Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Philippine Science High School

Cagayan Valley Campus

Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya

Mga Elemento sa Pagsusuri ng Maikling Kwento

Mga Pangalan: Hannah Lugod, Aliyah Allam, Bianca Madriaga, Althea Maludduy, Cyrene
Yanos, Lance Macarine

I. Pamagat: Ang Kalupi.

II. May-Akda: Benjamin P. Pascual.

III. Banghay:

a) Pumunta si Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulam para sa


kanyang dalagang anak na ga-graduate ng kolehiyo.

b) Ang mga tauhan ay sina Aling Marta, ang batang mahirap, ang pulis, ang
asawa, at ang dalagang anak ni Aling Marta.

c) Ang mga Tagpuan sa kwento ay ang palengke, ang outpost ng pulis, ang
tindahan ni Aling Gondang, at ang bahay ni Aling Martha.

d) Ang Pataas na aksyon ay noong naiwan ni Aling Martha ang kaniyang


kalupi sa kanyang bahay at inaakusahan niya ang bata na nakabangga sa kanya
na kinuha ang kanyang pitaka.

e) Ang Kasabikan ay noong iniulat at sinumbong ni Aling Martha ang bata at


dinala ito sa isang estasyon ng pulis. Doon niya rin pinatay ang batang ito.

f) Ang Kakala san ay noong umuwi si Aling Martha sa kanyang bahay at


doon niya nakita ang kanyang pitaka.

g) Ang Wakas sa kwento ay nagkatauhan siya ng kasalanan dahil alam


niyang nakapatay lang siya ng inosenteng tao base sa maling pangangatwiran.

IV. Suliranin

Ang problema sa kwento ay si Aling Martha ay may konti o walang katangian ng


empatiya at mabuting pangangatwiran. Siya ay isang tinatawag na self-centered na tao.
Dahil diyan, wala siyang pakialam sa ibang tao kundi lamang ang kanyang sarili.
Mayroong kasabihang, “Do not judge a book by its cover.”

V. Tunggalian

a) Tao laban sa sarili: Ang maling pagdedesisyon ni Aling Martha ay


tinatawag na tao laban sa sarili. Ito ay dahil hindi niya naisip na nakalimutan niya
ang kanyang kalupi at bigla nalang na sinisi ang bata sa kadahilanang sa tingin
niya ay kinuha nito ang kanyang pitaka.

b) Tao laban sa tao: Sa maikling kwento, ang tao laban sa tao ay ang
eksenang sinaktan ni Aling Marta ang inosenteng bata na si Andres.

c) Tao laban sa Kalikasan: Sa kwentong ito, Si Aling Martha ay hindi


masiyadong kinilatis ang bata bago ito husgahan. Dahil sa kahirapan ay nasisi
niya ang batang inosente. Ang kahirapan ay nagiging parte ng kalikasan dahil
hindi ginusto ng bata na siya’y maging mahirap, ngunit nakatakda sa kaniya ito
kaya’t konektado sa kalikasan – Aling Martha laban sa kahirapan.

d) Tao laban sa lipunan: Ang pagpatay ni Aling Martha sa batang Andres ay


isang ehemplo ng tao laban sa lipunan dahil ito ay labag sa batas ng Pilipinas.
Kundiman sa isang korte na setting, Aling Martha laban sa Republiko ng
Pilipinas.

VI. Mensahe at Implikasyon, Aral

Ang mensahe ng kwento ay mag-isip muna bago gawin ang isang bagay
dahil base sa aksyon ni Aling Martha ay hindi niya pinag-isipang mabuti ang kaniyang
gagawin, at dahil sa maling desisyon ay nakagawa siya nang masamang gawain.

Isa rin sa mga aral na matututunan mula sa maikling kwento na ito ay


huwag maging mapanghusga. Kahit ano mang estado ng isang tao, huwag abusuhin
ang mga pribilehiyo at matutong magpakumbaba.

VII. Mga Bisang Pampanitikan

a) Bisa Sa Isip

Ang paninisi sa kapwa nang walang katiwa-tiwalang ebidensiya ay magbibigay


lamang ng kaguluhan at panganib sa kahit kanino man.

b) Bisa sa Damdamin
Isang kaisipang nakakalungkot ang pagkatanto na mayroon ding mga
nakatatandang may ugaling hindi kaaya-aya.

c) Bisa sa Asal

Hindi nawa’y gawing basehan ang estado o status ng buhay sa lebel ng


pagrespeto sa kapwa tao.

You might also like