Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NOTES AT RESTS: KILALANIN

Ang nota ay nagpapahiwatig ng tunog, habang ang pahinga ay nagpapahiwatig ng


katahimikan.
Ang bawat nota at pahinga ay may kaukulang halaga (value) o bilang ng kumpas.
Nakalarawan sa ibaba ang iba’t ibang uri ng nota at katumbas na pahinga. Nakasulat din ang bilang ng
kumpas na tinatanggap ng bawat isa.

Rhythmic Pattern- ay ang pinagsama-samang mga nota at rests, ito ay binubuo ng mga sukat na
naaayon sa nakasaad na meter o time signature. Ang dami ng sukat ay nababatay sa haba o ikli ng awitin.
Ang mga nota at rests ay may kaukulang halaga na nakatutulong sa pagbuo ng mga rhythmic
pattern. Kaugnay nito ang time signature na pinagbabatayan ng wastong paglalagay ng mga nota at rests.

RHYTHMIC PATTERNS GAMIT ANG IBA’T IBANG NOTA

HABA O TAGAL NG NOTE AT REST


Ang haba o tagal ng oras sa pagpapatugtog ng bawat note ay tinatawag na note duration na
matutukoy sa uri ng note.
Ang whole note ang may pinakamahabang note duration sa musika o awitin.
Ang half note naman ay kalahati ng duration ng whole note. Ang dalawang half note ay katumbas
ng duration ng whole note.

Ang quarter note ay isang-kapat ng duration ng whole note. Ang apat na quarter note ay katumbas
ng duration ng whole note. Ang dalawang quarter note ay katumbas ng duration ng half note.

Minsan ginagamit ang Tie o Dotted sa mga note para pahabain ang tunog nito.
Ang Tie ay ginagamit upang pagsamahin o pagkabitin ang dalawa o higit pang mga note na may parehas
ang tono.

Ang note na mas maikli ang duration sa quarter note ay may buntot. Bawat buntot ay kalahati ng
halaga ng note. Ang eighth note ay mayroong isang buntot. Ang dalawang eighth note ay katumbas ng
duration ng quarter note.

Kapag ang isang note ay may tuldok sa kanang bahagi nito, ang bilang ng beat ng note ay
nadaragdagan. Ang bawat tuldok ay katumbas ng kalahati ng bilang ng note na tinuldukan.

Ang sixteenth note ay may dalawang buntot. Ang dalawang sixteenth note ay katumbas ng
duration ng eighth note.
Ang apat na sixteenth note ay katumbas ng duration ng quarter note.

Narito ang kabuuan ng chart na nagpapakita ng ugnayan ng bawat note kaugnay sa duration nito.
ANG MGA RHYTHMIC PATTERNS
Ang awit ay mayroong 16 na sukat. Ang mga simbolo ng musika na nasa loob ng mga sukat ay
mga nota at rests. Nabuo ang mga sukat sa pamamagitan ng paglalagay ng barline sa time signature. Ang
“Tulog Na“ na awit na nasa ibaba ay may time signature. Mayroong dalawang bilang ang bawat sukat.

Ang awit ay mayroong labingdalawahing sukat. Ang mga simbolo ng musika na nasa loob ng mga
sukat ay mga nota at rests. Nabuo ang mga sukat sa pamamagitan ng paglalagay ng barline sa time
signature. Ang “Music Alone Shall Live “ na awit na nasa ibaba ay time signature. Mayroong tatlong bilang
ang bawat sukat.

Ang rhythmic pattern ay ang batayan upang masundan ng wasto ng mga mang-aawit at mga
manunugtog ang musika at titik ng awitin. Ang isang rhythmic pattern ay binubuo ng mga nota at rest na
pinagsamasama ayon sa bilang ng beat sa isang sukat. Maaaring ito ay sukat ng pangdalawahang kumpas
tulad ng Tulog Na, pangtatluhang kumpas tulad ng Music Alone Shall Live o pang-apatang kumpas tulad ng
Ang awit ay mayroong 12 na sukat. Ang mga simbolo ng musika na nasa loob ng mga sukat ay Baa Baa Black Sheep.
mga nota at rest. Nabuo ang mga sukat sa pamamagitan ng paglalagay ng barline sa time signature. Ang

time signature ng “Baa Baa Black Sheep“ na awit na nasa ibaba ay may time signature . Mayroong apat
na bilang ang bawat sukat.

You might also like