Unang Pangkat - Abstrak, Sintesis, at Bionote

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

II.

TUNGUHIN

III. PAMAGAT
Abstrak, Sintesis, at Bionete

IV.
Ang abstrak ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,
papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel. Ang katangian ng abstrak ay hindi gaanong mahaba, organisado
ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.

Ang sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad
ng maikling kwento. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod
na pangyayari sa kwento.

Ang bionete naman ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kaniyang academic
Career at iba pang impormasyon ukol sa kaniya. Ang katangian nito ay may makatotohanang
paglalahad sa isang tao.

V. PANIMULA
Ang Akademikong sulatin ay isang intelekwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas
ng kaalaman sa iab’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit
din ito upang makapagbatid ng mga impormasyon at saloobin.

Malaki ang naitutulong ng pagbasa at pasulat sa pagkuha ng impormasyon. At maipag-ugnay


ugnay ang lahat ng binasa bagama’t ito ay napakahaba ay maaari natin itong mapaikli subalit ito
ay may malinaw at maayos pa ring pagpapahayag.

VI. NILALAMAN
PAGTALAKAY, PAGGAWA NG ISANG ABSTRAK, SINTESIS/BUOD, AT
BIONETE PAGGANYAK
Ang abstrak ay tinatawag na screening device na naglalaman ng kabuuan ng tesis,
disertasyon o pag-aaral. Isinusulat ito upang mapaikli o maibuod ang laman ng isang
pag-aaral. (Acosta,J, Et al, 2016)
Ito ay tinatawag ding maikling lagom ng isang artikulo tungkol sa tiyak na larangan.

Ang mga bahagi ng Abstrak:


I. Introduksyon/Panimula
a. Pamagat ng pag-aaral
b. Mananaliksik
c. Uri ng lathalain
d. Paaralan
II. Problema/Suliranin
III. Iskop ng pag-aaral
IV. Pamamaraan/Metodolohiya ng pag-aaral
V. Samari ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

Ang pagbubuod o sintesis sa larangan ng pagsulat ay isang anyo ng pag-uulat ng


mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos
mula sa iba’t ibang tao, libro, pananaliksik at iba pa ay mapagsama-sama at mapag-isa
tungo sa isang malinaw na kabuuan. Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa
sentralisasyon ng mga ideya upang makabuo ng bagong ideya. (Acopra,j. et al, 2016)

May mga hakbang sa pagbubuod una; pahapyaw na basahin, panoorin at pakinggan muna
ang teksto, ikalawa; tukuyin sa mga nakasulat o pinanonood ang paksang pangungusap
higit sa lahat ay ang pagtukoy sa mga susing salita, ikatlo; ang mga ideya ay pag-ugnay-ugnayin,
ikaapat; huwag kumuha ng pangungusap mula sa teksto at siguraduhin ang maayos na pagkakabuo
ng buod, ikalima; ang ebidensya at halimbawa ng detalye ay huwag maglalagay.

Ang bionete ay makatotohanang pagpapahayag ng personal na propayl ng isang tao. Halimbawa


ay ukol sa kaniyang Academic Career at iba pang impormasyon.

Ang pansariling bionete ay tumatalakay sa pansariling


ay naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay ng iba.

Ang payak na paraan ng pagsulat ng bionete sa bawat linya ay ang mga sumusunod:

Sa unang linya dapat na nasusulat ay pangalan

Ikalawang linya 2 hanggang 4 na pang-uri na naglalarawan sa taong inilalahad


Ikatlong linya ay nasusulat ang mga magulang

Ikaapat na linya ay mga kapatid

Ikalimang linya ang mga hilig at gusto

Ikaanim na linya ang mga kinatatakutan

Ikapitong linya ang mga pangarap o ambisyon

Ikawalong linya ay ang pook ng tirahan at ang

Ikasiyam na linya ay ang apelyido.


May mga kontrobersyal na paraan ng pagsulat ng bionete na gaya ng isang ordinaryong
pagpapakilala sa paraang pasalita.

Unang Talata - pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan,


magulang, at kapatid.
Ikalawang Talata - mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan
Sa sarili.
Ikatlong Talata - mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasahan sa darating
na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay.

Iba’t ibang sitwasyon ng pagpapakilala na nangangailangan ng biionete


1. Pagpapakilala sa may akda ng isang aklat.
2. Pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa isang kumperensya.
3. Pagpapakilala sa panauhing pangdangal.
4. Pagpapakilala sa natatanging indibidwal.
5. Pagpapakilala sa isang paring magmimisa.

VII. KONKLUSYON

VIII. REKOMENDASYON

IX. MGA SANGGUNIAN


https://siborjejetra.wordpress.com/2016/10/16/layunin-gamit-at-katangian-ng-akademikong-sulatin/
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html
https://akademikongpagsulat.wordpress.com/2018/08/08/sintesis/

You might also like