Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MAHABANG PAGSUSULIT 1

ARALING PANLIPUNAN 7
SY 2020-2021
(Week 1-2)

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ____________________________


Lagda ng Magulang: ________________________ Baitang/Seksyon: __________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?


A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at
pagsusulat
2. Ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura, at pagsusulat ay mga salik, sa iyong palagay ano ang tawag sa pagkakaroon ng batayang salik?
A. Kabihasnan B. Lipunan C. Pamayanan D. Sibilisasyon
3. Sinasabing ang Kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng
salitang sibilisasyon. May mga batayang salik sa pagkakaroon ng Kabihasnan MALIBAN sa:
A. Arkitektura C. Uring panlipunan
B.. Organisado at sentralisadong pamahalaan D. Pagtatanim
4. Pagsunod-sunurin ang mga batayang salik na bumuo sa isang Kabihasnan.
1. Organisado at sentralisadong pamahalaan
2. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
3. masalimuot na relihiyon
4. mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsusulat
A. 1234 B. 1324 C. 2341 D. 3421
5. Paano naiiba ang ideya ng Kabihasnan at Sibilisasyon na naging susi sa pagusbong ng mga sinaunang
kabihasnan?
A. Ang Kabihasnan ay kasing kahulugan ng Sibilisasyon
B. Ang Kabihasnan ay kasanayan at ang Sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran
C. Ang Kabihasnan ay paraan ng pamumuhay at ang Sibilisasyon naman ay nangangahulugang
sibilisado
D. Ang Kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay at ang SIbilisasyon ay walang kakayahan na
mapaunlad ang kanyang pagkatao
6. Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang tao noong panahong Paleolitiko
(400,000-8500 BCE). Kung ikaw ang nasa sitwasyon ano ang iyong gagawin?
A. magantay nalang kung may biyayang dadating
B. linangin ang kasanayan sa paggawa upang mabago ang kapaligiran
C. Aasa sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa kapaligiran
D. mamuhay ng katulad sa isang Nomadiko palipat lipat at walang permanenting tirahan
7. Ano ang tinutukoy na masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang
sibilisasyon?
A. Kabihasnan B. Lipunan C. Pamayanan D. Sibilisasyon
8. Ano-anong mga Sibilisasyon ang umusbong sa mga lambak at ilog?
A. Sumer, Indus, at Shang
B. Hebreo, Hittite, Persian
C. Chaldean, Lydian, Phoenician
D. Akkadian, Babylonian, Assyrian

9. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng Kabihasnan?


A. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
B. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
C. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
D. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
10. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsusulat
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Organisad at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at
pagsusulat
11. Ang Mesopotamia ang kinikilala bilang Cradle of Civilization, ano ang ibig sabihin nito?
A. dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao
B. dahil dito nagkaroon ng oragnisado at maayos na lungsod
C. dahil dito nagkaroon ng permaninteng tirahan ang mga tao
D. dahil dito umunlad ang pamayanan na naitatag noong panahon ng Neolitiko
12. Noong panahong Neolitiko naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng rehiyon ng Mesopotamia tulad ng
Jericho sa Israel at Catal Huyuk at Haciliar sa Anatolia (Turkey sa kasalukuyan, 6000 BCE) na pawing mga
pamayanang agricultural. Sa tingin mo bakit sila tinaguriang mga agricultural na pamayanan?
A. dahil natuklasan nila ang pagatatanim ng palay at mais
B. dahil ang mga pamayanan na ito ay may matatabang lupa
C. dahil sa Fertile Crescent na naging tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao
D. dahil nagkaroon ng malawakang pagtatanim ng trigo at barley sa mga lugar na ito
13. Ang templo ng Ziggurat ang pinakamalaking gusali sa Sumer dahil sa pagusbong ng mga lungsod sila ay
nagsanib sa kakayahan at paniniwala sa diyos. Sa iyong palagay paano pinamumunuan ng haring pari ang
mga lungsod?
A. Sila ay hindi lamang lider sa ispiritwal kundi pati sa lipunan
B. Naging mahigpit sila sa mga mababang uri ng tao sa lipunan
C. Nagkaroon ng paguuri ang mga tao dahil sa mataas na tingin nila sa haring-pari.
D. Sila ay kumakatawan bilang tagapamagitan ng tao sa diyos kayat nagiging kontrolado ng mga
diyos diyosan ang pamumuhay ng tao.
14. Kompletuhin ang Flowchart ng mga pangyayari sa Kanlurang Asya. Punan ang kahon sa ibaba. Isulat sa
tamang pagkasunod-sunod ang mga ito.

Mga pagpipilian para sa pagkasunod-sunod.


1. Lumitaw ang mga katutubong imperyo sa Mesopotamia
2. Umusbong ang kabihasnan ng mga kalapit lugar sa Mesopotamia
3. Umunlad ang kabihasnang Arab-Islamic
4. Sumalakay ang mga Turks
A. 1234 B. 2341 C. 3412 D. 4123
15. Planado at organisado ang mga lungsod ng Harrapa at Mohenjo-Daro na ipinakita ang mga lansangang
nakadisenyong kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan. Patunay ito na
magaling sa anong larangan ang mga naninirahan dito?
A. Agham C. Arkitektura
B. Agrikultura D. Matematika
16. Ang kabihasnang Indus ay pinaniniwalaan na mahiwagang naglaho noong 1750 BCE. May paliwanang
ang mga iskolar tungkol dito, kung ikaw ang iskolar ano ang iyong ipaliwanag sa mga kaklase?
A. nagkaroon ng matinding digmaan
B. nagkaroon ng mga kalamidad na naganap
C. walang matibay na ebidensya na maipakita tungkol ditto
D. nagkaroon ng pagsakop sa lugar na pinaniwalaang mga Aryan
17. Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Ito ay umaapaw taon-taon dahil sa
pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag-iiwan din ng banlik. Kung ikaw ay naninirahan sa may lambak na
may banlik ano ang iyong pweding gawin?
A. mangangaso sa malawak na lupain malapit sa ilog
B. mangisda sa ilog ng Ganges para sa para may makain
C. magtanim upang mapakinabangan ang matabang lupa
D. makipagkalakalan gamit ang ilog bilang transportasyon
18. Bago paman umunlad ang kabihasnang Indus ito ay may pamayanan nang naitatag noong panahong
Neolitiko. Alin ang HINDI kasama sa mga patunay?
A. Umusbong ang mga lunsod ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish.
B. May pamayanan ng naitatag ang Mhergah (3500 BCE) na nasa kanluran ng ilog Indus.
C. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong ditto ang Harrapa at Mohenjo Daro.
D. Masasabing sedentaryo at agricultural ang pamumuhay ng tao ditto batay sa mga nahukay na
ebidensiya.
19. Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano.
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
4. Ang kabihasnang Indo-Aryan ay nabuo noong 1500 BCE
A. 1234B. 1243 C. 1423 D. 4123
20. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang Indus at Sumer?
A. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.
B. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.
C.Nagsasagawa ang hari ng Shang ng Tungkuling panrelihiyon.
D. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan.
21. Sa pamumuhay ng mga sinaunang Kabihasnan sa Asya, ano ang pagkakatulad ng Kabihasnang Sumer,
Indus at Shang?
A. dahil sa ang mga sinaunang Kabihasnan ay halos magkaparehas ng kultura at salita
B. dahil sa ang mga sinaunang Kabihasnan sa Asya ay matatagpuan sa mga ilog at lambak
C. dahil sa ang mga sinaunang Kabihasnan ay magkakatulad sa relihiyon at pananampalataya
D. dahil sa ang mga sinaunang Kabihasnan ay walang pinagkaiba sa pamumuno ng kanilang mga
lungsod
22. Ang pinakamaking templo na tinawag na Ziggurat. Anong sinaunang kabihasnan sa Asya ang nasa
larawan?

A. Indus B. Hebreo C. Shang D. Sumer


23. Isa sa dalawang importanteng lungsod ang umusbong ito ay tinatawag na Mohenjo-Daro. Anong
sinaunang kabihasnan sa Asya ang nasa larawan?

A. Assyrian B. Indus C. Hittite D. Persian


24. Oracle bones o butong orakulo na ginamit sa panghuhula. Anong sinaunang kabihasnan sa Asya ang nasa
larawan?

B. Akkadian B. Chaldean C. Lydian D. Shang

Test II – (25-30) 6 puntos

Panuto : Itala mo ang naging mahahalagang pagbabago o naging ambag (achievements) sa bawat
pamumuhay ng mga sinaunang Kabihasnan gamit ang Flow Chart. Gawing gabay ang pamantayan sa
pagmamarka.

Kabihasnang Kabihasnang Kabihasnang


Sumer Indus Shang

Rubrik:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Pagunawa Kumprehensibo at malinaw na nailahad ang mga sagot 2
Organisasyon Maayos na naipahayag ang pagkakaiba at pagkakaugnay 2
ng mga tinalakay na konsepto
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nakabatay 2
ang nilalaman sa mga tinatalakay na paksa.
Kabuuan 6

Inihanda ni:

JUVY S. DADO
SST-1

You might also like