Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

- BREADWINNER -

Alam n'yo ba nung bata ako,

Ang pinoproblema ko lang e kung paano ako mananalo

Laging laman ng isip ko e kung paano ko matatalo ang aking mga kalaro

At maging idolo ng mga kabataang tulad ko

Nung bata ako palagi akong tumatakas

Pumupunta sa kapit-bahay para mamitas ng bayabas

Tapos pagbalik ko si nanay nakaabang sa tapat ng bahay

Naku po, handa na naman itong puwet natin sa latay

Hindi ako katulad ng ibang bata na maranyang buhay ang kinalakihan

Bahay nami'y maliit, sa tuwing natutulog parang sardinas na nagsisiksikan

Ako yung batang sa murang edad, mulat na sa lipunan

Nangangarap na sana balang-araw, maiahon ko sila sa gapos ng kahirapan

Nag-aral ako nang mabuti at nagpursigi

Nagsunog ng kilay, minsan nga'y inaabot pa ng gabi

Umaasang sana ito na ang maging solusyon at daan

Para kaginhawaa'y amin nang makamtan

Ngunit sa isang iglap lahat ng iyon nagbago

Para isang bombang bigla na lang sumabog na nagpagulat sa buong sistema ko

May dala pala kayong balitang nagpabigat sa dibdib ko


Nabaon tayo sa utang dahil sa mga masasama nyong bisyo

Kasabay ng pagtigil ko sa pag-aaral ang pag-tigil rin ng aking mundo

Gumawa ng desisyon na hindi ko alam kung tama ba ito

Humakbang papalayo sa aking lupang sinilangan

Umaasang baka sa ibang bansa, naroon ang swerteng aking inaasam-asam.

Lumipas ang ilang linggo, minamahal kong bansa'y tuluyan ko na ngang nilisan

'Di ako pwedeng magreklamo, wala namang akong pagpipilian

Sa aki'y iniatas at ipinasan sa aking balikat ang responsibilidad

Umaga, tanghali, gabi, sa trabaho'y nakababad

Pangarap ko'y aking isinakripisyo

Naging sunud-sunuran kahit labag sa loob ko

Puso ko'y nawalan na ng pag-asa

Pag-asang magandang buhay ay makakamit ko pa.

Sa ibang bansa'y aking naranasan

Kung paano matulog nang sikmura'y kumakalam

Sa ibang bansa'y aking naranasan

Ang saktan, mabugbog, abusihin nang walang kalaban-laban

Katawan ko'y bugbog-sarado

Kagagawan ng mga amo kong mapang-abuso

Pagkain ko'y wala sa oras


Balat ko'y puro gasgas

Sa bodega ng kanilang mala-mansyong tahanan

Naroon ako, nagmumukmok, habang luha'y nagsisituluan

Iniisip kung ako ba'y pinanganak na mayaman

Lahat ba ng ito'y aking mararanasan?

Bawat paghihirap at paghihinagpis

Lahat ng iyon ay aking tiniis

You might also like