Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

Marami sa atin ay mausisa, lalo na nga ang mga mag-aaral. Kapag walang magawa’y
ano kaya ang pampalipas oras? Pag-aaral, o paglalaro, ‘yan ang mga madalas na
pagpilian. Bakit hindi mo ito subukan? “Rubber Egg Experiment”. Sa ekperimentong ito,
makakamit mo ang mga kasagutan ng mausisa mong utak, kasiyahan at aliw naman na
nais ng iyong puso sapagkat ang eksperimentong ito ay makapagbibigay ng dagdag
kaalaman, ngunit habang ginagawa’y makakapaghatid din naman ng aliw. Ang
pangunahing gagamitin sa experimentong ito ay itlog, ano ba ang pwede nating gawin
dito? May mapapala at magagawa ba talaga tayo dito? Alamin sa ibaba ang layunin,
mga kagamitan, mga hakbang, ebalwasyon, mga aral at resulta na talaga namang hindi
mo aasahan.

Layunin:
Makapag gawa ng isang rubber egg na mula sa mga simpleng kagamitan na maaaring
makita sa bahay o mabili sa malapit na tindahan. Ang isa pang layunin nito ay ang
magawa nang tama ang rubber egg katulad ng mga pinag-halinturanan na proseso at
resulta. Ang eksperimentong ito ay maaaring makatulong bilang pampalipas ng oras
kapag walang ginagawa, at makapag bahagi ng kaalaman.

Mga kinakailangan na ihanda upang maisagawa ang eksperimento:


Itlog (isa o higit pa ay maaari)
Garapon o malinaw na baso
Suka
Pangkulay ng pagkain (Food coloring) - Opsyonal
Isang mangkok ng tubig

Mga hakbang na dapat isagawa upang magawa nang tama at maayos ang
proyekto:

Unang Hakbang:

Maingat na ilagay ang isang hilaw na itlog sa isang


malinaw na garapon o tasa.

Ikalawang Hakbang:

Ibuhos ang suka, siguraduhing sakto lamang ito sa


lalagyanan. Ito ay isasagawa upang mapalubog ang
itlog.

Ikatlong Hakbang – Opsyonal

Maaari mo ring lagyan ng kulay ang suka para mas maging


makulay ang rubber eggs.

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

Ika-apat na hakbang

Obserbahan ang mga itlog bawat araw. Matutunaw ng


suka ang egg shell sa loob ng ilang araw. Habang
natutunaw ang shell ay magsisimula itong bumula.

Ika-limang hakbang

Kuskusin ang shell.


Pagkatapos ng tatlo hanggang limang araw alisin ang
itlog mula sa suka at ilagay ito sa isang mangkok ng
tubig. Dahan-dahang kuskusin ang shell upang ipakita
ang lamad na nasa ibaba lamang nito.

Ika-anim na hakbang

Italbog ito, italbog ang iyong itlog ngunit huwag


masyadong malakas, siguraduhing nasa dalawa
hanggang apat na pulgada lamang ang taas mula sa
lapag. Magiging matalbog at magmimistulang goma
ang itlog ngunit hilaw pa rin sa loob. Pindutin ito at
italbog upang subukan kung gaano ito ka-lambot ngunit mag-ingat, masisira pa
rin ito! Siguraduhing basagin ang kahit isa lamang sa mga itlog na iyong ginamit
para makita kung ano ang itsura nito sa loob.
Matapos magawa nang tama at maayos ang mga hakbang ay makakamit mo na ang
“rubber egg” na ipinangako ng eksperimentong ito.

Ebalwasyon:
Masasabing naging matagumpay ang proyekto kung ang mga sumusunod ay nakamit;
malambot ang itlog at wala ng shell, kapag binitawan ng nasa dalawa hanggang apat
na pulgada ang taas ay tatalbog ito kaysa mabasag. Kung nilagyan ng pangkulay (food
coloring) ay dapat na makamit din ang kulay na inilagay.

Ang mga kabibi ay gawa sa calcium carbonate. Ang suka ay isang acid na tumutugon
sa calcium carbonate kapag nagdikit ang dalawa sa isa't isa. Ang mga bula na nabubuo
sa paligid ng mga itlog sa loob ng ilang araw ay talagang mga bula ng carbon dioxide
na dulot ng reaksyon sa pagitan ng suka at calcium carbonate. Sa kalaunan ay ganap
na natutunaw ang balat ng itlog na naiwan lamang ang panlabas na lamad na
malambot at nababaluktot.

Matapos maisagawa ang proyekto, maaari ka nang mag balik tanaw at alamin kung
ano-ano nga ba ang iyong mga nadiskubre. Pwede mo ring sagutin ang mga
katanungang “Anong iba pang acidic na likido ang makakatunaw ng kabibi? Gumagana
ba ang soda, tomato juice, o citrus juice?” o kaya naman “Ang ilang mga kabibi ba ay
mas mahirap matunaw kaysa sa iba?” sa susunod mo namang pagsasawagawa ng
eksperimento.

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

Sanggunian :
Dziengel, A., & Julie. (2020, January 30). How to make a rubber egg. Babble
Dabble Do. Retrieved March 9, 2022, from https://babbledabbledo.com/how-to-
make-a-rubber-egg/

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like