Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Zeus

Si Zeus (Sinaunang Griyego: Ζεύς, Zefs, Zeús; Δίας, Diós, "banal na hari") ay ang pinuno ng mga diyos
at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw,
pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego.[1][2] Ginagamit
niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang
Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang
mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa
Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit
din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit.[3] Kilala siya sa mitolohiyang
Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia.[4]
Estatuwa ni Zeus.

Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego, napag-alaman ni Cronus na
mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito,
sa bawat pagkakataon magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang
pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus
na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot
ni Rhea sa isang kasuotan.[3]

Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid.
Nagkaroon sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan, nakapagtalaga
sila kung sinu-suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian.[3] Naitalaga ni Zeus sa kanyang kapatid
na lalaking si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa niyang kapatid na lalaking si
Hades (o Pluto sa Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay.[5][4]

Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga tao
mula sa kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may
palamuting mga batong hiyas. Mayroon ding nakapatong na isang koronang yari sa dahon ng mga laurel
sa ibabaw ng kanyang ulo. Natatanging mensahero niya ang agila. Tinagurian din siyang Diyos ng
Katarungan at Diyos ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad.[3]

Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga Kapalaran.
Walang magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang buhay ng isang tao,
gayundin kung nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang digmaan.[3]

Kabilang sa mga anak ni Zeus si Apollo (o Apollon), ang diyos ng araw, at si Artemis (o Diana), ang diyosa
ng buwan.[3]

Mga sanggunian

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Zeus&oldid=1984240"


Last edited 3 day ago by Glennznl

You might also like