Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Rito ng

Pagpaparangal sa
Mahal na Birhen
ng Santisimo
Rosario
Tagapanguna: Mga kapatid sa araw na ito ay ginugunita Inilimbag noong ika-7 ng Oktubre 2022
Pabalat: Birhen ng Sto. Rosario ni Gian Pullan
Isinaayos ni: Bien Patriarca OFM Nov.
natin ang Kapistahan ni Maria bilang Reyna ng Santisimo
Rosario. Sa panahong ito ng pagsubok at kagipitan dulot ng
pandemya, isang mabisang pamamaraan ang manikluhod at
manambitan sa paanan ng kalinis-linisang Birheng Maria. Sa
kabila ng kinakaharap nating mga suliranin at hamon sa
buhay maging matatag nawa tayo sa ating pananampalataya
na kailanman ay hindi tayo pababayaan ng Poong Maykapal.
Sa tulong ng Birhen halina’t tayo ay sama-samang
manalangin.

(Awitin po natin ang Araw-araw kay Maria.)

Araw-araw kay Maria Kanyang tulong lagi-lagi


Kami ay nagdarasal Kami ay humihiling
Si Mariang Ina namin Siya’y aming pupurihin
Ibig naming marangal Tuwing araw at gabi

Kanyang tulong lagi-lagi O, Maria tutulungan


Kami ay humihiling Kaming nangabubuhay
Siya’y aming pupurihin Kami ay ipanalangin
Tuwing araw at gabi Kung kami’y mamamatay

Kung kami’y nasa panganib Kanyang tulong lagi-lagi


Kay Maria tatakbo Kami ay humihiling
Siya’y aming tatawagin Siya’y aming pupurihin
Kung lalapit ang tukso Tuwing araw at gabi

Rito ng Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario 2|


Pahina
PAMBUNGAD
Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen
Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (Pahayag
12:1)
Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang
kagilagilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at
nakatuntong sa buwan, ang ulo niya'y may koronang binubuo
ng labindalawang bituin.
Ang Salita ng Diyos.

TUGUNAN
Aba, Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay
sumasaiyo.
Tugon: Aba, Maria, napupuno ka ng grasya; ang Panginoon
ay sumasaiyo.
Pinagpala ka sa babaing lahat, at pinagpala ang dinadala mo
sa iyong sinapupunan.
Tugon: Aba, Maria, napupuno ka ng grasya; ang Panginoon
ay sumasaiyo.
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Tugon: Aba, Maria, napupuno ka ng grasya; ang Panginoon
ay sumasaiyo.
(Maaring magbahagi ng maikling pagninilay ang pari o sinumang
namumuno)

PANALANGIN PANGKALAHATAN

Rito ng Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario 3|


Pahina
Pari: Dakilain natin ang ating Manunubos, na pumili sa
Mahal na Birheng Maria upang maging kanyang Ina. Hilingin
natin:
T: Panginoon, ipanalangin nawa kami ng iyong ina.
1. Manunubos ng sanlibutan, sa pamamagitan ng mapangligtas na
kapangyarihan, sa pasimula pa'y iniadya mo ang iyong ina sa lahat
ng bahid ng sala, kami’y bantayan upang hindi kami magkasala.
T.

2. Kalinis-linisang Birheng Maria bilang iyong walang bahid


dungis na tahanan at ang pinanahanan ng Espiritung Banal, gawin
mo kaming templo ng iyong Espiritu magpakailanman. T.

3. Walang hanggang Salita, tinuruan mo ang iyong inang piliin


ang mas mainam, igawad na sa pagtulad sa kanya, ang hanapin
namin ay ang pagkaing nagdudulot ng buhay na walang hanggan.
T.

4. Hari ng mga hari, iniakyat mo ang iyong Ina, katawan at


kaluluwa, sa kalangitan, tulungan kaming ituon ang aming mga
isipan sa mga makalangit na bagay. T.

5. Panginoon ng langit at lupa, pinutungan mo ng korona si Maria


at iniluklok bilang reyna sa kanan mo, tulutan kaming maging
marapat makibahagi sa kadakilaang ito. T.
Pari: Dasalin natin ang Ama namin…

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Pari: Panginoon, alisin ang mga kasalanan ng iyong
sambayanan. Tulungan nawa kami ng mga panalangin ni
Maria, na ina ng iyong Anak, sapagkat sa aming sarili at kung
di tutulungan ay hindi kami makaaasang mabibigyan ka ng
kasiyahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Rito ng Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario 4|
Pahina
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: at sumainyo rin
Pari: Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama,
Anak, at Espiritu Santo. Amen.
Pari: Humayo kayong mapayapa.
Bayan: Salamat sa Diyos.
(Bilang pagtatapos awitin ang Salve Regina)

Rito ng Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario 5|


Pahina

You might also like