Soslit Prelim

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA

SOSLIT (Sosyedad at Panitikan)


Unang Semestre A.T. 2022- 2023 PRELIMINARYONG
PASULIT

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang pinakawastong


sagot. Isulat ang malaking titik ng napiling sagot sa malinis na bond paper o
kaya ay yellow pad paper.
1. Ang mga panitikan ay nabubuo dahil sa __________ sapagkat ito ang lundayan ng
karanasan.
A. Panalangin C. karanasan
B. Pangarap D. tao
2. Ang mga panitikan ay __________ ng kaisipan at damdamin ng tao.
A. tala C. panaginip
B. karanasan D. tagumpayang pagkatao ng isang tao
ayon sa kinauugnayang akdang pampanitikan.
3. Masasabing __________ ng tao ang panitikan sapagkat nakikilala .
A. Kaisipan at damdamin C.katotohanan at/o panaginip
B. Salamin at kaluluwa D.karanasan at / o kalinangan
4. Ang panitikan ay __________ na nagpapakilos sa tao upang isagawa ang alinmang
makabubuti sa kaniya .
A. Pahayag C. lakas
B. lipunana D. repleksyon
5. Ang mga panitikan ay nasusulat sa __________ pahayag sapagkat dito nakikita ang
pagiging iba nito sa ibang lahi.
A. artistiko C. maligoy
B. mabulaklak D. mabusisi
6. Paksa ng panitikang Filipino ang __________ kung saan naipakikita ang mga
kaugalian ng tao sa kaniyang lipunan.
A. damdamin C. saloobin
B. kultura D. kapaligiran
7. nagpapakilala ang panitikang Filipino sa __________ nito sa pagpapakita ng mga uri
ng pamumuhay at gawain ng tao.
A. karanasan C. kapaligiran
C. lundayan D. pangyayari
8. Ang panitikan __________ ang katangiang nauukol sa panitikan na nagsisilbing
larawan, dugo at nagpapakilos sa akda.
A. katangian C. laman
B. paniniwala D. salita
9. Ang mga __________ ng tao ang sinasabing puso at pusod ng panitikan sapagkat
nasusulat ang mga akda dahil dito.
A. karanasan C. salita
B. katangian D. paglalahad
10. Ang mga panitikan ay mananatiling bahagi ng __________ sa araw na wala na ang
may-akda.
A. pangyayari C. repleksyon
B. kasaysayan D. salamin
11. Ang paksang __________ ay tumatalakay sa pagkakataong may kinakaharap na
pagsubok ang mga tao tulad ng bagyo.
1
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro
COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA
SOSLIT (Sosyedad at Panitikan)
Unang Semestre A.T. 2022- 2023 PRELIMINARYONG
PASULIT

A. kapaligiran C. politika
B. hanapbuhay D. klima
12. Ang paksang __________ ay tumutukoy sa pagpapagaang ng dahilan sa mga
Gawain ng tao.
A. hanapbuhay C. lipunana
B. Pang-araw-araw na gawain D. pananampalataya
13. Ang antas ng natapos sap ag-aaral o walang nakamit sa akademikong larangan ay
paksang ukol sa __________.
A. Pag-uugali C. edukasyon
B. Pag-aaral D. kultura
14. Ang mga pagtatanggol sa mga biktima ng “ Extra-Judicial Killings” ay ay halimbawa ng
paksang __________ .
A. Lipunan at politika C. pananampalataya
B. Pang-araw-araw na gawain D. pagtatanggol
15. Ang __________ pinakamahabang epikong nasusulat sa buong mundo.
A. El Cid Compeador C. Canterbury Tales
B. Mahabharata D. Divina Comedia
16. Ang __________ ang batayan ng pananmpalatayang Kristiyano sa buong daigdig.
A. Odyssey C. Bibliya
B. Awit ni Rolando D. Koran
17. Ang kalipunan ng mga kuwentong __________ ay naglalarawan ng pamahalaan at
lipunan ng mga Arabo at Persyano.
A. Awit ni Rolando C. Aklat ng mga Aral ni Confucius
B. Isang Libo at Isang Gabi D. Divina Comedia
18. Ang __________ ay naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles
noong unang panahon.
A. Iliad at Odyssey C. Divina Comedia
B. Uncle Tom’s Cabin D. Canterbury Tales
19. Ang mga nobelang __________ ang kinatotohan ng mga alamat at mitolohiya sa
Gresya.
A. Mahabharata C. Iliad at Odyssey
B. Awit ni Rolando D. Noli at Fili
20. Ang __________ ay ang aklat na nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kristiyanismo
sa Pransya.
A. Awit ni Rolando C. El Cid Compeador
B. Aklat ng mga Patay D. Divina Comedia
21. Ang __________ ay nagpapahayag sa moralidad at pananampalataya ng mga
Italyano noong unang panahon.
A. Divina Comedia C. Uncle Tom’s Cabin
B. Mahabharata D. El Cid Compeador
22. Ang __________ Banal na Kasulatan ng Muslim.
A. Koran C. El Filibusterismo
B. Bibliya D. Noli Me Tangere

2
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro
COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA
SOSLIT (Sosyedad at Panitikan)
Unang Semestre A.T. 2022- 2023 PRELIMINARYONG
PASULIT

23. Ang __________ ay kalipunan ng mga Kuwento mula sa Arab at Persya na


naglalarawan ng pamahalaang Arabo at Persyano.
A. Aklat ng mga aral ni Confucius C. Aklat ng mga Patay
B. Isang Libo at Isang Gabi D. Awit ni Rolando
24. Ang __________ ang nagging batayan ng pananampalatayang Intsik.
A. Aklat ng mga aral ni Confucius C. Aklat ng mga Patay
B. Isang Libo at Isang Gabi D. Awit ni Rolando
25. Ang __________ ay naglalarawan ng mga kulto ni Osiris na tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
A. Aklat ng mga aral ni Confucius C. Aklat ng mga Patay
B. Isang Libo at Isang Gabi D. Awit ni Rolando

II. Basahin at unawain ang pahayag at isulat ang malaking titik T kung tama ang pahayag
at/o malaking titik M kung mali ang ipinahahayag.

1. Ang mga panitikan ay yaong nasusulat na tala ng buhay.


2. Ang mga panitikan ay yaong mga larawang nagpapakita sa reyalidad ng buhay.
3. Ang panitikan ay yaong hindi magagandang karanasan na kinapupulutan ng aral.
4. Ang panitikan ay nakapapapakilos sa isipan ng tao.
5. Ang panitikan ay iponahahayag sa malikhaing paraan.
6. Ang panitikan ay nagpapahiwatig ngunit di nagpapahayag ng saloobin ng tao.
7. Ang panitikan ay kilos ay nagpapahina sa isang tao.
8. Ang panitikan ay nakatutulong na malinang ang tamang gawi ng isang tao.
9. Ang mga panitikan ay nagsisilbing anino lamang ng reyalidad sa buhay.
10. Ang panitikan ay tumatalakay sa pagtatago ng kulturang Pilipino.
11. Ang panitikang Filipino ay kusang namamatay at nagmamaliw.
12. Ang panitikang Filipino ay nagtatago ng reyalidad sa buhay ng isang Pilipino.
13. Ang panitikang Filipino ay tumatalakay sa paniniwala at kasabihang Pilipino.
14. Ang mga karanasan ng tao ang pinananaligan sa panitikan.
15. Katangi-tangi at makabuluhan ang mga akdang pampanitikan ng mga Pilipino.
16. Ang mga akdang Filipino ay sumasalamin sa lahing Pilipino.
17. Ang mga pag-ulan, pagbaha ay hindi mainam na paksang pampanitikan.
18. Ang mga pagdakila sa kapangyarihan ng Dakilang Maylikha ay hindi maaaring
maging salik sa paggawa ng ng mga akdang pampanitikan.
19. Layunin ng panitikang Filipino ang makapagbigay-lugod sa mga taong nalulumbay.
20. Ang mga hindi magagandang karanasan ay hindi kinakailangang gawan ng mga
akdang pamapanitikan.
21. Ang 1986 EDSA People Power Revolution ay naglagay sa mukha ng Pilipinas sa
panitikang Filipino sa buong mundo.
22. Makikilala natin ang ating pagka-Pilipino tanging sa mabubuti at magagandang
panitikan lamang.
23. Ang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan ay ang sanligan ng kulturang
huhubugin sa hinaharap.

3
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro
COLEGIO DE SANTA CATALINA DE ALEJANDRIA
SOSLIT (Sosyedad at Panitikan)
Unang Semestre A.T. 2022- 2023 PRELIMINARYONG
PASULIT

24. Mas mapahahalagahan natin ang liping pinagmulan kung mapag-aaralan natin ang
mga sinaunang kultura.
25. Para sa mga Pilipinong nadarayuhan sa ibang bayan nagiging tulay ang panitikan
upang mabigyang-saya ang sarili malayo man sila sa pamilya.

Pagpalain Nawa kayo at gabayan ng Poong Maykapal!

4
Inihanda ni: Gng. Arlyn R. Montenegro

You might also like