Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODYUL II ng PANSARILING PAGKATUTO SA KKF –

PANGALAWANG BAHAGI

PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

ANYO NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal na komunikasyon
-ay self-meditation na komunikasyon. Kinakausap ng tao ang kanyang
sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
- pakikipag-usap sa sarili o pagmumuni-muni ng tao upang makabuo ng
isang nararapat na desisyon.
- ay kilala ring komuniksayong pansarili.
- isang tao lamang ang sangkot dito
2. Interpersonal na komunikasyon
- ay ang ugnayang komunikasyon ng isang tao sa iba pang tao.
Nagaganap dito ang paikot na proseso ng komunikasyon kung kayat hayag na
hayag ang tugon o feedback.
- ay tumutukoy sa dalawang indibidwal na nagpapalitan ng mga ideya
batay sa karanasan, trabaho , at mga kaugnay nito.
-ay kadalasang nagaganap sa pang-araw-araw nating pakikisalamuha sa
iba’t ibang uri ng tao.
- dalawang katao lamang ang sangkot dito ( ang taong
nagpapadala/nagbibigay at ang taong tumatanggap ng impormasyon)

3. Komunikasyong Pampubliko
- ay ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng isang tao at dalawa o
higit pang katao. Sa pamamagitan nito, ipinaparating ng tagapaghatid ng
mensahe o isang indibidwal ang kanyang mensahe sa dalawa o higit pang
katao subalit umaasa ang una para sa isang tugon.
- linyar ang komunikasyon dito dahil kapag naiparating na ang mensahe
ng tagapaghatid ay tapos na ang komunikasyon.
- ay karaniwang nagagamit ito sa mga miting de advance, seminar
4. Komunikasyong Pangmadla
- maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko ito sa kadahilanang
parehong linyar ang komunikasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Nagkakaiba lamang ang mga ito sa kasangkapang gamit sa pagpapadala ng
mensahe. Direktang pakikipag-usap sa tao ang sangkot sa komunikasyong
pampubliko, samantalang gumagamit pa ng kagamitang pangkomunikasyon
sa komunikasyong pangmadla.
- ay kilala sa Ingles bilang Mass Communication
-ay tumutukoy sa proseso ng pagpasa o pagbibigay ng mensahe sa isang
malaking grupo ng tao sa pamamagitan ng anumang uri ng midya( maaaring
dyaryo, telebisyon, radio , pelikula atbp.)

KOMUNIKASYON AT ANG PROSESO NITO

Pangunahing layunin ng komunikasyon ay makapaghatid ng


impormasyon o mensahe. Na mauunawaan ito mula sa isang tao patungo sa
ibang tao o pangkat.
Ang prosesong komunikasyon ay binubuo ng tatlong pangunahing
sangkap.
Inihahatid ng tagapaghatid (sender) ang mensahe sa pamamagitan ng
tsanel (channel) sa tagatanggap (receiver) nito. Binubuo muna ng
tagapaghatid (sender) sa kanyang isipan ang ideya na siyang magiging
mensahe na isasalin sa ibang tao upang bigyan ng interpretasyon at
kahulugan. Ang pagbuo ng mensahe at paghahatid nito sa iba ay tinatawag na
encoding samantalang ang pagpapakahulugan sa mensahe ay tinatawag na
decoding.
Makikita sa ibaba ang modelo ng komunikasyon batay sa isinagawang
pagtalakay.

Tagapaghatid Tumatanggap Tagatanggap


Mensahe Transmisyon
(Ideya) (dekowd) (kahulugan)
(enkowd) (Signal)

Tugon (feedback)

PIGURA 1. MODELO NG KOMUNIKASYON

Mahalaga rin na malaman sa proseso ng komunikasyon ang tinatawag


na siklo ng pagtugon (feedback cycle). Kadalasan na umiikot dito sa proseso ng
komunikasyon sa mga pakikipagtalastasan na ating ginagawa. Sa tuwing
tumatanggap tayo ng mensahe sa isang indibidwal ay kadalasan itong
nagbibigay tugon na maaring berbal o di berbal na tugon. Mahalaga ito para
maunawaan ng tagapaghatid ng mensahe kung angkop ba ang naging
pagtanggap ng tagatanggap (receiver) ng mensahe sa ideya na nais niyang
ipahiwatig. Mahalaga ang tugon sapagkat maaari itong maging batayan ng
tagapaghatid (sender) ng mensahe kung paano siya makagagawa ng paraan
upang maging mahusay na tagapaghatid ng mensahe.
Ang pamantyan ng isang epektibong komunikasyon ay nakabatay sa
pagtugon ng tagatanggap ( receiver ) sa layunin ng tagapaghatid (sender ) ng
mensahe. Madali itong mapagtagumpayan sa interpersonal na komunikasyon
na kung saan ay may pagkakataon ang mga kalahok sa komunikasyon na
ipaliwanag ang mga punto n a nais ng tagapaghatid (sender ) kung sakali na
mayroong mga bbagay na hindi nauunawaan ang tagatanggap( receiver ) sa
pinag-uusapang mensahe.

You might also like