Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Grade 11

Unang Semester

Aralin 1- Mga Konseptong Pangwika

Ang Wika Ang bawat bansang Malaya, tulad ng Pilipinaas, ay nagnanais magkaroon ng isang panlahat na
wikang may silbi bilang (1) isang simbolo ng pambansang dangal, (2) isang simbolo ng pambansang
identidad, (3) kasangkapang pambuklod ng mga grupong may iba’t ibang sosyokultural at
lingguwistikang pinagmulan, at (4) isang paraan ng komunikasyong inter-aksyonal at intercultural.

Mga Naunang Teorya Hinggil sa Wika

1.Teoryang Ding-dong. Ipinalalagay sa teoryang ito na ang lahat s aka[aligiran ay may sariling tunog na
kumakatawan sa nasabing bagay.

Halimbawa: tunog ng kampana, relo, tren, at iba pang kauri

2. Teoryang Bow-wow. Ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan, ang ginagagad ng
tao. Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinanggalingan o tukuyin ang
pinagmulan.Marami ang nag-aalinlangan dito sapagkat hindi nagkakatulad ang mga pandinig ng tao sa
iba’t ibang likas na tunog.

3. Teoryang Pooh-pooh. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng
kahulugan ditto batay na rin sa kanyang nadarama. Kapag nasaling ang damdaming ito,
nakapagbubulalas siya ng mga salitang kaakibat ng kanyang nararamdaman.

Halimbawa: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, at iba pang bulalas ng damdamin

4. Teoryang Yo-he-ho. Ito naman ang teoryang nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag
siya ay gumagamit ng pisikal na lakas.Ito ang mga ekspresyon na nasasambit ng tao kapag nagbubuhat
siya ng mabigat na bagay, o dili kaya ay babaeng nagluluwal ng sanggol, o sa atletang kalahok sa mga
kompetisyon.

5. Teoryang Ta-ta. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam o goodbye na binibigkas ng dila nang pataas-
pababa katulad din ng pagkampay ng kamay. Sinasabi ng teoryang ito na ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao ay ginagawa niya upang magpaalam.

6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang pagkilos,pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o


gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng
mga tao.

Halimbawa ng mga okasyong pinaghahanguan ng mga salita ay ang pangingisda, pakikipagdigma,


pagtatanim,pagpapakasal, pag-aalay at iba pang katulad ng mga nabanggit na.
Walang makapagsasabi kung ang mga teoryang ito’y totoo o walang batayan, subalit nagiging
mahalaga ang mga ito sa pagtalakay ng pinagmulan ng mga wika. Sa ganitong paraan, nakabubuo tayo
ng mga palagay.

Ang mahalaga sa lahat, batid nating ang wika ang tagapagbuklod ng kanyang mga mamamayan,
kahit anong dami pa ang wikang sinasalita sa loob ng kanyang bayan. Maraming pagkakataon nang
napatunayan ang impluwensya at lakas ng wika sa pagtatayo ng isang Malaya at demokratikong bansa.

Mga Katangian ng Wika

Wika ang nagsisilbing mahalagang instrument upang magkaunawaan ang bawat mamamayan sa
isang bansa. Ito rin ay isang salik na nakatutulong sap ag-unlad ng isang bansa at mabisang sandata
upang labanan ang kamangmangan. Hindi magaganap ang komunikasyon kung wala itong magiging
daan, may tagapagsalita man, may mensahe man, at may tatanggap man. Ang wika ang daan o
instrument ng komunikasyon sa tulong na rin ng mga senyas kung minsan. Kung gayon, kailangang
taglayin ng isang wika ang sumusunod na mga katangian.

1. Dinamiko ang wika. Patuloy itong nagbabago, dumarami, at nadaragdagan.


2. May lebel o antas. Ang wika ay maaaring pormal o di pormal.
3. Ang wika ay komunikasyon. Sinasalita ang tunay na wika. Dapat nating tandaan na ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Samakatwid, mahalagang gamitin ang wika
sa pakikipagtalastasang pasalita.
4. Ang wika ay malikhain at natatangi. Walang dalawang wikang magkatulad. May kani-kaniyang
katangian ang mga ito na dahilan upang mamukod at maiba sa karamihan.
5. Ang wika ay kaugnay ng kultura. Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian,
karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura.Ang mga taong kabahagi sa isang kultura ay
lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
6. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon. May isang particular na wikang
ginagamit sa bawat disiplina o propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit ng wika upang maging
mabisang instrument sa pagsulong ng isang lahi.

Likhain Mo Na

Pagsulat. Pumili ng tatlo sa anim na katangian ng wika. Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng
sariling halimbawa sa pamamagitan ng paglalapat sa isang sitwasyon.

1. Katangian:__________________________________________________________________
Paliwanag:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sitwasyon:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Katangian:__________________________________________________________________
Paliwanag:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sitwasyon:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Katangian:__________________________________________________________________
Paliwanag:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sitwasyon:__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like