Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAKSA: PAMILIHAN

Aralin (15)

Introduction
Noong Una, ang mga tao ay pagala-gala lamang sa pangangalap ng pagkain.
Pangangaso at pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Ang nakuhang pagkain ay
sapat lamang para sa kanilang sarili sa araw na iyon. Unti-unti, umunlad ang sibilisasyon.
Nakaimbento ang mga tao ng mga gamit at kasangkapan. Natuto na rin silang magtanim ng
makakain at mag-alaga ng mga hayop. Natigil ang pagiging gala o nomadic. Dahil dito, bumilis
ang produksiyon na nagbunga ng mga surplus o labis na produkto. Nagkaroon na rin ng
espesyalisasyon ng paggawa. Ang espeyalisasyon ay pagiging mahusay sa isang natatanging
gawain. Mayroong mahusay sa pagkakarpintero, pagmamason, at iba pang gawaing may
kasanayan. Nagsimulang ipagpalit ng mga tao ang labis nilang produkto sa mga kapitbahay at
kalapit-lugar. Nang lumaon, nagkaroon nan g mga lugar na kung saan nagpapalitan, nagtitinda,
at bumibili ang mga tao. Tinatawag itong pamilihan o palengke.

Objectives

a). natatalakay kung ano ang ibig sabihin ng pamilihan;


b). naibibigay ang kahalagahan nito; at
c). nakakabigay ng suhesyon kung paano mas mapapaunlad ang sistema sa isang
pamilihan.

Read and Ponder


(Abstraction)
Kahulugan ng Pamilihan

Pamilihan- Ito ay tumutukoy sa isang lugar na kung saan may nagaganap


na pagpapalitan at interaksiyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili
kaugnay ng presyo at dami ng produkto at serbisyo.

Ito ay maaari ding hindi malimitahan ng espasyo sapagkat ang


pagkakaroon ng maayos na transaksiyon sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser ay maituturing na pamilihan.
1|Page
Ang konsyumer at prodyuser ay ang dalawang pangunahing ahensiya ng pamilihan. Sa
pagtalakay ng demand at suplay, binigyan ng kahulugan ang pamilihan (market) na isang sistema
na kung saan ang konsyumer at prodyuser y nagkaroon ng interaksiyon sa pamamagitan ng
pagpapalitan ng produkto o serbisyo. Sa kanilang pakikipag-interaksyon, natutukoy ang presyo
at ang dami ng produkto at serbisyo.

Sa pamilihan mabibili ang mga bagay na kailangan sa pang-araw-araw upang mabuhay.


May mga pamilihan sa halos lahat ng produkto at serbisyo. Bawat pamilihan na ito ay may iba’t
ibang estruktura. Nagkakaiba-iba ang mga pamilihan sa anyo gaya ng----

a) bilang at laki ng prodyuser o konsyumer,

b) uri ng produkto o serbisyo na ipinoprodyus at ipinagbibili

c) kontrol sa pagpasok sa pamilihan

d) kontrol sa presyo, at

e) paggamit ng di-presyong kompetisyon

Iba’t Ibang Estruktura ng Pamilihan

Karaniwang dalawang uri ang estrukturang pampamilihan; ganap na kompetisyon at di-


ganap na kompetisyon. Ang di-ganap na kompetisyon ay mauuri sa monopoly, kompetisyong
monopolistiko, at oligopolyo.

Ganap na Kompetisyon

Ang ganap na kompetisyon ay mailalarawan sa sumusunod:

1. Libo-libo ang konsyumer at prodyuser sa industriya.

2. Para sa pang-unawa ng mga konsyumer, ang mga produkto ng mga kalakalan sa industriya ay
magkakatulad kaya hindi na kailangan ng isang kalakal na mag-aanunsiyo upang mabili ang
kaniyang produkto. Walang ano mang estratehiya sa bentahan sa kompetisyong ito gaya ng pag-
aanunsiyo at presentasyon ng produkto. Wala nang pangangailangan para sa mga estratehiyang
nabanggit dahil ang mga produkto ay identical at walang importanteng pagkakaiba.

3. Ang mga kalakalan sa industriyang ito ay tinatawag naprice takers.


a) Ang indibidwal na kalakalan ay hindi pwedeng makapag-impluwensya sa presyo ng produkto
sa pamamagitan ng pagkontrol ng dami ng kalakalan dahil ito ay may napakaliit lamang na parte
(share) sa pamilihan. Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ay depende sa pagbabago sa kabuuang
demand at suplay at hindi sa desisyon lamang ng isa o indibidwal na suplayer o konsyumer.
b) Ang presyo ng produkto sa industriyang ito ay idinidikta ng interaksiyon sa pagitan ng
demand at suplay.

2|Page
4. Malauyang nakapapasok at nakalalabas ang mga kalakalan sa produksiyon. Madali ang
pagpasok ng mga bagong suplayer o prodyuser at konsyumer sa ganitong pamilihan at madali
ring makalabas. Walang mahahalagang balakid dito-legal, pinansyal, o teknikal man.

HINDI GANAP NA KOMPETISYON


Ang hindi ganap na kompetisyon ay isang estrukturang pampamilihan na kung saan ang
indibidwal na kalakalan(firm) ay may kontrol sa presyo ng kalakal.
KOMPETISYONG MONOPOLISTIKO
1. May katamtamang dami ng mga prodyuser at konsyumer sa industriya.
2. Ang mga kalakalan sa industriyang ito ay agresibong nakikipagkompetensiya sa isa’t isa sa
aspeto gaya ng disenyo, kalidad, at presentasyon ng produkto, gayundin sa mga lokasyon ng
mga tindahan.
3. Mayroon ding malawakang pag-aanunsiyo upang mabigyang diin ang mga kakaibang
katangian ng bagong lunsad na produkto. Ang mga papasok sa ganitong pamilihan ay kailangang
may kakaibang maiaalok sa kanilang produkto na hindi makikita sa mga nauna, at
nangangailangan ng epektibong pamamaraan o estratehiya ng pagbebenta.
4. Ang mga kalakalan sa industriyang ito ay may kaunting kontrol sa presyo dahilan sa
pagkakaiba-iba sa produkto nito. Ang iba sa kanila ay gumagawa ng minimal na pagbaba o
pagtaas ng kanilang presyo dahil sa pagbaba o pagtaas ng kanilang presyo dahil sa pagkakaiba
ng kanilang mga produkto.
5. Madali ang pagpasok ng mga bagong prodyuser kung ikukumpara sa monopoly at oligopolyo.
Mga halimbawa:
Mga fast-food chain

3|Page
Mga toothpaste:

OLIGOPOLYO
1. Kakaunti lamang ang mga prodyuser sa industriyang ito, ngunit ang bawat isa ay nagpoprodyus ng
malaking bahagi(share) ng kabuuang produksiyon.
2. Ang mga produkto sa industriyang ito ay maaaring magkatulad o magkaiba.
3. Malaki ang kontrol ng mga kalakalan pagdating sa presyo ng mga produkto sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga oligopolista hinggil sa dami ng suplay particular na ang
pag-iwas sa pagkakaroon ng surplus, upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo. Ang pinakamalaking
prodyuser ang may pinakamalaking kontrol sa presyo.
4. Mahirap ang pagpasok ng mga bagong prodyuser sa ganitong pamilihan kung ihahalintulad sa
kompetisyon dahilan sa napakalaking kapital at paglullunsad ng malakihang produksiyon. Matindi ang
kompetisyon dahil ang mga naunang competitor ay may malalaking puhunan at mapagkukunang-yaman
at mga estabilisado na sa industriyang kinabibilangan.
5. Gaya ng kompetisyong monopolistiko, gumagastos ng malaki ang mga kalakalan dito sa pag-aanunsiyo
o advertising sa pagitan ng mga nagproprodyus ng mga produktong may pagkakaiba tulad ng sasakyan.
Ngunit sa kaso ng magkakatulad na produkto gaya ng petrolyo, ang pag-aanunsiyo ay para lamang sa
pagpapabuti ng imahen ng mga oligopolista sa publiko.
6. Gumagastos din ng malaki ang mga oligopolyo sa pananaliksik (research) at pag-unlad (development).

4|Page
Mga Halimbawa:
Malaking kompanya ng langis gaya ng Shell, Caltex, at Petron.

MONOPOLYO
1. Iisa ang prodyuser. Ang prodyuser na ito ay ang buong industriya.
2. Ang mga produkto ay walang malapit na kapalit o kahawig. Karaniwang ito ay sa mga
pampublikong serbisyo o gamit gaya ng tubig at kuryente.
3. Ang monopolista ay price maker o ang nagtatakda ng presyo ng produkto. Upang itaas ang
presyo ng produkto o serbisyong ibenebenta, maaaring bawasan ng monopolista ang kaniyang
suplay o produksiyon o maaari din niyang itaas ang kaniyang suplay o produksiyon kung
mangangahulugan ito ng mas malaking tubo.
4. Napakahirap ang pagpasok ng mga bagong prodyuser sa ganitong pamilihan dahil sa
napakalaking kapital at mga ibang hadlang dito, gaya ng teknolohiya, legal na hadlang gaya ng
mga patent at license.
5. Ang pag-anunsiyo sa produkto ay maaaring gamitin o hindi dahil sa wala itong malapit na
kapalit o kahawig ngunit ginagamit ito ng ibang monopoly kapag gusto nito pagandahin ang
imahen ng kompanya at hikayatin ang mga konsyumer na komonsumo ng mas higit kaysa dati.
Halimbawa:
Mga pampublikong serbisyo o gamit gaya ng Maynilad at Meralco.

5|Page
Mayroon ding uri ng pamilihan na tinatawag na monopsonyo na kung saan ang
mamimili ng mga produkto at serbisyo ay isa lamang ngunit marami ang prodyuser. It ay
kabaligtaran ng monopolyo.
Ang halimbawa nito ay ang pamahalaan na kung saan ang mga tao ay nagbibili ng
kanilang serbisyo para sa pamahalaan.
Talahanayan 8
URI NG ESTRUKTURANG PAMPAMILIHAN
Anyo ng Ganap na Hindi Ganap ng Kompetisyon
Estrukturang Kompetisyon Kompetisyong Oligopolyo Monopolyo
Pampamilihan Monopolistiko
Bilang ng Libo-libo Marami Kaunti lamang Iisa
kalakalan (firm)
Uri ng kalakal o Magkakatulad Magkakaiba Magkatulad o Walang kaugnay
paglilingkod Magkaiba o kapalit
Kontrol sa Malaya Medyo madali Mahirap Nakasara
pagpasok o pag- (Blocked)
alis sa industriya
ng mga kalakal
Kontrol sa presyo Wala May kaunting Deende sa Buo
kontrol kasunduan ng
mga oligopolista
Paggamit ng di- Wala Pag-anunsiyo Pag-anunsiyo Wala
presyong Brand name Brand name
Kompetisyon Trademark Trademark
Halimbawa Mga Toothpaste at Petrolyo at Pampublikong
agrikulturang fast-food chain kotse serbisyo gaya ng
produkto gaya tubig at
ng patatas at elektrisidad
wheat

6|Page
Note: Ito lamang ang papel na sasagutan at ipapasa. Ang nasa pages 1-3 ay hindi na
kailangang sagutan. Ilago na lamang ito at I compile.

ARALING PANLIPUNAN
Ekonomiks 9
Ikalawang Markahan
Aralin 15
Pangalan: Marka:
Baitang at bilang: Petsa:
4 A’s framework for organizing the module/lesson

A. Pamimili: Bashing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
__________________1. Ito ay tumutukoy sa isang lugar na kung saan may nagaganap na
pagpapalitan aat interaksyon sa pagitan ng mamimili at nagbibili kaugnay ng presyo at dami ng
produkto at serbisyo. Ito ay maaari ding hindi malimitahan ng espasyo.
a) pamahalaan c) simbahan
b) pamilihan d) ospital
__________________2. Sa mga pamilihan mabibili ang mga bagay na kailangan sa pang-araw-
araw upang mabuhay. May mga pamilihan sa halos lahat ng produkto o serbisyo. Bawat
pamilihan na ito ay may iba’t ibang estruktura. Nagkakaiba-iba ang mga pamilihan sa anyo gaya
ng sumusunod maliban sa _________________.
a) bilang at laki ng prodyuser o konsyumer
b) uri ng produkto o serbisyo na ipinoprodyus at ipinagbibili
c) kontrol sa pagpasok at presyo sa pamilihan
d) paggamit ng mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan
___________________3. Ang monopoly ay mayroon lamang iisang prodyuser o sulplayer. Ang
prodyuser na ito ay ang buong industriya. Ang mga produkto ay walang malapit na kapalit o
kahawig. Karaniwang ito ay sa makikita sa anong uri ng produkto?
a) industriyang paliparan c) tagagawa ng gadyet
b) tagasuplay ng kuryente o tubig d) industriya ng bakal
____________________4. Anong estruktura ng pamilihan ang may iilan lamang na gumagawa
ng halos magkakatulad na produkto tulad ng Petron, Caltex, at Shell?
a) ganap na kompetisyon c)kompetisyong monopolistiko
b) monopoly d) oligopolyo
___________________5. Ito ang anyo ng pamilihan na may malayang kalakalan at Malaya ang
paggalaw ng mga salik ng produksyon.
a) di-ganap na kompetisyon
b) ganap na kompetisyon
c) kompetisyong monopolistiko

7|Page
d) monopoloyo

B. Isulat sa patlang kung anong uri ng pamilihan ang inilalarawan sa bawat bilang.
___________________1. Iisa lamang ang suplayer sa industriya ng isang produkto na walang
malapit na pamalit.
__________________2. Maraming maliliit na kompanya ang gumagawa o nagbebenta ng
parehong produkto.
___________________3. Iilang kompanya lamang ang nagtitinda ng pareho o magkatulad na
produkto.
__________________4. May iilang kompanyang nagbebenta ng mga produktong pareho ang
gamit ngunit iba-iba ang katangian nito.
__________________5. Malaya sa pagpasok o paglabas sa mga industriya ng kalakalan
__________________6. Nag-iisa lamang ang may kapangyarihang magtakda ng presyo.
__________________7. Iisa lamang ang mamimili ng mga produkto at serbisyo.
__________________8. Ang presyo ng produkto sa industriyang ito ay idinidikta ng interaaksyon
sa pagitan ng demand at suplay.
__________________9. Ang bawat prodyuser o nagbebenta ay nag-aanunsiyo upang
makumbinsi ang mga konsyumer na ang kaniyang produkto ang pinakamahusay sa lahat.
__________________10. Marami ang nagsusuplay at nagbibili ng produkto at serbisyo ngunit
iisa lamang ang mamimili sa pamilihan.

C. Pamprosesong mga tanong:


1. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga pamilihang umiiral sa bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________

2. Batay sa mga tinalakay, ano sa mga uri ng pamilihan ang higit na makabubuti sa pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________

8|Page

You might also like