Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Institute of Arts and Sciences

Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkasarian

Pamagat ng Pelikula:
IN MY LIFE (2009)

Mga Tauhan:

Mga Pangunahing Tauhan


 Vilma Santos-Recto bilang Shirley Templo (ina ni Mark)
 Luis Manzano bilang Mark Salvacion (anak ni Shirley)
 John Lloyd Cruz bilang Noel Villanueva (kasintahan
ni Mark)
Mga Pantulong na Tauhan
 Tirso Cruz III bilang Benito Salvacion (dating asawa ni Shirley)
 Dimples Romana bilang Dang Salvacion (anak ni Shirley)
 Paw Diaz bilang Cherry Salvacion (anak ni Shirley)
 Nikki Valdez bilang Mia (kaibigan ni Mark at Noel)
 Rafael Rosell bilang Vince (kaibigan ni Mark at Noel)
 Vice Ganda bilang Hillary (kaibigan ni Mark at Noel)
 Arnold Reyes bilang Albert (kaibigan ni Mark at Noel)
 Nonie Buencamino bilang Ama ni Noel
 Shamaine Buencamino bilang Ina ni Noel
 Kakai Bautista bilang Millet (sekretarya ni Shirley)

Banghay / Buod:
Si Mark at Noel ay magkasintahan, kahit na sila ay dalawang lalaki natuto silang mag-ibigan. Kailangan
ni Noel magpakasal sa isang babae upang magkaroon ng citizenship sa New York. Sa kabilang banda si Shirley
naman ay tumandang librarian sa isang pampublikong paaralan at matagal ng hiwalay sa kanyang asawa, mag
isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak kabilang na dito si Mark. Nagdamdam ang ginang ng pilitin siya
ng isa pa niyang anak na si Dang upang ibenta ang kanilang tinitirahan sa compound dahil nagnanais itong mag-
migrate sa ibang bansa kasama ang kanyang mga apo kaya mas lalong ikinasama ito ng kanyang loob.
Napagdesisyunan ni Shirley na pumunta sa kanyang anak na si Mark, nagbabakasakaling doon niya maaring
simulan ang kanyang panibagong buhay. Kila Mark at Noel nakituloy si Shirley, hindi naman lingid sa
kaalaman ng ginang ang katauhan ng anak ngunit tila ba hindi nya gusto si Noel. Bilang madaming kailangan
trabahuhin si Mark, si Noel muna ang nagbabantay sa nanay nito at nagtuturo ng mga maaring trabaho sa New
York, maging ang paraan ng kanilang pamumuhay. Dahil sila ang madalas magkasama madalas din ang
kanilang alitan sa isa't isa. Pero sa paglipas ng panahon nakita ni Shirley ang pagiging mabuting anak ni Noel sa
kanyang mga magulang, dahil dito naging magaan na ang pagkikisamahan ng dalawa. Ngunit nagkaroon ng
sakit si Mark at hindi nila ito pinaalam kay Shirley kaya ng madiskubre ito ng ginang ay tila pinagtaksilan siya.

BSA-2A Group 2 SINESOS


Institute of Arts and Sciences

Sinematograpiya:
Ang pelikulang “In My Life” ay matagumpay na nabigyan ng halaga ang pag-iilaw at paggalaw ng mga
kamera. Ito ay sa pangunguna ni Charlie Peralta, ang opisyal na cinematographer o director of photography ng
pelikula. Makikita kung gaano kabihasa sa pagkuha ng bawat eksena ang mga taong nasalikod ng kamera.
Magmula sa maingat na pagpupwesto ng layo ng kamera mula sa mga kinukuhanan, binigyang importansya rin
ang posisyon at galaw ng kamera. Naangkop ang mga ginamit na estilo sa pagkuha ng mga eksena at naipakita
ang mga bagay na nais maiparating sa mga manood, maging ang pagiilaw na ginamit sa pelikula ay
napakahusay.
Ilan sa mga uri ng shot na ginamit sa pelikula ay long shot, makikita ito sa eksena kung saan inililibot
nina Mark at Noel si Shirley sa New York, ipinapakita rito ang kapaligiran at mga detalye ng lugar kung saan
ginaganap ang isang eksena. Gumamit rin sila ng medium shot, halimbawa ay sa eksenang tinatanggal ni Noel
mula sa pagkakatali ang buhok Shirley, dito ay ipinapakit pa rin ang paligid ngunit ang pokus ng kamera ay sa
dalawang pangunahing karakter. At panghuli at ang pinakamaraming beses na ginamit sa pelikula ay ang close
up shot, makikita ito sa eksenang humihingi ng tawag si Mark kay Shirley, ipinapakita dito ang emosyon ng
karakter upang mas madama ng mga manonood ang emosyong nais maipabatid ng eksena sa pelikula.

Ang bawat eksena ay maingat na nilikha, sa pagbibigay liwanag sa bawat kuha ay naangkop sa
kondisyon at kalagayan ng mga kinukuhang eksena. Maging sa pag-aayos ng pelikula ay napakahusay, ito ay sa
pangunguna ni Marya Ignacio, ang film director ng pelikula. Magaling ang naging pagpili, pagsasaayos at
paglalapat ng mga nakuhanang eksena sa pelikula at matagumpay na naipalabas ang angkop na damdamin at
pangyayari sa pinakamabisang paraan. Ang bawat kuha ng eksena ay mayroong ugnayan at naging maayos
pagkakasunod sunod upang mayroong kabuluhan ang kwento sa pelikula

Sa pangkalahatan, hindi matatawaran ang husay ng pagkakagawa ng sinematograpiya at disenyong


biswal ng pelikula. Mahusay ang pagkakalapat ng iba’t ibang pamamaraan sa pagkuha ng isang eksena na
siyang pangunahing dahilan upang magkaroon ang pelikula ng mas makulay, masining at mas makahulugang
paglalarawan ng isang simpleng eksena.

Panlipunang Nilalaman:

Ang kwentong ito masasabing Realismo sapagkat ito ay sumasalamin sa totoong buhay, ito’y mga
pangkaraniwan nating masasaksihan sa ating lipunan. Ang kwentong ito ay tungkol sa isyung pangkasarian,
diskriminasyon pagkakaroon ng relasyon sa kapwa mo kasarian, pagiging ina o anak. Ito ay pangkaraniwan na
nating problema o makikita sa lipunan. Madalas nating makita ang gantong eksena lalo na sa ating tahanan,
madalas nating tanungin ano ba nga ba ang tungkulin natin bilang isang anak, ano nga ba ang tungkulin ng
isang ina, mali ba ang umibig sa kapwa kasarian. Marahil ay madaming naugnay ang kanilang sariling
karanasan sa pelikulang ito sapagkat minsan rin naranasan ang mga eksenang ipinalabas sa pelikulang “In My
Life”. Maraming eksena dito ang nag pakita ng totoong nararamdaman ng isang ina, anak, kaibigan,
nagmamahal at iba pa. Maraming eksena ang tumagos sa ating puso at nag bigay reyalisasyon sa mga bagay na
dati sarado sa ating kaisipan. Mga eksenang nagbigay linaw na di ang ating kasarian o kahit sino ang
magdidikta sa kung ano ang dapat na maging ikaw at ano ang iyong mararating.

BSA-2A Group 2 SINESOS


Institute of Arts and Sciences

Malayang Pagbabahagi at Sariling Saloobin Ukol sa Mensahe ng Pelikula:


Halatang pinagbuhusan ng talino at galing ang pelikulang In My Life, naging maganda ang produksiyon
ng pelikula at mas naging makinang dahil na lamang sa karamihan sa mga eksena ay kinunan pa sa New York.
Hindi matatawaran ang husay ni Vilma Santos sa pagganap bilang si Shirley Templo, John Lloyd Cruz bilang si
Noel at Luiz Manzano bilang si Mark. Kahanga hangang tunay si Shirley Templo. Bagamat marami syang
pagkukulang at talaga namang hindi perpekto, nagawa naman niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan alang
alang sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Naging mahigpit at malupit man sya paminsan-minsan, ang mga
ito ay hindi naman nya sinasadya. At sa bandang huli ay natuto syang umamin sa kanyang pagkakamali at
namayani pa rin ang pagmamahal at pagpapatawad.

Ipinakita rin dito sa pelikula ang moral tulad ng relasyong Homosekswal na kung saan nagsasama ang
dalawang lalaki na sina Mark at Noel na pawang mag-asawa. Ipinakitang ito'y katanggap tanggap at wala ni ano
mang sinabi na ang ganitong relasyon ay hindi tama. Nakapaloob din dito kung ano ang paraan upang maging
maayos ang kalagayan ng ilang Pilipinong naninirahan doon ng walang papel o illegal. Katulad na lamang ng
kwento ng pelikula na si Noel ay kailangang makapagpakasal at nagamit naman ang aspetong iyon upang
makatulong kay Noel at upang gumaan din ang pakiramdam ni Shirley sa kadahilanang iyon ang gustong
mangyari ng namayapa nyang anak na si Mark. Sa kabuuan, maganda ang gustong ipahiwatig na mensahe ng
pelikulang In My Life. Katulad na lamang ng kahit anong galit ang iyong nararamdaman, pamilya at pag-ibig
pa rin ang magwawagi sa bandang huli. Ngunit may mga taong mahal mo sa buhay ang kailangang mawala
upang maging maayos ang lahat.

BSA-2A Group 2 SINESOS

You might also like