Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGTUTURO SA PAARALAN GAMIT ANG MOTHER TONGUE

SANG-AYON O 'DI SANG-AYON

1st DI SANG-AYON: Ayon sa datos, sa kasalukuyan sa isang silid aralan ay mayroong pagkakaiba
nang lahi at mga kinalakihang mother tongue, hindi sang-ayon ang aming grupo na gawing
basehan ang mother tongue sa pagtuturo dahil sapagkat hindi lahat nang estudyante ay may
iisang mother tongue, isa pa English is the universal language maging si rizal ay isang
multilingual, Dapat mapagaralan ang iba't ibang linguwahe at ipasok sa pagtuturo upang
maging multilinguistic ang mga kabataang pagaasa ng bayan

1st SANG-AYON: Sumasang-ayon ang aming grupo sa paggamit ng mother tongue sa pagtuturo
dahil mainam itong gawing panimulang panturo sa pagbabasa, pagsusulat, at pag-uunawa
upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagkatuto bago gumamit ng pangalawa at iba
pang wika. Ito ay sinusuportahan ng datos na nakalap sa pananaliksik nila Ducher at Tucker na
pinamagatang The Use of First and Second Languages in Education at ng pagpapatupad sa
MTB-MLE ng DepEd. Hindi naman hinahadlangan ng pagtuturo gamit ang mother tongue ang
pagdiskubre at pag-aaral ng iba pang mga wika. Sa katunayan, mas magiging epektibo at
mapapabilis pa ang pag-aaral ng ibang wika kung mayroong kaalaman ang isang indibidwal sa
estruktura at sistema ng sariling wikang kinagisnan. Ang punto lamang ng paggamit ng mother
tongue ay mas maunawaan ng mga estudyante ang mga aralin dahil ito ang wikang kanilang
kinagisnan at hindi nito hinahadlangan ang pag-aaral at paggamit ng iba pang mga wika.

reference for 1st rebutt:


(Ducher & Tucker, 1977)
https://documents1.worldbank.org/curated/en/131161468770987263/pdf/multi-page.pdf

1st SANG-AYON (condensed rebutt): Sumasang-ayon kami dahil mainam itong gawing
panimulang panturo upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagkatuto bago gumamit
ng iba pang wika. Sinusuportahan ito ng pananaliksik nila Ducher at Tucker at ng pagpapatupad
sa MTB-MLE ng DepEd. Hindi naman hinahadlangan ng paggamit ng mother tongue ang pag-
aaral ng iba pang mga wika. Ang punto ng paggamit ng mother tongue ay mas maunawaan ng
mga estudyante ang mga aralin at hindi nito hinahadlangan ang pag-aaral ng iba pang mga
wika.

You might also like