Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bagyong Lando, pinalubog ang Nueva Ecija, Relief operations, Patuloy na Isinasagawa.

Malayo pa lamang ang Bagyong Lando ay pinaghandaan na ito ng lalawigan ng Nueva


Ecija. Expected na ang tatamaan nito ay ang Central at Northern Luzon sa pagpasok ng
October 17 o 18 at dahil sa mabagal na paggalaw ng bagyo sa Dagat Pasipiko ay
naging dahilan ito upang mas lalong mag-ipon ng lakas ang Bagyong Lando.

Inasahan noong una na darating ang bagyo ng Linggo ng umaga o  mula alas 8 n
hanggang alas 9 ng umaga ngunit naging mas maaga ang pagdating nito dahil sa
pagpasok pa lamang  ng araw ng Linggo 1:30 ng madaling araw ay ibinalita na ng
PAGASA na nag landfall na ito sa Casiguran, Aurora.

Umabot sa dalawang metro ang taas ng storm surge sa Aurora at kalapit lugar nito. 
Nagkaroon ng rescue mission sa Aurora, Bulacan, Pampanga, at dito sa Nueva Ecija.
Sa paglapit ng bagyo, unang naramdaman ang hangin nito at kahit hindi pa nag la-land
fall ay umakyat na sa signal no 3 ang lalawigan ng Nueva Ecija.

Naka-stand by naman ang mga kawani ng PDRRMC kung saan nakapaloob dito ang
Department of Interior and Local Government (DILG), Provincial Health Office (PHO),
Philipine Army , Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) , Bureau of Fire (BOF) at
iba pang mga kawani ng pamahalaan na may kinalaman sa pag re-rescue sa mga
nasalanta sa Old Capitol  Auditorium kasama ang ama ng lalawigan Governor Oyie
Umali na siyang Chairman ng Council.   Nagsilbing Command Center ang Auditorium at
Evacuation Center ng mga nailikas na mamamayan ng Cabanatuan City.

Sunod-sunod ang mga panawagan ng tulong ng mabilis tumaas ang tubig na galing sa
kabundukan ng Aurora, Carranglan at Pantabangan na dala ng Bagyong Lando. Naging
dahilan ito ng mabilis na pagbaha sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa datos ng PDRRMO   (as of Oct 20 2015 01:00 pm), inabot ng 21 Barangay 
ang naapektuhan na mayroong   5,134 pamilya o umaabot sa 17, 120 katao ang
nasalanta sa District 1. 7 Baranggay na may  281 Pamilya o 1,379 katao ang
naapektuhan sa District 2 habang 107 Barangay  na mayroong 26,659 Pamilya o
humigit 11,152 katao ang nasalanta sa District 3 at 61 Barangay naman  na mayroong
37,660 Pamilya o humigit 172,419 katao ang naapektuhan sa District 4. Sa apat na
distrito ay umabot ng 304,070 katao ang naapektuhan ng Bagyong Lando.

Habang sa partial unofficial data naman mula sa Kagawaran ng Agrikultura as of


October 20 2015 11 am  ay may 30% ang nakagapas bago tuluyang humagupit ang
Bagyong Lando. Ngunit ang 70 % dito ay hindi na nakaligtas pa at pinadapa ng bagyo
bago pa man maani. Umabot sa 134,674.49 ektarya ang naapektuhan na may 235
991.80 net per ton production loss  o  nagkakahalaga ng 3,305,839,495.17 

You might also like