Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 10
I. LAYUNIN
- Natutukoy ang depinisyon at halimbawa ng pokus ng pandiwa gaya ng pokus sa tagaganap at layon
- Nakasusulat ng pangungusap na naglalaman ng pokus sa tagaganap at layon.
- Napapatunayan ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapakita na naayon sa kilos o galaw.
II. PAKSA:
Gramatika:
POKUS NG PANDIWA:
1. Pokus sa Aktor o Tagaganap
2. Pokus sa Layon
Panitikan:
Si Pele, Ang Diyos ng Apoy at Bulkan – Mitolohiya ng Hawaii
Pagpapahalaga: Pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa pamilya ayon sa isip at kilos

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga
bansang kanluranin.

PAMAMARAAN
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
Panalangin . . .
Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral Magandang umaga din po Bb. Ballera.
Pagtsek ng attendance

I. PAGTUKLAS

Bago natin simulan ang talakayan, basahin at alamin muna ninyo ang
mga kaalamang matatamo ninyo sa araw na ito. Tignan at basahin
nang sabay-sabay ang nasa monitor. Magagawa kong…
- Matukoy ang depinisyon ng dalawang pokus ng
pandiwa
- Masuri ang pokus ng pandiwa sa pangungusap
- Makabuo ng pangungusap na naglalaman ng
Balik-aral/motibasyon pokus ng pandiwa
:Nasa ikalawang Markahan na tayo at noong nakaraan tinalakay natin
ang isa sa mga Mitolohiya ng Hawaii.
: natatandaan pa ba ninyo ang pamagat ng
binasa nating mitolohiya? Ano ito? - Opo, ma’am
: tignan ang nasa larawan. Sino siya? - Ang pamagat nito ay “ Si Pele ang Diyosa ng
Ilarawan? Apoy at Bulkan”
- Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Mga tanong:
1. Ano ang nagawa ni Pele kung kaya’t galit na galit sa kanya
ang bunsong kapatid? - Sinira ni Pele ang hardin ni Hia’ka.
2. Ano ang hilig gawin ni Pele?
3. Ano ang naging epekto nito sa kanilang pamilya o tirahan? - Mahilig maglaro si Pele ng apoy sa kanilang Isla.

II. PAGLINANG
: Tignan ang mga nakasulat sa pisara.
1. Sinira ni Pele ang hardin ni Hia’ka.
2. Mahilig maglaro si Pele ng apoy sa kanilang Isla kaya’t aksidente
nitong nasunog ang Isla.

: Pansinin ang mga salitang nasalungguhitan sa bawat pangungusap. - Sinira


: Ano-ano ang mga salitang nasalungguhitan? - Maglaro

: Ano ang isinasaad ng mga salita? - Nagsasaad ng kilos


: Ano naman ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos? - Pandiwa

:Gayo’y nabanggit natin ang tungkol sa pandiwa, alam niyo ba na ang


pandiwa ay mayroong mahalang ginagampanan sa pagbuo ng
pangungusap?
: Ang tawag dito ay “POKUS”. Ang pokus ay tumutukoy sa relasyon o
ugnayan ng paksa at ng pandiwa. Ang ugnayan o relasyon ng pandiwa
at ng paksa ay siyang naglalahad ng nais ipahiwatig ng isang
pangungusap.
: Mayroong pitong pokus ng pandiwa. Dalawa sa mga ito ang ating
pag-uusapan sa araw na ito. Ito ang pokus sa tagaganap at pokus sa
layon.

POKUS SA TAGAGANAP
:ang paksa ang gumaganap ng kilos.
:Sumasagot sa tanong na sino ang gumaganap .
Panlapi: nag/ mag-, um-, na/ma-, maka-, makapag-, maki- o magpa-.

Halimbawa 1:
Nag-aaral nang mabuti ang anak upang masuklian ang kabutihan
ng kanyang mga magulang.
Alin ang pandiwa? - ang salitang nag-aaral ang pandiwa.
Ano ang paksa: - ang anak ang paksa sa pangungusap

: Malinaw na ang anak ang gumaganap sa kilos na nag-aaral kaya’t


ang pokus ay nasa TAGAGANAP

Halimbawa 2
Nakahanap din ng titirhan ang ama ni Ste.

Pandiwa: Ang salitang “nakahanap” ang pandiwa sa


Ang paksa: pangungusap
Ang ama
Nasaan ang pokus? Ang pokus ay nasa Tagaganap

Naintindihan ba ang pokus sa tagaganap?

Pag-usapan naman natin ang pokus sa layon?


2. POKUS SA LAYON
:ang paksa ang siyang tumatanggap sa kilos
:ang paksa ay sumasagot sa tanong na “ano”
: panlapi: -in, -i-, -ipa-, ma-, na-, -an.

HALIMBAWA 1
Pinag-uusapan ngayon sa buong Pilipinas ang tinaguriang Fallen 44. ang tinaguriang Fallen 44
Paksa: pinag-uusapan
Pandiwa:

Ano ang pokus ng Pandiwa? ANG LAYON

Halimbawa 2:
Ang daga ay nakita sa likod ng kabinet.
Paksa: Ang daga ang paksa
Pandiwa: Ang salitang “nakita” ang pandiwa

Naintindihan ba ang dalawang pokus ng pandiwang tinalakay natin? Opo, ma’am

Balikan natin ang pangungusap na nasa pisara.


Ano ang pokus ng mga pangungusap na narito?
1. Sinira ni Pele ang hardin ni Hia’ka. Pokus sa layon
2. Mahilig maglaro si Pele ng apoy sa kanilang Isla. Pokus sa tagaganap

III. PAGPAPALALIM
( indibidwal na gawain/ pasalita)
Gawain 1:
- Tignan natin kung talagang naintindihan ninyo ang ating tinalakay?
- Kailangang sagutin ninyo ang gawain ito.
- Basahing mabuti ang panuto:

Panuto: Tukuyin kung nasaan ang pokus ng pandiwa.


Ito ba ay tagaganap o layon.
1. Naghanap ng makakain ang mag-asawa dahil sa sobrang Sagot: tagaganap
kagutuman.
Sagot: layon
2. Ang itlog ay ipinagkatiwala ng magulang kay Pele.
Sagot: tagaganap
3. Nangaso ang anak upang may makain ang kanyang ama’t ina.
Sagot: tagaganap
4. Nagmamadalaing umalis sa isla ang pamilya.
Sagot: layon
5. Ang karneng pinamili ay iniluto ng ina para sa hapunan.
IV. PAGLILIPAT
Pagpapahalaga (panood at pagbabahagi sa katabi at sa klase)
Gayong ang tinatalakay natin ay tungkol sa kilos at ano ang pokus Naipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa
nito, bilang mag-aaral o anak at magiging magulang balang-araw, kapwa sa pamamagitan ng pagbangon at
paano mo maipapakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa pagtutulungan ng isa’t isa.
lalo na sa iyong pamilya.? Bago natin sagutin iyan, panoorin muna ang Pagiging responsable sa mga tungkulin
bidyong ito nang masagot mo nang mabuti ang tanong na ito.
Ito ay mula sa isang patalastas sa telebisyon tungkol sa isang ama.

Ebalwasyon
GAWAIN 3: (pasulat)
Sa isang buong papel, bumuo ng pangungusap na naglalaman ng
pandiwang nasa pokus ay layon at tagaganap. Siguraduhing ang mga
pangungusap na mabubuo ay may kinalaman sa mitolohiyang “ Si Pele,
ang Diyosa ng Apoy at Bulkan”.

Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Tagaganap:


1
2.
Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Layon:
1.
2.
Takdang Aralin
Basahin ang dula na nasa inyong aklat na pinamagatang Macbeth.
Pahina

Inihanda ni:

Bb. Claudine M. Ballera


Guro sa Filipino 10

You might also like