para sa
Takdang Aralin
at Remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag- B. Bilang ng mag-aaral C. Nakatulong D. Bilang ng mag-


aaral na na nangangailangan ng ba ang aaral na
nakakuha ng 80% iba pang gawain para sa remedial? magpatuloy sa
sa pagtataya: remediation: Bilang ng mag- remediation:
___________ ____________ aaral na ______________
____________ ____________ nakaunawa sa ____
____________ ____________ aralin:
____________ ____________ ____________
____________
E. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punong-
guro at superbisor/tagamasid?
F. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Petsa: Itinama ni: TERESITA G. STA. RITA


Punong-Guro

You might also like