Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang respondent:

1. Ano ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan?

- Masasabi ko ngayon na ang ating ekonomiya ay bagsak sapagkat maraming naapektuhan ng


dumating sa ating bansa ang pandemya.

2. Inaasahan mo ba na sisigla ulit ang ekonomiya kapag natapos na ang pandemic? Bakit?

- Oo naniniwala ako na babalik ulit sa dati ang ating ekonomiya sapagkat sisikapin ng ating
gobyerno na maibalik/matugunan lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan. Gagawa ng
paraan ang ating pamahalaan at paunlarin ang mga negosyo sa ating bansa at lahat ng mga
nawalan ng trabaho ay makakabalik ulit hindi man agad agad pero sa tulong ng ating Panginoon
at lahat ng ahensiya ng gobyerno ay unti-unting sisigla ang ating ekonomiya.
Ikalawang respondent:

1. Ano ang kalagayan ng ekonomiya sa Pilipinas sa kasalukuyan?


- Gaya ng inaaasahan, ayon sa aking mga nabasang artikulo, at sa personal na nakikita sa paligid
na halos lahat ng negosyo ay apektado, lumagapak pababa ang ating ekonomoiya. Batay sa
aking mga nabasa, 16.5% ang lagay ng ekonomiya at opisyal nang nasa recession ang bansa.
Ibayong pag-iingat ang inisip ng gobyerno kung kaya’t nagdeklara ng mga community quarantine
status at ito ay nag resulta ng tila pagtigil ng mundo.

2. Inaasahan mo ba na sisigla ulit ang ekonomiya kapag natapos na ang pandemic? Bakit?
- Inaasahan ng lahat ang paglago muli ng ekonomiya. Unti unti makakabangon din ang bansa.
Hindi man maibabalik agada gad sa dati,gradually mangyayari ito. Sa pagluwag ng mga
quarantine status na ipinatutupad ngayon sa ating bansa, ay ang pagluwag din ng pagkilos ng
mga tao, nagoperate muli ang iba’t ibang negosyo o mga kompanya. Nagkakaroon na muli ng
trabaho ang mga tao. Sa awa ng Diyos, ang lahat ay ipagkakaloob niya sa atin.
Aking sagot:

1. Ano ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan?


- Sa kasalukuyan masasabi ko na ang ekonomiya ng pilipinas ay lugmok dahil sa pandemya at sa
iba’t ibang dumadating na kalamidad. Sa pagsabog ng bulking taal, madami ang naaepktuhan
lalo na ang agrikultura. Sa pagdating ng pandemya,sobrang daming naapektuhan, naging
limitado ang paggalaw ng mga tao, ipinatigil ang mga trabaho at mga negosyo at iba pa. Madami
din ang nagtitiis at nagugutom dahil sa kawalan ng pera at trabaho. Dahil sa pandemyang ito,
madami ang nagkakasakit at nawalan ng buhay. Kaya din bumabagal ang paglago ng ekonomiya
ay dahil sa delay ng budget ng ating bansa.
2. Inaasahan mo ba na sisigla ulit ang ekonomiya kapag natapos na ang pandemic? Bakit?
- Opo dahil ginagawa naman ng gobyerno ang kanilang makakaya para sa ikakabuti ng lahat.
Naniniwala din ako na matatapos na itong pandemyang nararanasan natin ngayon dahil hindi
tayo pababayaan ng ating Panginoon. Babalik din sa normal ang lahat basta lahat tayo ay mag
iingat at susunod sa batas. Ang sakit na covid 19 ay bahagi na ng ating buhay, kaya kailangan
nating magpalakas at manalig sa Diyos. At syempre hanggat maari ay sumunod talaga sa batas
dahil kasama tayo o isa tayo sa pwedeng makatulong para maibalik ang sigla at pagunlad ng
ekonomiya sa ating bansa.

You might also like