Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

PAg-uulat ng Pangkat achievers

Romeo at Juliet
William Shakespeare
Mga Nilalaman
Pagkaing diwa
Dula
Kultura ng England
Talasalitaan
Sintahang Romeo at Juliet
Pagsusulit
Pagkaing Diwa

"Pinagtagpo pero hindi tinadhana"


Dula
Ang Dula ay isang akdang pampanitikan na
ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng
pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may
akda
Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati
sa ilang yugto ng maraming tagpo.Pinaka
layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado.Ang tagpo sa dula
ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan
ELEMENTO NG DULA
1.Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

2.Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula..

3.Dayalogo - Ito ay tumutukoy sa mga linya na binibitaw o sinasabi ng mga karakter sa dula para maipamalas
nila at maipadama sa mga tagapakinig at manonood ang kanilang emosyon.

4.Tanghalan - Ito ay tumutukoy mismo sa pook o lugar na napagdesisyunan na pagganapan o pagtanghalan ng


isang dula.
ELEMENTO NG DULA
5.Tagadirehe o ang tinatawag na direktor - Ito ang mga taong nagpapaliwanag o nag-iinterpret ng nakasaad
sa iskip na mula sa napagkasunduan na magiging hitsura ng isang tagpuan ng dula. At kasama rin dito ang
kanilang damit at maging hanggang sa paraan ng pagsasalita o pagbigkas ng mga tauhan na gaganap.

6.Manonood - Sila ang mga taong nakakita o nakasaksi ng isang pagtatanghal. At hindi masasabing dula ito
kung hindi ito pinanonood mismo ng ibang tao.

7.Tema - Ito ay tumutukoy sa paksa o ideya ng isang dula na pinalalabas.


Mga uri ng Dula
1.Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
2.Komedya- ang wakas ay kasiya-siya sa mga manoood dahil nagtapos sa
masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkasundo.
3.Melodrama- kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito'y may
malungkot na bahagi.
4.Parsa- ang layunin nito'y magpatawa at ito'y sa pamamagitan ng mga
pananalitang katawayawa.
5.Saynete- mga karaniwang ugali ang pinaksa dito.
Ang kultura ng England ay matatawag na idiosyncratic o matatawag natin na
kakaiba at kahanga-hanga dahil sa mga taong Ingles. Malaki ang
pagkakahalintulad ng kultura sa England at United Kingdom sa kabuuan. Ngunit,
simula noong Anglo-Saxon times ay nagkaroon ng pagkakaiba ang kultura ng
mga taong Ingles, Welsh at Scottish.

Nagkaroon ng malaking ambag ang England sa teknolohiya, agham, literatura at


iba't ibang larangan sa sining. Malaki ang naging impluwensiya ng kanilang kultura
sa iba't-ibang panig ng bansa.
Talasalitaan
1.Alibugha-Pabaya
2.Aligid-paikot
3.Alimis-patago
4.Ausente-liban
5.Awil-pag mamalabis
Ating Panoorin
Pagsusulit
I.
1.Ano ang dula ?
2,Magbigay ng uri ng dula ?
3.ito ang pinakakaluluwa ng isang dula ?
4.Ito ay tumutukoy mismo sa pook o lugar na napagdesisyunan na pagganapan o
pagtanghalan ng isang dula ?
5. Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto ng maraming tagpo?
Pagsusulit
II.
1.Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa video na ating pinanood na Romeo at juliet ?
2.Saan nangyari ang kuwento nina Romeo at Juliet ?
3.Saang angkan galing sila Romeo at Juliet ?
4.Ano ang pangalan ng prayleng nagkasal kila Romeo at Juliet ?
5.Anong uri ng dula ang sintahang romeo at juliet ?
susi sa pagsagot
I II.
1.Ang Dula ay isang akdang pampanitikan na ang 1.Romeo Montague, Juliet Capulet, Friar
layunin ay itanghal Lawrence, Mercutio, Benvolio
2.Trahedya, Komedya, Melodrama, Parsa, Saynete 2.Verona, Italy
3.Iskrip o nakasulat na dula 3.Montague at Capulet
4.Tanghalan 4.Padre Laurence
5.Dula 5.Trahedya
Maraming Salamt
sa pakikinig

You might also like