BIONOTE

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Bionote

Uri ng teksto – paglalalarawan/deskriptibo

KAHULUGAN NG BIONOTE:

• Ang maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na


madalas ay inilalakip sa kanilang mga naisulat.
• Maaaring ito ay sariling isinulat o isinulat ng ibang tao.
• Madalas inilalakip sa naisulat.
LAMAN NG BIONOTE:

• Personal na Impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan)

• Kaligirang Pang-edukasyon (paaralan, digri, karangalan)

• Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)

KATANGIAN NG BIONOTE:

1. Maikli ang nilalaman

2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw

3. Kinikilala ang mga mambabasa

4. Gumamit ito ng baligtad na tatsulok. (Pinakamahalagang impormasyon > Mahalagang

Impormasyon > Di-gaanong Mahalagang Impormasyon)

5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian

6. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan

7. Maging tapat sa pagbabahagi ng impormasyon

KATANGIAN NG BIONOTE - Madalas na makikita ang bionote sa likod ng isang libro o


akda kung saan itinatampok ang may-akda.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG BIONOTE:

• Tiyakin ang layunin

• Pagdesisyunan ang haba ng susulating bionote

• Gamiting ang ikatlong panauhang perspektibi

• Simulan sa pangalan

• Ilahad ang propesyong kinabibilangan

• Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay

• Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye

• Isama ang contect information

• Basahin at isulat muli ang bionote.

You might also like