Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER IN EsP 9

• Mga Tungkulin ng Pamahalaan


- Isatitik sa batas ang mga adhikain at pagpapahalaga ng mga mamamayan
- Magtatag ng mga estraktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang
batayang pangangailangan
- Mag-ipon, mag-ingat at magbahagi ng yaman sa pamamagitan ng pagbubuwis at
pagbibigay serbisyo

• Sinasabing ang mahusay na pamamahala ay ang pakikipaglaban ng nasa “itaas” sa mga


nasa “ibaba”. Ibig sabihin gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at
ang pinamumunuan naman ay susunod sa gusto ng kanilang pinuno

• Sa prinsipyong ito, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila


ang makapagpapaunlad sa kanila. - Prinsipyo ng Subsidiarity

• “Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ang pamahalaan ang magtayo ng


mga akmang estraktura upang makipagtulungan ang mga mamamyan.” Mailalagay sa
ganitong balangkas sa prinsipyo ng Solidarity

• Ang Pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng
talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan

• Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa Pananagutan

• Ang tunay na “Boss” sa lipunang politikal ay Kabutihang Panlahat

• Ang sumusunod ang dahilan kung bakit hahanapin ng tao ang mamuhay sa lipunan. Ang
tao ay likas na sosyal.

• Ang mga sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat:


- Kapayapaan
- Katarungan
- Paggalang sa indibidwal na tao

• Ang mga sumusunod ay mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat, maliban sa:
- Indibidwalismo
- Pakiramdam na siya ay nalalamangan
- Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
• Ano ang tunay na tunguhin ng lipunan?
Ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.

• Ito ay likas na katangian ng mga nilikha ayon sa likas na batas.


Ang makibahagi at mamuhay sa lipunan
• Ang ating pagiging KASAMA-NG-KAPUWA ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng
tunay na kaganapan sa ating pagkatao

• Ang salitang LIPUNAN ay mula sa salitang ugat na “ lipon” na nangangahulugang


pangkat

• Sa LIPUNAN, ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na iisa ang layunin o
tunguhin.

• Ang salitang KOMUNIDAD ay galing sa latin na communis na nangangahulugang


common o nagkakapareho.

• Halimbawa ng lipunan- Mamamahayag, may iisang layunin na maghatid ng


impormasyon at tungkuling itaguyod ang katotohanan

• Ano ang nagkakapareho sa mga indibidwal sa komunidad? Interes, ugali, o


pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar

• Sa Lipunan, dapat manaig ang katarungan

• Barkadahan - kahawig ng isang pamayanan/komunidad

• Kultura - Ito ang tawag sa nabuong gawi ng pamayanan.

• Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kultura, maliban sa:


- Tradisyon
- Nakasanayan
- Pagpapahalaga

• Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay
ang kabutihang panlahat. - Pampulitika

• Ang pakikilahok sa malinis na halalan AYnagpapakita ng pag-iral ng prinsipyo ng


pagkakaisa

• Umiiral ang prinsipyo ng subsidiarity sa lipunang politikal sa pagpapaayos ng mga


kalsada ng ating LGU
• Sa lipunang pang-ekonomiya, masisiguro ng estado na ang bawat bahay ay magiging
tahanan sa pamamagitan ng Pangangasiwa at Patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan

• Sa bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao, makakamit ang kolektibong pag-


unlad ng bansa

• Isa siya sa mga kilalang personalidad na nagdurusa sa bilangguan sa kabila ng milyon-


milyong halaga ng pera na tinamasa. - Janet Napoles

• “Ang tunay na mamamayan ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa aanumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.” Ibig sabihin ipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.

• Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan

• Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na


matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat

• May kasinungalingan sa Mass Media kung mayroong pagpapahayag ng sariling kuro-


kuro

• Tungkulin ng Mass Media ang pagsasaad ng katotohanan dahil nagpapasiya tayo ayon sa
hawak natinng impormasyon

• Isang katangian ng lipunang sibil kung saan walang pumilit o nanakot sa mga kasapi nito
upang makisangkot – “Pagkukusang loob”

• Mga palatandaan ng isang maayos at huwarang lipunan


- Nakikita ang aktibong pakikilahok ng mamamayan (social cooperation) sa pagtamo ng
kabutihang panlahat.
- Nakikita at nararamdaman ng bawat miyembro ng lipunan ang katarungang panlipunan
o social justice.
- Ang pag-iiral ng kapayapaan sa lipunan.

• Naglalarawan sa prinsipyo ng proportio ni Sto. Tomas de Aquino?


- Patas na pagbabahagi ayon sa kakayahan ng tao
- Angkop na pagkakaloob ng naayon sa pangangailangan ng tao
- Hindi man pantay- pantay ang tao, may angkop para sa kanila
• Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. Ito ay nangangahulugang May yaman man ang
tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao
• Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang lahat ng tao ay pantay-pantay”?
Ang tao ay may kani-kaniyang lakas at kahinaan

• Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at panganagilangan ng bawat
isa

• Alin ang naglalarawan ng lipunang pang-ekonomiya?


- Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
- Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao
- Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan

• Masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa lipunang pang ekonomiya sa


pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng
bayan.

• Maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari sa laging isaalang-alang


ang halaga bilang tao kaysa ang kaniyang pag-aari

• Ang hudyat ng isang maunlad na ekonomiya ay ang bawat mamamayan ay tunay na


tumatahan at panatag na namumuhay sa sariling bansa

• Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon- “Mass Media”

• Ang Lipunang ito ang siyang kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa
sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa. “Lipunang Sibil”

• Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-ulad ng bayan? Ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa

• Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na nagsulong at naisabatas na Anti-Sexual


Harassment Act, Anti- Rape Law at iba pa. - Gabriella

• Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang buhay ng tao ay panlipunan:
- Mahirap ang mamuhay nang nag-iisa
- Upang mahubog natin ang ating mga sarili
- Natututuhan natin ang mga gawain sa lipunan

You might also like