Professional Documents
Culture Documents
Mga Makrong Kasanayan
Mga Makrong Kasanayan
1. PAKIKINIG
2. PAGSASALITA
3. PAGBASA
4. PAGSULAT
PANIMULA:
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng
pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang
iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng
maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
KAHULUGAN NG PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito
dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang
kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay
nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.
Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas
gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
1
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
2. Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa
hinaing o suliranin ng nagsasalita.
5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan
3. Kasarian - Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa
kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang mga
babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na
mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
4. Tsanel - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone,
telepono, mikropono, radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap
kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura - Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang
pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero
magkaiba ng kultura. Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang
tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at
magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili - ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa
sinasabi ng tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
7. Lugar - Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang
tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig
ng mga tagapakinig.
2
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
• Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga
naririnig.
• Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang
pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
• Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.
Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o
negatibo.
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang
gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan
sa pakikinig.
Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng
mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
3
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
kumpas
kilos
4
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit
dito ng matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-
iisip.
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) - Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda.
Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na
salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang
paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na
lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na
panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto.
- Pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalahad ang buod, aral at
pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan.
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran,
gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito.
Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan
sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili,
matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung
nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
2. Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng
sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal,
magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
3. Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating
isulat ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus ng
ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
4. Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-
unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang
sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na
pamaraan ng pagsulat.
5
San Mateo Municipal College
FILI1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino REVIEWER/LECTURES
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon