Annex 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Annex “3”

Republic of the Philippines)


City of Legazpi )S.c.
X------------------------------------X

JUDICIAL AFFIDAVIT
OF
DEFENDANT ENELRA L. UCHIHA

This Judicial Affidavit of Enelra L. Uchiha is executed to serve her direct


testimony in the instant case.

That the lawyer who conducts/supervises the examination of the plaintiff is Atty.
Angelo S. Bacani and said examination was conducted at Legazpi City.

That the questions asked to Ms. Uchiha were in Filipino and her corresponding
answers to wit:

TANONG: Pumapayag ka bang sumumpa at sumagot sa mga katanungan ko na


alam mong maari kang managot sa batas sa anumang hindi
makatotohanang salaysay?

SAGOT: Opo.

TANONG: Sabihin mo ang iyong pangalan, at ilahad mo ang iba pang personal na
detalye.

SAGOT: Ako po si Enelra L. Uchiha, nasa hustong gulang, nakatira sa 135 Sto.
Niño Street, Padang, Legazpi City.

TANONG: Kilala mo ba ang nagrereklamo?

SAGOT: Opo, siya po si Poldo M. Batungbacal.

TANONG: Paano mo nakilala ang nagrereklamo?

SAGOT: Siya po ang may-ari ng aking apartment na inuupahan.

TANONG: Kailan ka nagsimula mangupahan at magkano ang iyong binabayaran?

SAGOT: Noong December 1, 2021 sa halagang tatlong libong piso (Php3,000)


kada buwan.
TANONG: Kayo ba ay pumirma ng kasunduan o kontrata sa pagpapaupa?

SAGOT: Opo.

TANONG: Alam mo ba kung bakit ka inirereklamo?

SAGOT: Opo, hindi po kasi ako nakapagbayad ng aking upa simula Hunyo 01.

TANONG: Maaari mo bang ilahad ang kadahilanan kung bakit ikaw ay hindi
nakapagbayad?

SAGOT: Ako po ay nagtratrabaho dito sa Legazpi City bilang isang factory worker.
Ngunit noong Hunyo, bigla pong dumami ang kaso ng Covid-19. Dahil rito,
kinailangan po magbawas ng kumpanya ng trabahador at ako po ay isa sa
na-lay off.

TANONG: Pinagbigay alam mo ba ito sayong landlord na si Poldo M. Batungbacal?

SAGOT: Opo, agad ko pong ininform si Tiyo Poldo na ako ay nawalan ng trabaho
dahil natakot nga po akong hindi makapagbayad agad sa aking renta.

TANONG: Ano naman ang isinagot sayo ni Poldo M. Batungbacal?

SAGOT: Maayos naman po siyang nakausap. Nalungkot siya sa nangyari sakin


subalit naiintindihan niya raw po ang aking sitwasyon. Dahil rito,
napagkasunduan namin na ako ay kanyang bibigyan ng isang buwan, or
tatlompung araw (30 days) para makapagbayad.

TANONG: Ngayong wala ka nang trabaho, paano mo plinano makapagbayad ng


renta?

SAGOT: Agad-agad po akong humanap ng trabaho online. Sa awa ng Diyos, ako


po ay natanggap sa isang factory sa Cebu. Subalit, eto ay project-
employment lamang.

TANONG: Ngunit wala kang pambayad ng upa, paano ka makakapagbayad ng


pamasahe pa-Cebu?

SAGOT: Dahil ito nga po ay urgent-hiring, ang kumpanya po ang nagbayad ng


pamasahe namin papunta upang makaabot kami sa aming pre-orientation
at skill-training.
TANONG: Kailan kayo inatasang bumyahe sa Cebu para sainyong orientation at
training?

SAGOT: Kami po ay pinabyahe at dumating sa Cebu noong Agosto 30, 2022.

TANONG: Ngunit ayon sa nagrereklamo, kayo raw ay nagkasundo sa Barangay


kung kaya’t nag-issue na ang barangay ng Certificate to File in Court
bilang hudyat na pwede ka nang ihabla sa korte. Ikaw ba ay umuwi sa
Legazpi para makipag usap?

SAGOT: Hindi po ako umuwi, Atty. Nagulat nga rin ako ng iyan ay aking mabasa.

TANONG: Kung sa gayon, asan ka ng araw na ito?

SAGOT: Ako po ay nasa Cebu ng araw na iyan. Kami po ay nasa skill-training para
sa aking bagong trabahong pinasukan. Nais ko pong ipakita itong itinerary
receipt at boarding pass ko nang ako ay magtungo sa Cebu bilang
pagpapatunay na totoo ang aking mga sinasabi.

Exhibit A – Itinerary Receipt (Legazpi to Cebu)


Exhibit B – Boarding Pass Flight DG 6205

TANONG: Kung sa gayon, hindi totoo na may nakapagsunduan kayo sa barangay?

SAGOT: Opo, hindi po yan totoo. Wala po kaming naging kasunduan sa barangay
sapagkat wala po ako sa Legazpi ng mga panahong iyon kung kaya ay
imposible kaming magkaharap nang personal.

TANONG: Kilala mo ba si Leo Manlapuz?

SAGOT: Opo.

TANONG: Paano mo siya nakilala?

SAGOT: Siya po ang caretaker na inatasan ng nagrereklamo para maningil sa


aking upa.

TANONG: Tuwing kailan ka niya sinisingil ng iyong upa?

SAGOT: Minsan ika-unang araw ng buwan.

TANONG: Magkano naman ang isinisingil niya sa iyong pambayad buwan buwan?
SAGOT: Ang dapat na singil ho sa akin ay tatlong libo piso lamang, pero nitong
mga nakaraang buwan kasunod noong Hunyo na di ako nakapagbayad
agad, naniningil siya ng dagdag bilang interes daw sa buwan na di ako
nakapagbayad ng ayon sa takdang petsa.

TANONG: May napagkasunduan na dagdag singil sa upa?

SAGOT: Wala po. Sa katunayan may kasunduan pa nga po kami ni Tiyo Poldo na
bibigyan niya ako ng isang buwan na palugit sa pagbabayad ng renta na
walang anumang patong na interest bilang pagsunod sa nilabas na
memorandum ng DTI kaugnay sa hindi pagpapalaalis at pagbibigay ng
grace period sa mga residential na paupahan sa mga lugar na naka-ECQ
ayon sa klasipikasyon ng IATF. Akala ko po malinaw ang kasunduan
naming dalawa kaya nagulat na lang ako nang bigla akong pinadalhan ng
Demand to Vacate at naniningil ng extra para sa interes ang kolektor at
caretaker ng paupahan niya.

ENELRA L. UCHIHA
Defendant
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this November 2, 2022 at Legazpi
City, Philippines, affiant’s identity having been ascertained by me through his Driver’s
License F88-88-111222.

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of 2022.

Republic of the Philippines)


City of Legazpi ) S.c.

SWORN ATTESTATION

I, ATTY. ANGELO S. BACANI, of legal age, Filipino and resident of 143 Lakandula St.,
Purok 11, Legazpi City, under oath, depose and state:

That this is the faithful translation of the Judicial Affidavit of ENELRA B. UCHIHA,
Defendant in this case;

That I have faithfully recorded the questions asked and the corresponding answers of
the witness;

That neither I nor any other person then present nor the one assisting me coached
ENELRA B. UCHIHA regarding her answers.

ATTY. ANGELO S. BACANI


143 Lakandula St., Purok 11, Legazpi City, Philippines
Counsel for Defendant Enelra B. Uchiha
MCLE__________
IBP No. ________
PTR No. __________,
Roll No. _________

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 2nd day of November,


2022 at Legazpi City Philippines, affiant exhibiting his Driver’s License F88-88-111222.

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of 2020.

You might also like