Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Creating Respectful Classrooms

Reaction Paper

“ Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.


Sila ay pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa’t isa sa diwa ng
pagkakapatiran”
-Artikulo 1 ng Karapatang Pantao

Tila nga sa patuloy na pagbabago ng mundo, ang mga karapatang ito ay hindi na
natatanggap ng mga tao dahil sa diskriminasyon. Ngunit, ano nga ba ito? Ang diskriminasyon
ay isang suliranin na patuloy na kinakaharap hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Ito ay ang pagkilos o paggawa ng hindi maganda, panghuhusga at pagtrato ng masama sa
kapwa. Noong Marso 7, 2022, lunes, may video na pinanood sa amin ang aming guro tungkol
sa “ Pakikitungo sa Pagkakaiba: Isang bukas at malaya na pag-uusap tungkol sa Lesbian, Gay
at Straight Issues”. Ako ay sobrang interesado sa panonood dahil gusto kong malaman kung
paano nga ba kinakaharap ng mga tao lalo na ang mga LGBT ang issyung ito. Ano nga ba ang
nangyari sa video? Sa isang silid-aralan mayroong isang guro at iba’t ibang uri ng estudyante.
Isa itong tipical na silid aralan na mayroong babae at lalaki. May mga estudyante na pumasok
para makapag-aral at mayroon din namang estudyante na walang ginawa kundi mang-bully at
maglaganap ng diskriminasyon sa kapwa nila. Sa buong video na ito, ipinakita ang walang-
sawang pangbubully ng ilang mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral na si steve, na sa tingin ko
kaya nila ito ginagawa dahil sa tingin nila ay isa siyang gay dahil sa pisikal na kinikilos
nito.Batay sa napanood ko, hindi ko masasabi na isa talaga siyang gay, dahil hindi ko naman
lubos na kilala ang taong ito, sino ba naman ako para manghusga?, at mayroon kasi talagang
mga lalaki na malawak ang pang-unawa at pasensiya na hindi pumatol sa mga taong nang-
bubully sa kanila para makaiwas sa gulo. At porque hindi sila pumapatol at lumalaban ay gay
na sila. Sila ang mga lalaking busog sa pagmamahal ng kanilang mga magulang kaya hindi sila
nakikipag-away at sumasali sa anumang gulo .At kung halimbawa na mapatunayan na si steve
ay isa talagang gay, mali pa rin na tratuhin siya ng ganoon, mali na minamaliit siya dahil sa
kung ano siya. Kadalasan ngang biktima ng diskriminasyon ang mga miyembro ng LGBTQ, at
nakakalungkot isipin na ang mga ganitong uri ng sitwasyon ay hindi talaga maiiwasan lalo na
sa mga paaralan dahil hindi perpekto ang mundo, may mga tao na wala pa rin sapat na
kaalaman tungkol sa sa kung ano nga ba ang LGBT. Hindi pa rin pala talaga lubusang
nawawala ang mga kaisipan na babae at lalaki lamang ang mga kasarian na nabubuhay sa
mundo. Ako ay lubos na nasasaktan sa mga taong nakakaranas nito, dahil walang sinuman ang
deserve na tratuhin ng ganoon. Ang ganitong uri ng pang-bubully ay may malaking epekto sa
buong pagkatao ng isang tao, kaya nararapat na bago gumawa ng isang bagay, pag isipan
muna ng mabuti kung ito ba ay makakabuti o makakasama.

Ang paaralan ay isang institusyong pang-edukasyon na ginawa upang magbigay ng


mga kaalaman sa mga mag-aaral. Ito ang siyang dapat magsilbing pangalwang tahanan natin
at nararapat na ito ay maging isang ligtas na lugar para sa mga mag-aaral. Subalit sa videong
pinanood ko, hindi ito maituturing na ligtas na ‘ classroom envrinoment’ sa kadahilanang patuloy
ang paglaganap ng mga hindi magandang pag-uugali ng mga mag-aaral kagaya ng bullying at
discrimination. Ako ay nalungkot at nadismaya sa mga mag-aaral na ito dahil mukhang wala
talaga silang sapat na kaalaman tungkol dito. Hindi sila nag-iisip kung ano nga ba ang epekto
ng ginagawa nila sa iba. Nakakalungkot na dapat, tayo o kaming mga kabataan ang pag-asa ng
bayan, pero paano ito mangyayari kung ang mga hindi magandang pag-uugaling ito ay patuloy
pa ring ginagawa. Isa pang nakakabahalang pangyayari sa video ay ang hindi pagpigil ng mga
guro at kapwa mag-aaral sa hindi magalang na interaksyon sa klase. Oo nga naman, bakit nga
ba wala man lang silang ginawa? Lubos tuloy akong napaisip kung ano nga ba ang maaring
maging dahilan dito, at ilan sa mga ito ay una, dahil ayaw na nilang pahabain at palakihin ang
sitwasyon, pangalwa hindi nila alam kung ano ang tamang gawin upang matigil ang hindi
magalang na interaksyon, pagatlo, dahil mukhang wala silang pakealam at panghuli, dahil wala
silang sapat na kaalaman sa mga pangyayari at issyung ito. Kung ako ay isa sa mga maag-
aaral na naroon baka ako ay gumawa agad ng aksyon dahil ayoko talaga ng mga ganoong
pangyayari na binubully o inaasar, dahil ako mismo sa sarili ko ay alam kung ano ang
pakiramdam nito. Alam kong masakit at nakakababa ng lakas ng loob kapag naranasan ito.
Buong pagkatao ay apektado, ganun kalala. Lubos akong nadismaya sa inasal ng mga mag-
aaral lalo na sa guro dahil ika nga ng iba, ang mga guro ang siyang pangalwa nating magulang,
hindi ba dapat na ang mga magulang ang nagtuturo sa atin kung ano ang tama at mali? Hindi
ba dapat kapag gumawa tayo ng mali ay pagsasabihan agad tayo para matuto? Pero sa
pangyayaring iyon, hinayaan lang ng guro. Alam kong may dahilan ang guro sa ginawa niya,
pero hindi ko lang talaga mapigilan ang madismaya. Nais ko na sana ang mga ganitong
pangyayari ay bigyan agad ng aksyon at solusyon dahil baka kung pinatagal pa ay baka lalo
itong lumala.

Bilang kabataan na pag-asa ng bayan at may pake sa lipunan, ako ay handang


magbigay ng mga solusyon at mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng
diskriminasyon, at ilan sa mga ito ay, una, nararapat na lahat ng tao ay magkaroon ng sapat na
kaalaman sa mga issyung ito, mahalaga na malaman natin lahat ang mga karapatang pantao
para makaiwas sa mga pangyayaring ito. Pangalwa, huwag din tayo basta-basta manghusga ng
isang tao batay lang sa pisikal na kinikillos nito, kung hindi naman natin lubos na kilala ang
isang tao, huwag agad tayo mangjudge. At panghuli, nararapat na marunong tayong mga tao
na tumayo at magsalita para sa sarili natin pero sa tamang pamamaraan, huwag natin hayaan
na tapak-tapakan lang tayo ng iba dahil ito ay hindi na makatarungan.

Ang dikriminasyon ay nagpapakita ng kaugaling makasarili. Hindi porque hindi na-meet


ng isang tao ang standard mo ay ijujudge at hindi na natin tatanggapin ang mga ito. Tandaan
natin na lahat tayo ay may iba’t ibang kaugalian at nakasanayanan. Hindi naman masamang
magbigay ng opinyon sa tao, pero dapat isipin din natin kung ano ang mga kahihinatnan nito.
Tayo ay nasa kasalukuyang panahon na kaya nararapat na itigil na natin ang mga ganitong
kaisapan. Huwag na tayong maging problema sa problemado nang mundo, bagkus tayo ay
magtulungan upang maging solusyon sa mga ito. Tandaan na ang diskriminasyon ay hindi
talaga mapipigilan ngunit ito ay kayang iwasan kung tayo ay may sapat na kaalaman.

You might also like