Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ALITUNTUNING PANG-KLASRUM

1.Pagsusuot ng akmang kasuotan

2. Atendans
Google Meet- Picture Taking
Activity - Pagbati sa Messenger at pagpasa ng awtput.

 Pagliban- ipaalam ang dahilan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe

3. Ipinagbabawal ang pangongopya

4. Sinuman ang hindi makakakuha ng alinman sa mga pasulat na pagsusulit at makasali


sa anumang pagtatanghal o presentasyon ay bibigyan lamang ng pagkakataong
makakuha nito kung balido ang rason.

5. Sa pagpasa ng mga kursong pangangailangan, marapat na ipasa bago sa araw na


itinakda.

6. Pagpapakita ng respeto hindi lang sa guro kundi sa bawat kamag-aral sa panahon ng


talakayan at presentasyon ng awtput.

7. Ang GC sa messenger ay nilikha para sa pagbibigay ng mga alituntunin, panuto at iba


pang impormasyon hinggil sa ating aralin.

8. Ang mga kasagutan sa bawat activity ay dapat na i attach pero kung hindi ma iattach,
maaaring ipadala sa imeldaquinia1521@gmail.com
Pamagat ng Kurso: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(KONKOMFIL)

Bilang ng Yunit: 3

PAGLALARAWAN SA KURSO:
Ang KONKOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim
sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino
sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita,
gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Inaasahang Matututuhan:
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong
bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.
4. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik
5. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa
mga komunidad at sa buong bansa, batay sa
pananaliksik.
6. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilip ino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa
iba’t ibang konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

Kahalagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng
midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
ideya.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat
sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga
mamamayan ng ibang bansa.
MGA PAKSA

1.Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas


ng Edukasyon at Lagpas Pa

2.Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa Komunikasyon


• Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
• Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
• Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
• Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

3.Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


• Tsismisan
• Umpukan
• Talakayan
• Pagbabahay-bahay
• Pulong-bayan
• Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)
• Mga Ekspresyong Lokal

4.Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal


• Korapsyon
• Konsepto ng “Bayani”
• Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon,
edukasyon atbp.
• Bagyo, baha, polusyon, mabilis na urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak
ng/sa kalikasan, climate change atbp.
• Kultural/politikal/lingguwistikong/ekonomikong
dislokasyon/displacement/marhinalisasyon ng mga lumad at iba pang
katutubong pangkat/pambansang minorya, mga maralitang tagalungsod (urban
poor), manggagawang kontraktwal, magsasaka, tindero/a, tsuper ng dyip at
traysikel, kabataang manggagawa, out-of-school youth, migrante atbp. sa
panahon/bunsod ng globalisasyon
• Kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng) seguridad sa pagkain
(Malaya ang guro na palawakin ang bahaging ito batay sa pangangailangan. Maaaring
pahapyaw lamang din ang pagtakakay sa bahaging ito bilang paghahanda sa susunod
na bahagi. Kailangan ang pahapyaw na pagtalakay sa mga isyung ito upang
magkaroon ng makabuluhang nilalaman ang mga pagsasanay ng mga estudyante sa
mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Lunsaran ang mga talakayang ito sa
MODYUL I PARA SA SARILING PAGKATUTO

SA

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG
EDUKASYON AT LAGPAS PA.
KAKAYAHAN: Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyon sa lipunang
Pilipino

KASAYSAYAN NG PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA

SALIGANG-BATAS ay pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito


sapagkat ito ang nagsasabi ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-
igayang panahanan ninuman. Kinapapalooban ito ng mga mahahalagang probisyong sanligan ng mga
bagay at kilos na dapat na igawi para sa isang matiwasay na bansa.

WIKANG FILIPINO-tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitonh libong isla sa


Pilipinas.
-Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating
isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi.
-kakampi natin sa ating mga pakikibaka sa usapin ng istandardisasyon at internalisasyon
-tulay upang makamtam ang kaunlaran.

Sa pag-ugat ng kasaysayan ng Wikang Pambansang Filipino ay masaasalamin natin na hindi ito naging
madali para sa mga nagsigpsulong

Sa Pananakop ng mga Espanyol, Espanyol ang naging opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo na ginamit nila sa mga kapwa nating Pilipino.
Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit nila sa mga
kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Dumami ang natutung magbasa at magsulat sa wikang
Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng komisyong Schurman
noong Marso 4, 1899.
Noong 1935, halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na.
Ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa konstitusyong
probisyunal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika upang makapag-
paabot sila ng mga impormasyon na dapat malaman ng mga nakararami.
Sa konstitusyon ng Malolos, (Enero 21, 1899), itinatadhanang pansamantalang gamitin ang
Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumubuo ng konstitusyong ito
ang maaaring maging papel ng Ingles sa bansa.
Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas
Tydings-McDuffie. Na kung saan dito nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos
ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na
niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
Ang probisyong pangwika ay nasa seksyon 3, Artikulo XIII. ang Pambansang Asemblea ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang
wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting wikang opisyal.
Si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Nanguna sa paggawa ng
resolusyon tungkol sa wikang pambansa.
Mula sa orihinal na resolusyon nito, ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.
Style Committee
Nagkaroon ng pagbabago ang resolusyon dahil dumaan ito sa kanila. Sila ang nagbibigay ng huling
pasiya sa burador ng Konstitusyo. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito
ng Seksyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935.
Si Manuel L. Quezon ang unang ginawa ng administrasyon niya ay ang pagpapatupad ng
probisyon ukol sa pambansang wika. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig niya ang kanyang plano
na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang tungkulin ng surian ay gumawa ng pag-aaral ng
wikang katutubong sa Pilipinaas, sa layuning mapaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat
batay sa isang wikang umiiral sa bansa.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag
sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at
tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod;
1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas
2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika;at
3. Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang
tinanggap

Enero 12, 1937, hinirang ng pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa seksyon 1, Batas
Komonwelt 185. ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa ay sina:
Jaime de Veyra(Bisaya,Samar-Leyte) – pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano) – Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicolano) – Kagawad
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) - Kagawad
Hadji Butu (Mindanao) – Kagawad
Cecilio Lopez(Tagalog) – Kagawad
Hindi tinanggap ni Sotto ang kanyang posisyon at pinalitan siya ni Isidro Abad. Sa kadahilanang
siya ay mayroong karamdaman. At maging si Hadji sa kadahilanang namatay siya sa hindi inaasahang
kadahilanan.
Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na
Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. Wikang tagalog ang halos tumugon sa hinihiling
ng Batas Komonwelt Blg. 184.

Disyembre 30, 1937, anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, lumabas ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng
Pilipinas. Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag
ang gramatika at diksyunaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 hanggang 1940.

Hunyo 18, 1938 may pagbabagong naganap sa Batas Komonwelt Blg. 184. Sinusugan ito ng Batas
ng Batas Komonwelt Blg. 333 at sa batas na ito, ang surian ay ipinapailalim sa tuwirang pamamahala
at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas. Binago ng lubusan ang seksyon 10 ng Batas Blg. 184. Sa
lumang batas ang kalihim ng Edukasyon ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika at
iyon ang magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at aklat na pampaaralan.
Noong Abril 1, 1940, inilabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinag-uutos nito ang:
1. Pagpapalimbag ng Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat ng gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940, sa mga Paaralang pampubliko at
pribado sa buong kapuluan.
Sa panahon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas pinagtibay ng Pambansang Asembleya ang Batas
Komonwelt Blg. 570. Na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na
wika ng Pilipinas sa pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Noong 1942 nabuo ang isang grupong tinawag
na “purista”. Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na
batayan lamang. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin
ang probisyon sa Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Nang panahon iyon,
Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. At kanilang pinasigla ang panitikan nakasulat
sa tagalog. Sa Artikulo IX, Seksyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “Pamahalaan ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tagalog bilang
pambansang wika.

Noong Hulyo 4, 1946, itinakdang gaganapin ang Linggo Ng wika tuwing Ika-4 hanggang 9 ng
Abril taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang Makata ng
Lahi.
Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang pagpalit sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong
Manuel Quezon na kinilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”.
Noong 1959, inilabas ng kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “Kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay
Tatawaging Pilipino”.
Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa
Pilipino.
Marso 27, 1968, inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum
Serkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng
pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. At inutos rin ng
sirkular na gawin sa Pilipino ang Pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawaning
pamahalaan.
Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon
Blg. 70. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7, ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at
Pilipino sa kurikulum mula elementarya hanggang sa kolehiyo pampubliko man o pribado.
Noong 1974, sinimulang ipinatupad ang patakarang edukasyong bilinguwal sa bansa.
Noong 1978, iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng
anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat
kumuha naman ng 12 yunit.
Noong Marso 12, 1987, sa isang Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin
ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.kasabay nito ang pagpapatibay sa
Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

You might also like