Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Z est for P rogress

Z P eal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 4
Pagpapaunlad ng Sarili

Pangalan: ____________________________
Baitang at Seksyon: ____________________________
Paaralan: 0 ___________________________
ALAMIN
Araw-araw gumagawa ka ng maraming pagpapasya.Mula paggising
sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Ang ilang sa mga
desisyong ito ay pangkaraniwan lamang tulad ng damit na isusuot o kulay
ng sapatos na gagamitin, subalit may mga desisyong nakasalalay ang
iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan
ito ng malalim na pag-iisip.

Naalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong


ama at ina, o ng mas nakakatanda sa inyong pamilya sa tuwing ikaw ay
gumagawa ng mabuti o ng masama? Ayon sa kanila, may dalawang
katauhan sa iyong tabi. Pareho silang nagsisikap na impluwensiyahan ka
na pumili sa mabuti o masama na dapat mong gawin sa isang situwasyon.
Ayon sa kanila kapag pinili mo ang mabuti, sinusunod mo ang katauhan
na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo masama, sinusunod mo ang
katauhan na nasa iyong kaliwa.
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
6.3 Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa
kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na
Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)

6.4 Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral


upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.
(EsP7PS-IId-6.4)

BALIKAN
Sa nakaraang modyul, naunawaan mo na natatangi sa tao ang Likas
na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at
kalayaan. Bukod pa dito nalaman mo rin ang dahilan kung bakit ang tao
ang nag iisang nilikha na ipinagkaloob ng diyos ng Batas na ito, ang
layunin ng batas na ito at ang kahalagahan nito sa tao. Higit sa lahat
natutunan mo rin kung paano baguhin ang mga pasya at kilos na nagawa
na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

1
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?
2. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at
pagkilos? Pangatwiranan?
3. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag .

TUKLASIN
Gawain 1- Case Study
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling
pagpapasiya at paliwanag kaugnay nito.

Kaso 1
Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay
nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa
kanilag pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan,
ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta.
Subalit mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba
lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang
nanay niya sa inyo at humingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin
mo?

2
Kaso 2
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran,
nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong
babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling
nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang
matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar
na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong baranggay. Ano ang gagawin mo?

Panuto: Mula sa mga naging sagot mo sa gawaing ito sagutin mo ang mga
sumusunod na tanong.
1. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?
2. Saan ibinatay ng iyong kosensiya ang kaniyang paghuhusga?
3. Paano ka nakakasigurong tama ang paghuhusga nito?

SURIIN
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

Ang tao ay biniyayaan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay


tinatawag na konsensiya.

Ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao. Ito’y kakayahan ng isip na maghusga


ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o
mali. Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga kung tama o mali sa
pamamagitan ng obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ang
dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Nakaukit ito sa
pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat
gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

Ayon kay Lipio, binibigyan direksiyon ng batas moral ang pamumuhay ng tao.
Sinusunod ng tao ang batas na ito upang magawa ang mabuti subalit hindi ito
nangangahulugan na ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat niyang sundin
araw- araw bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao.

Samakatuwid, ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito


ang kakayahang isagawa ang mga malalawak na pangkalahatang batas moral sa
pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at
kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon.

3
Uri ng Konsensya
Tama. Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at
dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatu-
paran nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang
tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay, ).
Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra
ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi
ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada.
Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran
mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.
Mali. Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga
maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay
Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama
ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas. Naisip mo na
biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran
mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusuk
-li. Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang
tindera.

Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsensiya kung gayon, naisasagawa ang


pangkalahatang pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na
pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na
Batas Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa
natatanging situwasyon.

Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at


nasusunod ang batas-moral sa kaniyang buhay. Dahil dito, ang konsensya ang
pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang kilos kung ito ay tama o
mali. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring
gawin.

PAGYAMANIN
Gawain 1- Case Study
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling
pagpapasiya at paliwanag kaugnay nito.
Pag-aralan ang situwasyong ito.

Pagkatapos ng klase, niyaya ka ng mga kaibigan mo na pumunta sa mall at


manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli kayong nakalabas bilang isang
grupo. Bago matapos ang palabas,biglang tumawag ang iyong ina at pinauuwi
ka. Mahigpit na ipinagbabawal ng iyong mga magulang ang pamamalagi sa
labas,lalo na kung gabi na.Ngunit sinabihan ka ng mga kaibigan mo na kapag
sinunod mo ang iyong ina, ititiwalag ka na nila bilang barkada at hindi na
Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali sa
iimbitahan pa sa alinmang lakad ng barkada kailanman.
pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) at pangatwiranan ang iyong sagot.

4
TAMA MALI PALIWANAG
Tatapusin ko ang palabas kahit
pinapauwi na ako.
Magdadahilan ako, sasabihin ko
na may ginagawa kaming group
project kahit wala naman talaga.
Makikinig ako sa aking ina at
umuwi ng maaga, kahit ikagalit
pa ito ng aking mga kaibigan.
Pagbibigyan ko ang aking mga
kaibigan total ngayon lang
naman kami nagsama sama ulit
na lumabas bilang isang grupo.

Gawain 2- Semantic Web


Panuto: Pagbuo ng isang semantic web na sasagot sa core question na “Paano
nauugnay ang Likas na
Batas Moral sa Konsensiya?”

Paano nauugnay ang Likas na Batas


Moral sa Konsensiya?

5
ISAISIP
Gawain 1- Bubble Organizer
Panuto: Isulat sa kahon sa ibaba ang salitang nagbibigay
kahulugan sa salitang konsensiya. Gabay mo ang halimbawa sa
ibaba.

KONSENSIYA
Halimbawa:
Gabay sa pagkilalang mabuti at
masama

Graphic Organizer

Likas na Batas Moral

KONSENSIYA

Kamalayan
Punan ang kahon Gawin Iwasan
Punan ang kahon
ng mabuting kilos ang ang
ng masamang
na dapat mong mabuti masama
kilos na dapat
gawin.
mong iwasan.
Kalayaan

6
ISAGAWA
Pagganap !
Panuto: Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng
pagkilala sa sasabihin o paghuhusga konsensiya sa situwasyong ito.Isulat ito sa unang
hanay o kolum. Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito. Isulat
ito sa ikalawang hanay o kolum. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa.

Halimbawa
Sitwasyon: Nawala mo ang perang binigay ng tatay mon a
pambayad sa proyekto ninyo. Natagalan bago ka
nabigyan dahil nahirapan siyang kitain ang perang
iyon dahil inuna ang pangangailangan ninyo sa araw-
araw. Mahigpit niyang bilin na ibayad mo ito agad.

Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsensiya (Likas na Batas Moral)

Sabihin sa Tatay ang nangyari. Kailangang pahalagahan ang


Tumulong na makagawa ng katotohanan, kaya’t masama ang
paraan upang makabayad sa magsinungaling.
proyekto.

Simulan mo sa bahaging ito:


Sitwasyon 1:

Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na paggagayahan


sa test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa
pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang
ginagawa ng kaniyang mga kaklase na manggaya.

Sitwasyon 2:

Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang bahay
nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa paaralan sa
kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at
bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon. Isang araw, niyaya si
Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya
magagalitan dahil hindi naman malalaman ng kaniyang magulang.

7
Batayan ng Paghuhusga
Paghuhusga ng Konsensiya (Likas na Batas Moral)

Pamantayan sa Paggawa

Orihinalidad- 5 puntos
Nilalaman- 5 puntos (nakapagbigay ng 1-
2= 3 puntos at 3 o higit= 5 puntos
Pagkamalikhain- 5 puntos
Kabuuan= 15 puntos

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot.
1. Ano ang batayan ng isip sa paghuhusga?
A. Isip
B. Kilos- loob
C. Konsensiya
D. Lahat ng nabanggit

2. Ang pahayag na” Hindi pare- pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao”ay..
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o
masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng
tao.

3. Paano nalalaman ng tao na kung tama o mali ang kanyang ginagawa?


A. Nalalaman niya ito batay sa sinasabi ng kaniyang konsensiya.
B. Nalalaman niya ito gamit ang kaniyang kakayahang kumilala ng mabuti at masama
C. Sa pamamagitan ng kaniyang konsensiya na nagbibigay kakayahan sa kaniyang isip
na maghusga ng mabuti at masama.
D. Lahat ng mga nabanggit

4. Sobra ang sukli na natanggap mo nang bumili ka ng pagkain sa restawran. Alam mong
kulang na ang iyong pamasahe pauwi sa inyong bahay ano dapat mong gawin sa
sitwasyong ito?
A. Itatago ang sobrang sukli para pampamasahe.
B. Ipambili ng pagkain para sa mga batang nanlilimos sa labas ng restawran.
C. Isasauli sa tindera ang sobrang sukli.
D. Ipambili ng iba pagkain.

8
5. Sa oras ng inyong pagsusulit sa Matematika napansin ng iyong guro ang
kahinahinalang kilos ng iyong katabi. Alam na alam mo ang dahilan kung bakit
sapagkat nakikita mo siyang nagbubukas ng kaniyang kuwaderno. Dahil malapit ka sa
kanya ikaw ang tinanong ng iyong guro. Ano ang dapat mong isagot?
A. Ewan, dahil takot ka na ikaw ay awayin.
B. Sasabihin ko ang totoo sa aking guro dahil alam ko na ito ay tama.
C. Magsisinungaling sa guro at sabihin na wala nagsusulat lamang siya ng kanyang
sagot.
D. Na masakit ang tiyan niya kaya galaw siya galaw na parang dimapakali.

6. Napulot ni Joy ang pitaka ng kanyang kaklase na naglalaman ng dalawang libong piso.
Kahit gipit si Joy ay nagawa niya pa rin ito isauli. Tama ba ang pinili niyang pasya
kahit alam niya na siya ay gipit?
A. Oo, dahil ito ang tama.
B. Oo, dahil kilala niya ang may-ari at kung hindi lang sana ayos lang kahit kunin niya
ito basta huwag lang ipaalam sa ibang tao.
C. Hindi, dahil maaari niyang gamitin ang perang nasa loob nito.
D. Hindi, dahil ito ang sagot sa kanyang suliranin sa pera.

7. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na binubukas ang bag ng isa ninyong
mayaman na kaklase at kinuha ang selpon nito. Bilang kaibigan ano ang dapat mong
gawin sa sitwasyong ito?
A. Magkukunwari na walang nakita.
B. Hindi ko siya isusumbong sa unang pagkakataon kahit alam ko na siya ang
kumuha at papayuhan ko siya na huwag niya na ito uulitin.
C. Lalapitan ko siya at papayuhin na isauli ang selpon sapagkat ang pagkuha ng
gamit na hindi natin pagmamay-ari ay masama.
D. kunsintihin ko ang kanyang ginawa dahil kami ay matalik na magkaibigan.

8. Hindi nakapag- aral si Jude ng kanyang leksiyon kaya ang ginawa niya para makapasa
pa ay gumawa siya ng kodigo at ito ang ginamit niya para makapasa sa pagsusulit.
Tama ba ang kanyang ginawa o hindi?
A. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad na bumagsak.
B. Tama, dahil ginawa niya lamang ito sa hangarin na makapasa.
C. Hindi, dahil ito ay gawaing masama na hindi dapat gawin ng isang mag- aaral sa
dahilan na gusto niyang makapasa kahit hindi siya nakapag- aral ng kaniyang
leksiyon.
D. A at B

9. Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran,


nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong
babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling
nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi
nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng
iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan. Ang ama
mo ang kapitan ng inyong barangay. Kinabukasan tinanong ka ng iyong ama
tungkol sa nasabing basura ano ang tamang gawin?
A. Sasabihin ko na wala akong alam tungkol dito.
B. Ipapaalam ko sa aking ama upang mapagsabihan niya ang kanyang matalik na
kaibigan na huwag nang uulit sa kaniyang ginawa.
C. Magkukunwari na lamang ako na hindi ko siya nakita at sasabihin ko na baka
hindi talaga taga dito ang nagtapon ng nasabing basura.
D. Sasabihin ko na ako ang nagtapon kahit hindi naman totoo.

9
10. Ang pahayag na “Maaaring maging manhid ang konsensiya ng tao” ay..
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensiya ng tao sa pagkakataon na ito
ay kailangan.
C. Tama, dahil mahahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging
manhid dahil sa patuloy na pagsasanay.
D. Tama, dahil kug patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensiya
magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

11. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit
12. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay
C. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

13. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:


A. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa
o hindi ginawa.
B. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat
gawin at masamang dapat iwasan.
C. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
niyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa

14. Nahuli mo ang iyong kapatid na palihim na binulsa ang Selpon ng kanyang kaibigan.
Maya- maya napansin ng kanyang kaibigan na nawawala ang kanyang Selpon sa
lamesa. Hinanap niya ito. Ikaw bilang nakakaalam kung nasaan ang bagay na
hinahanap niya ano ang iyong dapat gawin?
A. Magsinungaling alang-alang sa kapatid
B. Sabihin ang totoo
C. Magpanggap na walang alam
D. Magkikibit-balikat na lamang

15. Lumaki si John LLyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalak at
nagkakaisip. Nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang
maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang
sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng
mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng
konsensya ang inilalapat ni John Lloyd.
A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya
sa pagkilala sa mabuti at masama.

10
Susi sa Pagwawasto
15. D
14. A
13. B
12. C
11. A
10.D
9. B
8. C
7. C
6. A
5. B
4. C
3. D
2. D
1. C
TAYAHIN

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul
para sa Mag-aaral, pp 137-158

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jaysa V. Ligaran
SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: April Joy I. Delos Reyes, SST-I
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena,ADM Module Coordinator

11

You might also like