Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

1

Paunang Salita

Ang panitikan ay minanang hiyas na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa iba-

ibang kultura ng bansa sa daigdig. Sa bawat pahina ng panahong nagdaan, nabubuksan din

ang ating kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang Asyano sa

daigdig ng mga alamat, maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, pabula at iba pa.

Sa masaklaw na paglalarawan, ang Asya ay nagbigay rin ng malaking ambag sa daigdig

ng panitikan sa Pilipinas. Kung gagalugarin natin ang naging impluwensiya ng Panitikang

Asyano sa ating mga Pilipino, masasabing hinulma nito ang malaking bahagi ng ating

pagkakakilanlan. Sa kabila ng napakaraming impluwensiya ng mga Asyano sa kulturang

Pilipino, nanatili pa rin ang taglay at natatanging kakanyahan natin bilang mga Pilipino, tulad ng

pagpapahalaga sa saloobin at pag-uugali ng isang katutubong Pilipino sa isip, salita, at kilos.

Bago pa man dumating ang mga kanluranin ay mayroon na tayong ugnayan sa Hapon,

India, Tsina at Arabia, at nagaganap ang pakikipag-ugnayang ito sa pamamagitan ng kalakalan,

paninirahan at pakikipag-isa. Dahil dito, maraming mga impluwensiya o minanang kultura natin

ngayon ang nakaaapekto sa ating pamumuhay at kultura bilang mga Pilipino sa kasalukuyan.

Ang Modyul sa Filipino sa Baitang 9 ang maglalantad sa iyo sa makulay na panitikan

ng Asya, at makapagbibigay ng malinaw na pang-unawa sa iyong pagkakakilanlan bilang isang

Asyano. Ito ang durungawang maghahatid sa iyong kamalayan sa kultura ng ating mga karatig-

bansa sa Asya upang lubos na maunawaan ang kanilang kakanyahan at pagkalahi. Gagabayan

ka ng Modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 Self-Learning Module (SLM) para sa mga Akdang
Pampanitikan ng Timog Silangang Asya ng Unang Markahan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga
kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na
ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong
sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul. Ito ay hawak lamang ng inyong
guro.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang,
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pagaaral

nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa kasalukuyan, ang

iyong pagkatuto ay dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa pag –aaral ng

Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang

natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa papapaunlad ng bansang

Pilipinas.

Sa modyul na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang

Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan

ng mga mag-aaral na nasa ika-siyam na baitang na maintindihan ang iba pang kultura at

pamumuhay ng mga tao sa mga karatig-bansa ng Pilipinas.

Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng

pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong

ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-

pakinabang na pagkatuto.

Aralin 1.1 Maikling Kwento


Ikalawang Linggo

Sa linggong ito pagkatapos mong pag-aralan ang aralin ay inaasahan sa iyo na makamit

ang mga sumusunod na kompetinsi. Ito ay ang mga sumusunod:


• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda ( F9PU-Ia-b-41);

• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay. (


F9WG-Ia-b-41)
5
Subukin

Sa bahaging ito aalamin natin ang kakayahan at kasanayan mo sa bawat aralin upang tuklasin
natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa modyul na ito sa pamamagitan ng
pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong. Subukan mong sagutan ang mga sumusunod na aytem
upang malaman natin ang dati mong kaalaman.

Pagkatapos masagutan at maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at
tuklasin ang tamang sagot sa mga ito habang pinag-aaralan ang modyul na ito.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
hiwalay na papel.
1. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito‟y mauri bilang
maikling kuwentong _______________.
a. kababalaghan c. pangtauhan
b. katutubong kulay d. makabanghay
2. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na ___________.
a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos
Para sa mga bilang 3-5

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyanag mga luha at saka tumayo. Mayroon
siyang naisip. Mula ngayonmagiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang
ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng
nararapat.

3. Mahihinuhang ang ama ay magiging ___________.


a. matatag c. matapang
b. mabuti d. masayahin

4. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang ___________.


a. magiging mabuti c. mula ngayon
b. nagdadalamhating ama d. dinukot sa bulsa

5. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ___________.


a. maaawain c.matulungin
b. mapagmahal d. maalalahanin

6
Para sa bilang 6

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos
ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa
kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang
tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil
pagpasok ko pa lang ng pintua‟y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit
na di nais danasin ng kahit sino. Isa‟t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng
maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga.

6. Layunin ng teksto na ________.


a. mangatuwiran c. maglahad
b. magsalaysay d. maglarawan
7. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinakailangang
ikahon ako. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. itali sa bahay c. pagbawalang lumabas
b. ikulong d. lahat ng nabanggit
8. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga, aling salita
ang may dalawa o higit pang kahulugan?
a. araw c. sisikat
b. umaga d. lahat ng nabanggit
9. Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais. Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay _______.
a. pagkatalo c. kawalan ng kapangyarihan
b. pagiging sunod-sunuran d. kasiyahan
10. Ang pangatnig na kung gayon ay ginagamit na ___________.
a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos

7
A. Panitikan: Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay
-Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
B. Gramatika/Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagkakasunod -sunod ng mga
Pangyayari o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa,
samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Balikan

Nalaman mo noong nakaraang lingo ang mga


element ng maiking kwento gayundin ang mga uri at mga
bahagi nito. Natunghayan mo rin ang isang maikling kwento
na nagpaantig sa iyong puso. Balikan natin ang ating
tinalakay noong nakaraang linggo sa pamamgitan ng pasulit.

Gawain 1.1 . Isulat ang titik at salita ng inyong sagot sa hiwalay na papel.

a. Paksang Diwa b. Kaisipan c. Banghay


d. Tema o Paksa e. Tagpuan f. Tauhan

________1. Tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.


________2. Pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
________3. Mensahe ng kuwento.
________4. Ang nagbibigay-buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan –
pisikal at pananamit, kilos na nagpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.
________5. ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
________6. ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahahalagang pangkakaisipan ng
akda.

8
Tuklasin

Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Tuklasin mo ang mga sumusunod na salita upang lubusang maunawaan ang kasunod na akdang
babasahin.
• Nangumbida- nag-imbita
• Beyblade- isang uri ng laruan na kapag hinila mo ang mataas na bagay na nakatusok sa laruan ay
iikot ito ng malakas sa sahig.
• Nalalagas- nahuhulog
• Nakapagngangalit- nanggigigil
• Butil ng dugo- maliliit na dugo
• Pagkapawi- pagkawala
• Palahaw- sigaw

Basahin ang bahagi ng isang kuwentong makabanghay na pinamagatang ‟Anim na Sabado ng


Beyblade” ni Ferdinand Pasigan Jarin at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Gawain 1.2
A. Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong sa hiwalay na papel.
1. Ano ang paksa ng kwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Sa iyong palagay,bakit pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade ang kuwentong binasa?
4. Paano sinimulan ang akda?
5. Paano nagwakas ang akda?

Kwentong Makabanghay – ang pinagtuonan ng pansin ay ang


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang banghay.

Kasanayang Lilinangin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda.


B. Panuto: Upang higit mong maunawaan ang kuwento, ilahad mo ito gamit ang isang grapikong
presentasyon, ang timeline. Kopyahin sa short bondpaper ang kasunod na timeline.
=

9
Suriin

Pagsasanib ng Gramatika / Retorika - Kuwento Mo, Isalaysay Mo

Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga


pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa
mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng
mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:
Mga Pangatnig:
1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.

Transitional Devices:
1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang
kaniyang pag-aaral.

10
Pagyamanin

Gawain 1.3
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag.
Kopyahin at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito)
hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana
ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan
siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Gawain 1.4
Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device na gagamitin sa pangungusap
upang mabuong malinaw na pahayag. Kopyahin at Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu,


(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin. 2.
(Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya)
hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman. 3. Siya’y
nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi
na niya alintana ang mga darating pa. 5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang
pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang maghanap na
lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Isaisip

Dahil naisagawa mo nang maayos ang mga gawain, susubukan muli natin ang iyong kakayahan
sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ating napag-aralan. Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayong
araw? Isulat sa patlang iyong sagot.

11
Gawain 1.5
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang. Kopyahin at isulat ito sa hiwalay na papel.

Ang mga ____________ at _____________ ay ginagamit sa pag- uugnay-


ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin
nang tama ang mga _____________sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.
________ ang tawag sa mga salitang nag- uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay, at __________ naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Isagawa

Gawain 1.6
Panuto: Punan ang angkop na pangatnig o transitional device ang mga patlang upang mabuo ang
kaisipan ng bahagi ng kuwento. Isulat ang inyong sagot sa hiwalay na papel.

______ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ______ kakulangan
ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya na sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam
niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ______ matalik na kaibigan ng kaniyang
Ama ang chairman ng PSC. Pagod siya sa buong araw ng pag-aaral ______ pursigido siyang dapat
mapanalunan ang kampeonato. ______, habang siya'y nakatayo sa spring board ng pool, _____ umaayos
nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. _____ biglang nag-brown out.

Tayahin

Gawain 1.7
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
hiwalay na papel.
1. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito‟y mauri bilang
maikling kuwentong _______________.
a. kababalaghan c. pangtauhan
b. katutubong kulay d. makabanghay
2. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na ___________.
a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos
12
Para sa mga bilang 3-5
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyanag mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayonmagiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng
kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng nararapat.

3. Mahihinuhang ang ama ay magiging ___________.


a. matatag c. matapang
b. mabuti d. masayahin
4. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang ___________.
a. magiging mabuti c. mula ngayon
b. nagdadalamhating ama d. dinukot sa bulsa
5. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ___________.
a. maaawain c.matulungin
b. mapagmahal d. maalalahanin
Para sa bilang 6
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng
pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag
ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga.
Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na
kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua‟y pinakawalan na niya ang sunod-
sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa‟t kalahating oras siyang
naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng
hininga.

6. Layunin ng teksto na ________.


a. mangatuwiran c. maglahad
b. magsalaysay d. maglarawan
7. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinakailangang
ikahon ako. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
a. itali sa bahay c. pagbawalang lumabas
b. ikulong d. lahat ng nabanggit
8. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga, aling salita
ang may dalawa o higit pang kahulugan?
a. araw c. sisikat
b. umaga d. lahat ng nabanggit
9. Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais. Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay _______.
a. pagkatalo c. kawalan ng kapangyarihan
b. pagiging sunod-sunuran d. kasiyahan
10. Ang pangatnig na kung gayon ay ginagamit na ___________.
a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos
13
Karagdagang Gawain

Kasanayang Lilinangin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay.
Isulat ang buod ng akdang “Ang Ama” gamit ang mga pangatnig.
Gawain 1.7
Panuto: Isulat ang inyong sagot sa hiwalay na short bondpaper. Isaalang-alang ang sumusunod na
pamantayan:
1. Binubuo ng tigdadalawang pangatnig ang bawat kahon ng diagram.
2. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit.

Simula

Gitna

Wakas

14
Mga Sanggunian

• DepEd.IMCS. Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City. Vibal Group, Inc.
2014
• https://peac.org.ph/learning-module-repository/
• https://depedlps.club/teaching-materials-and-learners-materials-tgs-lms-junior-high-school-
grades-7-10/
• https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-9-mga-pahayag-na-ginagamit-sa-
pagbibigay-ng-opinyon-at-mga-wastong-gamit-ng-salita
• https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-9-paggamit-ng-angkop-na-mga-pahayag-
sa-pagbibigay-ng-opinyon-o-pananaw
• https://quizlet.com/45284916/pahayag-na-ginagamit-sa-pagbibigay-ng-opinyon-at-mga-
wastong-gamit-ng-salita-flash-cards/
• https://www.coursehero.com/file/25238503/Pahayag-na-Ginagamit-sa-Pagbibigay-ng-Opinyon-
atpptx/
• https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-9-nobela-at-ang-mga-uri-ng-tunggaliang-
makikita-rito
• https://quizlet.com/331337355/mga-panloob-at-panlabas-na-tunggalian-sa-nobela-flash-cards/
• https://prezi.com/d7-4rnle13gm/ang-nobela-at-mga-tunggalian-nito/
• https://quizlet.com/216202768/talasalitaan-ng-takipsilim-sa-dyakarta-denotatibo-at-
konotatibo-flash-cards/
• https://quizlet.com/216202966/talasalitaan-ng-takipsilim-sa-dyakarta-kasingkahulugan-flash-
cards/
• https://www.slideshare.net/mobile/Kharma07/takipsilim-sa-dyakarta
• https://prezi.com/cjmb4ivhvzok/takipsilim-sa-dyakarta/
• https://prezi.com/xygmywr5pc8s/takipsilim-sa-dyakarta/
• https://www.scribd.com/document/384581317/Filipino-Reviewer
• https://quizizz.com/admin/quiz/59d18bb89bc4211100cfd349/fil9-takipsilim-sa-dyakarta
• https://www.slideshare.net/mobile/geryllsuarez/wastong-gamit-ng-salita-37031481
• https://www.slideshare.net/mobile/arnielapuz/wastong-gamit-ng-mga-salita
• https://youtu.be/A1Wx918_sXk
• https://juliaatega.weebly.com/pilipinas.html
• http://www.youtube.com/watch%3Fv%3DnyFHqNf65U8
• http://emiljohnmila.blogspot.com/2014/07/elehiya-kay-ram-ni-pat-villafuerte.html?m=1
• https://www.slideshare.net/mobile/midnight-jassy/mga-pangugnay-pangatnig-pangangkop-at-
pangukol
• https://drive.google.com/drive/u/0/mobile/folders/1dZWLgAPcYlOGdpJdv7VUBUWxWz2zryb5?
fbclid=IwAR0-uX9qC4KIt4qknmbqlCTSgY0VAya46UTm8OagIaOobpw7D4q_BeWIhrQ
• https://drive.google.com/drive/u/0/mobile/folders/1y4TkHsA4qNOBlEPHtTIR6ClZTbPcxe48?usp
=sharing
15

You might also like