Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Alamin

“Kung sadyang tapat ang pag-ibig sa bayan, laging naisin ang kaniyang kagalingan”- Dr. Jose P. Rizal.
Narinig o nabasa mo na ba ang pahayag na ito na tinuran ng ating bayani na si Dr. Rizal? Ano kaya ang
nais niyang ipakahulugan dito? Mula sa pahayag niyang ito, nakasulat siya ng isang nobela- ang Noli Me
Tangere. Naging inspirasyon ni Dr. Rizal sa pagsulat ng nobela ang mga Pilipinong pinagmalupitan ng
mga Espanyol.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa layunin ni Dr. Rizal bilang may- akda, ang kalagayang panlipunan ng
Pilipinas nang panahong isinulat ang akda at ang epekto ng pagkakasulat ng nobela mula sa panahon ng
Kastila hanggang sa kasalukuyan. Halina’t iyong lakbayin ang kakaibang mundo ng panitikan na
magbabalik-tanaw sa nakaraan.

Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod:

1. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:

 pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito;

 pagtukoy sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito; at

 pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan o

ilang bahagi ng akda. (F9PN-IVa-b-56); at

2. nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang epekto nito
matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan. (F9PB-IVa-b-56) Halina’t simulan mo na ang pag-aaral sa
modyul na ito upang ikaw ay matulungan na mas mapalawak ang iyong kaalaman sa pagkakasulat ng
Noli Me Tangere. Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling
ito. Dadalhin ka nito sa panahon ng mga ninuno. Halina’t simulang pagyamanin ang iyong kaalaman.

Subukin

Bago mo alamin ang nilalaman ng modyul na ito, sagutin mo muna ang sumusunod na tanong upang
matukoy kung may kaalaman ka na tungkol sa paksang iyong pag-aaralan.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
hiwalay na papel.

1. Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?

A. sa Prayle C. sa mga Pilipino

B. sa Espanya D. sa GOMBURZA
2. Ano ang nagbunsod kay Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?

A. mga prayle C. mga Pilipino

B. GOMBURZA D. tatlong paring martir

3. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere na tumatalakay sa isang
lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota at pinarusahan ang lalaki na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil?

A. Bibliya C. The Wandering Jew

B. El Filibusterismo D. Uncle Tom’s Cabin

4. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol?

A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere

B. The Wandering Jew D. Uncle Tom’s Cabin

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng nobela?

A. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino

B. maisakatuparan ang pagiging malaya ng bansa sa mga mananakop

C. matugunan ang paninirang puring ipinarating ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa

D. mahikayat ang kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan

6. Anong kalagayang panlipunan ang nilalaman ng nobela?

A. pantay na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino

B. mabuting pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino

C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kastila at Pilipino

D. pagsasamantala ng mga makapangyarihan laban sa mahihirap

7. Alin sa sumusunod ang hindi kalagayang panlipunan noong isinusulat ang nobela?

A. pagiging kolonya nito ng Espanya

B. kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko


C. mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino

D. pantay na karapatan ng mga Kastila at mga Pilipino

8. Anong kalagayang panlipunan ang nagpapahayag bilang patunay na ang kapangyarihang taglay ng
simbahang Katoliko ay nakahihigit sa kapangyarihan ng lokal na alkalde?

A. aminado ang mga alkalde na wala silang lakas

B. higit na kinatatakutan ang alkalde kaysa sa pari

C. pinagbibigyan lamang ng mga alkalde ang mga pari

D. mas nasusunod sa pamamahala ang mga pari kaysa sa alkalde

9. Ano ang nakasanayan o nakaugalian ng mga Pilipino na binanggit ni Dr. Jose P. Rizal sa nobela na
sumasalamin sa kalagayang panlipunan ng bansa?

A. pagiging walang imik

B. paglaban sa mga Kastila

C. pagiging masunurin sa mga Kastila

D. kawalan ng lakas ng loob na ipahayag ang kanilang karapatan

10. Ano ang naging epekto ng nobela sa mga Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan?

A. Natutuhan na nilang mahalin pa ang mga Kastila.

B. Natutuhan na nilang gumawa rin ng nobela tulad ni Dr. Rizal.

C. Namulat na ang kanilang isipan na maghiganti sa pamamagitan ng dahas.

D. Naging instrumento ito upang lumaban at magpahayag ng saloobin ang mga Pilipino.

Aralin 1

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pinakamakasaysayan at pinakamaimpluwensiya para sa Pilipinas.


Ito ay nagtataglay ng makatotohanang pangyayaring gumising sa kamalayan ng mga Pilipino sa kawalang
katarungan, pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang sumakop sa ating bansa. Nakatulong ang
nobelang ito para sa pagharap ng bansa sa mga suliraning panlipunan sa panahong ito.
Inaasahang ang nobelang ito ay makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga
guro para sa kanilang kinabukasan. Ngunit, paano nga ba nabuo ang Noli Me Tangere? Halina’t iyong
alamin!

Balikan

Bago mo masagot ang tanong kung paano nabuo ang Noli Me Tangere, magbalik-tanaw ka muna sa
nakaraang aralin. Sa mga naunang aralin, natutuhan mo na malaki ang ginagampanang papel ng mga
akdang pampanitikan sa buhay ng tao, maging ito man ay pabula, maikling kuwento, alamat, tula,
sanaysay at iba pa. Ngayon, balikan mo ang mga akdang pampanitikan sa nakaraang markahan.

Panuto: Ibigay ang mga natutuhan sa nakaraang markahan tungkol sa epiko sa pamamagitan ng
pagsulat ng maikling talata. Isulat ang sagot sa hiwalayna papel.

Tuklasin

Kilala mo ba kung sino ang ating pambansang bayani? Kung gayon, mas kilalanin mo pa siya sa
pamamagitan ng pagbasa ng malayang tula na nasa ibaba.

Tatak Bayani

Ni Kenneth C. Salvador

Tinaguriang bayani, nagbuwis ng buhay

Matalino, makabayan, may angking husay

Dr. Jose P. Rizal ang kaniyang pangalan

Isa ring manunulat ng ating bayan.

Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ang kaniyang buong ngalan
Sa Calamba Laguna, siya’y isinilang

Hunyo 19, 1861 ang kaniya namang kapanganakan

Tinawag na Pepe sa kanilang tahanan.

Si Donya Teodora ang kaniyang ina

Unang guro niya sa abakada.

Si Don Francisco naman ang kaniyang ama

Pinag-aral siya sa Ateneo de Manila.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas, kursong medisina’y kinuha

Upang gamutin ang katarata ng mahal niyang ina.

Sa hindi magandang pakikitungo ng Kastila

Ang nag-udyok sa kaniya na magtungo sa Espanya.

Si Dr. Rizal, isa ring dalubwika

Iba’t ibang lenggwahe ang inaral niya,

Arabe, Ingles at Aleman

Mapa-Hapon, Italyano at Latin man.

Sa kaniyang kabataan,

maraming babae sa kaniya ay dumaan

Buhay pag-ibig niya ay naging makulay

Josephine Bracken at siya’y ‘di mapaghihiwalay.

Sa angking husay sa pagsusulat

Maraming mga akda ang kaniya nang naisulat

“Sa Aking mga Kabata”, ang una niyang akda

Na ang pahiwatig ay pagmamahal sa sariling wika.

Nakasulat din siya ng dalawang nobela

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Mga nobelang naglantad at nagmulat sa kalagayan ng mga Pilipino

Sa maling pamamalakad ng Kastila at ‘di makatarungang pagtrato.

Sumulat din siya ng mga tula

Mi Ultimo Adios ang huli niyang akda


Nagsasaad ng wagas na pag-ibig sa kapuwa

Pagmamahal sa bayan, dito rin niya inilathala.

Kaya naman dapat siyang pasalamatan

Sa pagtulong sa ating mamamayan

Dahil sa kaniya’y nakamit ang kalayaan

Ngalang Dr. Jose Rizal, nakatatak sa ating isipan.

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang nilalaman ng tula?

2. Sino si Dr. Jose P. Rizal?

3. Ano-ano ang mga kondisyon sa lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere?

4. Bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang Noli Me Tangere at ano ang nagsilbing inspirasyon niya upang
isulat ang akda?

5. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pasasalamat sa ating pambansang bayani?

Suriin

Ngayon ay mas nakilala mo na si Dr. Jose P. Rizal, pagtuunan mo naman ng pansin ang kaniyang nobela
na isinulat. Ito ay ang Noli Me Tangere. Alamin mo kung paano niya ito naisulat. Halina’t iyong basahin
at suriin ang mga impormasyon sa kasunod na pahina.

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ang kauna- unahang nobelang isinulat ni


Rizal. Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang
isulat niya ito. Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere
dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: The
Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.

Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wandering Jew (Ang


Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang
nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga

Espanyol. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking


kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang
lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil. Ang Uncle Tom’s
Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga putting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni
Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino. Ang pamagat na
“Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong salingin’’
na hango sa Bibliya sa

Ebanghelyo ni San Juan. Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang
siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa
ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya
upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili
niya ang pagsulat nang walang katulong. Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa
Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong
1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya noong Pebrero 21, 1887.

Natapos niya ang Noli Me Tangere, ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti
na lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na naging daan
upang makapagpalimbag ng dalawang libong (2,000) sipi nito sa Imprenta Lette. Si Rizal mismo ang
nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipaloloob niya rito, hindi lamang
ang aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng
simbolismo.

Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kaniyang pamilya na baka siya’y mapahamak,
inibig pa rin niyang makabalik sa Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina
dahil sa lumalalang panlalabo ng mata. Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi
tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884-1887. Panghuli, ibig niyang malaman
kung ano ang naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.

Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya.
Binabatikos din ng nobela ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang
taglay ng simbahang Katoliko na nahihigitan pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng
kontrobersya ang nobelang ito, kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa
Pilipinas, tinanggap ni Gobernador Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong
ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa
nobela ni Rizal.

Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin niya ay ang sumusunod:

1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.

2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan.

3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng


masama.

4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon.


5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karaingan ng pamahalaan.

6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay. Isinulat niya ang
Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa
bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Pagyamanin

Mahusay! Nalaman at nauwaan mo na ngayon ang kasaysayan sa pagkakasulat at pagkakabuo ng Noli


Me Tangere. Kaya naman, naniniwala ako na kaya mong sagutin ang mga gawain na inihanda ko para sa
iyo. Halina’t simulan mo na ang pagsagot upang mataya ang iyong natutuhan sa inilahad na aralin.

Gawain 1. #KaalamanKo,IlalahadKo

Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere.
Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.
Gawain 2. #Tinukoy Ko,PatutunayanKo

Panuto: Batid kong kaya mo nang tukuyin ang mga kondisyon ng lipunan na nabanggit noong panahong
isinulat ni Dr. Jose Rizal ang akdang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa mga
pahayag at patunayan na umiiral ang kondisyong ito sa kabuoan o ilang bahagi nito. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat ang sagot.
Gawain 3. #IlalarawanKo

Panuto: Ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ibigay ang naging
epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Isagawa

Mahusay! Narito ka na sa halos panghuling gawain sa modyul na ito. Ngayon, upang lagumin ang iyong
mga natutuhan sa aralin, isagawa mo ang gawaing ito na inihanda ko sa’yo.

Panuto: Gumuhit ng isang poster o bumuo ng islogan na nailalarawan at napatutunayan na ang mga
kondisyong panlipunan ay umiiral sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere. Sumulat ng maikling
pagpapaliwanag tungkol dito na nakapaloob ang layunin ng may-akda at ibigay ang epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Isaisip

Magaling mahal kong mag-aaral! Salamat sa pagsagot ng mga gawain na inilaan ko para sa’yo. Ngayon
ay sagutin mo naman ang gawaing ito.

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang grapikong pantulong sa ibaba at punan ng mga angkop na
sagot ang hinihingi ng bawat kahon.

Tayahin

Magaling! Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawain na inihanda para sa’yo. Ngayon, alam
kong kayang-kaya mong sagutin ang sumusunod na tanong upang matukoy ang iyong natutuhang
kaalaman sa pag-aaral sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
hiwalay na papel.

1. Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol?

A. The Wandering Jew C. Noli Me Tangere

B. El Filbusterismo D. Uncle Tom’s Cabin

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na layunin ni Dr. Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere?

A. maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan

B. matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa

C. mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan

D. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng


masama

3. Mula sa layunin na, “mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa
buhay”, ano ang nais ipahayag nito?

A. pagmamalupit ng mga Kastila

B. pagmamalupit ng mga Pilipino

C. pagiging sakim ng mga dayuhan

D. pagpapakita ng lakas sa kapangyarihan

4. Ano ang nais ipakahulugan ng layuning ito? “Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na
relihiyon”.

A. maihayag ang maling paggamit ng relihiyon

B. bawat relihiyon ay may iba’t ibang paniniwala

C. mas makapangyarihan ang simbahan kaysa pamahalaan

D. may pagkakaiba ang bawat relihiyon batay sa kanilang pinaniniwalaan

5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kondisyong panlipunan na nangibabaw sa nobela?

A. pagsasamantala ng mga makapangyarihan

B. makataong pakikitungo ng mga Kastila sa mga Pilipino

C. pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Hapones at Amerikano


D. pantay na karapatan sa larangan ng pag-aaral ng mga Kastila at mga Pilipino

6. Ano ang maaaring pagpapaliwanag sa kondisyong panlipunang kawalan ng kalayaan sa pananalita at


panulat?

A. Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino.

B. Hindi maaaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.

C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.

D. Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng kanilang saloobin.

7. Ano ang nais ipakahulugan ni Rizal sa kondisyong panlipunang ito: ang mga kaugalian na nakasanayan
ng mga Pilipino?

A. pagiging duwag ng mga Pilipino

B. walang boses upang ipahayag ang kanilang hinaing

C. hindi marunong lumaban sa pang-aapi ang mga Pilipino

D. pinanatili ng mga Pilipino sa kanilang isip ang pagiging mangmang

8. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng pagmamalupit ng mga

Espanyol?

A. nanatiling tagasunod na lamang

B. naging mabuti pa silang mamamayan

C. nawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili

D. nawalan ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao

9. Ano ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang nobelang Noli

Me Tangere?

A. Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.

B. Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-aalipin ng mga Kastila.

C. Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino na umaban sa Kastila.

D. Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsakop ng mga Kastila sa bansa?

A. pagtuturo ng wikang Kastila

B. pagkakaroon ng edukasyon sa bansa

C. pang-aalipin sa mga Pilipino sa sariling bayan

D. pagmumulat sa isipan ng mga Pilipino sa mga maling kaugalian

Karagdagang Gawain

Mahusay! Natutuwa ako at ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Ipagpatuloy ang angking galing sa
huling gawain.

Panuto: Gamit ang akrostik ng salitang NOLI ME TANGERE, tukuyin ang layunin at ilarawan ang
kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang nobela. Bigyan din ng patunay na umiiral ang mga
kondisyong ito, at ano ang naging epekto nito sa mga Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

You might also like